tw // self harm Separated Love by larajeszz Chapter 86 Jaycee's POV Wala na ako halos gana sa t’wing bibisita sa doctor ko. Wala na akong gana sa lahat pero pinipilit nila akong maging malakas dahil dinadala ko ngayon ang anak ko. Ang anak namin… Laking pasasalamat ko sa kanila na hindi na sila nagtanong sa kung ano ba ang napag-usapan namin ni Asher no’ng araw na ‘yon. Basta ang sabi ko lang ay baka hindi ko na siya makausap ulit dahil nagkaroon kami ng problema. Problema na maging ako ay hindi alam kung ano ba ‘yon. Hindi ko sinabi sa kanila ‘yong pakikipaghiwalay niya. Hindi ko kayang banggitin sa iba… dahil hindi ko rin ‘yon kayang mabanggit sa sarili ko. Dahil hindi ko pa rin ‘yon matanggap hanggang ngayon. Dumaan pa sa puntong naisipan ko na lang na ‘wag dalhin ‘tong bata sa s

