Chapter 3

2770 Words
ISANG linggo na ang nakalipas matapos ang pag-uusap nila ni Keith tungkol kay Justine. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga ngiti sa labi nito nang araw na iyon at alam niya’t napapansin din niya na iniiwasan siya nito. Because whenever they hang out together with Jean, Chuck, Keith, and Arlene, umiiwas ito ng tingin sa tuwing magtatama ang kanilang tingin. At kapag kausap niya naman ito ay tipid na mga sagot lamang ang nakukuha niya. Hindi naman niya masisisi kung ganoon na lamang ang pakikitungo sa kaniya ng dalaga after what happened. Nang mag-lunch break na ay dumeretso si Sean sa rooftop upang doon kumain ng pananghalian. Sa araw na iyon ay mag-isa lamang siya dahil wala ang kaibigan na si Chuck. Absent ito dahil nilagnat ang loko’t ayaw naman niyang sumabay kina Keith at Arlene dahil baka maumay lamang siya sa katamisan ng magkasintahan. Mas maigi na ring nasa rooftop siya. Bukod sa makakaidlip siya ay mas makakapag-isip-isip siya. “Just what I thought, nandito ka lang,” ang boses ni Jean ang gumulat sa nanahimik na diwa ni Sean. Napaubo rin ito dahil nabilaukan ito sa gulat nang bigla na lamang at marahas na binuksan ni Jean ang pintuan ng rooftop. “Ano’ng ginagawa mo rito?” ang nauubo at kunot-noo niyang tanong. “Hindi ba kasabay mong kumain si Justine?” “Wala lang, naisip ko lang na baka umiyak ka,” sarkastikong sagot ni Jean bago ito pasalampak na naupo sa sahig. “Kasi mag-isa ka lang na kakain ng lunch mo since wala si Chuck, absent,” natatawang sambit pa nito. “Ako, iiyak dahil doon? Asa!” balik nito sa mapang-asar na tinuran ng kaibigan. “Ang lakas ng boses mo!” reklamo nito sa kanya. “Kumain ka na nga lang diyan!” “Alam mo ba?” basag ni Jean sa katahimikang bumabalot sa kanila ni Sean habang abala sila sa kaniya-kaniyang pagkain. Tanging ang ingay lamang ng pagnguya nila ang maririnig kung hindi pa nagsalita si Jean. “There’s a lot of guys already confessed their feelings to Justine,” she continued. “But she never went out nor dated any of them.” She finished her sentence as she munched the last spoonful of her food. Tila nag-freeze naman sa ere ang kamay ni Sean na hawak-hawak ang kaniyang kutsarang may laman pang pagkain. “Pareho kayo ng sinabi ni Keith. Halos ganiyan na ganiyan din ang pagkakasabi niya,” sambit nito nang makabawi. “Talaga?!” gulat na tanong naman ni Jean habang si Sean ay abala sa pagsubo sa huling kutasara ng kaniyang pananghalian. “Oo, noong isang linggo. Noong araw na naikuwento ko sa inyo ang tungkol sa pagtatapat ni Justine.” “Ganoon ba? Pero alam mo bang noong mga freshman pa lang tayo, wala akong kaibigan dito sa school o sa klase namin?” kuwento ni Jean matapos isilid sa kaniyang lalagyan ang lunch box. Hindi naman siya nilingon o tinapunan ng tingin ni Sean, sa halip ay prenteng nakaupo at nakikinig lamang siya sa sasabihin pa nito. “I’ve been alone since then, but Justine came and talked to me,” she continued as she looked at the sky, reminiscing about those days. “It was that time during our first practice for marathon preliminary competition, she was the first student who talked to me. And then from there on, we became friends. At last year, nalaman kong may gusto sa ’yo si Justine,” she continued as she took a quick glance at Sean who was silently listening to her story about Justine. “Kaya naman naisipan kong makipagkaibigan sa inyo ni Chuck since classmate naman na tayo,” dagdag niya pang muli na may ngiti sa labi. “Naisip ko kasi na in that way, she will slowly get closer to you normally and you can be friends. And if possible, you will like her the way she likes you. Pero hindi e. She might be cheerful, but when it comes to you, she becomes timid. And as the time passes by, nakalimutan ko na ang dahilan ko kung bakit ako nakipagkaibigan sa inyo. Kung hindi dahil kay Justine, hindi ko kayo magiging kaibigan ni Chuck.”  Nagsimula nang manubig ang mga mata niya habang nagkukuwento ngunit pinigilan niyang tumulo ito nang tuluyan. “At hindi ako magiging ganito kasaya. It was fun to be friends with you and Chuck at lahat ng ’yon ay dahil kay Justine. Kung hindi niya siguro ako kinausap noong time na ’yon, siguro mag-isa pa rin ako ngayon,” pigil ang luha niyang kuwento sa kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit naisipan niyang ikuwento dito ang tungkol kay Justine. Siguro kasi gusto niyang makilala ni Sean kung sino ba ang kaibigan niya. “Jean, umiiyak ka ba?” may pag-aalalang tanong ni Sean dahil napansin nito na medyo nag-iba ang tono ng boses ng kaibigan. “Hindi ah!” maagap na tanggi nito. “Diyan ka na nga, tsk. Bakit ko ba sa ’yo kinuwento ’yon!” ang naiinis at naiirita nitong turan bago tumayo nang marahas. “Siya nga pala, h’wag ka nang mag-alala kung iniisip mo na masyado mong nasaktan ang damdamin ni Justine. She’s now trying to forget her feelings for you. This time, for real,” singhal pa nito sa kaniya bago muling padabog na isinara ang pinton ng rooftop habang ang mga yabag ay mabibigat at halos dumagundong. THOSE words that Keith and Jean said kept on ringing in his mind for almost a week. And not only those words, even Justine’s smile and soft voice repeating in his mind over and over again like a broken video player. He couldn’t stop thinking of her and without notice, he didn’t realize that he was always looking for her. Whenever she was around, he couldn’t help but to stare at her and watch her having fun with her classmates. In the library, in the bookstore, at the school grounds, and during their daily practice. He was always looking and staring at her more than the way he did before. But whenever their eyes met ay si Justine na mismo ang unang umiiwas. And that was the fact and the truth that slapped him hard. She was clearly trying to avoid him. At sobrang nasasaktan siya sa kaalamang iniiwasan na siya ng dalaga. Masyado na siyang naduduwag at natatakot sa tunay na nararamdaman. Nilalamon siya ng pangamba at alinlangan. Whenever he saw her talking to other guys, it made his heart ache for some reason. Thus, he finally asked Chuck about it because he himself doesn’t know and doesn’t understand his own feelings anymore. Pagak namang tumawa si Chuck sa kalagayan at problema ng kaibigan matapos sabihin ang lahat dito. “Bro, ang sakit na ng tiyan ko kakatawa sa ’yo,” maluha-luha nitong sambit dahil sa walang humpay na pagtawa. “Hanggang ngayon ba, hindi mo pa rin naiintindihan iyang sarili mong damdamin?” ang di-makapaniwalang tanong nito sa kaibigan na ikinakunot naman ng kaniyang noo. “Sean, in love ka na! In love ka na kay Justine! Matagal na!” eksaheradong sambit nito kasabay ng mahinang paghampas nito sa balikat ng kaibigan na ngayon ay gulong-g**o na sa tunay na damdamin. “Bro, gusto mo na si Justine noon pa man, ’di mo pa ba nari-realize ’yon?” ang seryoso nitong tanong sa kaibigan na walang ibang magawa kundi ang ihilamos sa mukha ang dalawang palad dala ng frustration. “Ewan ko, hindi ko alam,” mahinang sagot ni Sean. “Pero kidding aside, Sean. I’m sure na mahal mo na nga siya kaya ako na mismo ang nagsasabi sa ’yo na ngayon pa lang, puntahan mo na siya bago pa siya makahanap ng iba. Kung ayaw mong magsisi sa huli, pag-isipan mo ang sinabi ko sa ’yo, bro,” payo nito sa kaniya. Hindi naman halos makapaniwala si Sean na ang mga salita’t payo na tulad niyon ay sa loko-loko niyang kaibigan pa maririnig.  Don’t judge a book by its cover, wika nga nila. Dahil kahit na pilyo at may saltik ang kaibigan ay alam naman nito kung kailan dapat magseryoso o hindi. All throughout the night, he kept on thinking about what Chuck had said. “Am I already in love with Justine? Ganoon na ba ako kamanhid at kabulag para hindi mapansin, makita, at maitindihan ang tunay kong nadarama?” tanong ni Sean sa sarili habang nakahiga sa kama at ang mga mata ay wala sa sariling nakatulala sa kisame ng sariling silid. He kept on thinking about it and finally, he got his answer—answer that had been laying and standing in front of him for a long time. “I will definitely tell her what I feel today, no matter what will be the outcome is,” bulong niya sa sarili bago tuluyang yakapin ng antok. Wala mang tulog ay pinilit niyang pumasok upang maisagawa ang kaniyang naging desisyon. Because there was no reason for him to be afraid or to hold back his true feelings anymore. Matapos ang kanilang klase para sa araw na iyon ay nagmamadali siyang nagtungo sa classroom nina Justine ngunit hindi na niya naabutan doon ang pakay. Kaya naman ay nagmamadali siyang bumaba ng building, umaasang hindi pa nakakalayo si Justine. “Chuck, mauna na ako sa inyong umuwi!” sigaw niya sa kaibigan habang halos liparin na niya ang hagdan makababa lamang kaagad. Mabuti na lamang at hindi pa gaanong nakakalayo si Justine kaya naman nahabol niya pa ito pero kasama nito sina Keith at Arlene.  Paano naman niya sasabihin ang nais niyang ipagtapat kung nandito ang dalawang magkasintahan? “Justine!” hinihingal at habol-habol pa ang hininga niyang sigaw sa pangalan ng dalaga nang sa wakas ay lingunin siya nito. “Jayson? Bakit nandito ka? May kailangan ka ba kay Kuya?” gulat at sunod-sunod na tanong nito nang makita siyang papalapit sa kanila. “Wala naman, pero Justine, gusto sana kitang makausap,” mahina niyang sabi habang ang mga mata ay naglulumikot, hindi malaman kung saan titingin. Ang isang kamay ay nasa dibdib, sapo-sapo ito’t marahang huminga nang malalim bago tuluyan at paunti-unti ay bumalik na sa normal ang paghinga. “Ha? ,Okay pero bago ’yon, magpahinga ka na muna sandali. Hinihingal ka pa eh. Tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?” malumanay na sambit ni Justine. “Justine, mauna na kami ni Keith pauwi, ha?” sambit ni Arlene habang ang isang kamay ay mahigpit ang pagkakahawak sa braso ng nobyo, tila ba pinipigilan ito sa kung ano mang balak na gawin sa mga sandaling iyon. “Bakit naman?” takang tanong ni Justine nang ibaling nito ang tingin sa dalawa. “Mukha kasing personal ang pag-uusapan n’yo kaya iiwanan na namin kayong dalawa. Sige na, mauna na kami,” ang nakangiting sambit naman ni Keith nang maintindihan ang nais iparating ng nobya, ang mga mata ay may makahulugang mga tingin sa kaniya at kay Sean. “Kuya?” takang usal niya. “Okay, sige mauna na kayo, susunod na lang ako sa store n’yo, Arlene, mamaya,” sa huli ay sambit niya. ‘Mabuti na lang at umalis na ’yong dalawa, masasabi ko na sa kaniya ang gusto kong sabihin,’ mahinang usal ni Sean sa sarili nang sa wakas ay naging normal na ang kanyang paghinga. “Justine, may gusto sana akong sabihin sa ’yo,” panimula ni Sean nang makarating sila sa gilid upang hindi makaabala sa iba pang estudyanteng papauwi na. “Okay, ano ba ’yon?”  Humugot muna si Sean ng isang buntonghininga bago mag-umpisang magsalita. “Pinag-isipan ko ito nang mabuti at alam ko na baka hindi mo ako paniwalaan sa sasabihin ko,” kinakabahang usal nito. “Na baka isipin mo, niloloko lang kita,” pagpapatuloy niya nang marahang inabot ang kanang kamay ni Justine at marahang pinisil ito. Na tila ba doon siya kumukuha ng lakas at tapang. “Pero, Justine, seryoso ako.” “Okay,” tanging sagot ni Justine sa kabila ng pagtataka sa ikinikilos ng kaharap. He looked at her straight in the eyes so that she would be able to see that he was serious about what he was about to say and confess. “Justine, gusto rin kita,” buong tapang na pag-amin niya. “I like you too. Alam kong nasaktan kita noon, noong nagtapat ka sa akin, pero Justine, sana naman hayaan mo akong bumawi sa iyo ngayon. Aaminin ko, naduwag ako sa nadarama ko. Naduwag ako nang umamin ka na gusto mo ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at kung paano ko ipoproseso sa utak ko ang lahat-lahat. Dahil ikaw, Justine. Ikaw ’yong babae na tinatanaw ko lamang noon ay bigla na lamang umamin na may gusto sa akin. Kaya naman sobrang naguluhan ako noon. Pero ngayon, ayaw ko nang magpakaduwag pa’t ayoko na ring iniiwasan mo ako. Justine, nandito ako ngayon sa harapan mo at umaamin na, oo, gusto din kita. Gusto kita at nasa punto na ako ng buhay ko na inaamin ko na sa ’yo na hindi lamang kita gusto dahil mahal na kita. “Mahal kita kaya please let me make it up to you, for rejecting you, for hurting you, for making you cry, and for making you feel gloomy these past few days. Because I’m really in love with you. We may be young but I know and it’s clear to me that I love you. I love you, Justine,” pigil-hiningang pag-amin ni Sean sa tunay na nadarama. Marahang umiling naman si Justine na siya namang ikinabahala ni Sean. “Hindi na kailangan, Sean. Hindi mo na kailangang bumawi pa,” Justine said as she gave him a faint smile on her face. “Alam mo bang sinibukan kong kalimutan ka na lang, pero mahirap na kalimutan ka. At ngayon na sinabi mong a gusto mo rin ako, hindi ako makapaniwala. It seems like I’m dreaming,” pag-amin ni Justine habang ang utak niya ay abala pa rin sa pagproseso sa lahat ng sinabi at ginawang pag-amin ni Sean. Dahil hindi niya inakala at mapaniwalaan na darating ang araw na ito. Na sasabihin sa kaniya ni Sean na gusto’t mahal rin siya ng binata. Dahil umpisa pa lamang ay hindi na siya umasa pang masusuklian nito ang kaniyang nararamdaman para dito. Sinakop naman ng kamay ni Sean ang pisngi ni Justine upang mapakatitigan ito nang mabuti, mata sa mata. “You’re not dreaming, Justine. Gusto talaga kita. I’m in love with you. I love you, Justine,” usal nito sa dalaga bago niya ito hapitin sa baywang at ikulong sa kaniyang mga bisig upang maipadama sa ganoong paraan ang kaniyang damdamin. “Talaga?” Justine hesitantly asked while looking at his brown eyes, and he just nodded as a reply without averting his gaze at her chocolate brown eyes. “I love you too, Jayson. Sobra mo akong napasaya,” she confessed, smiling widely from ear to ear as she hugged him back leaning her head at his chest. Halos mag-umalpas na sa kaniyang katawan ang kaniyang puso sa bilis ng t***k nito dala ng lubos na kasiyahang hatid ng binata sa kaniya. Ang mapalapit at matanaw lamang ito ay lubos-lubos na galak na ang hatid sa kaniya. Ang makasama pa kaya ito’t malaman ang tunay na nadarama para sa kaniya. “Jayson?” mahinang sambit ni Sean sa kaniyang sariling pangalan nang mapagtanto kung ano ang tawag sa kaniya ng dalaga. “You can just call me Sean just like what Jean and the others do.” Dahil halos lahat ng kakilala nila ay Sean ang tawag sa kanya’t tanging si Justine lamang ang tumatawag sa kaniyang Jayson, ang kaniyang first name. Mas gusto niya ang Sean dahil pakiramdam niya ay pangmamang-mama ang pangalan na Jayson. It’s too common. “Okay, Sean then,” Justine whispered his name with a smile on her face. Hindi naman masukat ni Sean ang kasiyahan nang sa wakas ay nagawa na rin niyang aminin ang tunay na nadarama para sa dalaga. Ang damdaming pilit na iwinawaksi at inililihim sa loob ng ilang taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD