Tumigil naman silang kumain at napatingin sa lalaking sumigaw. "Who the heck is he?", tanong ni Charles. "Gosh ang gwapo naman.", namumulang sambit ni Hesly. Napakagat ako sa ibabang labi at ipinagpatuloy ang kinakain ko. Iisipin ko nalang kunwari hindi ko siya nakita dito. At saka bakit ba siya nandito? Sinong nag sabing pumunta siya dito? At paano niya ako nahanap? "Uh-oh, he's coming this way.", dagdag pa ni Hesly. Mas lalo akong kinabahan sa aking kinuupuan dahil sa sinabi ni Hesly. Napatingin ako sa iba at ramdam ko ang tingin na ibinibigay saakin nina Carlo at Nathan. Kaya binigyan ko ang mga ito ng 'what-are-you-looking-at?' Look. Siningkitan lang ako nang mga ito nang kanilang mga mata bago ipagpatuloy ang pagkain nila. "Babe." Napasinghap ako sa aking kinauupuan nang

