Chelsea's POV Napatitig ako sa natatakot nitong ekspresyon sa mukha at napakurap-kurap. Maya't-maya ay natawa na lamang ako ng mahina dahil dito. Agad naman ako nitong kinunotan ng noo ngunit hindi ko talaga kayang pigilang hindi matawa. "Anong nakakatawa?" Nagtatakang tanong nito sa akin. Napailing-iling naman ako at pinigilan ang aking sarili na tumawa. "Wala. Ikaw kase, sorry." Tumigil na ako kakatawa at nagulat nang hawakan ako nito sa magkabilang-balikat at tinitigan 'tila ba nag-aalala. "Chelsea, pucha. Seryoso ako mukha ba akong nagbibiro?" Hindi ko naman ito maintindihan, lalo pa't ang sinabi nito. Paanong magiging halimaw si Calypso kung gayon na Diyosa ito nina Aden? At imposibleng maging halimaw si Calypso na nangangain ng katulad namin marahil kung oo nga, edi sana lumaba

