Chelsea's POV Kasalukuyan kaming nasa isang parang hotel room kung saan kagaya ng kanina sa hapag-kainan ay hindi ito nasasakupan ng tubig-dagat kaya naman manghang-mangha kami. Dalawa lamang ang aming piniling kuwarto kung saan isa sa mga lalaki at isa para sa mga babae. Buti na lamang at nandito si Hesly upang mapalitan ang aming mga kasuotan at buti na lamang at presentable itong kasuotan at tuyo. Kasi kahit naman sino sa amin ay ayaw matulog sa higaan na basa ang mga suot. Baka mainis pa dahil sa amin si Faragis. Nang lahat na ay nabigyan ni Hesly ng maisusuot ay dumiretso na kami sa aming kwarto. Nakakapagod marahil halos ilang oras kami panay ang langoy at wala pa akong maayos na tulog. Madilim na rin ang kalangitan base sa sabi sa akin ni Lorraine at hindi ko alam na ganito lang

