”Samantha didn’t survive. She died giving birth to your sister.” Parang tumigil sa pagtibok ang puso niya sa narinig. Nagsisimula na ring mamuo ang mga butil ng luha sa mga mata niya. Agad siyang lumapit sa ama at tinabihan ito.
“But why, why are you here right now? diba dapat inaasikaso mo ngayon labi niya. Tiwagan mo sana ako para may kasama ka doon.” Naiinis niyang sabi sa ama. Hindi niya maintindihan kung bakit sumugod ito ng uwi dala-dala ang kapatid niyang parang sa tingin niya ay itinakas lang yata nito sa ospital. Naguguluhan siya sa nangyayari. Wala sa loob na nasabunutan niya ang sarili.
“Kinuha nila ang labi ni Samantha.”
“What- Sino?” lalo siyang naguluhan, mas nadadagdagan rin ang kaba niya ngayon at parang pinipiga ang puso niya sa nakikitang pag-iyak ng ama niya. Huling beses niyang nakitang itong ganito ay noong namatay ang mommy niya noong labing-isang taong gulang pa lamang siya.
“Ang mga magulang ni Samantha, dumating sila noong nanganganak si Samantha. Hindi ko alam kung paano nila nalaman.” Pinahid muna nito ang mga luha gamit ang daliri saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Pati si Sofia, itinakas ko lang dahil gusto din nilang dalhin.”
Napakunot noo siya sa narinig.
“Pero dad mali ang ginawa nila. Asawa mo si Samantha at anak mo ang bagong silang. Kahibangan ang ginagawa nila, hindi ba sila nag-iisip na pwede silang kasuhan sa ginagawa nila.”
“Basta maimpluwensyang tao ay hindi na mag-iisip ng ganyan dahil kaya naman silang ipagtanggol ng pera nila.” Tanging sagot nito sa kanya.
Napaigting ang panga niya sa galit sa magulang ni Samantha. Kaya pala hindi madalas magkwento ang madrasta tungkol sa pamilya nito.
Bakit nila nagawa ang bagay na ito, hindi ba sila masaya para sa anak nila? Ni hindi nila binigyan ng respeto sa ama niya gayong doon mismo ito nagtatrabaho sa ospital na ‘yon. At masakit ito para sa ama niya, na hindi man lang alam kung saang lupalop ng Pilipinas nakaburol ang asawa.
Tumayo siya para puntahan ang bata sa kwarto nito na pinagtulungan mismo nilang idesenyo ni Samantha. Naabutan niyang tahimik na ang sanggol at pinapadede ni Nana Belen sa tinimpla nitong gatas.
Parang nanakit ang dibdib niya sa nakikita. Sobrang liit pa nito at pulang-pula. Naulila siya sa ina noong labing-isa pa lamang siya pero ang kapatid niya ay ulila na pagkapanganak pa lamang. Malungkot siyang tinitigan ni Nana Belen.
“Narinig ko ang lahat, nakikiramay ako Amanda.”
Tumango siya habang nag-uuhan sa pagtulo ang mga luha. Hindi na niya nakayanan ang bigat na nararamdaman. Pinahid niya ng mga daliri ang mga luha sa pisngi.Tumayo naman ang matanda at niyakap siya. Gumanti naman siya ng yakap at humagulhol ng tuluyan sa balikat nito. Pakiramdam niya ay nawawalan siya ng lakas, kung hindi lamang siya nakayakap sa matanda ay baka kanina pa siya bumuwal sa kinatatayuan.
“Kakayanin niyo yan Amanda, pagsubok lang ito. Matatag kayo diba.” Pang-aalo sa kanya ni Nana Belen.
Makalipas ang dalawang buwan ay nagpasya silang lisnin ang bansa para manirahan sa California. Dahil natatakot ang ama na baka hindi tumigil ang pamilya ni Samantha at kunin ng mga ito ang kapatid niya, si Sofia.
Nalaman din nilang hindi nairehistro ang marriage contract ng ama at ni Samantha. Galit na galit si Armando sa nalaman. Paniguradong kagagawan ito ng magulang ni Samantha.
Ang mga katulong ay binayaran na lamang , ‘yong iba ay nagsiuwi na ng probinsiya, isa na dito si Nana Belen. Ang sabi nito ay magpapahinga na lamang daw ito dahil may edad narin.
Ang ilan naman ay nag-apply sa ibang bahay na nasa loob lang din ng tinitirhan nilang subdivision.
Nasa ikalawang taon na siya sa kolehiyo sa kursong Business Management at doon na lamang niya sa America ipagpapatuloy ito, o baka kumuha siya ng panibagong kurso. Ang ama naman niya ay ipagpapatuloy nalang din ang pagtatrabaho doon.
Ngunit hindi naging madali ang buhay nila sa California. Si Armando na bagaman na nagtatrabaho ay nilulunod naman ang sarili sa alak pag-uwi ng bahay.
Si Amanda naman ay pinagpatuloy na lang din ang kurso kahit gusto niya sanang magshift ng ibang kurso, sa kadahilanang nahihirapan siyang balansehin ang oras sa pag-aaral at pag-aalaga sa kapatid.
Lalo na’t namomroblema siya sa inaasal ng ama.
Hindi na bumalik sa dati ang pag-uugali nito simula ng nangyari ang insedente kaya sila napadpad dito.
Nang makapag tapos siya ay hindi rin siya makapag-apply ng trabaho dahil sa kapatid. Tutol na tutol ang ama niyang mag-hire ng nanny o iwan ito sa daycare center tulad ng naisip niyang mungkahi para makapagtrabaho rin siya.
Sumama ng husto ang loob niya sa nangyayari. Nawawalan na siya ng karapatan sa sarili pero hindi rin naman niya matiis ang ama.
Depressed ito at hindi makawala sa nakaraan at kailangan ng alalay niya lalo na sa pagdating sa bahay.
Hanggang sa lumipas ang apat na taon ay nagdesisyon uli silang bumalik ng Pilipinas. Malapit narin namang sisantehin ang ama sa ospital na pinapasukan dahil sa ilan nitong kapalpakan at laging wala sa sarili.
Ngunit hindi yata umaayon ang pagkakataon sa kanila dahil hindi na muling nakapagtrabaho ang ama dahil hindi ito binigyan ng referral sa dating pinasukan. Nilapitan na din nito ang mga dating katrabaho at dating ospital na pinapasukan noong nandito pa sila sa Pilipinas naninirahan ngunit hindi ito nagtagumpay.
Ayos pa naman ang lahat dahil mayroon pa naman silang kaunting pera sa bangko at hindi parin naman niya nagagalaw ang trust fund na iniwan sa kanya ng mommy niya. Pero lalong lumala ang bisyo ng ama.
Stress of being jobless, Armando found himself addicted to casino. She was so frustrated. Todo tipid na nga sila sa natitirang pera bangko ay nagawa pa nitong isugal.
Kapag sinisita niya ito sa mga gawain nito ay sinisigawan lamang siya nito pabalik. “You don’t f*****g care, it’s goddamn my money. I earned it!”
Wala siyang magawa kundi ang magkulong sa kwarto at umiyak.
Pati si Sofia ay natatakot na ring lumapit minsan sa ama. Still, hindi parin nagbabago ang pasya nitong huwag kumuha ng magbabantay sa kapatid para makapag trabaho rin siya at tumulong sa mga gastusin sa bahay.
Hindi na niya kilala ang ama, tuluyan na itong nagbago. Wala narin siyang contact sa mga dating kaibigan para may mapagsabihan siya ng nararamdaman. Kung mayroon man ay hindi na niya alam kung tulad parin ba ng dati ang samahan nila dahil matagal ng panahon ang lumipas.
She’s lonely and mad at her father. Ngunit may mas malala pang nangyari na nagpayanig ng pagkatao niya. Her father took his own life.
Her father injected himself a drug that caused him a heart failure which led to his death. Ayon na din sa autopsy, doktor ang ama niya. Sinadya nito iyon.
Halos hindi siya makausap ng mga dumalo sa burol, kung hindi pa pumunta ang mga dating katulong nila noon na naninilbihan ngayon sa katabing bahay nang malaman ang nangyari sa kanila ay walang mag-aasikaso sa mga bisita sa burol ng ama.
Pati si Sofia ay hindi narin niya naisip kung napaliguan na ba ito o kung nakakain na ba.
Sari-sari ang nararamdaman niya, ang awa sa ama at pagkasuklam dito kung bakit nito napiling iwan sila sa gitna ng nararanasang kalbaryo.
Lalo na’t dumating mismo sa burol ng ama niya ang taga casino at pinaalalahanan siyang marami itong utang na hindi pa nababayaran.
Pati ang bangko ay nagpadala rin ng sulat patungkol sa malaking loan nito at ginawang collateral ang kaisa-isang bahay nila.
Nasapo niya ang bibig sa sobrang pagkabigla at dismaya sa ama. Wala na silang malapit na kamag-anak, saan sila pupulutin kapag nailit ng bangko ang bahay nila.