Chapter 94

2198 Words

Separated Love by larajeszz Chapter 94 Jaycee's POV Hindi ko ikinahihiya ang anak ko. Isa na yata 'yon sa pinakamalaking kasinungalingan na magagawa ko sa buong buhay ko kapag sinabi kong "oo". Kaya ko siyang ipagsigawan sa buong mundo, hindi ako mahihiyang sabihin sa kanila na ako ang ina niya. Pero may mga bagay na kailangan mong itago para na rin sa ikabubuti niya. Ayaw kong makuwestiyon. Wala akong gana ngayon na sagutin lahat ng katanungan ng mga taong makakalam ng nangyayari sa akin. Sa lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon, napakalayo sa kagusutuhan ko na maging bukambibig agad ng mga tao sa paligid ko ang anak kong wala pang malay sa mundong 'to. Mga tanong na alam kong paulit-ulit nilang ibabato sa akin na maging ako naman ay hindi ko alam ang kasagutan. Nasaan ang tatay ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD