Isang nakakasilaw na liwanag ang unang bumungad kay Adina nang iminulat n'ya ang mga mata. Napakurap scya ng ilang beses hanggang sa tuluyang masanay ang kan'yang paningin sa liwanag. Nawalan siya ng pag-asa nang makita ang parehong silid na pinagkulungan sa kan'ya ng baliw na si Nikolo. Speaking of... dumapo ang mata n'ya sa kaliwang paa. May nakapulupot na puting tela doon kung saan s'ya tinamaan ng bala ng baríl. Napangiwi s'ya ng sumidhi ang sakit ng ginalaw n'ya yon. That man is a total psychó. Walang duda na baliw na. Isa pa sa napansin n'ya, wala nang tali ang kan'yang kamay... ngunit may napansin s'ya sa kabilang paa. May tali iyon at sa dulo ay isang bilog na metal na parang dumbbell. Her hands wasn't tied up... but her feet had a heavy metal on it. Dahan-dahan niyang

