bc

Separated Love (Season 2)

book_age16+
296
FOLLOW
1.4K
READ
family
friends to lovers
goodgirl
brave
student
drama
sweet
highschool
small town
illness
like
intro-logo
Blurb

Jaycee and Asher had been through a lot of difficulties and thought they'd had enough of this. Until something unexpected happened, separating their paths once more by a person they never thought could betray them.

Sacrifices, responsibility, family, and love... Once you've been duped and made a bad decision, these things are at risk.

After all, the worst you've ever known could not be the worst yet.

chap-preview
Free preview
Chapter 51
This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Plagiarism is a crime punishable by law. © All rights reserved 2022 Separated Love by larajeszz Chapter 51 Nakaupo sa kaniyang rocking chair ang matanda habang iniisip ang masasayang araw ng kaniyang buhay. Hirap na siyang maidilat ang kaniyang mga mata ngunit makikita pa rin na siya'y masaya. Pinagmamasdan niya ngayon ang malaking puno sa harapan ng kaniyang mansiyon na madalas na pinaglalaruan nila noon ng kaniyang apo na si Jayceelyn. Wala naman siyang masiyadong naging sakit noong kabataan, ngunit sadyang matanda na siya kaya naman hindi na kaya ng kaniyang katawan ang maraming bagay. Parati na lamang siyang naririto sa kaniyang upuan na pag-aari pa ng yumao niyang asawa. Mistulang galit ang langit sapagka't nagdidilim ito at tila kahit anong oras ay bubuhos na ang malakas na ulan. Parang ipinahihiwatig nito ang dapat na nararamdaman niya sa mga oras na iyon dahil ramdam niya na malapit na magwakas ang mga araw niya sa mundo pero salungat doon ang nararamdaman niya. "Magkikita na tayo... sa wakas," hirap siyang sambitin ang mga salitang 'yon. Mga salitang masaya niyang tinuran para sa kaniyang kabiyak. Masaya siya. Mahahalata mo 'yon sa kaniya kapag tinignan mo siya sa mga mata. Dahil kahit mawala man siya sa mundong ito na alam niyang labis na ikalulungkot ng kaniyang apo, ay mayroong magbabalik… Masaya siya at nagtagumpay siyang makumbinsi ito na bumalik ng Pilipinas. Mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan ay hindi sila nawawalan ng koneksiyon. Talagang lahat ay gagawin niya para sa kaniyang apo, kahit pa hanggang sa huli niyang mga sandali. 14 years ago... "Lolo, alam mo po ba? Ikaw na lang po ang friend ko," kuwento ng limang taong gulang niyang apo habang sinusuklay ang buhok ng laruan niyang manika. "Ako na lamang? Bakit naman apo?" "Kasi po, hindi naman po nakikipag-play si Kuya Jaywen sa 'kin. Tapos sa school po, walang nakikipag-usap sa 'kin. Kaya tahimik lang po ako ro'n." Nakangusong kuwento ng apo niya. Pilit na ngumiti ang matanda at hinaplos ang ulo ni Jaycee. "Sinubukan mo na ba'ng makipag-usap sa kanila?" "Opo, Lolo!" sagot ng bata. "Pero parang ayaw po nila sa 'kin, eh. Hinayaan ko na lang po," muling ngumuso ang bata. "Bakit naman sumuko ka agad, apo ko?" muling tanong niya. "Kasi... ang hirap na po ng may kaibigan." Mas lalong naantig ang interes ng matanda na kausapin pa ang kaniyang apo. Naisip niya kasi na sa murang edad pa lamang nito ay tila may dinadala na kaagad 'tong problema. "Mahirap? Paanong naging mahirap iyon, Jaycee? Ang pagkakaroon nga ng mga kaibigan ang nakakapagpasaya sa atin," kuwento niya. Tinignan siya ng inosenteng mga mata ng apo. "Papaano bang naging mahirap iyon sa iyo?" Binuhat niya ang apo at iniupo sa kaniyang kandungan. "Sige na at i-k'wento mo na sa Lolo." Biglang lumungkot ang maamong mukha ng bata. Napanguso ito at ginalaw-galaw ang kamay ng kaniyang manika, nag-iisip kung magku-k'wento ba siya sa kaniyang Lolo o hindi. "K-Kasi po, Lolo. Si M-migmig po, umalis po siya, eh," nanginig ang mga labi ng bata sa pag-pipigil ng kaniyang mga luha. "Ang sabi niya po s-sa 'kin, hindi siya aalis. S-Sabi niya po 'pag nag-school kami, hindi siya papayag na hindi k-kami classmates... T-Tapos... no'ng nawala po ang Daddy niya, b-bigla na lang din po siyang... nawala." Tuluyan nang naiyak ang bata at naisubsob ang mukha niya sa dibdib ng kaniyang Lolo. Agad naman niyang inalo ang likod ng apo, hindi niya inakalang sa murang edad ay may dinadamdam na itong gano'n. Na may pangungulila pala ito sa dati niyang kaibigan. "M-Miss na miss ko na po si Migmig, Lolo... gusto ko pong makita ulit si Migmig," iyak ng bata sa dibdib niya. "Shh..." Pinatahan niya ang apo. Inalo sa likod, hinahalik-halikan ang ulo, hanggang sa nakatulog na ito. Naisipan niyang mas maigi na matulog ang apo sa loob ng mansiyon dahil malapit na ring lumubog ang araw. Nang tumayo siya habang buhat-buhat ang bata ay nahulog ang manika nito sa kina-uupuan nila. Kinuha niya ito habang nasa paa ang hawak, napansin niya ang sulat-kamay ng isang bata rito. 'Mig' Iyon ang salitang nakasulat sa sapatos ng manika ni Jaycee. Napaisip ang matanda at napangiti. Sa murang isip pa lamang ng batang buhat niya ay marunong na kaagad itong magpahalaga sa isang tao. Sa ilang araw pa na pamamalagi roon ng pamilya nina Jaycee ay naitanong niya minsan sa ina ni Jaycee na siyang anak niya kung sino ba ang Migmig na iyon na palaging binabanggit ng kaniyang apo. "Kapit-bahay po namin noon, Pa. Hindi ko rin alam kung nasaan sila ngayon, eh. Sobrang nalungkot si Jaycee noong nagising siya na wala na ang batang 'yon. 'Yon pa lamang po kasi ang nagiging kaibigan niya," paliwanag ni Jenny. "Naaawa ako sa aking apo. Ramdam ko ang pananabik niya na makitang muli ang batang iyon," aniya. "Sa tingin mo ba ay naririto lamang sila sa Pilipinas?" Umiling ang kaniyang anak. "Australian po ang ina ng batang iyon. Malamang ay nandodoon sila ngayon sa ibang bansa." "Sa Australia? Alam mo ba ang apelyido nila?" Napaisip si Jenny. "Hindi na masiyadong malinaw sa akin ang mga napagk'wentuhan namin noon pero ang natatandaan ko ay Wilson ang apilyedo nila. Kilala rin po ang pamilya nila roon." Australia... Wilson... Sabi ng matanda sa isipan niya. Magmula nang makakuha ng impormasyon mula sa ina ni Jaycee ay agad na ginamit ng matanda ang mga koneksiyon niya upang matunton ang kinaroroonan ng bata. Pinababantayan niya ito sa mga kakilala niya pero pinakabilin niya na 'wag itong lalapitan o kakausapin para hindi ito matakot. Natuwa siya nang maikuwento ng tauhan niya na narinig nito ang batang si Asher na humihiling na sana ay kaklase niya si Jaycee ngayon habang naglalakad ito papasok ng paaralan. Sa dalawang taong pagkakahiwalay nila ay hindi pa rin ito nakakalimot gaya na lamang ni Jaycee. Dumaan pa ang ilang taon, nang pareho nang nasa walong taong gulang ang mga bata ay personal na pinuntahan ng Lolo ni Jaycee si Asher. Hindi naman ito alam ng kaniyang apo dahil ito'y masayang namumuhay ngayon doon sa kanila sa Maynila. Napag-isipan ng matanda na sa eskuwelahan na lamang niya pupuntahan si Asher dahil tiyak siyang makikita niya kaagad ito roon dahil sa ilang taong pagbabantay nila ay hindi ito palaliban sa klase. Habang naglalakad siya kasabay ng mga batang papasok na sa eskuwelahan ay huminto muna siya at nag-abang na lamang. Naisip niyang mas mabuting abangan na lamang niya ito kaysa malampasan siya dahil mabagal na siyang maglakad. Napaaga pa siya ng mahigit 10 minuto. Alam na alam niya rin ang oras ng pagpasok ni Asher. Napangiti siya nang ilang saglit lamang ay namataan na niya ito sa daloy ng mga tao. Sa edad na walo ay kitang-kita na sa batang ito ang kakisigan at katangkaran kaya naman hindi siya nahirapang mapansin ito kaagad. Habang papalapit ito nang papalapit sa kaniya ay nagdadalawang-isip pa rin siya kung iyon bang naisip niya ang kaniya talagang sasabihin upang makuha ang atensiyon nito. At ayan na, halos dalwang dipa na lamang at layo nila sa isa't isa... "Ecee," ani ng matanda. At gaya nang inaasahan ay napatigil ito sa paglalakad. Napalunok ang bata at dahan-dahang lumingon sa kaniya na nakakunot ang noo. 'Yon nga ang inaasahan niyang magiging reaksiyon nito kaya muli siyang napangiti. Mas lalong nangunot ang noo ni Asher kaya naman alinlangan niyang nilapitan ang matanda. "Excuse me, Sir. Do I know you?" seryoso, ngunit magalang na tanong nito. Bahagyang natawa ang matanda. "Hindi mo ako kilala pero kilala kita, Migmig." Nagulat si Asher sa sinabi at tinawag sa kaniya ng matanda. Tumingin pa ito saglit sa may gate ng pinapasukan niya para makita kung siya ba'y mahuhuli na sa klase. "Kilala niyo po ako?" may pagka-slang na tanong nito. "At... Ecee po ang sinabi niyo kanina, 'di ba?" Tumango siya. "Oo. Apo ko si Jaycee, at ikaw rin ang dahilan ng pagpunta ko rito." Parang nagliwanag ang pandinig ni Asher nang marinig ang pangalan ng dating kaibigan pero hindi niya maintindihan kung dapat niya bang paniwalaan ang matandang nasa harapan niya ngayon. Kita ng matanda ang pag-aalinlangan sa mga mata niya kaya naman kinuha niya mula sa kaniyang bulsa ang family picture nila kung saan nakaupo pa sa kandungan niya si Jayceelyn. Nakumbinsi niya ang bata nang araw na iyon. Hiniling pa nga niya rito na kung puwede ay lumiban muna kahit isang araw lamang para sila'y makapag-usap pero hindi pumayag ito. Ayaw raw niyang sanayin ang sarili na lumiban sa klase. Walang nagawa ang matanda, ayaw niyang sirain ang magandang asal na iyon ni Asher kaya naman hinintay niya ang mga araw hanggang sa mag-Sabado. "Will I go with you when you return home?" tanong ni Asher sa kaniya habang kumakain sila. Hinatid si Asher ng kaniyang Mommy sa school dahil sinabi niya'y may activity silang gagawin ng mga kaklase pero ang totoo ay kikitain niya ang Lolo ni Jaycee. Nagi-guilty man sa ginawa niyang pagsisinungaling ay isinantabi niya muna iyon para lang sa kaibigan. Naikuwento na niya sa bata ang tunay na dahilan ng pagpunta niya roon. Sinabi niyang kahit ilang taon na ang nakalilipas ay nananabik pa rin ang kaniyang apo sa muli nilang pagkikita. "Hindi ko p'wedeng gawin iyon. The decision is on you whether you'll go back to the Philippines, or you'll stay here for good. Pero 'wag mo na muna itong isipin sa ngayon dahil bata ka pa, maaari mo namang tanungin ang iyong Mommy sa ibang araw o sa mga susunod pang taon." Nang sila'y paalis na sa lugar na iyon ay napahawak si Asher sa kamay niya. "When will we see each other again po?" Ngumiti siya rito, bahagya siyang bumaba para magpantay silang dalawa. "You can meet me here tomorrow. But I'm leaving the next day so we can just talk through gadgets when I get home," aniya at ginulo ang buhok nito. "But my mom doesn't let me and Aizan use gadgets all the time. So, I better just move to the Philippines so we could talk," inosenteng sagot nito. "Do you badly want to go back?" tanong niya na agad namang tinanguan ng bata. "But you still have to wait for the right time. Don't plan of going by yourself if you and your mom just had a tiny argument, that's bad. Okay?" Muling tumango si Asher. "When I grew up, you'll be the first one I'll visit aside from my dad!" Ngumiti ang matanda. "I'll wait for you then." Hanggang sa makabalik ang matanda sa Pilipinas ay parati siyang humahanap ng paraan para makausap si Asher. Kahit pa sina Jaycee ay muling nagbabakasyon sa mansiyon niya ay nag-uusap pa rin sila nito. Pero hindi niya magawang sabihin sa apo dahil wala pa namang kasiguraduhan kung ito ba talaga ay babalik, baka umasa lang ang apo niya. Ang Lolo ni Jaycee ang palaging nakakausap ni Asher sa t'wing may problema siya. No'ng una ay nahihiya pa siyang magsabi rito ngunit 'di naglaon ay napalapit na ang loob niya rito. Wala namang masiyadong problema sa pag-aaral at sa mommy niya si Asher, ang madalas lamang niyang nagiging problema ay ang pagiging strikto ng kaniyang lolo. Na kahit matataas naman ang nakukuha niyang marka ay gusto nitong naaangatan ng apo niya ang lahat ng kamag-aral, bagay na hindi naman gusto ni Asher. "I don't want to be on top just to belittle other's capability, I wanted to reach it for myself. Nothing else, Lo," sabi ni Asher sa telepono. "You should try to approach him, you're doing great, apo. I'm sure he'll understand." Napangiti si Asher sa sinagot ng matanda. "If only he sees me the way you do," napabuntong-hininga siya. "By the way, is Jaycee doing, okay?" "She is. She's maintaining her grades and she's finally learning to make friends. The last time I asked her, she already has four friends." "Boys?" Natawa ang matanda. "No, they're all girls." Muling napabuntong-hininga si Asher. "That's good to hear." Lumipas ang dalawa pang taon at unti-unti nang nanghihina ang matanda. Nung huli lamang ay ipinangako pa niya kay Asher na sila'y muling nagkikita ngunit pakiramdam niya'y hindi na niya ito matutupad. "Lo, how are you po? You’re still healthy ang strong, right??" may pag-aalala sa tono ni Asher nang muli itong makausap. "Oo, naman..." narinig ni Asher ang pag-ubo nito na tila hirap na kaya mariin siyang napapikit. "Wala ito, apo." "Mm," sagot na lang niya kahit hindi kumbinsido. "Take care of yourself. And I am... going back. Y-You said you'll wait, right?" Tumango ang matanda kahit hindi naman ito kita ng kausap niya. "I will always be here, and with you." Ramdam na ni Asher na nanghihina na ang lolo ni Jaycee. Mula pa lamang nang huli silang magkausap ay sinimulan na niyang kumbinsihin ang mommy niya na bumalik sa Pilipinas, pero nahirapan silang makauwi agad dahil sa dami ng trabaho ng kaniyang ina. Ilang buwan pa ang nakalipas. Ang tauhan na pinagbabantay kay Asher ay nakatanggap ng masamang balita... pumanaw na raw ang matanda, ibinalita nila ito sa binata na labis nitong ikinalungkot. Kung noon ay tahimik ito, mas lalo pa itong tumahimik nang mawala ang itinuturing na niyang pangalawang ama. Wala na nga ang daddy niya, nawala pa ang isang taong karamay niya sa tuwing siya'y may problema. Itinuring na rin siya nitong parang tunay na apo kaya gano’n na lamang ang pagkalungkot niya na hindi niya nagawang magpaalam dito sa huling pagkakataon. Pero alam niyang mas labis na nasasaktan si Jaycee kaysa sa kaniya… Kaya naman nang dumating ang araw ng pag-uwi ni Asher sa Pilipinas ay malaki ang panghihinayang niya. Masaya siyang makabalik, ngunit mas lamang ang lungkot. Batid niyang hindi na muling matutupad pa ang ipinangako niya sa lolo ni Jaycee na pagkikita nila. Pagkarating nila sa apartment na pansamantala nilang titirahan ay mag-isa siyang nagtungo sa Batangas kung saan inilibing ang matanda. Ang sabi niya noong bata pa siya ay ito ang pinakauna niyang bibisitahin pagtungtong niyang muli sa Pinas. Ang inaasahan niya ay sa mansiyon siya nito makakarating, at hindi sa isang... museleo. Dahil wala naman siyang susi ay pinagmasdan na lamang niya ang puntod nito mula sa labas. "I'm sorry if I'm late..." tumingala siya at pumikit. Ilang beses niyang sinabi sa sarili na hindi siya iiyak, pero ito ngayon ang mga luha niya at nagbabadyang pumatak. "But at least we met, for the first and... last time. Thank you for opening my eyes, you helped me realize where I truly belong. And for all the things you've said that helped me felt some comfort," pilit siyang ngumiti. "You are where you wanted to be, and I'm on mine..." Huling mensahe niya. Dahil hindi lingid sa kaalaman niya na nangungulila ito sa kabiyak sa napaka-habang panahon. ----- - larajeszz

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
113.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
71.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
164.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
78.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
22.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook