“Mukhang nakahanap na naman sina Raul nang mapagtitripan.” Wika nang binata. “Kaya mo bang tumayo?” wika nito at inilahad ang kamay. Ngunit sa halip na tanggapin kusang tumayo si Kristian at naglakad patungo sa labasan. “Saan ka sa palagay mo pupunta?” tanong nang binatillyo at pinigilan siya. “Aalis sa lugar na ito.” Sagot ni Kristian. “Aalis? Nagpapatawa ka ba? Wala nang pumapasok sa death zone na nakakalabas nang buhay.” Wika nang binatilyo. Hindi naman makapaniwala si Kristian sa narinig. Wala siyang panahon na manatili sa lugar na iyon iniwan niyang nag-iisa ang kapatid. Alam niyang delekado para ditto ang mag-isa wala itong alam sa lugar na iyon. “Wala akong pakialam sa kung ano man ang tawag niyo sa lugar na ito. Hindi ako pwedeng magtagal ditto.” Wika ni Kristian at tinaboy ang

