CHAPTER 7

2653 Words
Chapter Seven. SOPHIA ILANG oras na akong nangangalay sa kakanganga, kakatingala at kakapikit habang seryosong seryosong naglalagay ng make-up si Maxine. "Perfect. You can now open your eyes" Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. "Ako ba to?" Di makapaniwalang tanong ko. "Yes. Told ya' you're really beautiful" mas lumapit pa ako sa salamin para mas titigan ang mukha ko. Shocks! Ang ganda ko! Simple lang yung make-up na nilagay nya sa akin which is tama lang. Di sya masyadong over or something. Pinusod nya kasi ang mahaba kong buhok na may naiiwan pa sa mukha ko. Tapos may nilagay sya sa ulo ko na parang something na ginagamit ng mga gods sa greek mythology. "Waaaaaah! Ang galing galing mo Maxine" "I told you, you're really beautiful. I didn't do anything I just make your beauty stand out more" hindi pa rin maalis ang tingin ko sa sarili ko sa salamin. Di lang talaga ako makapaniwala kasi. Akala ko kasi nung prom lang ako maayusan! Eh di hamak na mas maganda ako ngayon! "Is Nico coming over?" Biglang tanong nito sa akin. Napataas naman ang kilay ko sa narinig. Nico? So close pala talaga sila. "Uyyy! Ikaw ah. Hinahanap mo na. Miss mo na siguro noh?" Pang-aasar ko sa kanya. "O-of course not" napatawa na lang ako kasi nagba-blush kaya umiwas ng tingin sa akin. "Okay. Sabi mo eh" sabi ko na lang kahit hindi naman ako kumbinsido sa sinabi nya. Ano kayang problema ng dalawang to? Eh mukhang gusto naman ang isat isa! "Sophia?" "Yes?" Nagulat ako ng bumuntong hininga ito. Ang lalim nun ah! "Thank you for loving Piero" kita ko ang sincerity sa mga mata nya. Napalunok naman ako ng ilang beses. Oo nga pala! Di nya pa pala alam ang sitwasyon namin. "Ah. Hehehehe. Wala yun. Ano ka ba" "Kaya naman I'm so happy when I heard that he's now already married. Please love him more. He needs that" hinawakan pa ako nito sa kamay at tiningnan ng mariin. Ano bang meron sa dalawang to? Parehas sila ng gustong sabihin though iba lang yung way ng pagkakasabi sa akin. Confirmed! May something talaga kay Piero. "Ah. Okay. Okay. Hehehe" nasabi ko na lang. And with just that, bigla na lang itong ngumiti at pumalakpak. "Okay! Here" And again, bigla na naman akong nanlumo sa nakikita kong hawak nya. "Come on, wear this" napangiwi na lang ako dahil persistent talaga ito. "Pero---" "Uh-uh. No BUTS" mas lalo akong napangiwi dahil hindi na talaga sya mapapakiusapan. Shemay! Hindi pa ako nakakapag-suot ng 5 inches heels! Nooooooo! ----- "Bakit ka ba nakabusangot jan?" Tanong ni Niccolo sa akin habang nagdadrive papuntang venue. Sa isang sikat daw na hotel gaganapin ang press con. "Eh kasi tingnan mo naman. Pinasuot ako bigla ni Maxine ng heels! Mygas! Heels?" "Hahahaha! You look beautiful today, ayusin mo lang maglakad!" Pang-aasar nito. "Ugh! Sipain kita jan eh. Kita mo!" Akmang susuntukin ko sya pero tumawa lang sya. "Ang bait ni Maxine noh?" Out-of-the-blue kong tanong. "Yes, she is" "Inlab na naman! Tsk. Tsk. Tsk." pang-aasar ko dito na kinahalakhak lang nya. Kahit kaninang umaga lang kami nagkakilala, I can really say na likas syang mabait. Kahit na isa syang anak ng governor at isang sikat na model, still, sobrang down to earth nya. "Sayang lang nga at hindi natin sya kasama ngayon" Hinatid kasi namin ito sa agency nya bago kami dumiretso sa venue. "We're here" Woo! Kaya mo yan Sophia! "Good Afternoon Mam. This way po tayo" I've never expected na may sasalubong na kaagad na mga staff sa akin. "Ilang minuto na lang po ba bago tayo magsisimula?" Tanong ko dito habang naglalakad kami papasok. "In thirty minutes po mam" Shete! Kabadong kabado ako! Hinanap ng mata ko si Niccolo pero di ko na makita. San na naman kaya pumunta to ah? Nagkaroon muna ng parang orientation or briefing para maging aware ako sa mga mangyayari mamaya. Then, the remaining minutes eh nagpraktis ako ng mga isasagot ko. Syempre! First timer ako kaya kelangan ko ng gabay. Char! "Mam. Tara na po?" Yaya sa akin ng staff na sumalubong din sa akin kanina nung ten minutes na lang bago magsimula. "Okay" ngumiti na lang ako dito. Habang papunta kami sa Ambassador's (mismong venue) ay nasalubong ko naman si Niccolo. "Wait lang po ah?" "Psst! Bakit may popcorn ka?" harang ko dito ng makita ko syang may bitbit na isang large sized popcorn. Anong drama nito? "Wala lang. Baka lang naman kasi makakita ako ng eksena mamaya. Mas magandang panoorin kung may popcorn!" "Ewan sayo. Bye na" nagpaalam na ako sa kanya bago nagdiretso diretso papunta sa backstage. Ilang minuto pa ay nagsimula na rin ang lahat. "Please welcome! Mrs. Sophia Caruso" On cue, pumasok na ako sa loob. Muntik na nga akong mahilo sa maraming flash ng camera. So, ganito pala yun? May parang platform sa gitna na may table at upuan. Sa harap ko ay maraming mga reporters. Inisip ko muna sandali yung mga minemorize ko kanina. "So, let's start?" Tumango naman ako sa babaeng nagpakilala sa akin. May isang reporter na biglang nagtaas ng kamay at tumayo. Nagpakilala muna sya bago nagtanong. "Mrs. Caruso, the whole Philippines is so curious about you. For the whole time, we didn't see or heard that Mr. Caruso is dating someone. Then, all of a sudden, Sophia came to the church claiming to be his bride. Pwede po ba kayong magkwento kung paano kayo nagkakilala ni Piero? Kahit patikim lang" Di ko alam to ah! Ang OA nito! Anong buong Pilipinas? Eh yung lugar nga namin di alam ang pangyayari. Tssss. "Actually, we met in a park. Nabuhusan ko sya ng iniinom ko. Then, nainis ako kaya sinigawan ko sya" I can hear some gasps from them. Ha! As if naman totoo! "So, ayun na nga. Tapos wala man lang reaksyon. And I was like HA? Ganern. Pahiya ang ateng nyo. Then yun na, the rest is history" alam kong bitin yung sagot ko. Pero yun gusto ko eh. Paki ba nila? Kasalanan to ni Niccolo, gagawa gawa ng script cliche pa. "Mrs. Caruso, totoo po bang galing kayo sa mahirap na pamilya?" Sabi na eh. Mahahalungkat at mahahalungkat ang buhay ko eh. Nakarinig ako ng mga bulong bulong sa iba. "Yes" nakangiti kong sagot. Infairness, nakakapagod to ah. "Totoo rin po ba na hindi kayo nakapagtapos ng pag-aaral?" "Oo. Kelangan kong makahanap ng trabaho para mabuhay ng kapatid ko" Okay. This part is not a lie. Totoo talaga ito. Also, I should not be ashamed kung saan ako nagmula kahit ano pang sabihin ng iba. "San na po ang mga magulang nyo?" Napatungo na lang ako ng