Prologue
Do you believe in destiny?
Do you believe in love?
May forever ba?
''Hoy, Cath tulala kana naman jan!" malakas na sabi ni Stella habang kapit kapit ang papel na inaabot saakin
"Oh test paper mo."
Massachusetts University
Founded in 1928
Name: Amara Cathiana Lim
Section: 12-Hephaestus
Score:17/75
"Tangina, ang sarap sa eyes."
"Kahit titigan ko ito at dugain dipa din aabot sa passing score."
"Ano bang passing score?"
"50 daw."
"Patingin nga nung iyo?"
Massachusetts University
Founded in 1928
Name: Stella Jenna Cruz
Section: 12-Hephaestus
Score:12/75
"Ay, akala ko ako lang yung pinaka mababa may mas mababa papala dito."
"Frenny talaga kita."
"Pst.. Pst.. Huy! Yael ilan ka?"
"Huh? Ano? Hindi kita marinig."
"Ano bayan gwapo sana bingi lang." agad akong tumayo saaking inuupuan at lumapit sa kanya habang dala dala ko ang nakaka hilong score ko sa test paper
"Ilan ka?."
"Isa."
"Eh. kung ilan ka sa exam ang pilosopo mo talaga kausap."
"Patingin nga."
Massachusetts University
Founded in 1928
Name: Aurcel Yael Cassano
Section: 12-Hephaestus
Score:71/75
"Whow! Tangina dapat dito ako nahihilo at nalulula e hindi sa score ko."
"Ilan kaba?."
"Malamang isa."
"Tamo mas pilosopo ka panga e."
Massachusetts University
Founded in 1928
Name: Amara Cathiana Lim
Section: 12-Hephaestus
Score:17/75
"Grabe ka Cath! ginulat mo ako sa score mo! Hindi pa nakaabot sa kalahati nung akin e kahit passing grades lang."
Beep… Beep… Beep…
Notification!
1 Message from 12-Hephaestus GC
Sir Paolo De Guzman - To all my students attention! all 50 below scores in examination go to the faculty now!
"Yari na naman ako kay Mama."
Beep… Beep… Beep…
Notification!
1 Message from Acesx
Jace Amarillo- Asan na kayo? hinahanap na tayo ni Sir Pao may sasabihin daw saating mga bagsak sa exam.
"Hoy Stella! tarana hinahanap na daw tayo doon ni Sir Pao sa faculty may sasabihin daw saatin."
"Wait lang sasama ako sainyo."
"Sus. Bawal mga matatalino lang ang mga pinapapunta doon ni Sir."
"Ay oo nga pala mga matatalino lang ang pinapapunta doon ni Sir Pao." sabay taas ng kanyang papel at sinabayan pa ng pag hikab at paypay nang kamay.
"Pake ko jan? makakain ko ba yan?"
"Sinabi ko bang yung papel yung kainin mo?" Pwede namang ako.
"Mama mo blue."
At the Faculty
"Ano ba kayo kanina pa kayo hinahanap ni Sir Pao may sasabihin daw saating mga bagsak sa exam."
"Teka tayo lang ba?"
"Oo tayo lang daw tatlo nina Stella."
"Oh andyan na pala kayo pasok kayo." nakangiting sabi ni Sir Pao na para bang hindi kami sesermonan.
Agad naman kaming pumasok at nakita naming kami nga lang ang tao doon. Ramdam ko ang paglamig ng mga kamay ko yung tipong namumutla na ako sa kaba.
"Kayong tatlo ay pinatawag ko dahil may importante akong kailangan sabihin sa inyo. Hindi kayo makaka graduate kapag hindi nyo tinutukan at binigyang pansin ang grades nyo dito lalong lalo na sa subject ko."
Mas lalong na lamig ang mga kamay ko at unti unti-unting pumapatak ang mga luha ko sa test paper ko habang tinitignan ito.
Nag punta muna ako basket ball court habang dala dala ang test paper ko na halos mapunit na dahil sa mga patak ng luha ko hindi ko mawari kung bakit ako nag kakaganto.
"Tangina! Cath ano na babagsak kana hindi kana makaka graduate ano na ang maipagmamalaki mo? Lalong lalona sa magulang mo?!"
Aalis na sana ako at babalik na sa room kaso biglang may nagsalita at sinabing "Hindi ikaw yan si Cath na nakilala ko matapang mabangis at hindi naiyak at higit salahat mabait." nakangiting sabi ni Yael habang papalapit saakin na may dala dalang puting panyo at bote na may lamang tubig
"Ano kaba naman Cath para doon lang? Susuko kana? hindi kita nakilalang ganyan?." mahinahong sabi ni Yael habang hinahawi ang mga buhok ko
Pinunasan niya ang mga luha ko at inabot niya saakin ang isang boteng maylaman ng tubig
"Alam ko Cath narinig ko ang lahat sumunod ako sainyo ni Stella sa faculty at kasama nyo din pala si Jace. Wag ka panghinaan ng loob makaka graduate ka kasama mo kaming mag ma- martsa sa stage." mahinahong sabi ni Yael habang nakakapit sa dalawa kong kamay na nanlalamig na sa kaba
"Felling ko kasi kahit na bigyang pansin ko ang pagaaral hindi nila nakikita. Mas napapansin pa nila yung mga nagagawa kong mali ni hindi nga nila ata ako kayang ipag malaki e."
"Ano kaba Cath naandito kami mga kaibigan mo na tutulong sayo para makabangon ka, wag kang mag alala tutulungan ko kayong makapasa." nakangiting sabi ni Yael
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon para bang nawala lahat ng sakit at bigat na nararamdaman ko ng si Yael ay nag salita. Wala na mang kami at malamang hindi din ako yung tipo na babaeng magugustuhan niya
"Tara na? balik na ulit tayo sa room?." nakangiting sabi ni Yael
"Teka lang may kulang ka pa na hindi nasasabi saakin kanina."
"N-na? ah mabait ka." nakangiting sabi ni Yael
"H-huh? mabait lang?."
"Mabait ka atsaka ma-mabait ka."
"Che ewan ko sayo humanap ka nag kausap mo."