Tinulak ko papalayo ang babaeng bumulong mula sa aking likuran at kita ko ang ngiseng nagbabadyang magpakita sa mga malalambot nitong ngiti.
"I cannot be here, oh my god I am going to call the cops!" I threatened as I shovel the objects inside my bag to find my phone.
Nanginginig ako, oo. At alam iyon ni Lorraine na nanginginig ako, imposibleng hindi marahil siya lang naman ang dakilang chismosa na may kakayahang magbasa ng isip nang isang tao. Hindi ko naman talaga nais na tawagan ang mga pulis, ang gusto ko lang naman ay palayain na nila ako dahil hindi ko ginugustong may reunion kami ngayon.
"Oy, oy, oy! Akin na nga 'yan, Chelseababes!" Pagdampot ko pa lamang ng cellphone ko ay parang hangin lamang na dumaan ang kamay ni Jason upang kunin ang cellphone muna sa kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ako sa aking kinakatayuan. "Ibalik mo 'yan!"
Hahablutin ko sana sa kaniyang kamay subalit iniangat niya ito dahilan upang hindi ko maabot dahil sa tangkad niya. Bakit kasi kinakailangan na mas matangkad mga lalaki kaysa sa mga babae?
"C-Chels naman, hindi mo ba talaga kami maalala at kailangan mo pa talagang magsumbong sa pulis?" Natatarantang tanong ni Hesly at akmang hahawakan ako nang itabig ko ang kaniyang kamay.
Gosh, I even have no clue why on the realms I just did that on Hesly. It was unintentional yet it isn't my fault I am panicking currently because of their presence.
"Ilang beses ko na bang sasabihin sa inyo na hindi ako ang Chelsea na kilala niyo..." I paused as guilt invaded my emotions. "Ibang Chelsea 'yon." I said in a low tone.
Napakunot-noo na lamang ako nang makarinig ako nang tawa galing kay Lorraine at halatang nasisiyahan siya sa pagaakto ko ngayon, hindi niya ba kayang itikim muna ang bibig niya at lumayo muna saglit? Napaghahalataan ako nang dahil sakaniya.
"Ano nakakatawa, Lorraine?"
Tumigil saglit sa kakatawa si Lorraine nang tanungin siya ni Charles, "Nothing, I just remembered the first day we have recruited her to Crimson. The day that she knew everything will be like a living hell inside Crimson."
Well, truly she is correct about the sensation of being inside a deja vu wherein I remembered the first day both Hesly and Jason barged inside our classroom and I was unaware of their identity. Then they took me inside a portal and all, and so they used my UNKNOWN MOTHER as a bait to lend me inside that portal so that I can be recruited at Crimson Academy.
But thinking that she assumes that I was thinking of somewhat being prisoned in hell was far from what I was thinking the first time I met them. Big ass liar, that's Lorraine indeed.
"Let us all go to our room first then we will be having out lunch at 7:30 PM. " Singit ni Carlo at halatang pagod na pagod ito at walang enerhiya upang makisali sa aming diskusyon.
Umunat-unat naman si Charles at nauna nang maglakad papunta sa kanilang hotel room. "Aight, I really need to take a bath first. Parang nadumihan pagkatao ko matapos kong magsuot bikini kanina. Tangina mo, Hesly. Buti nalang may kaunting bait ka pa at ibinalik mo suot ko kanina aba."
Napahalakhak naman sina Lorraine at Hesly samantalang hindi naman maipinta ang mukha ni Jason at halatang namumula ang mukha nito sa hindi ko malamang dahilan. Ako lang ba ang hindi naiintindihan kung ano ang pinaguusapan nila?
"O-Oo nga b-buti nalang hindi ako n-nakita ni Chelseababes na g-ganon." Nauutal naman na sambit ni Jason at nagtakip nang mukha. Tumakbo ito para humabol kay Charles.
Habang nagtataka pa 'rin sa nangyayari ay naramdaman ko na may humihila nang laylayan ng aking damit at natagpuang si Jayden ito. Nanlaki pa ang aking mga mata nang matagpuan na sobrang lapit nang mukha nito sa akin kaya napa-peace sign ito at dumistansya.
"Hehe sorry, Insan. Una na 'rin ako ha? Kanina pa ako natatae ihh hihi." Bulong nito sa akin at saka nauna na 'rin sa amin papunta sa kanilang kuwarto.
Kailangan talagang ibulong niya sa akin? Muntik niya pa akong mahalikan dahil sa sobrang lapit niya saakin. Kahit kailan talaga, hindi ko alam kung clingy lang siya dahil gusto niya lang na huwag ulit ako mawala o clingy siya dahil gusto niya mang-manyak? Alin ba talaga?
"Oh well, we should get going, Girls." Mutawi ni Lorraine, tinignan muna ako nito bago magsimulang maglakad.
Isinabit naman ni Hesly ang kaniyang kamay sa aking braso at hinarap si Carlo na kasalukuyang hinihilot ang kaniyang sentido. "Well, una na muna kami Carlo ha! Maliligo 'rin kami babuuush!" Pamamaalam nito at hinila na ako para sumunod kay Lorraine.
Saglit ko pang tinignan lamang si Carlo na hinihilot pa 'rin ang kaniyang sentido na para bang wala siyang narinig o napansin. Nag-aalala ako para sakaniya, okay lang ba siya?
Okyupado pa 'rin ang isip ko nang dahil kay Carlo hanggang makapunta kami ng hotel room namin. Bumalik muli ang inis na kaninang nararamdaman ko marahil sa pangalawang pagkakataon ay nakuha na naman ako ng Dexra Evenfalls! Ang tanging hindi nila alam ay nagpapanggap lamang akong may amnesia, I mean, sino ang nais makaranas ulit ng kamatayan pagkatapos mong mamatay ay mabubuhay ka ulit? Tangina lang.
Padabog akong umupo sa sarili kong kama habang magkasalubong ang kilay.
"Calm down, Chelsea. We are no harm.", natatawang saad ni Hesly at kumuha nang tuwalya sa kaniyang bag.
I just hissed at her retort as I search for my phone inside my sling bag. Pero bigla akong natigilan nang maalala kong hawak pala iyon kanina ni Jason! Tangina nakalimutan kong kunin sakaniya!
"This is literally k********g! Why the f**k did you even brought me here? I don't know any of you! You are all a complete strangers!"
Kahit na kilala ko naman sila, galit pa 'rin ako sa kadahilanang kinuha pa 'rin nila ako sa pangalawang pagkakataon. Parang mas gusto ko nalang patayin sila isa-isa dahil sa ginawa nila saakin ngayon. Sila lang naman ang natutuwa nang makita ako, ako ba? Natutuwa ba ako? Pwes hindi.
Well... slight.
Can't they see how well I am living now here in the mortal realm without them intruding? I have just found my hiding place as well as my freedom yet here they are taking it all away from me once more.
"Whatever, Lorraine, ikaw na bahala diyan. Maliligo lang ako. Bantayan mo at baka tumakas 'yan.", sambit nito at pumasok sa bathroom.
I CAN'T EVEN ESCAPE WITHOUT MY STUPID PHONE, GODDAMNIT.
"Make it faster, we're going to have our supper later on." Lorraine replied once Hesly was inside the bathroom.
Uhh, why do I have to be with Lorraine inside a room again?
Hinarap ako nito at siningkit nitong saglit ang kaniyang mga mata na para bang sinusuri ako. Napalunok nalang ako dahil sa sobrang pagkailang at napaiwas ng tingin.
Does she even know?
Her smile widened as she lightly tilted her head on her side. "Of course I know, you dummy."
My breathings hitched just when I heard her say it.
Chelsea, you idiot. She's a mind reader!
She laughed, "Have you already forgotten? It has only been five months since then!"
Oo nga naman, Chelsea. Siguro nga meron kang memory loss, o sadyang sira na utak mo para hindi maalala na mind reader pala si Lorraine. Ang pinakamisteryoso na miyembro ng Dexra Evenfall.
"S-Sorry...", I mumble.
"You want your phone back?" She asks as she raises her hand.
Nanlaki naman ang aking mga mata nang makita ang aking cellphone sa kaniyang kamay. Hinablot ko naman ito mula sakaniya at inilagay sa aking bag. Nagtataka ako kung bakit nasa sakaniya ang cellphone ko kung kanina lamang ay si Jason ang may hawak nito.
"Paanong nasa saiyo cellphone ko eh kanina lamang na kay Jason ito?" Nagtatakang tanong ko dito.
"Lorraine Marioneta knows how people's mind works. Don't underestimate me, Chelsea." She chuckles.
Tumawa nalang 'rin ako at nagiwas muli ako nang tingin at napagisipang humiga sa kama ko. Tig-iisang kama kami nina Hesly at Lorraine sa isang napakalaking kwarto. Nahiya naman ako sa dating bahay namin nina Aunt kung ikukumpara sa kwartong ito. Walang balkonahe pero may malaking bintana kung saan matatanaw ang dalampasigan.
"Anong ginagawa niyo dito?", tanong ko sakanila habang nakatingin sa bintana kung saan makikita ang papalubog na araw.
"Ikaw dapat ang tanungin ko niyan.", natatawang tanong nito.
Napabuntong-hininga ako. Should I even tell them?
"You should atleast tell me the truth.", see? Kahit wala pa akong sinasabi, binabasa na niya kaagad kung ano ang nasa utak ko.
Hindi ko binaling sa kaniyang direksyon ang aking mga tingin at nanatiling nakatingin sa magandang tanawin.
"You see... I don't want to go back at the Immortal Realmm.", not anymore.
Pagkatapos ng aking sinabi ay pinalibutan kami nang nakakailang na katahimikan. Hindi ko alam kung anong iniisip nito dahil nakatalikod ako sakaniya.
Nang mapagtanto kong hindi ito magsasalita ay ipinagpatuloy ko nalang ang sasabihin ko. "Pagkatapos ng digmaan, akala ko mamamatay na ako. Although, nagising nalang akong nandito na sa Mortal Realm. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito and I can't find my way back there anymore. That is why I have chosen to stay here, and within that five months, it made a lot of changes depending on how I meddle with my life. But i'm happy being here, and my decision is final... whether you all oppose or not, I won't go back in Elemental Realm anymore."
Tapos na 'rin naman ang digmaan, kaya ano pang kailangan kong gawin doon?
Narinig ko itong tumawa na ipinagtaka ko. "Okay.", tanging sabi nito.
"Ha?", nalulutang kong tanong.
"We wouldn't oppose. It's okay if you stay here.", nagpakawala ako ng malalim na hininga at papasalamatan sana ito ng may sabihin pa siya. "Though, we will going to force you to go back where you belong whether you also oppose or not."
Kasabay ng paglubog ng nagmumunting liwanag nang araw ay ang pag laho ng pag-asa na akala ko ay hindi na nila kukunin pang muli saakin.
Is this my final death sentence?
"Well, I'm going to take a rest first. You should too, we will going to have our dinner later on." She jumped on her bed. "Our discussion isn't yet finished, we will continue this later."
Iyon lamang ang kaniyang sinabi habang nakaharap sa aking ang kaniyang likuran. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil dito at hindi na nagsalita pa. Siguro nga tama lang na magusap kami ni Lorraine mamaya, kami lang mismo marahil siya lang ang nakakaalam na nagsisinungaling ako sa Dexra Evenfalls.
Saka mahirap manguto nang isang Marioneta ata.
I still have a lot questions bombarding inside my mind and even does she. So we both need answers later at midnight.
30 minutes had passed and all I could do was to look outside the window as I waited for my turn to take a shower. Sumunod naman si Lorraine kay Hesly at doon ko lamang nalaman na ako ang mahuhuling maliligo which is ang pinakaayaw ko sa lahat. Kwento nang kwento sa akin simula nang makapasok si Lorraine ng bathroom at kinukumbinsi pa ako nitong matalik ko siyang kaibigan dati which is true yet I was lying so I have to act better than this.
"Your turn to take a shower.", may binigay na tuwalya saakin si Lorraine nang lumabas ito sa banyo na kakatapos lamang maligo.
Kunot-noo ko itong tinignan. "But I don't have any-"
"Oh don't worry! I'm here!", sambit ni Hesly na nakaupo sa kaniyang higaan.
Nagtataka ko naman itong tinignan. Anong connect kung nandito siya? Bakit may maiaambag ba siyang damit diyan sa maliit niyang dala na bag?
Tumawa naman si Lorraine. "Her ability is to change one's clothes."
"Ha?", ganito na ba talaga ako ka low gets?
"Watch.", sinenyasan ni Lorraine si Hesly.
Kunot-noo ko silang tinignan. Akala ko kung anong gagawin nila pero noong pinitik ni Hesly ang kaniyang dalawang daliri ay biglang nag-iba ang kasuotan ni Lorraine.
"See?"
What the hell. Lorraine is now wearing an expensive silk night pajamas, the same as Hesly but different in colors. Hesly is wearing a green pajamas while Lorraine wore a violet one.
Bakit parang ngayon ko lang ata nalaman na ganito pala ang ability ni Hesly?
Oh that's right. Ni hindi man lang ipinakita saakin noon ni hesly ang kaniyang ability. Ngayon niya lang nabalakan ipakita. Gosh, I want to have an ability like that too!
"Hey. We're having dinner later at seven. Go take a bath already.", tugon ni Lorraine.
Wala na akong nagawa kung hindi ay kunin ang tuwalya na nasa kamay ni Lorraine at pumasok na 'rin ng bathroom. Pagpasok ko ay bumungad kaagad saakin ang rainshower at ang bathtub na malaki.
Gusto ko sanang tumambay nalang dito sa banyo magdamag dahil sa nakita kong bathtub pero kailangan ko 'rin kumain dahil nagagalit na ang tiyan ko punyeta.
Binilisan ko ang pagligo ko sa banyo at pagkatapos ay nagpatuyo. Saka ako lumabas ng bathroom na nakatapis lang.
"Lorraine! Hesly! Tapos na ako.", sambit ko sa mga ito.
Natagpuan ko ito sa may malaking bintana na seryosong naguusap at parang may pinagaawayan. Agad 'rin itong natigil dahil sa pagtawag ko sakanila.
Anong pinagaawayan nila?
Kita ko kung paano ni Hesly bigyan ng masamang tingin si Lorraine bago lumapit saakin. "Great! Tapos ka na."
"Hehegustokorinsanayungpangmayamannanightgowndin.", I mumble.
Medyo nahihiya ako. Bakit ba ako nanghihingi ng pangmayaman na night gown!
"Ha?", nagtatakang tanong ni Hesly.
"Hehe wala, sabi ko bigyan mo na ako damit.", yung pangmayaman sana!
"Okay. Take off your towel."
Agad na napintig ang tenga ko ng dahil sa sinabi niya. "Pardon?", baka mali lang ako ng pagkakarinig?
"Take off your towel so that I can give you clothes already.", natatawang sabi nito.
Nag-init naman ang magkabilang pisnge ko dahil sa sinabi niya. Eh bakit kanina hindi niya pinahubad si Lorraine?!
"Mawawala ang tuwalya kapag hindi mo 'yan inalis. I eliminate as well as provide fabrics though.", sambit nito na para bang nababasa niya ang utak ko.
"N-Nakakahiya...", namumula kong sabi. Bakit ka mahihiya eh parehas naman silang babae?!
Eh nakayanan mo nga maghubad sa harap ni...
"...Nathan.", pagtatapos ni Lorraine sa sinabi ko.
Parang inubusan naman ako ng dugo dahil sa sinabi nito at napatingin ditong nanlalaki ang mga mata. What the hell? She knew?
"Of course, I knew.", natatawang sambit nito. "Do you want me to tell her the details-"
"NO!", Agad kong sabi at bago pa man magtanong si Hesly ay walang pakundangan kong inalis sa harap niya ang tuwalya.
Nakakunot-noo pa 'rin ito habang binibihisan ako marahil parang nagtataka sa nabasa ni Lorraine sa utak ko. Hindi kasi marunong ng salitang privacy si Lorraine!
"Done!", Hesly said cheerfully. Napatingin ako sa aking damit at natagpuang nakasuot ako ng kulay silver na silk pajamas na agad na inagaw ng atensyon ko.
"H-Hesly..."
It even made me speechless at this moment!
"Why? Don't you like it?", nagtatakang tanong nito.
You idiot! I think this is the best pajamas i've ever had in my entire life!
"She said she likes it.", si Lorraine na ang nagsabi para saakin.
Pero umiling-iling ako habang hinahawakan ang pajamas. "I don't like it... I LOVE IT!", masayang sambit ko.
Kahit yung mayamang foreigner na kumupkop saakin hindi ako binibigyan ng ganitong pajamas! It's a fine silk goddammit. Magkano kaya ito?
"Well, you can keep it.", Hesly shrugs.
Nagulat ito ng bigla ko siyang yakapin. "Salamat!"
"Seriously, it's just pajamas.", natatawang sabi ni Lorraine.
Pagkatapos namin mag-ayos ay narinig namin ang katok sa pintuan at nadatnan na ang mga lalaki pala ito. Nakasuot 'rin sila sa mga pajamas nila at bagong ligo 'rin. Kaya grupo kaming pumaibaba para kumain ng panghapunan.
Habang naglalakad pababa ay hindi ko maiwasan hindi mapasulyap-sulyap sa kinaroroonan ni Carlo na tahimik lang sa gilid pero ginugulo siya nina Jason. Si Jayden naman ay nakapulupot ulit sa mga braso ko kagaya nang palagi niyang ginagawa.
I wanted to talk to him so badly. Why can't I?
What's stopping me?
"Because you don't want to get hurt again.", tugon ni Lorraine sa tabi ko na sapat lang para marinig ko.
Napunta ang atensyon ko kay Lorraine at nang tignan ako nito ng makahulugan ay sa sahig ako napatingin.
Maybe she's right.
After all...
He killed me five months ago.
He killed my innocent heart right in front of other people as if I was nothing to him at all.