Chapter 6

2935 Words
["Who's that?"] Tanong nito mula sa kabilang linya. Nabalik naman ako sa ulirat at napailing-iling upang hindi matanga sa presensiya ni Carlo. Nararamdaman ko ang t***k ng puso ko na mas bumibilis habang patuloy lang akong tinititigan ni Carlo mula sa malayo. "Uhh, I-I'll call you back later, babe." Tanging saad ko dito at umiwas nang tingin kay Carlo na nandidilim ang mga paningin. ["Wait-"] Medyo nakokonsensiya ako ngunit hindi ko na ito pinatapos pa sa kaniyang sunod sa sasabihin at ibinaba na ang tawag. Pagkatapos ay hinarap ko si Carlo at huminga ng malalim upang ikalma ang sarili ko. "Uhh, Hi." Bati ko dito. Why am I even uneasy? Porket dumating lang si Carlo ganiyan ka na? Umayos ka Chelsea kung ayaw mong mahuli. Nagsinungaling ka na, huli na para pagsisihan mo ang sinimulan mong laro. "Boyfriend mo?" Biglaang tanong nito habang nakatingin sa phone ko. I nodded my head in response as I hid my phone behind me. "Yes, nag-aalala lang siya kung bakit hindi ako nakapunta sa laro niya kasi nakidnap nga ako." Matamaan ka please? Aren't you all guilty that even my relationship status with someone would be ruin because of them? Oh my gosh, I cannot even think of my boyfriend breaking up with me. "Just be thankful because we have found you instead of someone dangerous who might take you as a hostage." Sambit nito. Gusto ko na lamang matawa dahil sa sinabi nito at muntik na nga. Ang kapal ng mukha niyang mag-alala sa akin kung siya lang naman ang may kasalanan kung bakit nandito ako ngayon sa Mortal Realm at inakala nilang lahat na patay na ako. Ikaw 'yung delikado, Carlo, sayo dapat ako mag-ingat dahil trinaydor mo ako. Nais ko sanang sabihin iyong lahat sakaniya subalit hindi pwede, malalaman niyang nagsisinungaling ako tungkol sa amnesia na mayroon ako kapag sinabi ko ito sakaniya. Imbes na tawanan ang sinabi nito ay kinunotan ko ito ng noo. "Ha? Ano naman papasalamatan ko doon? Kayo 'yung delikado, hindi ko kayo kilala and yet you have taken me away from my home. Alam niyo bang masisira buhay ko ng dahil sainyo? Tapos relasyon namin ng boyfriend ko masisira 'rin ng dahil sainyo. Ano? Papasalamatan ko kayo nang dahil lang doon?" "Exactly." He stated in a dull tone. I can't help but roll my eyes as I cross my arms in front of him. "I'm not even happy being with strangers like you. Sino ba naman ang matutuwa kung may amnesia ka nga pero kinuha ka ng mga estrangahero against your will?", lies, Chelsea. Lies. Who said hindi ka masayang kasama mo si Carlo? I thought I saw a glimpse of another emotion crossed his features but I thought of it wrong. "But you should be, because even though you have lost your memories, we are still here as your friends." God knows how I badly wanted to laugh in front of him now. It's not the fact that he was a traitor to Crimson but the feeling of being seen only as a friend. Right, of course he only think of me as a friend. I will only be a friend to his eyes... a great acquaintance of his. Other than that, he's a traitor so why should I trust a guy that betrayed his homeland? "Things change; Everything changes." Iyon na lamang ang tanging naisagot ko bago napagisipang lumayo na sakaniya at bumalik na lamang sa kwarto namin nina Hesly. This excruciating feeling granted by love is a consequence of absent-resistance upon falling in love with a person with no redamancy. Love is truly a manipulative manner of heart and brain. It is either you let your heart take the bait, or let your brain acknowledge each and every part of what love is until you really have the knowledge what is wrong and right when loving a person. As every steps I take, I can feel the pain overweighing my entire system as the memories I had with him triggers my heart. It isn't the fact that he killed me last five months ago with nothing but full of hatred but the feeling of betrayal seen in every actions he made. He is unaware, he is unaware of how I truly love him to the bottom of my heart. Tears were aren't helping either, the only thing I must do was to suppress the pain so that no one can see how I am struggling with every pain I encounter. Napahawak nalang ako sa dibdib ko nang maramdaman ang kirot na nagmumula dito at huminga nang malalim upang kalmahin ang sarili ko. Gosh, it's been five months