CHAPTER 16

1809 Words
Chapter Sixteen Mission : The Great Razgov Mabilis kong kinuha ang envelope na inilapag ng isang lalaki sa aking harapan at pagkatapos ay dali-dali nang lumabas sa coffee shop na iyon. I flipped my red hair and continued walking straight with my head up high. Ang lahat ng mga nakakasalubong ko ay hindi maiwasang mahinto o mabali ang leeg masundan lang ako ng tingin. I am wearing a dark red body-con na humuhulma sa lahat ng kurba ng aking katawan. Mataas ang suot kong Louis Vuitton cherie pump at ang mga mata ay natatakpan ng Gucci sunglasses. Everything in my body screams money and power. Sinadya kong isuot ang lahat dahil bukas na bukas rin ay muli akong magpapaalam sa sandaling buhay na ito. "Thank you." nakangiti kong sabi sa lalaking nagbukas sa akin ng pinto sa hotel na aking tinutuluyan. Habang pinag-aaralan ang aking misyon ay nanatili ako rito. I have no other contact than Rave Valentino. Ayaw ko naman siyang tawagan para lang kumustahin gaya ng isang kaibigan kaya minabuti ko na lang na maglibot ngayong araw. Inilapag ko ang aking niloticus crocodile himalaya birkin bag sa lamesa at agad na dumiretso sa kama upang magpahinga. Gusto ko sanang matulog, pero dahil hindi mapakali ang utak ko sa aking unang misyon ay minabuti ko na lang maligo bago muling pag-aralan iyon. Pagkalipas ng isang oras na pag-aayos ay muli kong kinuha ang envelope na kokompleto sa mga detalye ng lalaki. Tumalim ang aking mga mata nang mahawakan ang mga papel. Pinasadahan ko lang iyon ng isang basa and then I transferred to my laptop. My teeth gritted when I see his photos again. He has great dark hair and light stubble. Iyon kaagad ang una kong napansin sunod ang kanyang mga matang kulay abong pinapalibutan ng mahahabang pilik mata. He has Greek features. Matangos ang ilong, maganda ang hugis ng mukha at ang mga labi ay parang ginawa talaga upang magparusa ng mga babae. Inilipat ko ang litrato sa isa pa. It was a photo of him taken inside a yacht. Nakatayo siya roon habang hawak ang beer sa isang kamay at tanging itim na board shorts lang ang suot. Kahit bahagyang naka-side view ay kitang-kita ang mga nagmumurang muscles at abs. I must admit that he is gorgeous as hell, but behind all that is a very flawed man. Hindi ko napigilang magtangis ang aking bagang ng muling maalala ang kanyang portfolio. Zuriel Amenadiel Razgov, one of the youngest billionaire in Asia and the owner of Razgov International Co., Ltd, an exporter company with scope of works in manufacturing, OEM Production, distributing of premium seafood, coffee, and other agriculture products. He became a voting member of Razgov International Co., Ltd when he was just fifteen years old and he replaced his father as the CEO at the age of twenty five. Their company began operating in the 80's, but they were involved in numerous business scandal throughout his father's reign and that did not stop until he took over the company. Turned out, Razgov International Co., Ltd has an underground operation exporting drugs across the world. His father also partnered with a Chinese syndicate in order for their empire to grow. Iyong sindikatong mas gamay ang kalakaran sa droga at s****l exploitation. Kung tutuusin ay napakadali lang ng misyong napunta sa akin. Kailangan ko lang kunin ang lahat ng files na naglalaman ng lahat ng mga koneksiyon nila at nang sindikatong kadikit sa negosyo. I just have to get the files and that's it. Pwede na akong mamili nang buhay malayo sa VAO o ipagpatuloy iyon at sumabak sa panibagong misyon. I could do it with my eyes closed, but Zuriel is a tricky man. Bukod sa makapangyarihan ay hindi ito basta-basta nagtitiwala lalo na sa mga babae. I've read his files. He treats everyone with v****a his w***e and nothing else. Para sa kanya ay laro lang ang mga ito. Parausan kumbaga. Kaya ko naman iyon kung tutuusin. I could seduce him and play him with my charm, but my chances to finish the mission will be low. Hindi naman ibinabahay ang mga fling at ang mga lalaking katulad ni Zuriel ay matatalino at tuso. Tingin ko rin ay malayo pa sa hinagap nito ang salitang pag-aasawa kaya kinailangan kong mag-isip ng panibagong paraan para makapasok sa buhay niya. Just when I'm about to lose hope and just go on with my first option, sakto naman ang pagtulong ni Rave para makapasok ako at makuha ng agency upang magsilbing isa sa mga maid sa mismong bahay nito. I was over the moon when I got his call. I got lucky again, sana nga lang ay hindi maubos ang swerte ko hanggang sa matapos ang misyon kong ito. Wala pang araw ay umalis na ako sa hotel at lumipat sa isang mas maliit na apartment. Ang mga mamahaling gamit ko ay iniwan ko sa roon at tanging dinala lang ang mga bago at simpleng damit na binili noong isang araw. "Ten thousand ang upa rito kada buwan. One month deposit tapos two months advance." mataray na sabi ng matandang babaeng sinisipat ang kabuuan ko. Parang gusto kong matawa dahil talagang naninibago ako sa labas ng La Spieza. Everyone here looks normal. Doon kasi ay lahat ng tao may hitsura at ibubuga. Ang totoo, hindi ko naman kailangan ng apartment kaso lang kapag day off syempre ay gusto kong may uwian pa rin ako. I don't think I can work there, too. Hindi ko mapag-aaralan si Zuriel kapag doon ko mismo sa bahay niya 'yon ginawa. I don't know if I'll get a separate room from all other maids. Kahit pa mayaman siya ay tingin ko wala naman itong pakialam sa mga taong nagsisilbi sa kanya. I can't stay at the hotel too dahil ayaw kong masundan niya ako roon kung sakaling magkaroon ng maraming pagdududa. Kailangan ko lang talagang maging maingat sa lahat ng aking galaw kahit na simula pa lang. "Wala po bang discount?" "Aba nene anong akala mo sa 'kin palengke? Paupahan 'to! Walang discount discount rito! Umalis ka na nga lang! Pinag-iinit mo ang ulo ko kaaga-aga!" iritado niyang singhal sa akin. "Ah," dinukot ko sa likod ng bulsa ang tig-iisang libo. Agad siyang napalunok ng makitang may pera ako, mukhang gustong bumait kaagad. Natigil siya sa pagkukuskos ng kuko at mas maayos akong hinarap. Fifty thousand ang natirang cash ko kahapon at iyon ang inilapag sa harapan niya. Mas lalong nalaglag ang panga niya. "Okay na ba 'yan manang o kulang pa?" "K-kukunin mo na?" agad siyang naging utal dahil sa pagkabigla. "Hindi mo man lang ba titignan muna? Aba halika at maupo ka muna rito–" "Mukha ba akong pagod at gustong maupo?" ako naman ang nagtaray. "Sabihin mo kung kulang pa at babayaran ko. Pakituro na lang kung saan ang bakante rito para matapos na tayo." "A-ay oo! Halika! Naku pasensiya ka na. Masyado lang mataas ang dugo ko kaya nagawa kitang tarayan. Akala ko kasi wala kang pambayad–" "Can you please just shut up?" Supalpal ko sa kanya sa matigas na Ingles, mas lalo kasi akong nairita sa sinabi niya kaya agad niyang naitikom ang bibig. Dahil ba simple ay wala nang pambayad? Why do people always think wrongly about other people based on their appearance? At kahit wala akong pambayad, sapat ba 'yon para magmaasim siya? Pasalamat na lang siya dahil kahit na kaya kong baliin ang leeg niya sa loob lang ng limang segundo ay hindi ko iyong pwedeng gawin dahil hindi siya kasama sa mga agenda ko. She is not a threat to me or my mission, kung oo lang ay baka kanina pa siya bumulagta. Hindi na ito nagsalita at nagmamadali na lang akong pinasunod sa apartment na tutuluyan. There's nothing fancy about the place. It smells old wood and rotten egg. "Ito na ba 'yong ten thousand niyo manang? Hindi ba sobra ang singil niyo sa ganitong klase ng lugar? It's plain ugly and old. Wala bang maintenance 'to?" She looks offended by the truth. "S-sabihin mo lang kung ano ang gusto mong ipaayos at ipapagawa ko agad-agad!" "Hindi na. Sige na iwan niyo na ako rito." Nagmamadali niyang iniwan sa akin ang susi at nagkukumahog na umalis. Hindi ko sigurado kung kabado ba sa akin o excited lang sa perang ibinayad ko. Iginala ko ang paningin sa walang lamang bahay. This place is wrecked and totally overpriced! Isang palapag lang iyon. isang kwarto, banyo, maliit na sala at kitchen para sa ten thousand. Kaya tumataba ang isang iyon dahil sobra siya kung maningil. Kung hindi nga lang malapit ito sa bahay ng mga Razgov ay hindi ito ang kinuha ko. Wala na rin akong choice dahil bukas ay simula na nang trabaho ko. I have no time to look for other apartment. Sa ngayon ay pahinga na lang ang gusto kong gawin. I ordered some stuff online and have it delivered the same day. Kinagabihan ay mahimbing akong natulog sa aking bagong kama. I'm glad that Rave handled everything for me. Hindi ko na kailangan pumunta pa sa interview o magpasa ng mga papeles dahil siya na ang gumawa ng lahat ng iyon. Ang tanging kailangan ko na lang isipin ay ang gagawing trabaho bukas mismo. We were taught about the basics in La Spieza. May araw rin noong mga Vtora kami na kami ang pinaglilinis ng lugar namin. Itinuro rin sa amin ang mga simpleng gawaing bahay kaya panatag ako sa gagawin. Isa pa, bago pa man ako pumasok sa VAO ay ginagawa ko na iyon sa pinanggalingan ko. Wala sa sariling nayakap ko ang aking unan. Napakurap-kurap ako nang maramdaman ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Nasanay lang kasi akong may kasama sa loob ng maraming taon at ngayon ay muli na namang mag-isa kaya nakakapanibago. I hate feeling this way. Kahit na wala akong problema ay parang pasan ko ang buong daigdig. Hindi gaya noon sa mansion na kapag nakakaramdam ako ng lungkot ay isang kalabit ko lang kay Elorae o sa kahit sino sa kanila ay gumagaan kaagad ang lahat. Huminga ako ng malalim at tuluyan nang isinara ang mga mata. I wish everyone success. Hindi ko man alam kung saan sila napunta, kung ano na ang ginagawa nila o kung bahay pa ba sila ay mananatili ang pag-asa sa puso kong isang araw ay muli kaming magkikita-kita. All I could do right now is pray and hope that everyone will be favored and lucky. Maingat kong hinaplos ang suot kong gintong kwintas. I still believe that this necklace is the source of my luck... I just hope that it will work wonders when I face the great Razgov... Sana ay mas swertihin ako kapag nag-krus na ang landas naming dalawa. ~~~~~~~~~~~~ GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD