CHAPTER 5

2767 Words
Chapter Five. SOPHIA "Talaga ate? Titira na tayo sa bahay ni Kuya Piero?" Nakangiting tanong sa akin ni Mico. "Oo. Kaya bilisan mong mag-ayos ng gamit. Mamaya ay may susundo na sa atin dito" Ngayon araw kasi kami lilipat ng tirahan. Bakit? Well, ito na talaga! Kasal na talaga ako! Or should I say, may asawa na ako dahil wala namang kasal na ganap. Pero paano naman? Flashback Inilagay ni Piero sa harap ko ang isang folder na itim. Nandito Hindi rin masyadong halata na napipilitan lang sya dito ah! "Inside the folder is our marriage contract and the terms and conditions" sabi nito sa akin. Syempre, dahil may pagka-curious ako, agad ko itong binuksan. Totoo nga! Marriage contract nga to! "Sign that" agad ko namang tinanggap ang ballpen at pinirmahan yung kontrata. Hindi ko na rin binasa dahil alam kong pare pareho lang naman ang laman nun. "Read that" utos sa akin ng lalaking to matapos kong makita ang sumunod na page. I, ____________ swears that I will be a temporary wife of Piero Caruso for two years blahblahblahblah. Tapos sa baba may nakalagay pa na: Signed by. Dahil tinamad akong magbasa, pinirmahan ko na lang rin ito. Mukhang hindi rin naman napansin ni Piero na pinatakaan ko lang ang pagpirma ko dahil busy itong makipag-usap sa telepono. "Take it. That will serve as your copy" kumuha na lang ako ng tig-iisang kopya ng lahat kahit ito ay medyo mabigat sa loob ko. "Done!" Masiglang sabi ko matapos kong pirmahan lahat ng laman ng folder. Kapag may nakita akong pangalan ko, pinirmahan ko na. Masyadong nakakatamad kasing magbasa. Masyadong mahaba at english pa. "Did you read them?" Medyo di sya naniniwala sa sinabi ko pero ngumiti pa rin ako sa kanya at tumango tango. "Good. Now, start packing your things. You're moving to my house this Wednesday" bored na pagkakasabi nya. Ano? Wait. Loading. Monday ngayon. Tuesday bukas. Wednesday sa susunod ng Tuesday. What? Ano? Wednesday. Wednesday. Waaaaah! Hindi pa man ako nakaka-move on sa sinabi nya ay nagulat ako nang tumayo ito sa harap ko at may ibinigay----or more like tinapon sa akin. "Wear that. You're a Caruso now" Tingnan mo na? Bastos talaga! May itatanong pa sana ako pero mabilis itong umalis. Nakakaiyak. Nandito kami sa mamahaling Chinese Restaurant. Matagal ko ng gustong makapunta dito. Hindi man lang ako pinakain dito. Warak na warak ang puso ko habang binubuksan yung box na tinapon nya sa akin at tumambad  ang isang kumikinang na singsing. Wedding ring! Ito na ba yun? Grabeee. Ang ganda ganda. Walang duda! Mahal talaga yan! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaroon ng ganito. Ilang oras pa siguro akong nakaupo, nakatitig at naglalaway sa singsing na nakasuksok sa daliri ko.  Flashback ends Buti na lang dito sa lugar namin eh di mahilig ang mga tao sa tv kaya di pa nila masyadong alam ang nangyari sa akin. Normal kasi dito ang inuman, sugal, away at kung anu ano pa. Sa sobrang busy nila sa tingin mo may panahon pa yan manood? "Ate! Ate! Jan na si Kuya Pierro" dali dali naman kaming lumabas ni Mico and there he is. Leaning in his very expensive car while wearing his signature smirk. Di ko alam ang brand ng kotse nya pero mamahalin at kumikintab kintab pa ito. "Kuya Piero!" Bati sa kanya ng kapatid ko. "Mico!" sigaw ko rito. Aba! Ang magaling kong kapatid! Iniwan sa akin lahat ng gamit namin dahil nauna na para makipagdaldalan sa bwisita. "Let me" magrereact pa sana ako pero kinuha niya na ang ilan sa mga dala ko. Bigla naman akong mapasinghap matapos kong maamoy ko yung pabango nya. So manly! Halatang hindi basta basta ang pabango nito na mabibili lang sa tabi tabi. Grabeee. Ang bango bango! Inilagay ni Piero yung mga gamit namin sa likod ng kotse nya tapos si Mico naman ay nasa likod na ng sasakyan. Akala ko nga ay magagalit si Piero dahil hindi man lang nagpaalam ang kapatid ko pero wala lang naman itong naging reaksyon dahil busy pa rin ito sa pag-aayos. Hangga't maaari ay gusto ko ng makaalis kami agad dahil marami na ang mga tao ang nakatingin sa amin. "Pia?" Napalingon ako sa biglang tumawag sa akin. Si Ruben. Isang tambay at manginginom dito sa amin. Takot karamihan sa kanya dito dahil sa mga hindi magagandang balita sa kanya. Magnanakaw. Krininal. Sugalero at kung anu ano pa ang tawag sa kanya. Pero lahat ng iyon ay mga sabi sabi lang. Wala ring patunay pero di maikakaila na sir Ruben ay kilabot dito sa amin. Matagal na ring sinasabi sa akin ni Manang Bing na mayroon daw itong gusto sa akin pero hindi ko lang ito pinapansin. Ganda eh! *flip hair* "Sino ba itong nasungkit mo? Turo nya kay Piero. "Mukhang mayaman ah" dagdag pa nito sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Nakakakilabot ang ginawa nya dahil nakangisi pa sya. Ngising pang-manyak. Psh. "May problema ba?" Naramdaman ko na lang na may humawak sa bewang ko. Shemay! Ito na naman yung kakaibang pakiramdam ko. Parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko dahil sa paghawak nya sa akin. At isa pa.... Nagtagalog sya! For the first time! Mas naging ma-awtoridad ang dating nya kapag nagtatagalog. Cool! "Wala naman pare. Nagtatanong lang naman ako" sagot ni Ruben. Makalipas ng ilang segundong pagpapalitan ng tingin ay umalis na rin ito pero nakangisi pa rin sya. Ano ba to! Ang liwanag liwanag kinikilabutan na ako! "Is he pestering you?" Tanong nya sa akin ng mawala na sa paningin namin si Ruben. Base kasi sa tono nito ay parang handa itong pakipag-rambulan. Ang masama pa, baka mamaya gulpihin nya si Ruben, kawawa naman ang tao. "Hindi naman. Nagtatanong lang kung saan ako pupunta. Alam mo naman sa lugar na ganito, laging nakikiusisa ang mga tao kapag may bago silang nakikita. Hindi kasi normal sa amin ang makakita ng mga taong may mamahaling kotse" masuri nya akong tinitingnan para siguro alamin kung nagsasabi ako ng totoo. Well, totoo naman talaga ang huli kong sinabi. Napabuntong hininga na lang sya ng malalim. "Let's go" pumasok na kaming dalawa sa loob ng kotse. Sa passenger's seat ako naupo dahil natutulog si Mico sa likod. Puyat kasi kagabi kaya ganyan. 10am pa lang pero bagsak na. Habang binabagtas namin ang palabas, hindi nakaligtas sa akin ang mga kakaibang tingin at mga nagbubulungang mga tao. *sigh* Alam ko na ang mga tumatakbo sa isipan nila. Hindi naman kasi lahat ng nakatira dito ay katulad ni Manang Bing. Mabait at malawak ang pag-iisip. Sayang nga lang at hindi ako nakapag-paalam sa kanya. Sa susunod na lang siguro. "Sleep" "Malayo pa ba tayo sa inyo Piero?" Tanong ko sa kanya. Ang feeling close ko talaga. Pero, di ko alam at gustung gusto ko syang tawagin sa pangalan nya. Piero. Hihihi. "Yes" tipid na sagot nya habang nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa harap. Poging pogi talaga nya sa angle na yan! Jan lang sya! Wag na sya gumalaw! “Hilig mo ba ang white?" Out-of-the-blue kong tanong. Napasulyap naman ito sa akin saglit saka muling binalik sa harap ang tingin. "Bakit mo natanong?" Shems! Nagtagalog na naman! Ang hot talaga pakinggan ang tagalog nya. Feeling ko namumula yung pisngi ko sa simpleng pagsabi nya lang nun kaya iniwas ko ang mata ko at tumingin na lang sa harap. "Wala lang. Napansin ko lang" sabay yuko ko. Feeling ko kasi namumula na naman ako. Bakit ba kasi ako nabibiyayaan ng ROSY CHEEKS? Ayan tuloy! Well, ang hot nya kasing tingnan! Naka-long sleeve na nakafold tapos open yung first button ng damit nya. "I see" yun lang ang huli kong narinig bago ako tuluyang nakatulog. ---- Nagising ako dahil sa ingay ng busina ng sasakyan. Pagmulat ko, nakita kong papasok na pala kami sa gate. Woooow! Astig lang. Kasi automatic lang itong bumukas. Iba talaga pag richkid. "Mico. Mico" pagtawag ko sa kapatid kong hanggang ngayon ay tulog pa rin. "Let him sleep" may tinawag naman syang isang lalaki at sya ang nagbuhat kay Mico papasok sa loob. Dito pa lang sa labas ay halata na agad na malaki ang bahay. Naexcite ako bigla ng may makita akong mga bulaklak. Ang laki ng garden! Agad naman akong tumakbo doon at inamoy amoy ang mga bulaklak. Bata pa lang kasi ako ay gustung gusto ko na talaga ang mag-alaga ng mga bulaklak. Kaso dahil sa squatter's area lang kami, san ako magtatanim doon? Napaka-imposibleng magkaroon ako ng garden. "Aheem" agad naman akong napatayo ng tuwid. Shocks! Nakakahiya naman! "S-sorry. Hilig ko lang kasi ang mga bulaklak" napakamot pa ako sa batok ko habang nagsasalita. Baka mamaya kung ano na lang sabihin nito! Nakakahiya! "It's okay" sabay ngiti. "Omay! Ngumiti ka?" Di-makapaniwalang tanong ko. Akala ko ay robot forever ang lalaking to. Pano ba naman kasi kung hindi sya seryoso eh nakasmirk ito. Pero ngayon? Parang natural. Ang gandang tingnan. Napailing na lang ako dahil sa kalandian ng utak ko. Hindi. Hindi. "What do you think? I'm also a human, Sophia" Shemay! Wala na! Crush ko na to! Sinabi na ang pangalan ko eh. ASDFGHJKL. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapapikit. Lord, ilayo nyo po ako sa mapanuksong lalaking ito. "Ah. Hehehehe. Ganun ba? Sabi ko nga. Hehehe" "Boss" may isang lalaki na lumapit kay Piero. Wait! Ito yung dating bantay ko nung sa ospital ako ah! "Hi kuya!" Bati ko dito habang nakangiti pero tiningnan lang ako, di man lang ako pinansin. Snob si koya? Parang kinakausap pa nya ako nung nakaraan ah! "What is it Monte?" Bipolar talaga ang isang to. Kanina pangiti ngiti tapos ngayon ubod na naman ng sungit. Hmmph! Bahala nga sila jan. Dito na lang ulit ako sa aking flower baby! "Cosa Nostra" Yun lang ang sinabi nung f at umalis na agad sila. So, ganun? Wala man lang paalam? "Tss. Napakabait na asawa. Buti pa ang aso nagbahag ng buntot kapag aalis. Tsk. Tsk" para naman akong timang dahil kinakausap ang mga bulaklak. Ilang minuto pa siguro akong nagnilay nilay sa garden ng may isang babae ang lumapit sa akin. "Mam Sophia?" Sa tingin ko ay nasa mid-40s na ito. Hindi ito nakasuot ng uniform unlike sa mga napapanood ko na mga may mayayaman. "Ako nga po" agad akong tumayo at pinagpagan ang kamay ko. "Pinapatawag po kayo. Kakain na po" agad naman akong sumunod sa kanya papasok. Sa tingin ko ay hindi naman ito masungit. Papasok ko sa loob, isa lang ang masasabi ko. BONGGA! Pure white yung loob. As in lahat! Parang nakakatakot ngang umapak eh. Feeling ko kasi madudumihan ko. Di rin sya obssessed sa white noh? Pero okay lang naman sa akin. Gusto ko rin ito kasi napakalinis tingnan. Manghang mangha talaga ako sa bahay na to. Ang presko sa pakiramdam at parang ang gaan ng atmosphere. Ang laki ng bahay na to pero parang kami kami lang ang nandito. "Ate! Kain na tayo!" Nagulat ako ng sumigaw sa akin si Mico. Kelan pa to gising? Masyadong maagap. Tsk. Tsk. Tsk. Kumakain na. Ngumiti lang ako kay Piero habang umuupo sa upuan sa tabi ni Mico. Paupo na sana ako pero nanatili pa rin itong nakatingin na para bang may mali akong ginawa. "Ay, sorry. Dapat ba dito ako umupo?" Mas umusog pa ako ng malayo konti. Baka kasi mamaya may uupo pala dito. "Stupid" "Ano?" Stupid daw! Sino? Ako? "You should sit here" sabay tap sa tabi nya. Dali dali naman akong lumipat. Tsss. "Uyyyy. Si ate nagba-blush! Ayieeeeh!" "Psssy! Hoy! Tumahimik ka ngang bata ka! Ang dami mong alam!" Feeling ko mas namula ako sa pang-aasar ni Mico. Sadyang may rosy cheeks lang ako! Oo tama! Ganun nga. *chuckle* "Sige. Asar pa" pagrereklamo ko sa katabi ko. Bipolar talaga ito. Kanina lang ang sama makatingin tapos tatawa na ngayon. Napansin yug mga pagkain sa harap namin. Wooow! Mukhang masarap kahit di ko alam ang tawag. Lafang na dis! Pagkatapos ng aming tanghalian agad namang itinuro sa akin ni Piero ang kwarto ko. Si Mico kasi kanina nya pa alam kung saan ang kanya. Yung unang room na nadaanan namin ay sa kanya. 5 bedrooms dito sa 2nd floor. Grabe talaga. Ang isang kwarto parang kalahati na ng bahay namin dati. "This will be your room" "Di tayo iisang room?" napatakip naman ako bigla sa bibig ko. Shemay! Kung pwede lang na kagatin ang dila ko para di na ako makapagsalita eh ginawa ko na. Napapikit na lang ako ng mariin sa sinabi ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito. Tae yan. Katurn-off nun Sophia! Umayos ka nga! "Ah. Hehehe. Joke lang yun. Alam mo na yung araw mainit. You know? Bye!" agad ko syang iniwan sa labas at pumasok sa loob sabay lock. "Ang bibo mo kasi eh! Yan napapala mo! Kainis! Kainis! Kainis!" Mangiyak ngiyak na sabi ko habang sinasabunutan ko ang sarili ko matapos kong maisara ang pinto. May narinig naman akong may kumatok sa labas. Agad kong inayos ang sarili ko pero hindi ko ito binuksan. Dinikit ko na lang ang tenga ko sa likod ng pinto para marinig kung ano man ang sasabihin ng taong nasa labas. "My room is just beside yours. You can come if you want" sabay halakhak nito. "Argh! Kainis! Kainis! Kainis" wala akong pakialam kung naririnig ang sigaw ko sa labas. "KAINIS!" Minsan kasi padalos dalos ako sa pagsasalita. Aaaargh! May naisip naman akong paraan para mawala ang kahihiyan na nararamdaman ko. SA UNAN KO NA LANG IBUBUHOS ANG LAHAT! Dali dali akong pumunta sa may kama at kinuha ang isang unan doon. Yari ka ngayon! ---- "Mam. Baba na po kayo. Inaantay na po kayo ni Sir Piero" "Manang, pasabi na lang po na mauna na sya. Inaantok na po ako eh" sabay talukbong ng kumot. Mula kanina ay hindi na ako bumaba baba pa. Dapat pala pinilit ko na lang matulog kanina para di na ako pinipilit bumaba. "Mam. Utos nya po talaga na bumaba na daw po kayo. Kung hindi, sya daw po mismo ang aakyat dito at magpapababa sa inyo" ASDFGHJKL. Di nya ba alam na nahihiya pa rin ako sa kanya? Baka isipin nya na lang na may gusto ako sa kanya. Totoo naman ah! sabi ng isip ko. Slight lang naman. "Mam. Di pa po ba kayo bababa? Sasabihin---" "Oo na po manang. Pasabi po na pababa na ako" napilitan tuloy akong mapabangon ng wala sa oras. Pinili ko na lamang bumaba dahil baka mas maging feelingero na naman ang lalaking iyon at isiping may gusto ako sa kanya.   "Totoo naman ah!!" bulong ng isip ko. Habang pababa kami ay nakayuko lang ako. Siguro napansin din ito ni Manang pero di na sya nagtanong. Teka! Ano nga palang pangalan nito? Hindi ko kasi natanong. Mamaya na lang. Abot abot ang kaba ko nung makarating kami sa dining room. Una kong hinanap ang kapatid ko pero wala akong makita. "Kanina pa sya natapos kumain" So wala na akong choice? Kapeng mainit! Hinanap ko rin si manang na kasama ko. Pero wala na sya. Eh? San nagpunta yun? "Manang is not here either. Lumabas na sya" "Ah. Ganun ba?" Pilit kong ginagawang kaswal ang salita ko. Umupo na ako sa pinakamalayong upuan sa kanya. "WHAT ARE YOU DOING?" Napatigil ako sa pag-upo at agad na napatayo sa biglaan nyang pagsigaw. "E-eh nakaupo?" "WHO TOLD YOU TO SIT THERE?" "Aah. Eeh. Ako?" Ano ba? Bakit yun ang sinabi ko? *sigh* "Come" sabay turo sa upuan na inupuan ko kanina. Agad naman akong dito, mahirap na baka itapon bigla sa akin ang tinidor na hawak nya. "Eat" sya na ang naglagay ng pagkain sa harap ko. Habang ginagawa nya iyon ay todo ang pilit kong wag tumingin sa kanya. Gutom na gutom na ako at gusto ko sanang kumain na agad. Ang kaso kinakabahan ako eh. Takte! Bakit ka ba kinakabahan? Ipalabas mo na lang na joke lang yung kanina! Tama! Tama! "Anong tinatango tango mo jan?" Oooops! "Wala lang. Hehehehe" Wala namang nangyari habang kumakain kami. Para na nga akong mabibingi dahil sa sobrang katahimikan. Gusto ko sanang magtanong sa kanya kaso lang baka mamaya mabudyakan ako bigla. Matapos naming kumain ay balak ko sanang hugasan ang kinainan namin pero pinigilan nya ako. "Let my maids do that" hindi na rin ako nakipag-argue sa kanya. Ngayon ko lang napansin na may maid pala sya. Yumuko na lang ako sa kanila paglabas namin. Sabay kaming umakyat sa kwarto pero mas mauuna munang madaanan ang kwarto ko bago ang sa kanya. Nung nasa tapat na ako ng kwarto ko eh hindi muna ako pumasok. Malay mo kasi may sasabihin pa sya. Pero ang loko! Nagdiretso diretso lang. Medyo pahiya ako sa part na yun eh. Umasa ka na naman? Kating kati na talaga akong magsalita. Go na kasi! Ang daming arte! Akmang papasok na sya nung bigla ko syang tinawag. "Piero" lumingon naman agad ito sa akin ng nagtataka. "Goodnight" ngiting ngiting sabi ko sa kanya. Bahagya naman syang nagulat sa ginawa ko. Pero bago pa sya may sabihin ay agad akong pumasok sa loob, sumandal sa pinyo habang sapo sapo ang dibdib. "Woo" ---- "Goodnight Sophia" ang nais nyang sabihin ngunit nagmamadali na itong pumasok sa loob. He can't still wipe the small smile on his face. Everything is so new for him but the same time, so right for him. Maybe getting married with a crazy wife is not bad after all.CH
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD