Separated Love by larajeszz Chapter 88 Jaycee's POV 5 months later... Kakatapos lamang ng check-up at ultrasound ko. I’m having a baby girl. Hindi ko na ginustong isurpresa sa kanila ang gender ng baby ko dahil baka mag-abala pa sila ng pa-gender reveal. I was about to sleep nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. It was Isaac calling. "Hello?" Hindi ko mapigilan ang mapangiti, palagi niya akong tinatawagan simula nang mabalitaan niya ang nangyari sa amin. Minsan pa siyang nagbiro na puwede naman daw siyang tumayo bilang ama ng anak ko. Alam ko namang mabiro lamang talaga siya kaya hindi ko sineryoso iyon. "Ano'ng sabi ng doctor? Kamusta raw ang anak ko?" tanong niya kasabay ng malakas na halakhak. Napapikit ako dahil sa kaniya. "Please stop. Paglabas ng anak ko