maalala ko ang mga magulang ko. As much as I want, ayoko na sana silang pag-usapan. "Wala na sila eh. They were killed 10 years ago in an accident" sobrang sakit na makita mo ang magulang mo na mamatay sa harap ng mga mata mo. Pero sabi nga nila, kelangang mag-move on sa buhay. Pinilit kong alisin ang malungkot na mga mata ko at pinalitan ng isang matamis na ngiti. Nagpatuloy ang question and answer portion namin dito. Minsan natatawa sila sa mga sagot ko. Actually, memorize ko na rin kasi sagot ko. Ginandahan ko rin talaga ng bongga yung pagkakasabi ko para kapani-paniwala. Nakita ko pa sa bandang likod si Niccolo na naka-thumbs up pa sa akin habang may kausap sa phone. Bilib na naman siguro ito sa akin. Ha! "Ano pong masasabi nyo sa mga bashers nyo na sinasabi na isa po na buntis daw po kayo?" Napataas ang kilay ko sa tanong ng isang reporter. "Sinong buntis? Mukha ba akong buntis sa lagay na to?" Medyo nakakagulat na meron pala akong mga bashers. At hindi rin ako masyadong na-orient na kaya pala talaga nilang gumawa gawa ng mga kwento. "I don't care kung may sinasabi silang kasingungalingan against me. For me, as long as Piero believes in me, I won't care to them. They are just someone who can't do nothing but to piss off some people" Shete! San ko ba to pinangkukuha? Wala kaya ito doon sa minemorize ko! Bigla akong kinabahan dahil baka mamaya may wrong grammar ako. Kahiya naman. "Last two questions na lang po" biglang sabi ng organizer. May tumaas naman ng kamay at nagtanong. Finally! Matatapos na rin to! "How is Piero as a husband po Mrs. Caruso?" ASDFGHJKL. ASDFGHJKL. ASDFGJKL. WALA ITO DOON SA BINASA KO AH? Potek! BAKIT DI KO NAISIP NA BAKA ITANONG NILA ETO???? "Ah. Eh." Shemay. Wala talaga akong maisip. Kita ko naman na nag-aabang ng sagot ang mga reporters na to. "Siguro tinitingnan ng marami si Piero as someone who is heartless, cold, rude lahat na. But for me, he's a man who has a big heart. He always have his own ways to show his care and love for me. Don't expect him to give you flowers and chocolates in a romantic way. Trust me, he always have the hard way. And that what makes him, PIERO. My husband" hindi ko napansin na naka-ngiti na pala ako. Nakuu naman! Sana di ako mabalatan ng buhay sa mga sinabi ko. Kinikilabutan ako eh. ASA NAMAN AKO NA MAGING GANYAN YUN! Sus! Narinig ko naman na napa-awww yung iba. Shete. Nahihiya akong makatingin kay Niccolo ngayon kasi kahit nandito ako sa harap ramdam ko ang malapad na ngisi nito. Kaasar! "What about Zoey Williams? Anong masasabi mo dun?" Biglang nabasag ang magandang atmosphere ng may isang babae ang nagtanong nun sa akin. Napalingon tuloy ang lahat sa kanya. Nakataas ang kilay nito sa akin at naka-cross arms pa. Zoey Williams? Sya yung babae sa simbahan diba? "Ah. Z-Zoey Williams? Ahhh" napako ulit ang mga mata ng lahat. Shemay! Kahit anong kalkal ko sa mga binasa ko kanina. Wala man lang akong masagot dito. "Ano? Wala kang masagot? Hindi kaya dahil kasinungalingan lang ang lahay ng to?" Mas lalong kumabog ang dibdib ko dahil sa narinig. Panu na to? Tumingin ako kay Niccolo para humingi ng tulong pero seryoso lamang ito. Wala na ang ngisi sa mukha nito. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nya. "Bakit nandito si Ms. Roxas? Wala sya sa list ngayon ah? Kunin nyo na yan dali" rinig kong utos ng organizer sa mga staff. "Ano di ka sasagot?" "H-hindi totoo yang sinasabi mo!" Pero parang di sya masyadong convincing. Nagbulung bulungan na rin ang mga reporters. Napatungo na lang ako kasi di ko na alam ang sasabihin ko. I'm expecting the worst scenarions ng biglang nagkagulo ang mga tao ay umingay ulit ang mga camera pero ang pinagtataka ko, hindi naman sa akin nakatutok. Wala nga akong flash na nakikita eh kahit nakayuko lang ako. "I have received a call that I can see my wife here" "Piero?" Tumayo ako sa kinauupuan ko para tingnan kong si Piero talaga ang nagsalita. There he is! Standing in the middle of an army of reporters. Flashes of camera are everywhere but his eyes were only fix to mine. He looks so gorgeous   yet deadly. "Sophia" he called in a very very very dangerous tone. "Present?" Parang gusto kong mapahilamos ng mukha ko. Para akong timang! Pina-paulanan sya ng mga tanong ng mga reporters pero wala man lang syang sinasagot dito."Uh-oh" yan lang ang nasabi ko ng walang sabi sabi syang pumunta sa lugar ko at hinawakan ako sa braso at hinila pababa. "Sorry po. Sorry po. Sa susunod na lang po" sabi ko sa mga nadadaanan ko habang nagbo-bow pa. Bastos kasi tong lalaki na to. Nasa kalagitnaan na kami ng bigla nya akong bitawan at muling humarap. "LISTEN. I WANT ALL OF YOU TO CUT THIS CRAP. KAPAG MAY LUMABAS PANG ARTICLE O BALITA TUNGKOL DITO, MAGBALOT BALOT NA KAYO DAHIL HINDI NA AABUTAN NG BUKAS ANG KOMPANYA NYO" dumagundong ang boses nito sa buong hall. Katakot takot talaga ang boses nya. Kitang kita ko na yung iba ay napalunok pa. Pero napatingin naman ako bigla sa babaeng huling nagtanong sa akin. Ang sama nya makatingin sa akin. Bigla na naman akong hinila ni Piero at huminto ulit sya nung nasa tapat na kami ni Niccolo. "We'll. Talk" sobrang sama ng tingin nya dito at parang anytime ay pwede nya na itong sakalin. Yun lang ang sinabi nya at nagdiretso diretso na kami sa labas pero lumingon muna ako kay Niccolo. Pero ang loko! Nakangiti pa at kumakain ng popcorn habang nakatingin sa amin. Nagba-bye pa! Nasan na ang seryosong mukha nito? Loko talaga! "Get in" di ko napansin na nandito na pala kami sa may parking lot at nasa driver's seat na pala sya. Since, ayoko na syang ma-beastmode pa sa akin, pumasok na ako sa likod. "I didn't go all the way here just to be your f*****g driver. IN THE PASSENGER SEAT, NOW!" Ano bang ginagawa ko? Mas lalo ko pang ginalit eh! Dali dali akong lumipat ng pwesto at tumahimik. Gosh! Sa buong byahe namin tahimik lang ako at di mapakali. Minsan kinakagat ko ang kuko ko. Minsan tumitingin sa labas. Minsan nagtatap ng daliri. Nagulat ako ng bigla kaming huminto. Akala ko nasa bahay na kami yun pala itinabi nya lang ang kotse saglit. "P-piero b-baka mahuli tayo" ngunit hindi nya ako pinansin. Hinilot nya ang kanyang sentido at niluwagan ang kanyang tie. "Ah---" "Give me a minute, Sophia. A minute" napatahimik na lang ako at nagsimulang magbilang. 58 secs 59 secs 60 secs "Piero? Okay na? 1 minute na kasi eh?" Nung di naman sya nagsalita eh nag-explain na ako. "Sorry naman Piero. Di ko talaga alam. Sinabihan lang kasi ako ni Niccolo" "Damn it Niccolo!" Napatalon ako sa upuan ko sa sigaw nya. Gosh. Pano ba to? Hindi ko na sinubukang magsalita pa baka kaso ang sabihin nya na ay "Damn it Sophia!" Ayokong mamura ah. Ilang minutong katahimikan pa ang namayani sa amin. Narinig ko na lang napabuntong hininga ito at may kinuha sa likod. Nakatungo lang kasi ako at nakikita ko lang sya sa peripheral vision ko. "Here" sabay bato ng isang box. Buti na lang nasalo ko. Agad ko iyong nabuksan at namangha sa nakita ko. "Cellphone!" Ang laki laki! Ang gondo! "Iphone 7? Diba bago lang to?" Tanong ko sa kanga habang manghang mangha pa rin sa hawak ko. For sure, mahal to! Iba talaga ang mayayaman eh. Tsk. Tsk. "I already put my number there. Ako rin ang nasa speed dial mo. You can contact me anytime" explain nya sa akin. Agad ko namang pinuntahan yung contacts ko. Tama nga sya. Name: Piero Caruso Number: 09162836183 "Ayoko ng mauulit ang nangyari kanina. Gusto kong magpaalam ka sa akin kapag may lalakaran ka" Ano ba yan! Parang normal contact number lang. Common na common! "Wag kang aalis sa mansyon hanggat hindi ko aprubado" Napangiti na lang ako ng may naisip ako. "Wag ka rin masyadong makikipag-close kay Niccolo" Yes! Ganito dapat! Ahihihi! Name: My Hubby <3 Number: 09162836183 "Naiintindihan mo ba ako?" "Ah. Oo. Hehehe" kahit ang totoo ay hindi naman masyado. Busy kasi ako sa pagpapalit ng pangalan nya tapos medyo mahina pa yung pagkakasabi nya sa last part. "Are you hungry?" Ay oo nga pala! Nakalimutan ko ah! Di pa pala ako kumakain. Umiling na lang ako sa kanya kahit sa loob ko nangingiti na talaga ako. Concern sya! "Where do you want to eat?" "Jollibee" full of energy kong sabi. "What are you? A fuckin' kid?" May age limit na ba dun? Ang alam ko wala naman eh! "Sssshhh! Bawal magmura! Tsaka okay lang yan. Drive thru na lang. Pagod ka na rin kasi" akala ko makikipag-barahan pa sya sa akin pero pinaandar nya na rin ang kotse. Shemay! Hindi ko mapigilang matakot sa kanya sa tuwing sisigaw sya and at the same time, kiligin. FLASHBACK Nasa kalagitnaan ng isang board meeting si Piero ng biglang magring ang cellphone nya. "What the hell, Niccolo?" "Chill bro, gusto mo bang malaman kung anong ginagawa ng asawa mo ngayon?" "What?" Napatingin naman ang lahat kay Piero pero walang nagtangka na magtanong dito dahil sa takot nila. "She's now smiling in front and answering every questions" tila may bahid pa ng pang-aasar ang tinig nito. "Damn it Niccolo! Just go straight to the point!" Tila wala ng gumagalaw sa mga nasa board meeting. Kung ganito na kagalit ang boss nila, kahit paghinga ay pipigilan nila. Wag lang maramdaman ng boss nila ang kanilang presensya. "She's having a press conference in Ambassador's" hindi nya na pinatapos ang nasa kabilang linya at agad itong tumayo at iniwang nakanganga ang lahat ng nasa loob. Paglabas, lahat ng dinadaanan nya ay tumatabi. Ramdam ang aura nitong hindi mk magugustuhan. "Damn it Niccolo! I swear I'm gonna kill you! f**k!" At walang sabi sabing pinaharurot ang sasakyan. And the rest is history.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD