bc

Contract Love Affair With The Billionaire CEO

book_age18+
842
FOLLOW
5.1K
READ
escape while being pregnant
drama
tragedy
twisted
office/work place
cheating
affair
assistant
seductive
like
intro-logo
Blurb

Si Kyla Natividad ay isang mabuting anak sa kanyang mga magulang. Lahat kaya niyang gawin maibigay lang ang buhay na kanyang pinapangarap sa pamilya.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkatagpo ang kanilang landas ni Drei Kaizer Mondragon isang kilalang bilyonaryo. Paano mababago ang kanyang buhay sa isang iglap ng dahil sa isang nakakontratang pag-ibig.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Aray!" Mahinang daing ko habang hawak hawak ko ang aking brasong natamaan ng may makabangga ako sa daan papasok ng mall dito sa aming bayan. Nakayuko kasi ako dahil hinahanap ko ang listahan ng mga ipapabili ni nanay sa supermarket sa aking gamit na pulang sling bag. Nang iangat ko ang aking tingin ay napanganga ako dahil isang magandang babae ang aking kaharap. Ngunit natigil ang aking paghanga sa kanya ng matalim niya akong tiningnan habang nakataas ang kanyang kaliwang kilay. "Sorry po" Hinging paumanhin ko sa aking kaharap. Ngunit isang mahigpit na hawak sa aking kaliwang kamay ang aking natanggap. "Next time don't you dare block my way dahil hindi lang yan ang aabutin mo. And look at your self hindi ka nababagay dito doon ka bagay sa palengke." Pangungutya pa nito sa akin habang nakangisi. Nasaktan ako sa aking narinig ngunit hindi ko manlang magawang ipagtanggol ang aking sarili dahil may punto din naman siya. Mahirap lang kami kaya kahit gustuhin ko mang bumili ng mga bagong damit ay hindi kaagad agad makakabili lalo na't mas kailangang unahin ang mga importanteng bagay. Napakagara ng kanyang suot na damit at iyong suot ko ay nagmukhang basahan. Binitawan na niya ang aking kamay at sinagi pa ang aking katawan bago ako tuluyang tinalikuran. "Hey what's wrong babe bakit ganyan ang mukha mo? Dinig kong tanong ng lalaking kakarating lang. " Oh sorry babe nabangga kasi ako ng isang babae right there, and worst siya pa iyong galit." Tumingin naman ang binata sa aking kinaroroonan at ng magtama ang aming paningin ay tila ba tumigil saglit ang lahat ng mga tao sa aking paligid. Nakatayo lang ako habang nakatingin din sa kanya. "Sh*t bakit parang familiar sa akin ang lalaki kahit nakabaseball cap pa ito. Hindi kaagad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa halo halong emosyon na aking nararamdaman kasama pa ng pananakit ng aking kaliwang kamay dahil sa mahigpit na pagkakahawak nito. Nakita ko nalang na nakaalis na pala sila. Nakita ko kung paano niya alalayan ang babae. Siguro ay kasintahan niya ito. Napatingin ako sa aking paligid at nakita ko ang ibang taong nakatingin sa akin. Ang iba ay makikita ang awa sa kanilang mga mata samantalang ang iba ay nakangisi tila ba nagustuhan pa ang kanilang nasaksihan. " Ang t*ng* kasi." Dinig ko pang sabi ng iba. Napayuko ako dahil sa kahihiyang natanggap sa araw na ito. "Bakit ganun ang mga mayayaman ang baba ng tingin sa aming mga mahihirap." Turan ko sa aking isipan habang namimili ng mga nasa listahan ni nanay. "Hoy alam mo girl nakita ko kanina sa department store si Sam ang ganda pala niya alam kung siya talaga iyon kahit nakasalamin siya at naka casual hat. Siguro para di kaagad makilala at dumugin ng mga fans." Dinig kong sabi ng babae sa kasama nito. " Who's Sam ba girl?" "Naku hindi mo kilala she's the girlfriend lang naman ng bilyonaryong si Drei Kaizer Mondragon, iyong model na si Samantha Claire Hidalgo.Naku kahit kailan hindi ka talaga updated sa social media. Sikat na sikat iyon. Ang tangkad pala niya sa personal at ang ganda. Haisst nakakainggit talaga. Kaya siguro pat*y na pat*y sa kanya si Kaizer dahil talagang kinababaliwan ang beauty niya." wika nito sabay flip ng hair. Biglang naagaw ang aking atensiyon ng dalawang babaeng nag uusap ng marinig ko ang pangalan ng lalaking sa panaginip ko lang yata masisilayan. Lumapit pa ako banda sa kinaroroonan nila habang pasimpleng namimili kunwari ng mga nakalagay sa display counter. Marami pa akong narinig sa kanilang pag-uusap at talagang mahal na mahal pala ni Drei ang girlfriend nito. Lahat kaya niyang gawin para sa dalaga. Pero wait naalala ko iyong babaeng nakabanggaan ko kanina at ang lalaking kasama nito the way kung paano e describe ng babae iyong kabanggan ko kanina ay parehong pareho sa Samantha na sinasabi nila hindi kaya siya iyon,at ang lalaking nakatinginan ko kanina ay si Drei. OMG! kaya pala familiar sa akin ang mukha. Nakaramdam ako bigla ng selos sa hindi malamang dahilan. Yes lihim akong nagmamahal sa binata kahit na alam kong isang pangarap lang ang lahat. Pauwi na ako ng bahay at hindi parin mawala sa isip ko na kahit anong mangyari hanggang pangarap ko nalang na mahalin ni Drei. Wala akong laban sa girlfriend niya nakapanlumo pala kapag ganito na ang baba ng tingin mo sa sarili mo. "Ineng hindi ka pa bababa?" Dinig kong sabi ni manong driver ng jeep. Nabalik ako sa ulirat ng lingunin ko ang aking paligid at ako nalang pala ang nakaupo sa loob ng jeep ni hindi ko napansin na nagsibabaan na pala ang mga kasabayan ko. Ganoon na ba kalalim ang iniisip ko. Kimi akong napangiti kay manong driver sabay peace sign sa kanya. "Hehehe sorry manong may iniisip lang po." Napangiti lang si manong sabay tango. Bumaba na ako ng jeep at tumungo sa terminal ng tricycle na papunta sa amin. Dahil tig apat lang ang dapat karga nito ay mabilis kaming nakaalis. Sampung minuto lang ang ginugol namin sa byahe ay narating na namin ang aming baryo. Pagbaba ko sa tapat ng bahay ay agad akong nagbayad sa driver na taga rito din sa baryo namin. Pumasok ako sa bakod na gawa sa kawayan at nakitang nakabukas na ang pinto ng aming bahay ibig sabihin ay nandito na si nanay. "Nay ang aga niyo naman yata nakauwi?" Salubong na tanong ko ng makita siyang nakatayo sa tapat ng pinto malamang ay narinig nito ang pagtigil ng tricycle. Naubos daw kasi ng maaga ang kanyang panindang kakanin kaya nakauwi kaagad siya. Iniayos ko na ang aking mga pinamili at pumasok muna sa aking kwarto para makapagpalit. Muli kong nasilayan ang mukha ni Drei sa aking dingding at bumalik sa isip ko ang aking mga narinig kanina. Kahit anong gawin ko wala akong laban sa kasintahan nito. Maganda ito, sikat at alam kong galing din ito sa mayamang pamilya. Pero alam kaya ni Drei ang magaspang nitong pag-uugali? " Haizzt bakit ko ba pinoproblema iyon." Lumabas ako ng kwarto at tinulungan ko si nanay sa paghahanda ng mga gagawin nitong kakanin mamaya para naman maaga itong makapagpahinga. " Nay total sabado bukas kami nalang muna ni Marie ang magtitinda para naman makapagpahinga naman po kayo.Araw-araw nalang po kayong nagtitinda." "Naku anak okay lang ba sa inyo ni Marie?" " Opo naman nay."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.1K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook