Adina lost track of how many days she had already been on that hell hole. Nasa loob lang siya ng silid, nakatali. Simula nang magising siya sa loob ng silid na 'yon ay hindi niya na ulit nakalabas doon.
Kahit ang haring araw, hindi niya na masilayan. Tanging ang apat na kanto lang ng kwarto ang araw-araw niyang view. She almost forgot the world outside.
Ang bintana na lamang ang nagsisilbi niyang ilaw sa umaga.
Narinig niyang bumukas ang pinto. Hindi lumingon doon si Dina. Tinatanaw niya lang ang ibon na malayang Lumilipad sa labas ng bintana. Sa mga oras na 'yon... pinalangin niya na sana naging ibon na lang siya— malaya at hindi nakatali. Hindi katulad niya na walang kalayaan.
"You should really eat, Ms. Beunavista. You'll die if you won't," anas ng lalaki at nilapag ang isang tray ng pagkain kapalit ng unang tray ng pagkain na hindi niya naigalaw. "Tatlong araw ka nang hindi kumakain."
Hindi pinansin ni Dina ang lalaki. Naka-upo lang siya sa gilid at malayo ang tanaw. Nanghihina siya at nanunuyo ang lalamunan at wala nang lakas para magpumiglas pa.
She just accepted her fate.
Narinig niyang bumuntong hininga ang lalaki, "I'll leave it to you. Please eat."
Hindi niya tinapunan ng tingin ang lalaki kahit pa nang makalabas ito ng kwarto. Pagod na pagod na siya. Tulad ng sabi ng lalaki, tatlong araw na siyang hindi kumakain.
Napapanis lang ang mga pagkain na binibigay sa kan'ya dahil hindi niya iyon ginagalaw. Nagkakalaman lang ang sikmura niya kung si Nikolo ang naghahatid ng kan'yang pagkain dahil si Nikolo mismo ang nagsusubo sa kaniya ng sapilitan. He would sometimes forcefully shove food inside her mouth. Minsan, hindi kutsara ang ginagamit ni Nikolo, bibig niya mismo.
And it's been days since she last saw Nikolo. She noticed that Nikolo wasn't always around everyday. Minsan lang kung bumisita.
Palaging nakabantay sa kaniya ang lalaki kanina na pumasok, minsan ang lalaking naging taxi driver niya. Ngayon niya lang naalala, kaya pala pamilyar ang mukha nito. May dalawang babae rin na araw-araw pumapasok para linisan at bihisan siya.
Simula nang makarating siya, hindi pa siya naliligo. Pinas punas lang kasi ang ginagawa ng dalawang babae. Sa tuwing nagbabanyo lang siya tinatanggal ang tali sa pulsuhan.
Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa habang tumatagal siya sa lunggang iyon. She also noticed that this place wasn't in the Philippines. Minsan kasi ay narinig niyang mag-usap ang dalawang babae na nagbibihis sa kaniya gamit ang ibang lenguwahe. That's where she totally lost all her hopes.
Habang walang buhay na nakatanaw si Dina sa labas ng bintana, sa kabilang banda naman ay agad na naghilira ang lahat ng mga tauhan na nagbabantay ng mapansin ang isang kotseng parating.
Rocco stood up and bowed his head the moment Nikolo got out of the car.
"How's she?"
Tanging si Rocco lang ang nagtaas ng ulo, ang ibang tauhan ay nakayukod pa rin.
"Not eating." Ani Rocco at iginaya si Nikolo sa loob. "It's getting worse, Don Nikolo. She's killíng herself by starvation. She lost so much weight."
Napatigil si Nikolo at sinulyapan si Rocco.
"Call a female doctor." Utos niya. "And make sure she can be trusted because if not... I won't waste my time and kíll her instantly."
"Consider it done."
Nagpatuloy si Nikolo sa loob at dumaretso sa kwarto ng dalaga. Hindi siya nakabisita ng ilang araw dahil may malaking dealership siyang inasikaso. A business to attend. At inasikaso niya rin si Therese— ang babaeng pinili ng ama na papakasalan niya.
Pinihit niya ang siradura ng pinto at tumambad sa kaniya ang tahimik na loob. There he saw, Adina... sitting silently on the corner. Walang buhay ang mata nito habang nakatanaw sa malayo at sobrang putla. She's so pale.
"Baby..." Lumapit siya sa dalaga, "Amoretto."
Hindi kumibo si Dina. She didn't even flinch. She didn't respond.
Napansin niya ang pagkain sa gilid na hindi pa nagagalaw. Nikolo heaves a sigh before reaching the spoon.
"Eat... please, Amoretto. You need food."
Sinubukan niyang subuan ito pero iniwas lang ni Dina ang mukha. She didn't even glance at him. Her eyes were dull and blank.
"Don't make me do it again, Amoretto. Huwag mong hintayin na sapilitan kitang pakainin."
Umigting ang panga ni Nikolo. He was trying to restrain and control himself. He wanted to be gentle with her but Adina always makes a way to snap his patience.
"Hindi ako gutom."
Nikolo glanced at her, "Rocco told me that you didn't eat. Papaano ka mabubusog?"
"Wala akong gana."
"Kahit tatlong subo lang, Adina. Please?"
"Bakit hindi mo na lang ako pakawalan?" Sa unang pagkakataon, sinulyapan siya ni Adina. "Why don't you let me go?"
Habang nakatingin sa mata ni Adina... Nikolo realizes that Adina's face changes. Malalim ang mga mata nito at halos lumitaw na ang buto sa pisngi. Pumayat siya.
"I can't..." Tumitig si Nikolo sa dalaga. "You will stay with me. Whether you like it or not. Wala kang choice kundi manatili sa tabi ko, Adina. Hindi ka aalis at hindi ko hahayaan na kunin ka ng iba."
Sunod-sunod ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Adina.
"Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa ang makasama ka Nikolo." Dinuraan ni Adina si Nikolo sa mukha. Nanlilisik sa galit at puot ang mata nito na nakatingin sa lalaki. "Walang sino man ang gugustuhin na makapiling ka Nikolo dahil isa kang basura. You are nothing but trash!"
Nikolo's eyes darkened. His jaw tightened. Hands clenched into fist.
"Kahit kailan hindi kita magusustuhan! Itatak mo 'yan sa baliw mong kukuti!"
Tuluyang napigtas ang pisi ng pasensya ni Nikolo. Kinamay niya ang pagkain at sinungalngal iyon sa bibig ni Adina ng sapilitan.
"Fúcking eat!" Nikolo lost his mind. "Tanginà! Lunok!"
There's no gentleness left on his face. He forcefully shoves the food inside her mouth. Nagkalat pa ang ibang pagkain dahil hindi na magkasya sa bibig ni Adina lahat.
The food went on the floor. On her neck. On her clothes. Nabubulunan si Adina pero hindi pa rin tumigil si Nikolo. He was being rough on her.
Sinubukan pigilan ni Adina ang kamay ni Nikolo pero masyadong malakas si Nikolo. She's trying hard to stop her but he's so stronger than her. He completely lost his mind.
Adina choked but Nikolo didn't stop. Tumigil lang ito nang maubos ang pagkain sa pinggan. Tumitig sa kan'ya si Nikolo. Galit ang mukha nito pero habang tumatagal palambot nang palambot ang mukha nito.
And just like that... Nikolo's face is smoothened and immediately embraces her for a hug.
"I'm sorry. I'm sorry, Amoretto." Hinaplos haplos ni Nikolo ang buhok ni Adina. "I'm sorry. It's your fault. You keep testing my patience. You're not being a good girl. Ang taong pasaway, pinaparusahan. That's your punishment for being naughty and defiant."
Sunod sunod na humikbi si Adina at sinubukan itulak si Nikolo pero hindi manlang ito gumalaw.
"Baliw ka na."
"Yes, yes. I'm crazy... crazy in love with you."
Pilit na inaalo ni Nikolo si Adina na para bang hindi niya ito sinungalngal.
Pinainom niya ng tubig si Adina. At muling niyakap pagkatapos. Sinuklay niya ang buhok ni Adina.
"Was I too much? Are you hurt?"
Nagpupumiglas si Adina sa yakap ni Nikolo pero mas humihigpit lang ang yapos ni Nikolo sa tuwing tinutulak nito ito.
"Baliw ka!"
"I already know that, Amoretto. You just complimented me earlier. I heard it. Thank you, by the way."
Pinatakan ni Nikolo nang halik ang tuktok ng ulo ni Adina. Kinuha niya ang kamay ni Adina na may nakatali. Hinaplos niya ang namumulang pulsuhan nito.
"Masakit ba 'to? Masyadong bang mahigpit?" Dinala ni Nikolo ang kamay ni Adina sa labi at hinalikan iyon. "If you'll be a good girl... I might consider removing this."
Naramdaman ni Nikolo na natigilan si Adina. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na umangat ang mukha nito. Nikolo was taken a back. Sobrang lapit ng mukha nila na halos maduling na siya.
"Kapag ba... kapag ba sumunod ako sa'yo... t-tanggalin mo 'to?" Tinaas ni Adina ang kamay na may kadena at lumabi. "Habang tumatagal sumasakit kasi s'ya. Parang mapuputol ang kamay ko."
Sunod-sunod na lumunok si Nikolo dahil ilang dangkal lang ang layo ng mukha nila isa't-isa. At hindi na nakatuling ang paglabi ni Adina.
He was fighting for his sanity. He might give in because of her cute face.
Nag-iwas siya ng tingin bago tumikhim. Adina might just tricking him but f**k! It's working! Parang bibigay na s'ya!
"If you'll cooperate."
Bumilis ang pagtíbok ng puso ni Nikolo nang humarap sa kaniya si Adina na may malapad na ngiti. She was smiling eagerly at him.
At parang nawala sa sarili si Nikolo dahil kahit alam niyang may binabalak si Adina, ngumiti pa siya at nanlambot ang puso.
"Then I'll be a good girl, then!" Sumandal si Dina sa dibdib ni Nikolo. "But please... stop feeding me with Italian food? Hindi ko gusto ang lasa."
Baliw na siguro si Nikolo dahil hinayaan niya lang si Adina na lokohin siya. He knows Adina was plotting something but who cares? Niyakap siya ni Adina!
"Anything else?"
"I want Filipino food." Suhestiyon ni Adina, sinasamantala niya ang pagkakataon.
"Okay, little baby. Mayroon pa?"
Kunyaring nag-isip si Adina pero ang totoo n'yan ay may iba siyang binabalak. She knows Nikolo was cràzy about her, might as well took it for her advantage.
"Pwede ko bang malaman kung nasaan tayo?"
Hindi agad nakasagot si Nikolo. Nagdadalawang isip siya pero maya-maya ay sumagot din naman.
"Italy."
"Where particularly?"
Nakayap si Adina sa bewang niya at sinisiksik nito ang mukha sa dibdíb niya. Nikolo was a súcker so indulge it.
"Sicily. My birth place."
"That's why you have green eyes..." Mahinang bulong ni Adina pero sapat na iyon para marinig niya. "Alam mo bang gandang-ganda ako sa mata mo? It's my favorite actually."
Dahil sa narinig na iyon ay tuluyang nagpaloko si Nikolo. Adina was a sly, and he's a sucker. He knows that Adina was manipulating him pero may paki ba s'ya? Wala!
Natutuwa pa nga siya na niloloko siya ni Adina, eh. Willing prey pa siya. Kung si Adina lang naman ang maloloko ay baka ipresenta niya pa ang sarili na magpa-scam.
"Am I your favorite, too?" Walang kwentang tanong ni Nikolo.
Habang si Adina naman ay may matagumpay na ngisi. Hindi naman kita ang mukha niya ni Nikolo dahil nakasiksik sa dibdib ng lalaki ang mukha niya. Mukhang gumagana ang plano niya.
"Yes... You're my only favorite, Nikolo."
Kailangan niya lang utuin nang utuin si Nikolo. At kapag paniwalang paniwala na siya, saka siya tatakas.
"You hear me, Nikolo? Wala akong ibang paborito kundi ikaw lang. Wala nang iba."