Hintakot na napatingin ang magkapatid sa lalaking nakatayo sa harap nila. Nang muling gumuhit ang kidlat sa bintana Nakita nila ang nakangising mukha nito. Hindi rin nakaligtas sa mat ani Kristian at Selene ang tatoo sa leeg nito. “Shhh.” Wika nang lalaki san inilagay sa bibig ang hintuturo na tila sinasabi sa magkapatid na huwag maingay. Nakangisi lang ito sa kanila saka tumalikod. Nakaalis na ang lalaki sa pinto pero hindi parin makakilos ang magkapatid dahil sa labis na takot. Hindi nila alam kung anong gagawin. Narining nila ang mga sunod-sunod na putok nang baril sa ibaba. At sigaw nang mga kasambahay nil ana tila unti-unting pinapatay nang lalaki. “We-we have to go.” Wika ni Kristian na kahit nanginginig. Tumayo siya at inayos ang bag ni Selene. Kailangan nilang makaalis sa bahay

