Chapter 2

2341 Words
“JUSTINE, ano kasi, I’m sorry . . .” “Ayos lang,” ang mahinang sambit ni Justine matapos magtaas ng tingin at titigan siya, mata sa mata. “Alam ko naman na hindi mo ako gusto,” sambit pa nito habang nakangiti, ngunit alam ni Sean na pilit at peke lamang ang mga ngiting iyon. Dahil alam niya kung ano ang tunay na ngiti ng dalaga. Alam na alam niya at kabisado niya ang ngiti nito na tila ba nakaukit na iyon sa kaniyang isipan. Kaya naman, alam niya kung pilit lamang o tunay ang mga ngiti nito. “Pero, at least, nasabi ko sa ’yo ang nararamdaman ko. Sige, mauna na ako. Pasensiya na sa abala!” ang nagmamadaling sambit ni Justine. And then she ran away. Sean knew that she was trying hard to hold her tears from falling down. Kaya naman hindi na niya mapigilang ikuyom ang mga kamao sa inis at frustration na nadarama. He was shocked to know that she likes him, but he doesn’t feel the same way towards her, or it was just him who can’t see his feelings. Because earlier when he saw her blush, he thought that she was definitely beautiful, much more beautiful than the day they first met. Pero nang dahil sa napakawalang kuwenta niyang tugon kanina ay nabahiran na ng lungkot ang magandang mukha at matang iyon ng dalaga. ILANG araw matapos ang tagpong iyon ay naikuwento niya sa dalawang kaibigan ang nangyari habang kumakain sila ng tanghalian sa rooftop ng senior high’s building. “What?!” ang eksaheradang sigaw at reaksyon ni Jean nang marinig ang kuwento ni Sean. “Talaga bang sinabi sa ’yo ni Justine na gusto ka niya?” “Oo,” nahihiya niyang tugon. “Ganoon ba?” ang bagsak-balikat na sambit ni Jean. “Sinabi niya na pala sa ’yo,” malungkot nitong bulong na hindi naman nakatakas sa matalas na pandinig ni Chuck. “Teka lang, Jean, alam mo bang gusto niya si Sean?” Chuck asked as he formulated and solved what was happening and what happened in his mind. “Oo,” sagot nito para malinawan na ang binata. “At ano’ng sinabi mo? Ano’ng sagot mo?” magkasunod na tanong nito kay Sean na biglang natahimik. “I said sorry,” honest na sagot niya. Kahit kailan ay wala siyang nailihim sa mga kaibigan, maliban sa isang bagay na tanging siya lamang at si Chuck ang nakakaalam. “Ha?! You turned her down!” Chuck exclaimed exaggeratedly na talaga namang sinabayan pa ng pagtayo’t matalim na tingin sa kaibigan. Mabuti na lamang at natapos na silang kumain kung hindi ay baka tumapon na ang kanilang pagkain sa sahig dahil sa bigla nitong pagtayo. “Parang ganoon na nga,” mahina niyang sambit. “Tsk, bakit ba naman sa dinami-rami ng lalaki sa school na ’to, ikaw pa ang nagustuhan ni Justine? Si Justine na isa sa Top 10 student of our entire year, what a waste,” ang umiiling-iling na dagdag pa ni Chuck. He even said it sarcastically, obviously teasing his friend. “Baliw ka pala eh!” singhal naman ni Jean.  “Alam mo bang seryoso si Justine sa sinabi niya! Diyan na nga kayong dalawa!” iritable pa niyang sambit bago padabog na tumayo’t isinilid ang kaniyang pinagkainan sa lunch box na dala. “Kaya pala matamlay siya nitong nagdaang mga araw,” Jean whispered to herself, na narinig naman ni Sean, which made him more guilty about what he did. “Oy! Teka, saan ka pupunta? Malapit nang matapos ang lunch break!” sigaw ni Chuck nang makarating si Jean sa pinto ng rooftop. “Saan pa ba? E di kay Justine!” she shouted back and then she ran. “Panigurado ako na malungkot ngayon si Justine. Lagot ka mamaya kay Jean. Humanda ka nang mabugbog,” komento ni Chuck na ngayon ay nakatayo na at inaayos din ang pinagkainan. “Ay, hindi lang pala si Jean. Pati pala kay Keith,” ang may pilyong ngiting sambit pa nito “Ewan ko sa ’yo,” naiinis na sambit ni Sean bago tumayo at iwanan ito sa rooftop. “Teka, saan ka naman pupunta?” habol nito sa kanya. “Sa banyo, sasama ka?” naiinis pa rin nitong sagot. Hindi naman siya naaasar at naiinis sa kaibigan kundi sa sarili niya. ‘Maybe I’ve been too harsh towards Justine,’ he thought at the back of his mind. TWO days had passed since that day—the day she confessed her feelings for Sean. And now, she has thought that she should forget and erase her feelings for him. And it was better if she will avoid him for the meantime. Though, hindi naman talaga sila nagkakausap at hindi rin naman sila close. She knew it would be awkward for the both of them after what she did. “Justine!” Jean shouted habang naglalakad siya may hallway pabalik sa kanilang classroom. “Jean? Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya nang lingunin ang kaibigan.  “Malapit nang mag umpisa ang susunod na klase, ah.” Bigla naman siyang inakbayan ng kaibigan. “Okay lang ’yon. Pero ikaw, okay ka lang ba?” may bahid ng pag-aalalang tanong nito sa kaniya. “Ha? Oo, okay lang naman ako. Bakit ba?” ang wala sa sarili niyang sagot. Dahil kung tatanungin siya kung ayos lang ba ang lagay ng puso’t damdamin niya, ang sagot niya ay hindi. “Nalaman ko kasi na inamin mo na kay Sean na gusto mo siya.” “Alam mo na pala,” mahina niyang sambit. “Oo, inamin ko na, pero—” Naputol ang sasabihin niya nang mapagtanto ang binitiwang salita ng kaibigan. “Pero basted ka,” ang may pilyang ngiti’t nakakalokong sambit nito. “Basted?! Grabe ka naman sa ’kin! Para namang niligawan ko siya!” depensa niya habang pilit na itinatago ang sumidhing sakit na nadarama nang bumalik sa isipan ang ginawa niyang pag-amin sa binata. “Biro lang,” bawi ni Jean sa pang-aalaska sa kaniya. Napangiti naman siya nang tipid sa kaibigan nang makita ang taranta’t nag-aalalang mukha nito. “Ayan, nakangiti ka na ulit,” may ngiti sa labing sambit ng kaibigan, habang ang mga hintuturo ay nasa magkabilang dulo ng kaniyang mga labi. Stretching her thin pinkish lips to form a smile. “Mas bagay sa ’yo ang nakangiti kaya ’wag ka nang sisimangot ulit, okay ba?” Tumango naman siya bilang tugon. “Okay, sabi mo eh. Sorry kung ’di ko sa ’yo sinabi kaagad,” paghingi niya ng pasensiya rito. “Alam ko kasi na mag-aalala ka at baka mabugbog mo si Sean ’pag sinabi ko,” may lungkot sa mata niyang sambit. “Talagang mabubugbog ko ang ungas na ’yon,” matapang na sambit ni Jean habang nakakuyom ang mga palad at itinaas niya pa sa pagitan ng mukha nilang magkaibigan.  “Hindi niya ba nakikita na napakasuwerte niya dahil si Justine Aisha Green, nagkagusto sa kaniya? Sa ungas na tulad niya,” ang halos napapatiim-bagang nitong sambit. “Sige na, babalik na ako sa classroom namin, mamaya na lang ulit,” mabilis na paalam pa ni Jean sa kaniya nang tumunog ang bell—hudyat na mag-uumpisa na ang klase para sa hapong iyon—bago nito pihitin ang kaibigan paharap sa direksyon kung nasaan naroon ang classroom nito. “May practice pala tayo mamaya kaya sabay na tayong umuwi. At saka mamaya, ililibre kita ng meryenda kaya cheer up, okay!” pahabol pang bilin at sigaw ni Jean sa kaibigan habang lakad-takbong tinatahak ang hallway. Mabuti na lamang at nandiyan si Jean at ang kuya niya para pasayahin siya. Nabanggit na rin kasi niya ang naging sagot ni Sean sa kakambal niya. Noong una ay nagalit ito, pero nang ipinaliwanag niya sa kakambal na ayos lamang iyon sa kaniya ay kumalma na rin ito. Even though they are twins, there are times when he looks and acts so mature that she sees him as an older brother rather than a twin. Although he is a few minutes older than her, but when it comes to times like this, he is always reliable. “SEAN, puwede ka bang makausap?” Keith interrupted when their classmates were busy inviting Sean to come and tag along with them to hang out. “Oo naman. Ano ba’ng pag-uusapan natin?” “Kung maaari, tayong dalawa lang,” seryoso nitong sambit. “Okay, paano ba ’yan, guys, ’di ako makakasama. Next time na lang,” paalam niya sa mga kaeskuwela na nakamasid lamang sa kanila ni Keith. Ang mga tingin nito ay nagtatanong kung ano ang nangyayari. “Okay,” their classmate said then in chorus before they left their classroom. Ano na naman kaya ang pag-uusapan namin? ’Di naman niya siguro ako gugulpihin kasi t-in-urn down ko ang confession ni Justine, ’di ba? usal ni Sean sa sarili habang sinusundan ng lakad si Keith patungo sa bleachers sa quadrangle ng campus. “I heard that you turned down my sister’s confession,” Keith said calmly as he stared blankly in front of him. “Did she tell you?” nag-aalangang tanong ni Sean. Hindi niya alam kung matatakot ba siya o ano sa tono ng pananalita ni Keith at sa inaakto nito. Minsan lamang silang magkausap ni Keith at alam niyang hindi magandang ideya ang galitin ito. At kung titingnan ang sitwasyon, malaki ang posibilidad na magalit ito o mainis sa kaniya dahil sa naging sagot niya sa ginawang pag-amin ng damdamin ng kakambal nito. “Of course, she did,” deretsahang sagot ni Keith sa kaniya na hindi pa rin siya nililingon. His gaze was still fixed at the view in front of them. “After all, I’m the one who helped her confess her feelings to you,” Keith added as he put both of his hands in his side pockets. Then he heaved a sigh, leaving a negative impact on Sean’s mind. “But it turned out this way,” may bahid ng pagkadismaya sa tono nitong sabi. “I’m sorry,” tanging nasambit ni Sean. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin sa kaibigan. Wala siyang malakap at mahanap na tamang salita upang ipaliwanag ang sarili. At mas lalo naman siyang natigilan nang tapikin siya ni Keith sa braso bago muling magsalita. “Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Look at them,” sambit nito bago ituro ang quadrangle where every varsity athlete of their school are busy practicing. “They are there practicing,” bulong ni Keith. “Ever since we were kids, she really loves to run.”  Muling ibinalik ni Keith ang kaniyang kamay sa bulsa ng pantalon habang ang mga mata’y kakikitaan ng purong pagmamahal at paghangga habang pinagmamasdan ang kaniyang kakambal na seryoso at dedikadong-dedikado sa sports na pinili. “She’s working so hard not only on her sport but also in academics,” dagdag pa nito. Samantalang ang katawan ni Sean naman ay tila may sariling buhay dahil hindi na niya namalayan na maging siya ay tahimik na ring pinagmamasdan ang dalagang tumatakbo ngayon sa field. “Honestly, I admit and know that she’s smarter than me. And as her twin brother, I’m very proud of her.” May ngiting sumilay sa labi ni Keith nang sabihin ito. “And the truth is there were a lot of guys who asked her on a date and confessed their feelings to her since we were in junior high school, but she never dated anyone of them. You know what? I always wish and hope that she will find her happiness.” Ang munting ngiti ni Keith ay mas lalong sumilay habang ang mata ay nakatuon pa rin sa kakambal na tumatakbo sa field at tila walang kapaguran. Guilt has been silently stabbing Sean’s chest as he listened to every word Keith was saying. “A guy whom she can rely on, who will always be by her side and will love her, always protect her, treasure her, and a man who will grew old with her,” pagpapatuloy pa ni Keith sa sinasabi. “A man who will never make her cry. And also, the man who loves to see her smile just like I do. I want her to be happy just as how happy I am with Arlene.” He paused for a second. “Jeez! Ano ba naman ’tong mga pinagsasasabi ko sa ’yo,” ang umiiling at natatawang sambit ni Keith matapos guluhin ang dati nang magulong buhok. “Sige na, mauna na ako. Kailangan ko pang puntahan ang girlfriend ko eh. Pasensiya na sa abala,” paalam niya sa kaibigan matapos tapikin sa balikat at magpatiuna na. ‘A man who will treasure her and her smiles, huh?’ Sean questions himself. He knew that she was pretty when she smiled, and he was aware that a lot of students on their campus know that. But he still didn’t clearly understand his feelings for her. He was afraid to admit what his true feelings are. He was afraid of the emotions he was hiding deep within himself. He was watching them practice from where he was standing and he can clearly see that Justine really loves what she was doing and she really worked hard for it. She was doing her best. And from there on, he started to question himself over and over again. He didn’t know but he felt that strange feeling once again when he saw her smile from the first time he met and saw her years ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD