CHAPTER 15

1046 Words
Chapter Fifteen The Finale : Anastasia VA Zavŭrshil We had our own graduation as Purva's after a year of successful training. Ang mga graduation na iyon sa kada pagtatapos ng taon ay siya nang magiging bagong birth date naming lahat. Mr. Facou told us that it will be the only day we got to celebrate kaya kailangan na naming kalimutan ang totoong araw kung kailan kami ipinanganak dahil wala na rin naman iyong silbi. Aniya rin, habang nasa training pa lang ay hindi pa kami pwedeng magpatumpik-tumpik dahil marami pa kaming pagsubok na kakaharapin. Sa labing walong natira noon sa Vojarne ay labing lima na lang kaming bumalik sa mansion. Masaya akong matapos ang unang taon ng pagsasanay, pero mas doble ang saya dahil walang nalagas sa mga kaibigan ko. "Congratulations and happy birthday everyone! I couldn't be more proud to each and everyone of you." masayang sabi ni Mr. Facou habang itinataas ang kanyang hawak na champagne glass kaya sinabayan namin siya. Though we're not really allowed to drink alcohol, tonight is an exemption. Dumalo rin si Mr. VA sa pamamagitan ng holographic image gaya nang nakasanayan at dahil muli kaming ibinalik sa mansion ay talagang in-enjoy namin ang lahat lalo na't tatlong araw lang ang aming magiging pahinga bago sumabak ulit sa bagong trainings bilang mga Vtora. "Na-miss ko 'to!" masayang hiyaw ni Elorae habang tumatalon-talon sa kanyang kama. The party lasted only three hours. May ilang speech ang mga Maestre at mayroon pang mga personal na regalo ang lahat lalo na si Mr. VA, pero mabilis lang rin dahil gusto na nilang magpahinga muna kami. Ibinagsak ko ang katawan sa aking kama at saka pumikit. I missed this place, too. Hanggang ngayon nga ay hindi ako makapaniwalang nalagpasan ko ang lahat ng puyat, pagod, gutom, sakit ng katawan at stress sa nakaraang taon lalo na ang huling anim na buwan. "Ako rin pero hindi ko pa rin maiwasang isiping pagkalipas ng tatlong araw ay aalis na tayo rito at lilipat sa east side ng mansion. Ano kayang klaseng Maestre si Mr. Dilimond Barcihs?" Napadilat ako. The guy looks younger than Mr. Facou, but I haven't seen him smile even once. Masyadong seryoso ang lalaking iyon. "Sana lang huwag akong mapa-quit dahil sa kanya." si Dominika. "You're not going to quit," huminto na si Elorae sa pagtatatalon. "No one will quit. Sabay-sabay tayong magiging Zavŭrshil, remember?" Tumayo na si Zoara para lapitan kami ni Elorae, sumunod naman si Dominika. Napaahon na rin ako sa pagkakahiga para daluhan silang gawin ang aming courage circle. Magkakaakbay kaming pumwesto pabilog at pagkatapos ay pinagdikit ang aming mga noo. "We will all make it. We will not quit. Dopustićemo kristalima da nas vode u našu budućnost! We will let the crystals guide us to our future!" Tatlong beses na inulit iyon ni Elorae. Maging ang mga katagang nakasulat sa aming Kinjia na naging motto na rin naming lahat hanggang sa sabay-sabay na namin iyong sinambit. Ang unang anim na buwan ng training bilang mga Vtora ay kasing hirap rin iyon ng training sa Vojarne, pero nagawa pa rin naming lagpasan. Sa pangalawang taong ay magkahalong survival at character development pa rin ang aming pinag-aralan. Sa pangatlong taon naman sa pangangalaga ni Maestre Milev Quebec bilang mga Treata ay mas naging magaan na ang lahat. Gaya ng isang normal na kolehiyo, we were taught about school stuff, mainly focuses on foreign language. Araw-araw ay pinupuno ang utak namin ng mga lenggwaheng kailangan naming matutunan. Ilan roon ang English, French, Spanish, Mandarin, Korean, Russian at Japanese. Sa huling taon ay sampu na lang kaming natira. Bilang mga Chetvŭrta sa pangangalaga ni Sioux Georghiev, doon sinubok ang lahat ng aming natutunan. Sa buong taon ay binigyan na kami ng kanya-kanyang misyon bilang pagsasanay sa mas malaking misyon na naghihintay sa amin sa labas ng La Spieza. We were taught how to think like lawyers, judges at maging batas mismo. Binigyan kami ng kanya-kanyang malalaking taong kailangan naming pag-aralan at pinagtuonan ng pansin kung ano ang magiging hakbang para mapabilis ang isang matagumpay na misyon. Mabilis na lumipas ang taon ng mga pagsasanay. Ang buong tiwala ko ay naibigay ko na sa organisasyon at ang puso ko para sa bagong pamilya at mga kaibigan. Tuluyan ko na ring isinantabi ang buhay na iniwan ko at ang mga taong nakapaloob rito. I became someone stronger, wiser and capable of anything just like what I imagined myself four years ago. "Anastasia VA Zavŭrshil..." I smiled when I got my new birth certificate. Everyone got the same middle and last name, but what intrigue me more is the black envelope inside my crystal suitcase. Rave Valentino, the Maestre of Zavŭrshil proudly stood in front of us. Malawak ang kanyang ngiti habang pinapasadahan kaming lahat ng tingin. "Inside your suitcase are the things you needed for your first mission outside La Spieza. You are all given different missions to accomplish. Tatlong araw simula ngayon ay lilisanin niyo na ang lugar na ito upang sumabak sa totoong laban. Ang lahat ng mga katanungan ninyo ay may karampatang sagot na nariyan na rin sa inyong mga gamit. Just remember, these subjects are the people we always needed to take down before they get to us first. They are the threat to the peace of the country and our organization. Do not hesitate to kill them if you find yourself in any danger. Eliminate the subject before they eliminate you. And remember, you are now a Zavŭrshil. Valados Alcatraz Organization's future now lies in your own hands." I am nervous and proud of myself at the same time. Pakiramdam ko ay hawak ko ang sarili kong kapalaran sa mga oras na iyon. Ang babaeng pinagtabuyan, sinaktan at niyurakan ay kaya nang tumayo nang nakataas ang noo at hindi na kailanman magpapatinag. I am Anastasia VA Zavŭrshil. The past may not have been in my favor, but surely the future will. Sabay-sabay kaming tumayo at naghawak-hawak ng kamay. "Dopustićemo kristalima da nas vode u našu budućnost." we said in unison as a final bid to everyone we met during our stay in La Spieza and also to our old broken self that will now surely be forgotten. ~~~~~~~~~~~~ GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD