Habang naglalakad kasama ang Dexra Evenfalls ay pansin ko ang mga tingin na ibinibigay sa amin nang aming nadadaanan at medyo nakakahiya. Ngunit wala na akong magagawa kung pare-parehas na magaganda at mga gwapo mga kasama ko ngayon.
Napakunot ako nang mapansin kong nilagpasan lang ng Dexra Evenfalls ang dining hall at parang hindi napansin. Akala ko ay sa dining hall kami papasok pero bakit patungo kami papalabas nang hotel?
"Uhh, bakit papalabas tayo ng Hotel? Nilagpasan lang natin kani-kanina lamang 'yung dining hall eh?" Nagtatakang tanong ko sa mga ito.
"Hihi~ sa labas tayoooo, maraming restaurants at cuisines sa labas, Insaaaan. Mas usto ko sa dalampasigan kasi naaamoy ko mga dagat hayop mwehehehe.", sagot ni Jayden at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa braso ko. Kanina pa talaga ito nakayakap sa akin nakakairita dahil napapatingin 'rin sa amin ang mga tao.
"Dagat Hayop?" Nagtatakang tanong ko dito marahil hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin sa dagat hayop.
"Hala, Insan! Hindi mo eon alam? Dagat Hayop ang tagalog ng Animal Wateeeer!"
Gusto ko na lamang matampal ang aking noo marahil parang pakiramdam ko ako ang may responsable sa kabobohang taglay ni Jayden. Kahit sina Charles at Jason ay nahuli kong nagpipigil ng tawa mula sa unahan namin.
"I prefer to eat outside, there are several cuisines outside better than inside the dining hall which is merely limited." Singit naman ni Lorraine, hindi kami nito binabalingan ng tingin.
"Mwehehehe oo nga insan ihh!" Sumandal si Jayden sa balikat ko habang hindi pa 'rin inaalis ang mga nakapulupot niyang mga kamay sa akin.
Nagmumukha na siyang koala dahil sa kaniyang ginagawa ngayon. Hindi ba siya nagsasawa sa ugali niyang ganyan? He is so immature and the fact that he is unaware about how immature his behavior is. He has the body of an eighteen year old however, he has the mind of an eight year old. Hindi na talaga ako magugulat kung ipacounsel ko siya sa isang psychologist at ikulong sa mental hospital at sabihing may mental disorder siya.
"Chelsea? Can I ask something?" Nabigla ako nang biglang sumingit si Hesly sa gitna ng okyupado kong pag-iisip.
"Nagtatanong ka na." I darted rudely.
Nanlaki naman ang aking mga mata at akmang hihingi ng pasensya sakaniya subalit pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko naman sadya na masabi iyon sakaniya, kasalanan niyang bigla-bigla nalang siya magsasalita sa gitna ng malalim na pag-iisip ko.
Siniko naman ito ni Jason sa kaniyang tagiliran upang kunin ang atensiyon nito. "Ooooh! HAHAHA masakit ba mapilosopo, pangit?" Pangaasar ni Jason kay Hesly at humalakhak dahilan upang sumama ang timpla ni Hesly.
Sinamaan naman ito ng tingin ni Hesly. "Gusto mo atang sumuot ulit ng bikini at ipakita sa lahat kung gaano kaliit ang puto-"
"Aren't we already done with that?" Singit ni Lorraine sa diskusyon ng dalawa, hindi ko masabi kung naiinis ba ito o hindi dahil paano ko malalaman kung lagi naman siyang nakangiti?
"Trying to act like the leader again, Lorraine?" Saad ni Charles na may halong sarkasmo kaya tinapunan itong saglit ni Lorraine ng tingin.
"I'm just scolding them for their immature behavior." Lorraine informed.
Charles let out a laugh full of disbelief as it was giving a hint on how he is annoyed by Lorraine's attitude for acting like the one dominant. If only I could read minds like Lorraine does, then perhaps I could atleast have their secrets also.
I could sense the rising tension between the Dexra Evenfalls and even with their inaudible actions, I know there is something wrong with them. The gazes that they threw over each other persuades how they are willing to kill one another right here, right now.
"We need to finish this mission as fast as we can. I am struggling to be with such grade A-holes, this is so suffocating." Hesly uttered distastefully, fire raging inside of her eyes.
"You think you aren't an asshole?" Hindi makapaniwalang tanong ni Charles dito.
Mas lalo kaming pinagtitinginan marahil sa mga tono ng mga pananalita nila at sa mga boses nilang tinataasan. Sobrang nakakahiya kaya sinenyasan ko nalang si Jayden na sa pinakalikuran na lamang kami mag lakad marahil hindi ko naman maaaring magustuhan kung masali ako sa away nila. Kahit naman si Jayden ay napapatingin na lamang sa mga ito na may bahid nang pag-aalala. Alam niya kaya nangyari sakanila at nag-aaway away ang mga ito?
"Shut up, all of you. Set those aside for now, you all are drawing a lot of attention. We are all going to eat and bringing that fight up would not be any help for enhancing our appetite." Naiirita na sabi ni Carlo.
Matapos itong sawayin ni Carlo ay nagsamaan na lamang sila ng tingin at hindi na muling umimik. Sobrang nagtataka ako kung bakit at ano ang dahilan kung bakit sila nagkakaganito. May nangyari ba? Did something happen when I was gone for five months?
And another thing that itches my mind was that mission that Hesly uttered about. So they came all here for a mission given by the headmistress I presume. But I have no clue what mission do they have, is the mission related upon bringing me to Crimson by force? But that is way too impossible, no one knows I am alive until now. It was my fault, I am so careless and I thought a big world wouldn't bring my path upon the Dexra Evenfalls but I thought it so wrong.
Pero ang tanging pagtutuonan ko lamang muna nang pansin sa ngayon ay ang masagot ang naguumapaw na kuryosidad sa isip ko. Sobrang kating-kati na akong makausap mamaya si Lorraine parang ayoko nalang kumain ngayon at mas pipiliin ko nalang makipagusap nalang sakaniya. Pero hindi pwede dahil sayang ng mga ihahain na pagkain mamaya.
Dumampi saakin ang hangin na nagmumula sa tubig-alat habang naglalakad kami sa dalampasigan. Napakaraming tao pa 'rin ang nasa labas at kitang-kita na maraming stalls at restaurants sa mga gilid. They even have a resto bar as well as starbucks.
Pumasok kami sa isang restaurant namely called Atlantis' Restaurant. Of course, puro seafood ang ihahain dito. Sino kaya ang pumili ng lugar na ito? Gosh, alam niyang paborito ko ata mga seafoods.
Pagpasok na pagpasok palang naman ay parang nanliit ako sa kinakatayuan namin. Lahat ng mga tao ay talagang napatingin saamin at napatigil saglit sa session ng pagkain nila.
Tinitignan ba nila kami kasi lahat kami nakapajamas habang papunta dito?
"Ang gwapo ko talaga.", maangas na sambit ni Jason sabay ayos sa buhok niya.
"Hihi ako ang cute ko!", nagpacute si Jayden kaya hindi ko maiwasan hindi macringe.
Probably, because of our pajamas.
Umupo na kami sa isang mahabang mesa at talagang tumabi saakin si Jayden. Talagang kahit ngayon didikit-dikit pa siya saakin? Anong problema niya ba? Nakakairita na.
May dumating na waiter na mukhang foreigner at binigyan kaming tatlong menu. Kinuha ni Lorraine ang isa na katabi ko 'rin kaya nakisilip ako.
"Ang sarap...", bulong ko sa tenga niya para siya lang ang makarinig na natatakam ako sa mga putahe sa pictures.
Eh lahat naman ng seafoods gusto mo, Chelsea eh!
Napahawak ako sa tiyan ko ng tumunog ito na ikinaagaw ng kanilang atensyon. Nagtataka nila akong tinignan kaya namula naman ako sa hiya.
"S-Sorry.", nahihiya kong tugon.
Nagorder na sila nang masasarap na putahe at naghintay kaming dalawampu't limang minuto bago ihain saamin ang mga pagkain.
Agad na naglaway ang bibig ko nang malanghap ko ang amoy ng clam shells at ang fish sisig. Gosh! This is heaven. Ilang taon na kaya akong hindi nakakakain nito?
"And here's a special treat, for the gift of the ocean.", kumunot ang noo ko nang maglapag ng isang blueberry shortcake ang waiter na foreigner sa aking harapan.
Tinignan ko ang iba at napagtantong ako lang ang binigyan nang lalaki ng dessert. "Uhh, kuya, sila po ba wala?", tanong ko. "Guys? Inorder niyo ba ito?"
Umiling sila at tumingin sa weirdo na foreigner. Kumindat ito saakin bago umalis na ikinanlaki nang aking mga mata.
What the hell is that?
And why the heck did he call me 'the gift of ocean'? Baka naman curse of ocean?
"Yie! Nagkaroon kaagad ng kalandian si Chelsea!", kinikilig na sabi ni Hesly.
"Gift of Ocean huh?", umiling-iling si Lorraine habang natatawa.
"Taena parang mabubugbog ko yung lalaking 'yon! Kapal ng mukhang landiin sa harap natin si Chelseababes!"
"Tara isabotage natin mamayaaaa!", galit na wika 'rin ni Jayden.
Pinanlakihan ko ang mga ito ng mata dahil naaagaw na naman namin ang atensyon ng iba kaya binatukan ko si Jayden na nagiingay. "Huwag ka ngang mag-ingay!"
"Ihh aagawin ka na naman ng iba saakin.", ngumuso si Jayden. Minsan talaga hindi ko alam kung pinsan ba talaga ang turing nito saakin o jowa na.
Napatingin akong muli sa hapagkainan at naramdaman ko muli ang pagtunog ng tiyan ko at ang kasabikan ng dila ko na makatikim ng seafoods.
"Let's eat- "
"Itadakimasu!", masayang sambit ko at bago pa man sila makakuha ay pinangunahan ko na sila.
Pinuno ko ng kanin ang aking plato at linagyan ng mga putahe na masasarap ang amoy. Pinanood lang nila akong kumuha at lamunin ang mga pagkain sa plato ko nang hindi gumagamit ng kutsara at tinidor. Kapag gutom ako, mas mabilis malamon ang pagkain kapag kamay ang gamit!
Nang makita kong nakatingin lang sila saakin ay sinenyasan ko silang huwag silang mahiya sa harap ko na kumuha ng pagkain.
"So, how long will it take to find this Audris?", tanong ni Lorraine habang kumukuha ng pagkain niya.
Nakinig naman ako habang nakatuon ang tingin sa aking kinakain. Gosh, I really love seafood, especially clams.
"Tomorrow morning, Nathan will be with us. So the mission would be a lot easier, I suppose.", sagot ni Carlo.
Napasulyap ako dito saglit at nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakatingin siya saakin kaya ibinalik ko nalang ang tingin ko sa aking kinakain.
Ano ba naman 'yan! Bakit ba nakatingin kang traydor ka ha!
"Kapag nandito na si boss hahanapin na natin yung Audris?", tanong ni Charles.
"Hmmm...", tumango si Hesly at linunok ang kinakain niya. "Ang sabi ni Headmistress naririto lang siya sa tabi-tabi."
"You mean nandoon sa island na malapit dito?", pagtatama ni Jason kaya tumango nalang si Hesly at bumalik na ulit sila sa pagkain.
Habang ako naman ay nagtataka kung anong gagawin nila sa isla na 'yon at sa babaeng nagngangalang Audris.
"Chelseababes?"
Naagaw ni Jason ang atensyon ko. "What do you want?", pagtataray ko.
Napakamot naman ito sa kaniyang batok at may binulong saka muli akong hinarap. "Hindi mo talaga kami maalala?"
Kapag ba nagka-amnesia talaga ako, ganiyan pa 'rin ba talaga ang itatanong niya? Hindi ko nalang alam kung sadyang bobo 'rin siya o nagbo-bobo-bobohan.
"What do you think?", sabi ko at sumupo ng grilled squid.
"Psh, ang sungit mo na. Limang buwan palang naman eh.", pagrereklamo nito at bumalik nalang ulit sa pagkain niya.
Gusto kong matawa dahil umeepekto sa kanila ang pagsisinungaling ko pero pinilit kong hindi matawa.
"Hayaan mo na, Hangin. Nagkaamnesia siya, what do you expect from her actions? Besides, sa paningin niya ay estranghero lang tayo.", pagtatanggol saakin ni Hesly.
"Buti alam niyong estranghero lang kayo sa paningin ko at kinidnap niyo lang ako. Kaya pwede bang ibalik niyo na ako?", tanong ko sa mga ito.
Binigyan ako nang mga ito nang blankong ekspresyon. "No.", they all said in chorus.
"What the hell? Alam niyo bang dahil sainyo masisira ang buhay ko dito sa Mortal Realm?", inis kong sabi habang pinaggigigilan ang grilled squid.
"Mortal Realm huh? So you know about the other realm."
Para bang may nabara sa lalamunan ko matapos sabihin ito ni Carlo.
Akala ko ay tatanungin nila ako ng kung ano ano pero hindi nila ako pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain nila ng seafoods. Now, they're avoiding my assertion?
"Makinig naman kayo saakin! Papagalitan ako ng mga magulang ko kapag nalaman nilang nawawala ako! Baka sabihin na tumakas na naman ako!", galit na mutawi ko pero hindi nila ako pinansin.
"At saka paano ang pag-aaral ko? Sisirain niyo nalang ba ng ganon-ganon? Napakaselfish niyo naman! Gusto niyo lang ako makuha dahil sa pansirili niyong kagustuhan!"
Lorraine coughs. "Look who's talking.", her pearly smile glistened.
Bigla naman akong hindi nakapagsalita saglit ng dahil . Gusto kong ipukpok ang ulo ko sa pader dahil sa kabobohan ko pero pinigilan kong hindi.
Nakakahiya... ako pala ang makasarili sa grupong ito.
Paano nalang kaya kapag nalaman nilang wala naman akong amnesia at gusto ko lang magpakalayo sakanila? Will they be mad at me?
Pero imposible naman na malaman nila diba? Basta mag-iingat lang ako.
Natapos ang aming kainan na halos ako lahat ang nakaubos. Wala na akong pakielam kung tumaba ako, dahil hindi naman nangyayari. Balak pa sana naming maglakad-lakad pero sabi naman ni Carlo kailangan naming matulog dahil maaga kami bukas. Tch, killer joy lang siya. Parang version 2.0 ni Nathan eh. Pero hindi kagaya ni Nathan na nakakatakot talaga ang aura, parang sinasapian ng demonyo pag nagagalit eh.
"Goodnight guys!", pamamaalam ni Hesly sa mga lalaki at pumasok na kami sa kwarto.
Napasalampak naman ako sa kama at napahawak sa tiyan ko." Ahhh ang sakit ng tiyan ko."
Natawa naman si Hesly habang inaayos ang lalagyan ng kaniyang backpack. "Saatin lahat, ikaw ang may pinakamaraming kinain. Ilang araw ka bang hindi kumakain, Chels?"
Tumagilid ako para maharap ito. "Paborito ko kasi ang seafoods."
"Oh really? Well then, that must be why Carlo chose Atlantis' Restaurant."
Napakunot-noo naman ako sa sinabi nito at hindi nagsalita. Siya ang pumili ng kakainan namin? Pero 'yon nga ba ang dahilan kung bakit niya pinili ang restaurant na iyon?
Argh! Huwag kang marupok! Diba traydor siya?!
Nakuha ng atensyon ko ang pamilyar na ringtone na nagmumula sa sling bag ko at napagtantong cellphone ko ito.
Sa una ay tinitigan ko lang ito at nagtataka kung bakit ito tumutunog pero agad 'rin kinuha nang maalala kong nakalimutan ko palang pumunta sa laro niya.
Natataranta ko itong sinagot habang nag-iisip ng pwedeng maging palusot. Nakatingin saakin sina Lorraine at Hesly nang tumayo ako sa higaan ko.
"U-Uhh... hi babe.", bati ko sakaniya.
["Babe? Why aren't you answering my calls the last hours?"] Tanong nito.
Sinenyasan ko sina Lorraine at Hesly na lalabas lang ako saglit. Nagkatinginan pa ito bago napagdesisyunan na tumango. Tch, akala naman nila makakatakas ako dito na cellphone lang ang dala at pajamas lang ang suot.
"Teka lang, Babe. Lalabas lang ako.", tugon ko dito at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa hallway na walang katao-tao.
["Babe, is there something wrong?"] I suppose there is.
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko sakaniya. Some part of me wants to go home now and search for him but a part of me tells the otherwise. I still have a lot of questions to ask Lorraine.
"Babe...", ano ba ang sasabihin ko?
["I'm sad. Even if we won the game, i'm still sad because you weren't there."]
Napapikit nalang ako ng mariin matapos niyang sabihin ito. s**t, bakit ngayon pa ako nagiguilty? At bakit AKO ang nagiguilty? Hindi naman ako kusa nagpakidnap sakanila!
"Babe... i'm so sorry. Nasa biglaang bakasyon lang ako.", natampal ko nalang ang noo ko dahil sa sobrang boring ng dahilan ko.
["Bakasyon? Bakit biglaan? Anong meron?"]
Sa boses palang nito ay parang hindi na siya naniniwala na nagbabakasyon ako.
["Babe, are you hiding something from me?"] Ramdam ko ang pagdilim ng boses nito.
"No! I certainly don't have! Why would I hide something from you?", tumawa pa ako ng mapakla habang pinapahid sa night pajamas ang pasmado kong mga kamay.
["Then, why didn't you attend my game?"]
"Chelsea."
Agad akong natigilan at nanigas sa aking kinakatayuan ng marinig ko ang boses nito sa likod ko.
Sa buong biyahe namin pagpunta dito, ngayon niya lang ako naisipan na tawagin ulit.
Gosh, why did I miss him calling me by my name?
Tangina, ngayon pa talaga?