already. Bakit masakit pa 'rin? Nang makaharap ko na ang hotel room naming tatlo nina Hesly ay binuksan ko ito at nahagilap ko sina Lorraine at Hesly nasa iisang higaan habang nagkukuwentuhan kaya nagtaka ako at kinunotan ang mga ito ng noo. Kanina lang nag aaway sila sa may tapat ng bintana tapos ngayon parang nag get-along-together na sila. May schedule ba pag aaway nila? "Chelsea! Tara dito. Magkuwentuhan tayo.", anyaya ni Hesly. Malumanay ko na lamang itong nginitian at umiling saka sinarado ang pintuan sa aking likuran. "Matutulog na lang ako." Nagtaka naman ito sa inakto ko. Marahil nahahalata nila ang lungkot sa boses ko pero wala ako sa mood ngayon. Siguro matutulog nalang ako at magigising nalang mamaya para makipagusap kay Lorraine. Tinignan ko saglit si Lorraine at tinanguan ako nito na para bang nababasa niya kung ano ang nasa utak ko. Tumungo nalang ako sa aking higaan at humiga. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at hinintay na kainin ako ng tulog. Hindi ko alam mangyayari sa akin bukas. Hindi ko 'rin alam kung makakabalik pa ba ako sa bahay ko. Ang tanging alam ko lamang sa ngayon ay may mali. Alam kong may mali. "Chelsea?" Iminuklat ko ang aking mga mata at napagtantong nakatulog nga ako. Napatingin ako sa paligid ngunit agad na napakunot-noo ako. "Yessa?" Hindi makapaniwalang tawag ko dito. Ngumiti ito dahilan upang makita ko ang napakaganda niyang mga ngipin. Nakasuot ito ng chiton at hindi ko alam kung bakit nakaganito siya ngayon. But her physique is different than before. It felt like a lot of changes happened to her. "Chelsea..." She called once again. Napatingin ako sa paligid at napagtantong wala ako sa kwarto. Kitang-kita ko kung saan ako nakahiga ngayon. Sa isang field na hindi ako pamilyar, nagtataka ako kung bakit dito ako natutulog sa d**o at kung magdamag ba talaga akong natulog dito at natagpuan lamang ako ni Yessa. Mula sa malayong distansya ay grupo ng mga estudyante na kunot-noong nakatingin saamin ni Yessa. Pero agad akong napakurap-kurap nang makita ko ang pamilyar na imahe ng isang lalaki na kasali sa grupo ng mga estudyanteng nakatingin sa direksiyon namin ni Yessa. He's eyeing me suspiciously. Where and when did I even encounter him before? "Yessa, nasaan ako? Bakit nandito ako?" Kunot-noo kong tanong dito. Ramdam ko 'rin na hindi ako makatayo sa aking kinahihigaan ngunit nakayanan ko naman makaupo. What the hell... It felt like my body seems to be so heavy that I can't even lift myself up. If so I force myself upon standing, I would only be then feel dizzy. "I should be the one asking you that. Why are you here?" Balik tanong nito. "H-Hindi ko alam.", naguguluhan kong tugon at napatingin ulit sa mga estudyante. The only thing that I can remember is that I know I was lying on my bed then this happens to me. Who even has the authority to take me here? "Chelsea." Ramdam ko ang kaniyang malambot na kamay sa aking pisnge at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "You can't be here." Mas lalo akong naguluhan sa kaniyang sinasabi. "Anong ibig mong sabihin?" Kita ko ang bahid na pag-aalala sa kaniyang mga mata habang nakatingin saakin dahilan upang kabahan ako. She seems... bothered by something and it's bothering me also. Tumingin siya sa grupo ng mga estudyante bago ibinalik saakin ang kaniyang mga tingin. "Have you ever been to Astra?" Astra... Where did I heard that again? Akmang magtatanong ako dito subalit ramdam kong namimigat ang mga talukap nang aking mga mata. Namanhid 'rin ang aking katawan dahilan upang mahiga ako. Nandilim ang aking paningin at wala akong magawa kung hindi ay ipikit ang aking mga matang namimigat. Subalit agaran akong nagising sa aking tulog at nang buksan kong muli ang aking mga mata ay ang puting kisame. Napalingon-lingon ako sa paligid at kumalma nang natagpuan na nakabalik na ako sa kwarto namin nina Hesly. Panaginip lang pala, then I should have nothing to worry about. Napabuntong-hininga ako habang inaalala si Yessa sa aking panaginip at napasapo sa aking noo. "Astra..." Bulong ko. It seems oddly familiar. I can't even remember when I have ever heard of it before. Gosh, Chelsea ang utak mo parang punum-puno nang nangangalawang na brain cells. Kulang nalang magpa-transplant kang panibagong utak. Napaupo na lamang ako sa aking hinihigaan at tumingin sa bintanang malaki. Natagpuan ko ang paarkong buwan sa labas na nagsisilbing aming liwanag ngayong gabi. Napakaganda... "I see, you're awake." Agad akong napalingon sa kaliwa ko at nakitang nakaupo sa kama niya si Lorraine habang si Hesly naman ay tulog na sa kaniyang kinahihigaan. Natulog 'rin ba siya o sadyang naghintay lamang siya na magising ako? "I also slept.", sambit nito. Tumayo na siya sa kaniyang kinahihigaan at sinenyasan akong sumunod. Sinunod ko naman siya at lumabas kami nang kwarto. Napakatahimik na ng hallway at minsan ay may staffs kaming nadadaanan. Pumunta kami sa isang malaking balkonahe na hindi ko naman nakita kanina lamang. Sumandal ito sa baranda at tumingin sa kalangitan na punum-puno ng mga bituin. Iginaya ko naman ito. Ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa aking mukha na naghahalo sa amoy ng tubig-alat habang nakatingin kami sa nagmumunting mga bituin sa madilim na kalangitan. If only I could reach the stars... "Do you know what it takes to make a star shine so bright?" Tanong nito. "Ano?" Tanong ko habang nakatingin pa 'rin sa kalangitan. "A shitload of f*****g darkness.", sabi nito. Nanlaki naman ang aking mga mata at napatingin dito pero tatawa-tawa lang siya habang nakatingin sa mga bituin. "Kailan ka pa natutong magmura?" di makapaniwalang tanong ko. "Oh, I cuss alright. Every second inside my mind." tugon nito. Hindi ko inakala na ang isang Lorraine Marioneta na napakamisteryoso at palaging nakangiti na anghel ay nagmumura pala. "Well I will take that as a compliment." Hindi talaga alam ang salitang mind privacy. Binalutan ulit kami ng katahimikan at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung ikukumpara kay Hesly, naiilang ako minsan kapag si Lorraine ang kausap ko. Medyo creep at suspicious kaya hindi ko malaman-laman kung anong iniisip niya tungkol saakin kapag magkasama kami. "Just like you...", pagbabasag nito ng katahimikan. "You need to be in a crowd full of darkness to shine the brightest." Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dahil parang sirang plaka ang utak ko ngayon. At bakit naman kinukumpara niya ako sa mga bituin? "A lot has happened within that five months, Chelsea." she uttered. "Oh right, I forgot asking you questions.", tumingin ako sa kalangitan. "Ano ba ang mga nangyari? At bakit kayo nandito?" "Hmm...", nagisip-isip ito. Hindi niya ata alam kung saan magsisimula. "After the war, we thought you died because you turned into ashes yourself. But still, why are you even alive?" "Same goes to Carlo. Bakit buhay pa siya? Diba naging abo siya?" "I don't know.", she mumbles. "Pero ikaw? Bakit buhay ka pa?" You see, Lorraine... I cannot even die. Iniangat ko ang aking isang palad at sa isang iglap lang ay may lumabas ditong isang mini universe na ikinalaki ng kaniyang mga mata. Parang gumawa lamang ako ng hologram ng universe mula sa aking kamay. "My ability...", I paused. "I can't die because of my ability." Hindi ito umimik at nanatiling nakatingin sa aking mga palad. Hindi ko nga 'rin inakala na sa loob ng limang buwan na iyon ay magiimprove ako. I just woke up one day, that I can even make a mini universe with my own ability. I can manage to do a lot of things because of my own resurrection, I am not even God but I cannot believe I can have his own ability which is fully disturbing. "The ability to hold and grant the existence of every form in this universe- scratch that, because you, yourself is universe." Nanlaki ang mga mata ko at nag init ang dalawang pisnge dahil sa sinabi nito. Nakakahiya, alam naman niyang saaming dalawa, ako ang pinakamahina tapos pinupuri niya ako. "That's why I can't even die. I died three times in the battlefield am I not correct?", natatawa kong saad. Tumango naman ito. Naaalala ko pa ang kabobobohan ko noong natapakan ako ng isang napakalaking higante, tapos noong sinaksak ako ni Carlo ng icicles, at ang huli ay noong naging abo ako. What if I even commit suicide? Will that count as my death? "Lorraine, bakit kasama niyo si Carlo? Diba trinaydor niya tayo?", nagtatakang tanong ko at tumingin dito. Umiling-iling naman ito na mas lalong ipinagtaka ko. "Of course, I still accused him for what he have done to our Realm but that doesn't change the fact that he was just possessed by Chaos." "Huh? Possessed?", tanong ko. Tumango ito. "I know he isn't lying but still, of all Elementalists, I don't know why Chaos have chosen Carlo's body to use." Napatingin naman ako sa ibaba at napaisip-isip. Totoo nga ang sinasabi ni Lorraine, napakaraming Elementalists na pwedeng pagpilian ni Chaos pero si Carlo ang pinili niya. Is it just coincidence? "Siguro coincidence lang?", sagot ko pero nagkibit-balikat lang ito na parang hindi naniniwala sa coincidence. "Speaking of Chaos, we have a mission concerning him.", saad nito. "Huh? Si chaos? Si Carlo ba ang tinitukoy mo?", tanong ko pero umiling ito. "We're talking about Chaos here, not the body he possessed. And Nathan would be here but I don't know if he's with Mnemosyne.", saad nito kaya napintig ang tenga ko. "Mnemosyne?" Gosh, the important Goddess of Crimson Academy is in the Elemental Realm? Dati pa ako nagtataka kung bakit napakaimportante niya at malalaman ko nalang kay Lorraine naroroon lang siya sa Elemental. "You didn't know?", she asks in disbelief. "Know what?" "Yessa is Mnemosyne." Parang gustong isabotage nang utak ko ang sarili ko dahil sa sinabi ni Lorraine. Kung kailan ako umalis, saka ko lang malalaman ang mga katotohanan? AND ALL ALONG I WAS WITH MNEMOSYNE AFTER ALL. Nagtanong pa naman ako dati kay Yessa kung sino si Mnemosyne at ni hindi man lang niya sinabi na siya si Mnemosyne? What the heck. I even saw her in my dream recently. I was blinded and unaware all along. "Kahit nga kami hindi inaakala na ang former member ng Dexra Evenfall pala ay si Mnemosyne. We should have known better.", natatawang sabi ni Lorraine. Sana nga magkita kami ni Mnemosyne. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko na 'rin magtanong sakaniya. Magtanong ng napakarami. "How about your mission?" "The mission? Oh. It's about finding the fragments of Chaos.", tugon nito. "Fragments? Pieces of Chaos? Anong itsura ba noon?", hindi ko maimagine kung anong itsura ng mga pira-piraso ni Chaos. Does it include his limbs and his internal organs? "Even the Dexra Evenfall have a small amount of knowledge regarding the fragment of Chaos.", hindi makapaniwalang sabi nito. "Dito ba mahahanap 'yung fragments niya?" "Actually it's located in the Elemental Realm. We would just like pay visit to Audris who have known the fragments of Chaos for a long time now." So I have only assumed I was also part of their mission. "Saan ba 'yon?", tanong ko. Tinuro niya ang dalampasigan na kung saan wala kaming makita kung hindi ay kadiliman. "We must go there tomorrow morning. She lives in an island." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya aswang 'yon or what? "Is your mission really that important?", tanong ko. "Yes. The headmistress told us about the presence of unidentified species meddling in both realms. The other elementalists are taking care of it so we must take our move too or else they will invade and eliminate all living things, living in both realms." Napatanga ako sa sinabi nito. Ni hindi ko man lang nga napansin na may mga kakaibang kalaban palang naririto sa Mortal Realm dahil wala naman akong napapansin na masama. At hindi ko alam na habang ako nagpapakarelax dito sa Mortal Realm, nagpapakabusy pala ang ibang elementalists para maligtas ang dalawang Realm. At saka... "Kakatapos palang ng digmaan noong nakaraang limang buwan tapos meron na naman?", wala bang tigil ang pagrami ng mga kalaban? "Oh don't worry. We will find a resolution right away.", sabi nito. Akala ko hindi na ito magsasalita pero bigla itong nagsalitang muli. "One more thing... the head told us about this song..." "Ha? Kanta?", maraming kanta dito sa Mortal Realm kung sakaling gusto ni Head ng kanta. "She said it's the chant of the untold, made in the Soul of Creation.", sabi nito habang nakatingin saakin. The chant of untold? Pwede bang pasabugin ko nalang utak ko dahil hindi ko maintindihan? "Ano ang Soul of Creation?", hindi ba mauubos tanong ko? "The soul of Universe.", she remarked while giving me a suspicious smile. "The song created is buried deep within the soul of universe." A Song buried deep within the soul of Universe... I don't know why but the last thing she uttered about while smiling at me unknowingly made me shiver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD