Chapter 4

2853 Words
Nanatili silang magkayakap ni Sean. They feel each other warmth. Hindi alintana ang mga matang nakamasid sa kanila. Sa kabila ng mga ngiting nakapaskil sa kanyang labi, si Justine na mismo ang kumalas mula sa pagkakayakap. Nahihiya siya dahil sa mga taong nakamasid sa kanila. Sino ba naman ang hindi mapapatingin kapag may nakita ka na magkayakap sa gilid ng kalsada ilang metro lamang ang layo mula sa eskuwelahan? “Halika ka na. Umuwi na tayo. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao,” nahihiyang sambit ni Justine.  Napayuko na lamang siya upang itago ang pamumula ng pisngi. Hindi na rin niya magawang tumingin o lumingon pa sa paligid dahil alam niya na may mga kapwa estudyante pa sila sa paligid. “Tara! Ihahatid na kita sa inyo,” suhestiyon ni Sean. Hindi man nakikita ni Justine ang mukha ng binata ay alam niyang nakangiti ito. “Hindi na kailangan, Sean. Kaya ko namang umuwi mag-isa,” maagap na pagtanggi niya sa alok nito. “Hindi. Ihahatid na kita. Tara na,” pagmamatigas naman ni Sean. At saka nito inabot ang kaniyang kamay at pinagsiklop ang kanilang palad. Nauuna ito sa kaniya kaya nagmumukhang kinakaladkad siya nito. “Sean,” bulong ni Justine. Habang ang kanyang mata ay tila naka-glue na sa kamay nilang magkahawak. “Bakit? Masama ba na hawakan ko ang kamay ng babaeng mahal ko?” Nakataas ang kilay ngunit nakangiting tanong ni Sean. Wala namang naisagot si Justine sa tinuran ng huli, sa halip ay natahimik na lamang siya dahil sa nakabibinging lakas nang kabog ng kaniyang puso. Ang kasiyahang nadarama ay hindi maaalis-alis sa kaniyang isipan at puso. Hindi siya makapaniwala na mahal siya ng lalaking noon ay tahimik lamang niyang tinatanaw mula sa malayo. TATLONG araw na ang lumipas mula nang aminin ni Sean na gusto rin niya si Justine, at ngayon lamang nila inamin sa kanilang mga kaibigan ang tungkol dito. Tanging si Keith at ang nobya nito na si Arlene lamang ang nakakaalam na nobyo na niya si Sean.  “Talaga! Kayo na ni Sean?”  Jean shouted exaggeratedly after hearing their news. “Inamin niya na sa iyo na mahal ka niya?” Isang tango lamang ang naging sagot ni Justine sa kaibigan. Habang ang apat na pares na mga mata naman ng kanilang kaibigan ay mariing nakapukol sa kanila. “Alam na ba nila Tito at Tita ang tungkol dito?” tanong muli ni Jean. At muli, isang tango ang naging sagot ni Justine nang maalala ang nangyari pagkatapos siyang ihatid ni Sean pauwi sa kanilang bahay.  Halos paulanan sila ng mga ito ng isang katerba na tanong matapos makita na inihatid siya ng binata. Inamin kaagad ni Justine sa kaniyang magulang ang tungkol sa kanila ni Sean. At ang ika pa nga niya ay aanhin pa ba nila ang ligawan kung malinaw naman sa kanila ang nararamdaman para sa isa’t isa. Dahil ang relasyon nila ang dapat nilang pagtuunan ng pansin at alagaan upang tumagal. Sa kabilang banda naman ay nangako si Sean sa magulang ni Justine. Na kahit opisyal na silang magkasintahan ay liligawan pa rin niya ang nobya at ipapadama niya rito kung gaano niya ito kagusto at kamahal. “Sean! Tandaan mo ito!” singhal ni Jean. Dinuro niya pa ito. “Kapag si Justine ay pinaiyak mo. Humanda ka sa akin!” mariing sabi pa niya. “Teka lang, Jean. Hindi ba dapat ako ang magsabi niyan kasi ako ang kapatid dito?” nakanguso at lukot ang mukhang reklamo naman ni Keith. Habang si Chuck naman ay nakangisi at umiiling sa eksenang nasasaksihan. “Hala ka, Bro.  Matakot ka na. Dahil kapag pinaiyak mo si Justine baka sa morgue ka na namin makita pagkatapos kang gulpihin ng dalawang ito,” pang-aasar ni Chuck sa kaibigan. Tipid na ngiti lamang ang iginanti nito sa tatlo bago ibaling ang tingin sa nobya. “Bakit naman ako matatakot? Eh, wala naman akong balak na paiyakin si Justine,” he said proudly as he hold Justine’s hand and gently squeezed it. “Anyway, congrats sa inyong dalawa. Lalo na sa iyo, Justine,” Arlene said while smiling at them lovingly.  Sa kanilang magkakaibigan si Arlene ang isa sa pinakatahimik. She’s like a modern version of Maria Clara. “Sean, tandaan mo ito. Huwag na huwag mong paiiyakin si Aisha. Dahil kapag nalaman ko na pinaiyak mo ang kakambal ko. Humanda ka talaga sa akin!” pagbabanta ni Keith. Mariin niyang tinitigan ang kaibigan upang bigyang babala na hindi ito nagbibiro. “Kuya,” bulong ni Justine sa kakambal. “Pangako, hindi ko siya paiiyakin,” pangako ni Sean sa kaibigan. Dahil alam niya sa sarili na hindi niya gugustuhin na makitang umiyak ang nobya. “Hoy! Jayson Sean Ferrante, ingatan mo ‘yang kaibigan ko!” bulyaw ni Jean. “Tara na nga. Bumalik na tayo sa classroom natin. Malapit nang magsimula ang susunod na subject. Bawal pa naman ang late sa terror na subject teacher natin,” dagdag pa niya. Kaya naman sabay-sabay na silang bumalik sa kanilang room. Hinatid naman ni Sean ang nobya sa silid-aralan nito kahit pa ilang beses na itong tumanggi.  Mabilis na lumipas ang mga araw. Halos apat na buwan na ang lumipas simula ng maging opisyal na magkasintahan sina Justine at Sean. And, since it’s weekend, Sean and Justine planned to go out on a date just like what they usually do aside from studying. Natapos na kasi ang kanilang midterm exams. Justine’s exam result went well, she was still at the top ten in their year level. Her twin brother Keith, Arlene, and Jean remained in their positions at top thirty. While Chuck and Sean, somehow managed to be on top forty out of one hundred students in their year level. Excited na nagpunta si Justine sa tagpuan nila ni Sean. Pero nawala ang ngiti niya nang wala roon ang binata. Bago ito sa kanya dahil kailanman ay ‘di siya pinaghihintay nito. “Baka naman na-traffic lang siya on his way here,” bulong ni Justine sa sarili matapos ang ilang minuto na paghihintay. On the other hand, Sean was already on his way. Halos mapamura siya nang makita ang oras sa relong pambisig. Kaya naman nagmamadaling bumaba siya ng jeep upang takbuhin na lamang ang distansya sa halip na hintayin ang pag-usad ng sasakyang na-stuck sa traffic. Balewala na sa kaniya kung pawisan siya o pagod, ang mahalaga ay makarating siya. Making Justine neither wait for him nor disappoint her was not on his list. But, he suddenly caught a glimpse of a very familiar person.  It was Jean, who was being harassed by a group of drunkards. Nagmamadaling lumapit siya rito upang makuha ang atensyon ng mga kalalakihang tila may masamang balak sa dalaga.  “Sean!” nasorpresang sambit ni Jean. Ang kaninang puno ng takot na mukha nito ay lumiwanag. “Let’s go!” he said firmly. He then grabbed her hand, and ran away as fast as they could before the drunkards could react at his sudden appearance. “Thank you, Sean,” mahinang sambit Jean habang nanginginig pa rin sa takot ang buong katawan.  Mahigpit na yumakap ang dalaga kay Sean. Para bang sa paraang iyon ay magiging ligtas ito. Nagulat man si Sean sa ginawa ni Jean ay niyakap niya rin ito pabalik.  “Wala ‘yon. Magkaibigan tayo, eh. At saka, kung si Justine ang nakakita sa ‘yo sigurado ako na ganoon din ang gagawin niya,” nakangiti niyang sabi habang hinahagod ang likod ni Jean upang pakalmahin ito. “Tama ka,” nakangiting tugon naman ni Jean nang kumalas na ito sa yakap. “Salamat ulit,” dagdag pa niya habang pinupunasan ang munting butil ng luha. May kakaibang kislap naman sa mga mata ni Jean siyang napansin nang matitigan niya iyon. Ngunit binalewala lamang ito ni Sean. Dahil alam niya na wala siyang dapat na isiping kakaiba tungkol sa kaibigan. “Halika. Doon na muna tayo sa convenience store. You’re still trembling,” malumanay na sabi ni Sean nang marahan niya itong hinawakan sa braso. “Okay lang ako, Sean. At saka hindi ba ngayon ang date n’yo ni Justine. Hindi ka pa ba late?” may bahid ng lungkot na tanong ni Jean. May kakaiba sa tono ng pananalita nito ang hindi mawari ni Sean. Ngunit inisip na lamang niya na baka dahil iyon sa panginginig at takot na naramdaman kanina. “Okay lang. Alam ko naman na maiintindihan ako ni Justine,” kampanteng sabi ni Sean. Dahil alam ni Sean na malawak ang pang-unawa ni Justine at maiintindihan nito kung bakit siya nahuli ng dating.  He and Jean stayed at the convenience store for a few more minutes. And when he take a look at his watch, his mouth almost dropped on the floor after seeing that he was more than an hour late. He cursed himself silently. He also take a  look at his phone, and there he saw that Justine already had thirty missed calls and twenty messages asking where he was, or if he was alright. “Damn!” he cursed himself. He even slapped his forehead for forgetting his girlfriend who was patiently waiting for him, and now worrying where in the hell he is at the moment. “Sean! Nandito ka lang pala!” Chuck shouted as he harshly slammed his palm at the convenience store’s glass door which startled everyone. “Jean,” Justine whispered. She was standing behind Chuck, and she’s already on the verge of crying. “Justine,” Jean whispered in shock as she saw her friend. Ngayon na lang ulit nagkita ang magkaibigan. Dahil nitong mga nakalipas na araw  ay halos hindi na sila sabay na kumain tuwing tanghalian. Tuwing practice naman ng kanilang team ay tahimik lang ito. Maging sa pag-uwi ay ganoon din. Para bang iniiwasan na siya ni Jean, ngunit pilit naman na binabalewala ni Justine ang ideyang iyon na gumugulo sa kaniyang isipan. “Alam mo ba na nag-aalala sa ‘yo si Justine,” sermon ni Chuck kay Sean. “Nag-aalala siya nang husto na baka naaksidente ka na, o baka may sakit ka. Tapos nandito ka lang pala,” may bahid ng pagdududa at panunumbat na sambit pa nito. “Chuck, nagkakamali ka ng iniisip,” maagap na sambit at depensa ni Jean. “Tinulungan lang ako kanina ni Sean. Kaya kasama ko siya. May mga lasing kasi na humarang sa akin. Mabuti na lang at nakita ako ni Sean. Dinala niya ako rito kasi nanginginig pa ako sa sobrang takot,” mahabang paliwanag nito bago ibaling ang tingin sa matalik na kaibigan.  “I’m sorry, Justine. Alam ko naman na date n’yo ngayon pero nandito si Sean, kasama ako. Sorry talaga,” paghingi nito ng dispensa. “Okay ka lang ba, Jean?” nag-aalalang tanong ni Justine.  Hindi na pinansin ni Justine ang mga naunang sinabi ng kaibigan. Sa halip ay inabot niya ang kamay nito at marahang hinaplos. Mababakas naman ang pag-aalala sa mata ni Justine nang titigan niya ito sa mata.  “Oo. Okay lang ako. Sorry talaga kung nasira ko ang dapat ay date n’yo,” Jean assured her friend.  Isang tipid na ngiti at marahang pag-iling naman ang naging sagot ni Justine sa kaniya. “Hindi problema sa akin ang nasirang date. Ang mahalaga ay okay ka at ligtas,” Justine said as she avert her gaze from Jean to Sean. “Sean, thank you,” she said as he look straight into his eyes. “Wala ‘yon. At saka alam ko naman na kung nandoon ka ay iyon din naman ang gagawin mo,” Sean said lovingly at her as he wrapped his arms around her waist and gently kiss her forehead. Right in front of their friends. “Okay! Since okay na ang lahat. Tara na!” Chuck exclaimed while grinning at them as he dragged Jean out. Sumunod naman si Jean sa kaibigan. Ngunit bago tuluyang iwanan ang dalawa ay ibinigay niya muna rito ang napanalunang ticket sa isang amusement park, bilang kompensasyon sa abalang nagawa. “Let’s go?” Sean asked Justine. Yakap pa rin ang nobya ay lumabas na sila upang ituloy ang kanilang date. “Action!” “Comedy!” sabay na bigkas nina Sean at Justine nang makarating sila sa cinema upang pumili ng pelikulang panonoorin. “Okay. Comedy,” nakangiting sambit ni Sean habang inaakbayan niya si Justine. “No. Iyong action na lang,” kontra naman ni Justine. “Akala ko ba gusto mo ‘yong comedy?” tanong ni Sean. “Kaya comedy na lang ang panoorin natin.” “Action na lang. Palagi na lang kasi ang movie na gusto ko ang nasusunod. Kaya ‘yong gusto mo naman ang panoorin natin ngayon,” nakangiting sambit ni Justine nang yakapin niya ang nobyo sa baywang at tingalain ito upang magpantay ang kanilang tingin. “Justine, okay lang naman sa akin ang kahit na anong genre. At saka hindi naman big deal sa akin kung hindi natin panoorin ang gusto kong movie,” malumanay naman na sambit ni Sean bago niya ito kantilan ng isang mabilis na halik sa noo. Agad namang kinalas ni Justine ang yakap sa nobyo. Nahihiya siyang makita ng ibang tao ang ginawa ng nobyo. “Kung ganoon naman pala, ‘yong action na ang panoorin natin. Naku-curious ako sa pelikulang iyan eh, kaya ‘yan na lang ang panoorin natin,” suhestiyon ni Justine. “Sigurado ka ba?” nag-aalangang tanong ni Sean. “Oo naman! Tara na. Bili na tayo ng ticket!” excited na sabi ni Justine ng siya na mismo ang naunang pumunta sa ticket counter.  Napangiti na lamang ng malapad si Sean nang sundan niya si Justine.  After their movie date and simple lunch they headed next to the amusement park. Where they make the most of the day memorable and fun. They filled it with laughter and smiles. At ang panghuli sa lahat ng ginawa nila para sa araw na iyon ay ang sumakay sa Ferris Wheel. Kung saan ay  tanaw at kitang-kita nila ang ganda ng buong siyudad. Ang mga ilaw na nagkikislapan ay tila mga bituin sa kalangitan. Ang kaibahan nga lamang ay mula ito sa ibaba. Tahimik nilang pinagmamasdan ang napakagandang tanawin habang ang malamig na simoy ng hangin ay marahang humahaplos sa kanilang balat. “Nag-enjoy ka ba ngayon, Justine?” Sean asked her. He was staring at her face while sitting next to each other’s and holding each other hand. “Oo naman, sobrang nag-enjoy ako,” malapad ang ngiti sa labing sagot ni Justine matapos ibaling ang atensyon sa nobyo.  “Kaso nakakainis ka! Kailangan ba talaga na dalawang beses nating sakyan iyong roller coaster? Alam mo naman na ayaw kong sumakay roon!” reklamo niya rito kasabay nang may kalakasang paghampas nito sa braso ng nobyo. She was even pouting like a kid while blushing. “Sorry na. Paano ba naman kasi ang cute mo kapag natatakot ka,” pabiro namang sabi ni Sean nang kurutin niya ang pisngi nito. “Ewan ko sa ‘yo!” singhal ni Justine dito. At muli ay itinuon niya ang atensyon sa magandang tanawin habang ang gondolang sinasasakyan ay marahang gumagalaw paitaas. “Justine, I love you,” Sean whispered when he leaned his chin on her shoulder, making Justine feel ticklish and gasped in awe. Natigilan at natulala si Justine nang marinig ang sinabi ng nobyo. Ang kaninang mapulang pisngi ay lalo pang namula dahil sa narinig. Kahit pa na ilang buwan na silang magkasintahan ay hindi pa rin siya sanay na marinig ang tatlong katagang iyon mula kay Sean. At kulang na lamang ay kumawala ang kaniyang puso sa lakas at bilis ng t***k nito. “I love you too,” sagot ni Justine sa nobyo nang lingunin niya ito. They stare at each other for a few seconds, as if they are staring at one of the most precious and beautiful views they have seen so far. Seconds later, Sean lean closer to her. Justine closed her eyes as she felt his warm breath brushing against her skin. Then, she felt his soft lips brushing into hers. And in an instant she forgot where they are. “I love you,” they whispered sweetly into each other after their lips parted away.  Justine lean her head on Sean’s chest. Where she can hear his heart beating the same pace as hers. While Sean lovingly and sweetly showered the top of her head with soft little kisses. Sean can’t ask for more. Because Justine Aisha Green almost have everything that a man could ask for aside from beauty, grace and brains. Justine was understanding, caring, loving, kind and honest. Sa ilang buwan nilang magkasintahan ay halos wala silang pinagtalunan o hindi napagkasunduan. Kung mayroon man ay agad nila itong inaayos. Madalas pa nga na si Justine ang unang gumagawa ng paraan imbis na siya. At higit sa lahat, hinding-hindi nila hinahayaan na lumipas ang araw na galit sila sa isa’t-isa. In that way, gigising sila kinabukasan na maayos at walang gusot sa kanilang relasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD