Separated Love by larajeszz Chapter 106 Jaycee’s POV Grabe ang kaba ko sa t’wing pinagmamsdan ko ang orasan na nakalagay sa mataas na pader ng hotel. Bakit ang bilis ng oras?! Mamaya lamang ay dinner na! Ibig sabihin… makikita ko na naman siya! Hindi p’wede ‘yon! Paano kung may kung ano akong nasabi sa kaniya kagabi? Paano kung alam na niya ang tungkol sa anak namin? Paano kung… nasabi ko sa kaniya na mahal ko pa siya? “Hindi puwede!” sigaw ko dahil sa sobrang pag-iisip. Napalabas naman si Cally ng CR at nahulog na rin ang ilang slices ng cucumber na nakalagay sa mukha niya sa sobrang pagmamadali. “Ano na namang nangyari?!” tarantang tanong niya. Hindi ko siya sinagot at gumulong na lamang sa malapad kong kama. Nakakahiya! Paano ko haharapin si Asher mamaya?! Hindi ko maalala ang m

