Unang SIbol
Disyembre 2, 1987. Ipinanganak ako sa Quiapo Manila. Hindi ko ito nalinaw sa kung anong hospital ako pinananganak dahil hindi pagtatanong sa aking ina. Pagkatapos ng isang buwan ay bumalik kami sa probinsya ng Capiz, 3 buwan gulang na ako sa oras na iyon nang namatay ang aking ama. Lumaki ako na isang batang (AM) ika nga nila. Giniling na bigas na minsan lng may halong gatas kapag may nagbigay sa amin na mga kaibgan ni Mama.
Sa Edad ng 3 dinala ako ng aking ina sa ilog upang Labada ng damit, dahil isang malikot na bata napasakay daw ako sa isang palanggana na lumulutang sa isang gilid ng ilog na hindi napansin ng aking ina. Ako ay sinagip ng ilan sa aming kapit-bahay sapagkat sila ay sigaw na hindi alam ng aking ina kung paano ako ilgats dahil hindi sya marunong lumangoy.
Sa edad na 5 ako ay nagdurusa ako ng isang sakit na na Tuberculosis (pulmonya). Nakuha ko daw ito sa pagkakhawa sa aking Lola Purang. Kapag lihim kung kinukha ang kanyang pagkain. Lumipat kami sa Cavite upang ipagamot ang aking karamdaman kung saan ang sakripisyo ng aking ina ang tunay kong naramdaman.
Nagtatrabaho siya bilang isang kasambahay sa isa sa kanyang pinsan, na kabayaran nito ay anag aking pagpapa-gamot at pag-aaral .Nagkakasya kami sa isang silyang kawayan na may isang piraso ng (kumot) at 3 piraso ng plastik na upuan na magkasama at 2 piraso ng unan. (Masama ang semento para sa aking sakit at walang foam na magagamit).