Chapter 1
“ANO BA! Tigil tigilan mo nga ako sa kasal kasal na yan Mara.” Ana rolled her eyes.
“Aba, Ana sa ating tatlo nila Cassie ikaw nalang ang hindi nagkakaboyfriend. Ano! Ganyan ka nalang? Maria clara ang peg.” She squat on the floor beside Cassie.
“Oo nga naman Ana. Ako ay malapit na ring ikasal.” Anitong binubuklat buklat ang hawak na wedding magazine.
“Hay, tigilan nyo nga ako. Pinagtulongan nyo pa talaga ako e no. tsk” Anitong tumayo at umupo sa kama.
“Sige ka! Baka maunahan ka pa ni Nika.” Natawang sabi ni Cassie na ang tinutukoy ay ang kaibigan nilang bakla, bago ibinaling sa kanya ang pansin.
Tumawa rin siya sa sinabing iyon ni Cassie.
“Si Nika? Nako ha! Ibang level yan kapag nangyari sisiguraduhin kong magmomongha nalang ako.” Ani Ana na kunwari ay nalaglag sa inuupuan.
“I heard my name.” Sagot ng kapapasok lang na si Nika.
“Hi niks!” Halos sabay sabay nilang bati dito.
“At ano naman ang nangyayare dito sa inyo mga sis?” nakangiti nitong tanong na umupo sa tabi ni Ana.
“Ito kasing si Ana, hanggang ngayon di pa nagkakaroon ng bf. Maganda naman! iwan ko ba ano problema dito sa babaetang to.” Sagot niya na umupo din sa tabi ni Ana
“Teka teka!” awat nito. “Aba Mara, kung tutuusin kahit marami kang naging bf wala ka namang sineryoso sa mga iyon. Baka nga mauna pa ako sayo eh.” Umirap na sabi ni Ana.
“Oo nga pala Mara. Ikaw, kelan ka naman pala magpapakilala sa amin ng special someone mo?” nanunuksong sabi ni Cassie sa kanya.
“Asus! Ngayon napunta na sa akin ang usapan.” Inis niyang sabi na pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
Mula ng mabigo siya sa huling lalaking sineryoso ay hindi na ulit siya nagtiwalang muli. Para sa kanya ay pare-pareho lang ang mga lalake. They will shower you with gifts and flowers, date you kahit gaano pa kamahal ang restaurant na iyon. Basta ang mahalaga ay mapasagot ka nila. Ika nga nila ‘They are putting their best foot forward’. And she enjoys it, walang commitment, walang sakit ng puso at umuulan ng grasya sa kanya! And the privileges of receiving gifts from her suitors are heavenly!
“Uy, natulala ka na naman dyan!” sita ni Nika sa kanya. “Baka pinagpapantasyahan mo ang bago kong fafa ha?” dugtong pa nito na pa ngiti ngiti pa.
“Sira!” aniyang binato ito ng magazine.
“Huwag yan!” sigaw ni Cassie sa kanya na hinablot ang mga magazine sa harapan niya.
“Tumigil na nga kayo.” Sita ni Ana.
“Ang mabuti pa alis muna ako mga sis, baka malugi ang kakabukas kong negosyo kapag nagtagal pa ako dito, sayang ang anda.” Anitong tumayo at tinungo ang pinto.
“Ok, Ingat!” Halos magkakapanabay nilang sabi bago ito makalabas.
Na pa hinto naman si Nika sa pag labas ng biglang may maalala "Nga pala Mara, may favor sana ako sayong hihingiin eh.” Ngisi ni Nika.
“Naku nakakatakot yang ngisi mo nayan Nika. Don’t tell me hihingi ka sa mga fafa ko ha? Nako talaga!” aniyang kinuha sa kamay ni Cassie ang isang magazine.
“Kainis ka! Hindi no!” napangiwi ito.
“Kasi may date kami ni Mark bukas.”
alanganin nitong sabi.
“So?”
“Eh may friend siya na isasama.”
“So?” ulit niya.
“Ano ka ba Mara! Obvious naman ang pinupunto ni Nika. Double date kayo para masolo niya si Mark.” Sabat ni Cassie na patuloy sa pagbuklat ng hawak nito.
“Ano ba yan!” nagrereklamo niyang sabi. “May date din kaya ako tomorrow night niks. tsk”
“Please?” Pagmamakaawa nitong nakalabi pa sa kanya.
“Pagbigyan mo na Mara, minsan lang naman humingi ng pabor sayo iyang si Nika.” Cassie said still looking at the pages of the magazine.
“Hay, ano ba yarn!” she sighed. “Fine! I’ll cancel my date for you. Pero please lang Nika ha?
Siguraduhin mong handsome at yummy iyang ka-date ko, kundi…”
“I know gigilitan mo ako sa leeg.” Tumawang tuloy ni Nika.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
KANINA pa siya naghihintay kila Nika. Ang usapan nila alas sais, pero alas siyete na ay wala pa ang mga ito. Inis na i-dinayal niya ang numero ng kaibigan. Sa lahat ng ayaw niya ay ang nale-late.
“Asan ka na bang bruha ka?” irritable niyang tanong kay Nika sa kabilang linya. “My God!Ano bang klaseng lalaki iyang ipa-padate mo sa akin at napaka pa-importante!” gigil niyang sabi nang sabihin nitong hinintay pa daw nila ang ka-date niyang dumating.
“Okay, sige pagbibigyan kita. But please naman bilisan nyo! Aamagin na ako dito kakahintay sa inyo! make up ko malulusaw na wala parin kayo.” inis niyang sabi bago pinindot ang end button.
Muli siyang naupo sa single sofa at binuksan ang bag. Inilabas niya mula doon ang compact mirror at nagsimulang mag-retouch. “Nako talaga nika! yari ka talaga sa akin mamaya makikita mo.” Gigil niyang sabi.
Nakilala niya sa Nickolas Santos o mas kilala bilang si Nika when she was in college.
Actually, nakilala niya ito dahil kay Ana and isa niyang kaibigan na patay na patay rito ng mga panahong iyon.
Nika was seating lazily while playing his food with his fork, at dahil wala siyang ibang mauupuan, she asked him if it’s okay to share tables with him. Isang malapad na ngiti ang ibinigay nito sa kanya at ipinaghila pa
siya ng upuan. There, she found a new friend, and there, she found out that he was a gay.
“Mara!” malakas na sigaw ni Nika mula sa labas ng kanilang gate.
Nakapameywang na lumabas siya ng pinto at hinarap ang eskandalosang kaibigan. “You’re –“ tiningnan niya ang relo sa braso. “one and a half hour late.” Nataas ang isang kilay niyang sabi na ibinalik ang tingin dito.
“I’m sorry, pero masmaganda sis, sa car mo nalang ako talakan kasi late na oh.” maarte nitong itinuro ang relo sa bisig nito.
She sighed. Ano pa nga ba ang magagawa niya? Mabilis siyang tumalima at sumakay sa kotse.
“Nice car.” Puri niya bago tuluyang sumakay.
“Oh well, so much for a nice car.” She looked at Nika.
“N-nasira kasi ang aircon.” Tila nahiyang sagot ng nasa driver seat.
“Kung nagrereklamo ka pwede ka nang bumaba.” Inis naman na sagot ng kanyang katabi.
“Excuse me?” Inis niya itong hinarap.
“Ang sabi ko, kung nagrereklamo ka pwede ka nang bumaba.” Ulit nito sa baritunong boses.
“And who are you to tell me?” Now she’s really angry.
“Ahm… sis, that is Zach, your date.” sabat ni Nika.
“What???” baling niya sa kaibigan.
“Yes. And this is Mark.” Pakilala naman nito sa lalaking nagmamaneho.
“Stop the car!” galit niyang sigaw.
“You can’t be serious Mara, nasa edsa na tayo, at gabi na. I’m sure you don’t want to ride a taxi at this hour.”
Nagsusumamo ang mukha ni Nika na nakatunghay sa kanya. In other words, he was telling her to calm down and to bear with him.
She sighed. Nakakadami ka ng bruha ka, humanda ka talaga sa akin after this. “Okay fine.”
Napahalukipkip niyang sabi na tumingin nalamang sa labas ng bintana.
Kung bakit naman kasi siya pumayag payag pa dito kay Nika na lumalabas at makipag blind date sa kasama nito. Aba! She will really make her friend blind after this sa badtrip nya. She was never treated like this before, at iyon ang ikinaiinis niya. like duh! Sa ganda kong to!? Hmp!