Chapter 2

1044 Words
"Nay alis na po kami" "Oh siya sige anak huwag magpapagabi ha.Huwag kayong maghihiwalay ng kapatid mo." Pagpapaalala sa amin ng aming ina. "Opo nay pag naubos na po iyong paninda namin ay uuwi din po kami kaagad" "Sige na para hindi kayo abutan ng init ng araw." "Sige po nay, Marie halika na para makadami na tayo." "Opo ate andiyan na po." ("Ako si Kyla Natividad 20 years old"Kay" kung tawagin ng mga tao sa aming lugar. Lumaki sa isang simpleng pamilya.Morena at Balingkinitan ang katawan at may height na 5'6.") Naglalakad na kami ng aking bunsong kapatid na si Marie upang maglako ng aming panindang kakanin. Araw ngayon ng Sabado kaya kasama ko ito dahil wala naman siyang pasok. Nasa ikaanim na baitang na si Marie at ako naman ay tapos na sa aking 4 years secretarial course. Hindi pa ako nakakapag apply ng trabaho dahil hindi ko pa nakukuha ang aking credentials sa school gawa ng wala pa akong pangprocess. Naagaw ang atensiyon namin ng may biglang magsalita sa gilid namin. "Hi miss beautiful masarap ba iyang paninda mo o baka mas masarap ka." "Marie bilisan mo at hinihintay na tayo nina tatay sa bayan." Napatingin naman si Marie sa akin na tila ba nagtatanong dahil alam namin pareho na nasa bukid si tatay at nasa bahay naman si nanay. " Napakasuplada mo naman Miss bibili lang ako ng kakanin mo." Wika ng lalaki na mukhang gangster sabay dila sa bibig nito. Akmang tatakbo na kami ng aking kapatid ng bigla akong hawakan ng lalaki sa aking braso. Bigla akong kinabahan at nang subukan kong hilahin ang aking kamay ay hindi ko ito matanggal, napakalakas ng lalaki. Umiiyak narin ang kapatid ko. "Marie tumakbo kana." " Pero ate..." Hindi ko na ito pinatapos sa kanyang sasabihin ng tiningnan ko ito ng deretso. Mukhang nakuha din niya ang gusto kong iparating sa kanya. Nakita kong tumakbo ang kapatid ko sa kumpulan ng mga tao. "Hmmm ang sarap mo siguro miss. Napakasariwa." " Bastos ka! bitawan mo ako." Nagpupumiglas ako ngunit hindi manlang lumuwag ang hawak nito sa akin. "Tulong please tulungan niyo ako." "Tumahimik ka kung ayaw mong bumaon sa gilid mo tong hawak ko." Nahintakutan ako sa narinig kaya tumigil ako sa pagsisigaw. Akmang hihilahin na ako nito upang isakay sa kanyang sasakyan, ng isang itim na kotse ang tumigil sa aming harapan. " May problema ba pre?" " Huwag kang makialam dito pre away naming magkasintahan ito." Agad akong umiling sa harap ng lalaki. Umiiyak narin ako. " Eh girlfriend ko iyang binabastos mo pre." Nagulat ako sa sinagot ng binata.Nakabaseball cap ito at nakashades kaya hindi ko siya mamukhaan.At bakit sinabi niyang girlfriend niya ako eh hindi ko nga siya kilala. Tinanggal nito ang suot niyang shades at nagulat ako ng makilala ang binata. "Drei?" Mahinang bulong ko. Nakita kong tila nagulat din ang lalaking nakahawak sa akin.Binitawan nito ang aking kamay at akmang tatakbo ng may dumating na mga pulis kasama ang aking kapatid. Hinuli nila ang lalaki at isinama sa presento. Sumunod narin kami dahil kailangan ang aking statement para sa gagawing imbestigasyon at para narin sa pagfile ng kaso laban sa lalaking nambastos sa akin. Nagpresenta naman si Drei na sasamahan kami. Sinabihan kong huwag na at baka nakakaabala na kami ngunit ininsist niya parin kaya pumayag nalang din ako. Pagkatapos akong kuhanan ng statement at maikulong ang lalaking nambastos sa akin ay inihatid ulit kami ni Drei sa bahay. "Pasok ka muna." paanyaya ko sa binata. Ngumiti ito at tumango ngunit ng akmang bababa na siya ng kanyang kotse ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. " Yes babe I'm coming, just wait me there and I'll pick you up." Rinig kong kausap nito sa kabilang linya. Tumingin ito sa akin. "Maybe some other time I need to pick up someone." "Okay lang. Salamat nga pala ulit sa pagtulong mo sa akin kanina at sa paghatid sa amin." " Nah, it's small thing I'll go ahead." Pinaandar na nito ang kanyang kotse at bumusina pa bago umalis. Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang sasakyan nito bago ako pumasok. Nakita ko kaagad sina nanay at Marie na nakaabang sa pintuan. Nauna na palang pumasok si Marie kanina ng hindi ko namamalayan. "Naku anak kamusta ka, may masakit ba sayo, naku talaga kapag nakita ko iyung bastos na iyon masasampal ko talaga ng wala sa oras ang lalaking iyon." Aligagang tanong ni nanay sa akin habang inalalayan akong makaupo sa upuang gawa sa kawayan dito sa sala namin. Ikwenento ko naman sa kanya ang lahat at ayon galit na galit ang aking ina. Nadatnan din kami ni tatay sa ganoong sitwasyon at tulad ni nanay ay galit na galit din ito. Laking pasasalamat naman nila kay Drei sa ginawang pagtulong nito sa akin dahil kung hindi dahil sa binata malamang ay napahamak na ako at baka kung saan nalang ako pupulutin ng aking mga magulang. Lumipas ang mga araw at nanatili ako sa loob ng bahay. Unti- unti narin akong nakarecover dahil sa traumang dinanas ko sa kamay ng manyakis na iyon. Naalala ko na naman ang binata kamusta na kaya siya.Magkikita pa kaya kaming muli. Pero bakit pa ba ako umaasa?I know from the very start that he's already committed to someone but here I am hoping that someday maparamdam ko manlang sa kanya ang pagmamahal ko, kahit ako nalang and I'm not expecting something in return. "Haizzt bakit ba naiisip ko ang mga bagay na ito. Obvious na ba na pat*y na pat*y ako sa kanya? Hindi dapat ganito I need to distract myself para kalimutan na siya because I'm sure hindi na kami muling magkikitang dalawa. It's just a coincidence lang siguro nag napadaan siya noong araw na binabastos ako. And aside from that ayaw ko ring makasira ng relasyon. Dahil sa isiping iyon ay napagdesisyunan kong magmove on. I tried to compose myself. Naligo ako at nagbihis. Maikling dolphin short at maluwang na puting t-shirt lang ang suot ko. Hindi narin ako nag abala pang magsuot ng br* dahil dito lang naman ako sa bahay at ako lang mag-isa dito ngayon. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng kwarto at isang sunod- sunod na katok sa pinto ang aking narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD