Chapter Eighteen. SOPHIA Kinabukasan, mas maaga akong nagising kay Piero. Ala-singko pa lang ay tirik na tirik na agad ang mata ko. Epekto ba to ng nangyari kahapon? Di ko maiwasang matakot sa tuwing naalala ko ang nangyari kasabay ng pagbuo ng napakaraming tanong sa isipan ko. "Aaaaaargh!" napabalikwas ako ng bangon sa sobrang frustration. Kahit saang anggulo ko kasi tingnan- 90, 180 o 360 degrees man ang gawin ko, wala talaga akong mapulot. "Waaait. Sabi naman ni Piero diba na sasagutin nya ang mga tanong ko ngayon?" Agad akong bumangon sa kama ko at naghanap ng papel at ballpen. Sa ugali kong makakalimutin, kelangan ko ng isulat ang mga tanong ko para maging klaro sa akin lahat. Habang nakadapa sa kama ay agad kong isinulat ang mga naiisip ko. Syempre ang una kong sinulat ang pinak

