Nagising nalang ako nang maaninag ang sinag ng araw mula sa labas ng bintana. Napalingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko naaninag sina Hesly at Lorraine dito. Pero may nakita akong isang sunny dress at mga kakailangan sa banyo sa paanan ng kama ko kaya kinuha ko ito.
Para saakin ba ito?
Nagkibit-balikat nalang ako at tinignan ang oras sa cellphone ko. Napasimangot ako ng madatnan na palowbat na ako at 6:30 na.
Kailangan kong bumili ng charger, siguro may bilihan ng charger dito.
Pumunta na ako ng banyo at naligo ng mabilis dahil baka nauna ng kumain ang Dexra Evenfall na hindi man lang ako hinihintay.
Pagkatapos ay sinuklay ko na ang buhok ko saka nagmamadaling lumabas ng kwarto. Napatingin-tingin ako sa paligid pero hindi ko man lang sila natagpuan. Kaya napagisipan kong pumunta nalang sa kwarto ng mga lalaki, baka sakaling naroroon sila.
I knock on the door twice, then several times but no one answered.
Posible kayang iniwan nila ako at nagpapakasaya na sila ngayon kumain?
No! They can't leave me behind!
The food is special when they share it to me!
Sinubukan kong pihitin ang door knob at nagulat ako ng matagpuan itong hindi lock kaya hindi ako nag alinlangan na pumasok.
Pagpasok na pagpasok ko ay bumungad sa akin ang walang taong kwarto. Agad akong napasimangot ng makita ang nagkakakalat na mga damit ng mga lalaki habang magulo naman ang kanilang higaan.
Talagang pabaya ang mga lalaki pagdating sa paglilinis noh? Kailangan pang paluin sa pwet bago maisipan maglinis.
Agad kong kinuha ang mga nagkakalat na mga damit at itinupi ito. Inayos ko na 'rin ang mga higaan nila at ang mga unan na nasa ibaba. Motto talaga ng ibang lalaki, 'di naman namin ikakamatay ang hindi paglilinis.'
Puwes ako, kaya kong ipakita sainyo kung anong itsura ng kamatayan kung gusto niyo.
Nang matapos ko itong ayusin ay napatalon ako sa aking kinakatayuan ng biglang bumukas ang pintuan bathroom nila. Parang binagsakan naman ng langit at lupa ang puso ko at hindi napigilan na hindi mamutla nang makita kung sino ang lumabas mula dito.
"Sup, kid."
Imbes na siya ang magulat kasi ngayon niya lang ako nakita, ako pa yung nagulat.
Oh God, is this dejá vu?
Kitang-kita kung gaano kalinaw ang abs niya sa harapan ko. Parang gusto ko nalang patakan ng holy water ang mga mata ko.
"N-Nathan!", galit na sigaw ko at namumulang tumalikod mula sakaniya.
Nakalimutan kong sasama pala siya sa amin ngayon. Pero hindi ko naman inakala na nandito siya sa kwarto at naliligo pala letche.
"Why are you here?" amusement dances along with his tone.
Shit, bakit kinakabahan ako? Magpapatira ka na naman ba Chelsea? Tangina mo ha masakit 'yung dati, pinilit ko lang na hindi paika-ika maglakad! Huwag na! Ayokong matira ulit ng isang cheater!
"L-Lalabas nalang ako!", nauutal kong sabi at tumakbo papunta sa pintuan.
Pero katulad nalang ng paghablot nito saakin ay ang paghablot 'rin sa puso ko na naguumapaw sa kaba. Naramdaman ko nalang na malakas nitong tinulak sa pintuan ang aking likuran kaya napadaing ako sa sakit.
"What the hell, Natha-"
"Now you have the guts to cuss after those five months of disappearance?" Nandidilim ang paningin nito kaya bigla akong napalunok.
Humakbang ito papalapit saakin kaya naalarma ako. "Uhmm... N-Nagkaamnesi-"
"Don't fool me, kid. You wouldn't like it if you were in my shoes."
Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong napapalunok habang malakas na kumakabog sa aking dibdib ang puso ko. Sinubukan kong umalis mula sa posisyon ko para makaiwas sakaniya, "S-Sorry. Hindi kita kila-"
Napadaing na naman ako nang puwersahan ako nitong tinulak muli sa pintuan dahilan upang mapadaing akong muli sa sakit. Balak niya bang sirain ang pinto at sirain ang backbone ko?
"Chelsea." His dark voice lured into my ear.
The anxiousness kept on emerging, overflowing inside my chest as I stared at his menacing eyes. Indeed I was trembling in terror and yet the way he called me by my name hit me differently. There is something from the way he called me by my name.
He called me... He indeed called me by my name which he never did until now.
Magsasalita pa sana ako pero nabigla ako nang hawakan nito ang leeg ko. Hindi man nito hinihigpitan ang pagkakahawak sa aking leeg ngunit ramdam ko kung ilang puwersa ang linalagay niya dito upang hindi ako makaalis sa aking kinakatayuan.
Shit, he's pinning me on the wall with his grip on my neck. Am I going to die? Again?
"You can't lie to me." he remarked.
Nanatili naman akong nakatingin lamang sa kaniyang kamay na nasa leeg ko dahil hindi ko kayang makita ang kaniyang nandidilim na mga paningin.
What is he even mad about?
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." I tried not stutter and it was a success.
"Lie again and I'll kiss you." He threatens.
Tila ba dumagundong ng paulit-ulit ang puso ko at naikuyom ko na lamang ang mga kamao ko nang maramdaman na nanginginig ang mga ito.
Why am I even scared? Please tell me he wouldn't dare kissing me.
Tinignan ko naman ito ng may bahid na galit sa mukha. "Kung sino ka man, kakasuhan kita ng s****l harassment kapag hinali-"
Oh, no.
Parang tumigil nalang bigla ang mundo ko nang maramdaman ko nalang ang mainit nitong mga labi na nakalapat saakin. Gusto kong sumabog dahil sa mga emosyong bumabalot saakin na hindi ko matukoy kung ano.
Kahit pa simpleng halik lamang ito, hindi ko mawari kung bakit nanghihina ang mga tuhod ko nang maramdaman ko ang napakalambot nitong mga labi saakin. Napakabilis ng t***k ng puso ko at hindi ko alam kung anong iaakto ko sa sitwasyon na ganito.
Gulat akong napatingin sa mga mata nitong napakalamig na nakatitig saakin.
I can't help but to stare at his eyes the moment I caught it. Those ominous dark orbs are filled with profound yet pure emotions that every girl would fall into.
If I ever fall in those two depths of orbs... what would I even see?
[*knocks on the door*]
"Yuhoo.", narinig namin ang malumanay na boses ni Lorraine sa labas. "Tapos na kayo diyan? Kakain na 'raw.", tatawa-tawang tugon nito.
Nahimasmasan naman ako at namumulang itinulak ito papalayo mula saakin.
Hindi naman ito pumalag at nagpatulak nga papalayo. Kita ko pa ang madilim na ngise na nakaukit sa kaniyang mukha ngayon.
"Hello?", tawag muli ni Lorraine.
Sobrang nagiinit ang magkabilang pisnge ko nang pagbuksan ko ito ng pinto kahit hindi naman nakalock.
Bumungad saakin si Lorraine na malapad ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Are you two done with your session?", natatawang tanong nito saamin.
Napaiwas naman ako ng tingin habang hindi naman ito pinansin ni Nathan at pumasok muli ng banyo.
I can't even look at Lorraine. She knows how perverted I am!
Kissing her own cousin? Like seriously?
"Hey, I won't judge.", natatawang tanong nito. "Still, you're shy even though I have known what happened between the two of you last si-"
"Oo na! 'Wag mo na sabihin. Nakakahiya kaya." I mumble.
She pats my head while laughing her heart out. "Oh it's daijoubou."
Daijoubou...
Napatingin ako nang wala sa oras. "Where did you learn that daijoubou?"
"Oh. I met a kid earlier. He was lost, he said daijoubou. I think it he meant 'Okay'? I forgot.", inosente nitong sabi.
Natawa naman ako. Hindi ko alam na makakaencounter pala dito ng isang japanese si Lorraine. Buti nga siya eh kasi ako hanggang surf lang sa internet ng mga japanese dramas.
"Let's go."
Napalingon kami sa direksyon ni Nathan at nakitang nakasuot ito ng khaki shorts at puting t-shirt.
Bakit ang gwapo kahit ang simple ng suot?
Naramdaman kong siniko ako ni Lorraine. "Baka mahuli kang pinagpapantasya mo siya." natatawang sabi nito.
Mas lalong namula ang magkabilang pisnge ko at nang tapunan ako ng tingin ni Nathan ay umiwad ako ng tingin dito. Nagsimula na kaming maglakad habang nasa likuran namin si Nathan. Hindi ko kayang tignan ito marahil sa ginawa niya kani-kanina lamang.
"We're going to have breakfast at Starbucks.", she informs us.
Tumango nalang ako at tahimik kaming tumungo sa starbucks habang iniisip kung anong pwedeng kainin. Total, libre naman nila kasi kinidnap lang nila ako diba? Hihe.
Nang makarating kami ng starbucks ay nakita ko na ang mga itong nakaupo sa may mahabang mesa. Kumaway saamin si Jayden na parang ilang taon kaming hindi nakita.
"Hi insaaaaaaan!", sa lakas ng boses nito ay nakuha nito ang atensyon ng iba.
Saan kaya nito namana ang kakapalan ng kaniyang mukha?
Napadako ang tingin ko kay Carlo na matiim na nakatingin saakin kaya kaagad akong napaiwas ng tingin dito.
Tahimk akong umupo sa tabi ni Jayden dahil as usual, mapilit na naman siya at nasa kabila ko naman si Lorraine.
"Sino hindi bobo sainyo?", tanong ni Jason.
"Ha?", tanong namin dito.
"Ikaw ata itong bobo. Tatanong-tanong ka pa saamin eh hindi mo nga matapos-tapos sagutan ang exam sheets!", komento ni Hesly.
Pft. I couldn't agree more. Pero paanong napunta dyan biglaan ang usapan eh nagtatanong lang naman si Jason?
"Hoy! Ang ibig kong sabihin ay kung sino magaling mag memorize diyan? Siya na magorder ng pagkain natin." tugon naman ni Jason.
"I thought they have waitresses?", tanong ni Lorraine.
"Uhh...", napakamot sa kaniyang ulo si Jason. "Ay oo pala meron hehe." saad nito nang makitang may papalapit na waitress saamin.
"Tol naman, pahiya ka." umiiling-iling si Charles habang natatawa dito.
Isang napakagandang dalaga ang nakatayo sa aming harapan ngayon habang nakasuot ng uniporme. Nakakunot-noo itong nakatingin saamin na para bang maraming problema na dinadala. Ibinaling niy ang kaniyang tingin sa small notebook na hawak niya habang nakadiin na dito ang lapis.
Nang malaman namin na hindi niya kami tatanungin ay nagsalita nalang si Jayden. "Hihi gusto ko yung favorite 'rin ni Insan dito!", masayang sabi nito.
Tinignan ko naman ito ng hindi makapaniwala. Advance masyadong mag-isip? Hindi pa naman niya alam kung anong gusto ko eh.
"What do you want to eat, Chelsea?", tanong ni Carlo.
Ikawsanaperoasafriendlangakosayo.
"Uhm... k-kahit ano.", sagot ko. Kahit naman ano masarap dito sa starbucks eh.
"Okay, 3 Caramel Macchiato and uhh... 3 blueberry greek yhogurt parfait."
"Caffe Mocha and pancakes."
"Cappucino and waffles."
"Flat white and perfect oatmeal."
"Anything."
Hindi ito nagsalita at tanging tango lang ang ibinigay nito bago umalis sa harapan namin.
Dalawampung minuto ang aming hinintay bago ito maihanda saamin. Nalanghap ko kung gaano nakakapagaan sa kalooban ang amoy ng kape na nakalagay sa harapan ko at ang nakakatakam na larawan ng kakainin namin.
Hindi na ako nagdalawang-isip na kainin ito. Pinilit kong hindi maubos kaagad ang aking kinakain at ginaya sila na parang mayayaman kung kumain. Ang aarte naman nito.
"I already rented us a yacht. We will be get going after our breakfast.", tugon ni Carlo. Hindi naman kami umimik at nanatiling kumain na lamang.
"Excuse me, have you seen any lady with black, shoulder-length hair and ocean eyes?"
Parang nanigas ako sa aking kinauupuan at natigil ako sa pagkain ko nang makarinig ako nang pamilyar na boses.
Oh no. Naghahallucinate lang ako diba?
"Oh is that the one you've been looking for?"
Napatingin ako sa direksyon ng mga naguusap at nanlaki ang mga mata ko nang tinuturo ako ng isang waitress at sa tabi nito ay isang pamilyar na pigura ng lalaki.
Bigla akong binuhusan nang libo-libong kaba nang makita ito. Dahan-dahan itong tumingin sa direksyon ko at lumiwanag ang mukha nito nang madatnan ako.
"BABE!"
Fuck, no.