Chapter Six.
SOPHIA
KINABUKASAN paggising ko buti nalang wala na si Piero. Pumasok na daw sa trabaho. Si Mico naman ay isinabay na rin sa pagpasok ni Piero. Nagtataka na talaga ako eh. Bakit parang mas close pa silang dalawa?
Kaya ngayon mag-isa akong naga-almusal dahil ako lang ang nandito. Ay hindi pala, dito rin si manang na kasalukuyang nagaasikaso ng pagkain ko. Pipigilan ko sana sya kasi di ako sanay na pinagsisilbihan ako pero ang sabi nya lang ay "I insist".
Masyado akong nastarstruck sa kanyang english kaya naman hindi na ako nakaimik.
"Manang. Pasensya na po pero ano po bang pangalan nyo?" Nilingon na naman ako saka ngumiti. "Tawagin mo na lang akong Manang Linda"
"Ah. Okay po. Di nyo po ba ako sasabayan. Ang dami naman po kasi nito" sabay tingin sa nakahilerang hotdog, bacon, itlog, kanina, ham.
"Hindi na" yun lang ang sabi nya saka lumabas. Sana mas maging close kami ni manang. Feeling ko kasi sya lang ang lagi kong makakasama dito. Yung mga maids naman, literal na hindi nagsasalita. Pramis! Parang ang motto ata nila ay "Cleaning is life"
"Haaaaay! Grabe! Busog na ako. Umaga pa lang!" Sabay himas sa tiyan ko na parang anytime pwedeng sumabog sa sobrang busog. Naubos ko kasi yung lahat ng pagkain. Pero wag kayo maingay ah?
This time, ako na talaga ang nagpumilit na maghugas ng plato ko. Nakakahiya naman, yung kinainan ko ipapahugas ko pa sa iba. Nung una, ayaw nya pa pero binigyan ko na lang sya ng ibang trabaho. Kaya in the end, napapayag ko rin sya. Naghuhum pa nga ako habang naghuhugas ng plato ng may biglang bumulabog sa akin.
"Yow! Sophia!" Lumingon naman ako sa nagsalita.
"Niccolo? Anong ginagawa mo rito?" Pinunasan ko muna yung kamay ko bago ako lumapit sa kanya.
"Bawal ba akong pumunta dito?" Ayan na naman sya sa mga ngiti nya eh. Nakakahawa kasi yung pagiging palangiti ng taong to. Isa pa, mukhang trusted sya kaya naman okay lang siguro kung maging FC ako dito.
"Hindi naman. Kumain ka na ba? Magluluto na lang ako"
"Tapos na po"
"PO ka jan!" Sabay hampas ko sa kanya. Mukhang magkakasundo kami nito ah.
"Actually, nandito ako kasi may sasabihin ako" at ngayon seryoso na naman sya. Nakunaman! Paano ako makikisama sa mga ganitong tao? Mga bipolar!
"Ano?"
"Are you ready?" Ready? Saan naman?
"Ready?"
"For your first time appearance in national tv" and with that bigla nya na lang ako hinila palabas sa dining room. Pagdating namin sa sala ay nalaglag ang panga ko sa nakita. Punong puno ng mga paper bags yung isang mahabang sofa. Tapos sa ibaba naman may mga nakalapag lang parang mga lalagyan ng sapatos.
"Ano ito?"
"Dresses and shoes" nakangiti na nitong baling sa akin. Hanggang ngayon kasi di pa rin ako nakakamove on sa nakikita ko. Never pa ako nagkaroon ng mga damit na ganito karami.
"Oh my gosh! Is this Sophia?" Napalingon naman ako bigla sa babaeng nagsalita. Wow! Ang ganda ganda nya. Para syang isang dyosa.
"Girlfriend mo Niccolo?"
"Of course not"
"Nope. She's just a friend of mine" casual nyang sagot. Tiningnan ko ulit ang babae na nakangiti pa rin sa akin.
"So Sophia, I'm Maxine. Maxine Saavedra" sabay lahad ng kamay nya sa harap ko. Nahihiya pa sana akong makipagkamay kaso sya na mismo ang kumuha sa kamay ko at nakipag-shake hands sa kanya.
"Nice to meet you, Maxine"
"Just call me Max. Your my friend now" may accent na sabi nito pero okay lang. Maganda na nga tapos ang bait pa nya.
"Just let me take a look at those bags so I can choose what's best for you, okay?" Then, isa isa nyang binuksan yung mga laman ng paper bags.
"W-wait! Ano bang nangyayari? B-bakit may mga ganito?" naguguluhang tanong ko pero walang sumasagot sa akin. Naghihintay rin ako ng paliwanag kay Niccolo pero wala rin. Agad akong napatingin dito dahil biglang natahimik.
Aba! Nakatingin lang pala kay Maxine! Tapos biglang tumikhim. Wooo. I smell something fishy!
Sus! Galaw!
"Maxine, you know what to do" gusto ko sanang tumawa sa itsura nya eh kaso baka kasi mabisto ako nito.
"Oh yes. Leave it to me" nakangiting lingon nito sabay baling ulit sa mga paper bags na nasa harap nya.
"Sophia. Let's talk" sumunod naman ako sa kanya sa labas.
"6pm ang press con mo. Susunduin na lang kita mamaya" sabay takbo sa may kotse nya banda at mukhang may kinukuha mula sa likod nito.
"Huy! Teka! Teka! Bakit biglaan! Walang abiso ganun? Di ko alam mga isasagot ko!" Natataranta na ako sa lalaking to ah. Sana man lang sinabihan ako kahapon o nung nakaraan pa para nakapaghanda ako.
"Don"t worry. Here" Pagbalik nya sa akin, may bitbit na syang isa folder.
"Ano to?"
"Your script"
"HA?" Natawa naman sya sa reaksyon ko.
"Jan ang lahat ng tanong na posibleng itanong sayo mamaya. So, I want you to memorize all of the and deliver it naturally"
"Bakit kelangan pa nito?" Shete! Ang kapal nito. Pramis! Nung highschool nga ako eh, ilang pages pa lang nagrereklamo na ako. Ito pa kaya!
*sigh* "Look. You need to do this para malagay na kayo sa tahimik"
"Anong tahimik ang sinasabi mo jan? Tahimik naman dito ah"
"Kasi takot lang nilang manggulo sa bahay mismo ni Piero. Pero pagdating mo sa labas, sa tingin mo hindi ka nila dudumugin? Eh kung sa dati mo ngang trabaho tinatakasan mo lang sila"
Naniningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya.
Paano nya nalaman yun?
Mukhang nabasa nya naman ang nasa isip ko kaya tumawa ito.
"Well, I did some research" *wink*
Walanjo! May pakindat kindat pang nalalaman to!
"Seriously Sophia. Kelangan ng malagyan ng tuldok ang mga katanungan ng media. Kung ayaw pumayag na Piero, then, I have no other choice, but to convince you to do this"
Medyo na-absorb ko rin ang point ni Niccolo. Kahit naman na hindi ko pa rin masyadong naiinitindihan yung point kung bakit ako nandito and all, alam ko rin naman kung pano kumilos ang media para makakuha ng bagong scoop lalo na sa mga kilalang tao.
Mas mahirap rin kung masaktuhan nila ako sa daan. Pag nagtanong sila, baka mamaya mahalata pa na kunwari lang ang lahat. At isa pa, mas mahirap para kay Mico pag nalaman nila ang kaugnayan ko sa kanya.
*sigh*
"Sige na nga"
"Thanks, I owe you a lot"
"Oo na sige na" Tatalikod na sana ako ng bigla nya akong tinawag.
"Sophia"
"Hmm?"
"Please don't tell Maxine" unti unti naman akong napangiti sa sinabi nya. Sabi na eh!
"Yung kunwaring kasal namin ni Piero o yung may pagtingin ka sa kanya?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Both" sabi nya ng nakangiti pero halatang pilit. Hmmmm. Siguro di sya bet ni Maxine.
"Hahahaha! Torpe ka pala eh!"
"Hindi naman"
"Sus! Showbiz!" Ngayon may pwede na akong gamiting alas sa kanya. Wahahahaha.
"Sige na. Mukhang may lakad ka eh. Pasok na ako sa loob"
"Wait"
"Seryoso Niccolo? Baka may gusto ka sa akin? Aminin mo lang! Wala naman dito si Piero!" Nakangisi kong asar.
"I can see some changes on him" biglang nabura yung ngisi ko dahil seryoso itong nakatingin sa akin. Si Piero ba ang tinutukoy nya?
"Piero" umiwas muna ito ng tingin sa akin saka muling nagsalita "he's gone a lot of trainings and pains. With all that he has been through, he became excellent in everything but bitter towards people" muli syang tumingin sa akin. This time, kitang kita ko ang sinseridad ng kanyang mga mata.
"Please continue on what you're doing to him"
Wala naman akong ginagawa ah! Tsaka ilang araw pa lang kaming magkakilala. Wala akong nakikitang pagbabago sa kanya. Di ko man alam ang sinasabi nya ay napa-oo na lang ako sa kanya. Ngumuti lang sya sa akin saka tumalikod umalis.
Nanatili pa rin akong nakatayo habang nakatingin sa papalayong kotse ni Niccolo. Dalawang bagay ang bigla kong narealize:
Una, Niccolo is a great true friend.
Pangalawa, Piero is a broken man.
He have this walls that keep people from interfering his. Bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya. Akala ko masaya sya dahil marami syang pera at sikat, yun pala hindi.
"Sophia?" Napalingon naman ako bigla kay Maxine nung tawagin nya ako.
"Anong ginagawa mo jan? Come inside! I just found the perfect dress for you!"
Sumunod na rin ako sa pagpasok sa loob. Bigla kong naalala yung folder!
Paano ko mamememorize lahat ng ito kung nandito si Maxine?
"Ugh"
"Is there anything wrong Sophia?"
"Ah. Wala. Wala. Hehehe"
"Look. This dress will fit you"
Napatingin naman ako sa hawak nya. It's just a simple red dress. Above the knee ng konti then sleeveless. Ang ganda ganda. Grabeee! Simple yet elegant.
"And this will be your shoes" bigla akong nanlumo sa sapatos na hawak hawak nya.
"NO WAY!"