Chapter Fourteen
Vojarne : Training Headquarter 2
Akala ko ay magiging handa na ako sa training pero sa paglipat namin sa Vojarne, ang pangalawang training headquarter ay parang gusto ko na lang umiyak dahil simula sa pagbaba namin ng bus ay wala na akong iba pang narinig kung hindi sigawan.
From make up brushes and silverwares, we transitioned to knives and guns.
Halos tumulo ang luha ko sa trenta minutos na pinabuhat sa amin ang aming mga mabibigat na rucksack dahil kapag nabitiwan ay pinapatawan kami ng pushups.
I don't know how to do it kaya nang mabitiwan ko ang aking rucksack at agad na pinadapa sa damuhan ay naluha na lang ako.
"Anong iniiyak mo?! Do you really have what it takes to become a Zavŭrshil or you want to quit right now?!" sigaw ng bagong drill maestre sa mukha kong halos magpabingi sa aking magkabilang tenga pero matapang pa rin akong sumagot.
"No drill maestre!" I tried pushing my weight up. Kahit na hindi iyon ang tamang pagpu-push up ay ayos na basta magawa ko.
"Give me twenty more!" muli niyang sigaw.
Everything was chaos. Kung kanina ay buo na ang loob ko't handa na sa mga hamon, ngayon ay parang gusto ko na lang yakapin ang sarili ko at magmukmok sa isang sulok.
Dinig ko ang mga iyakan sa paligid. Wala nga yatang hindi umiiyak dahil sa pagkabigla sa mga nangyayari pero ni isa sa mga maestre ay walang ibinigay sa aming simpatya. They were firm with their commands and that terrified us even more.
Matapos mag-push up ay muli kong binuhat ang bag ko. I reminded myself of every happy memories I had so that I could stop thinking about the pain in both of my arms. Hindi ko nilingon ang mga kaibigan ko at tanging inintindi lang ay ang sarili. Nakatulong naman dahil ako ang unang natapos. Gano'n na lang ang panlulumo ko nang makitang naiwan sila Zoara pero isinantabi ko na lang rin muna ang simpatya sa kanila dahil kailangan kong mas pagtuonan ang sarili ko.
Gaya sa Odborne, mabilisan lang rin ang ginawa naming pagkain at agad na sumabak sa mas matinding ensayo.
Sa unang linggo ay puro cardio at pagpapalakas lamang ng katawan ang ipinagawa sa amin. Sa pangalawa naman hanggang sa matapos ang unang buwan ay pahirap na ng pahirap ang training na kahit ako ay ilang beses na ring napaiyak at natutulala na lang tuwing gabi.
During our second month, we were already exposed to tear gas. Ikinulong kami sa gas chamber na mayroong CS gas sa loob ng limang minuto. Kahit na may mga suot na gas mask ay hindi pa rin iyon sapat para hindi namin maramdaman ang matinding kemikal. Nang araw ring iyon ay muli kaming nabawasan ng tatlo.
"You will not quit!" mariin kong giit sa mga kaibigan ko habang hawak ang kanilang mga kamay kinagabihan. "Walang susuko sa ating apat, naintindihan niyo?!"
Umiiyak si Zoara at Elorae. Pare-pareho kaming pagod pero pinipilit kong magpakatatag dahil alam kong isa lang sa amin ang sumuko ay walang atubiling susuko na ang lahat. I had to step up and be in charge so that it will not happen.
"We will make it. We are the future Zavŭrshil and we will never go back to where we came from! There's only one way to go and it's forward!"
"Moving forward!" segunda ni Dominika kaya tuluyang nahinto ang dalawa.
Gabi-gabi naming ginagawa iyon kaya kahit nasa combative trainings na kami at mas pisikalan ay wala pa ring sumuko. We were taught how to do self defense. The warm up made me hate every drill maestre to death because it uses the core of our body, but it was all worth it. Hindi lang sa lupa ang survival training namin. Mayroon ring sa malalim na pool. We also had to complete a series of obstacles and that includes climbing and jumping over a fifty feet tall wall.
Sa bawat higpit ng mga ito sa training namin ay mas lalong gusto kong matuto at magpatuloy. Ang lahat ng poise na natutunan ko sa unang anim na buwan ay tuluyan ko na munang isinantabi dahil sa mas mabigat na pagsasanay na kailangang harapin araw-araw.
During the fourth month, four hundred eighty hours were devoted on our marksmanship training or firing range. Sa loob ng mga oras at buwan na 'yon ay limang libong firing rounds ang aming gagawin. Sa unang pag-aaral ko sa paghawak ng mga armas ay naisip ko nang sumuko dahil pakiramdam ko'y hindi ko kakayanin ngunit nanaig pa rin ang determinasyon kong magpatuloy lalo na sa tuwing naiisip ko ang mga taong pilit kong tinakbuhan at ang mga hirap ring napagdaanan.
The mission and vision of VAO also gave me strength to endure everything. I am the future of Valados Alcatraz. Isa ako sa mga gaganti para sa mga taong walang boses sa lipunan. Sapat na dahilan na iyon upang magtiis sa ngayon.
During our marksmanship, we use M4 carbine, M249 squad automatic weapon or SAW. Dahil naging normal na sa amin ang mga gawain ay unti-unti na kaming nasanay at nabawasan na rin ang mga reklamo't pagiging mahina.
"Viera..." hindi ko na napigilang yakapin siya isang gabi ng dalawin niya ako sa Vojarne.
Alas tres pa lang ng madaling araw pero ginising na ako ng isang servantes dahil sa pagdating nito. I wasn't really expecting to see her until next year, but she came for me.
"Tasia..." niyakap niya ako pabalik.
Tumagal iyon ng ilan pang minuto. Pupungas-pungas akong lumayo at hindi na naiwasang maging emosyonal.
It was nice seeing someone who's not stiff as all our drill maestre's. Her presence was like a breath of fresh air for me. Napakurap-kurap ako ng lumayo siya at ngumiti sa akin.
"I don't have much time. Napadaan lang ako and I need to go back to the mansion. Gusto lang kitang kumustahin. How's everything? Kaya mo pa ba?"
Mabilis akong ngumiti at tumango.
"Kakayanin ko, Viera."
"That's all I needed to hear," sumunod ako sa kanya sa paglalakad sa madilim na daan.
There were people guarding the place, but they did not pay any attention to us. Nahinto kami sa isang malaking puno at naupo sa sangang nasa ibaba nito.
"It's not typical of someone like me to visit any student, but I told you once before that you remind me of myself, right? Hindi nagbago iyon, Anastasia."
Nanatili akong nakinig sa kanya. Marahan niyang hinaplos ang aking mukha at muling ngumiti.
"I knew you're going to make it far when I first saw you. Sa ipinapakita mo ngayon ay pinapatunayan mong hindi nga ako nagkamali."
"I have nowhere else to go. I need to move forward, right?"
"Always," she instantly answered. "You're almost there, Tasia. Mabilis lang ang panahon at kaunting tiyaga na lang ay makakaraos ka rin kaya huwag kang sumuko. This year will be the hardest year for you, pero sa mga susunod ay tiyak na mas magiging madali na ang lahat para sa 'yo. I want you to learn everything you can. Sa pangalawang taon ay marami ka pa ring pagdaraanang pisikal na pagsasanay pero tingin ko'y kakayanin mo pa rin iyon."
"Do we really need to do everything?"
"You need every training to survive. Mas malupit ang mundo sa labas ng La Spieza kaya kailangan mong paghandaan iyon. Hindi mo kakayaning banggain ang sino man nang hindi natatapos ang lahat ng training. Everything will come in handy one day so just trust the process."
"Are we going to be a spy or something?"
She chuckled at that. Kumunot ang noo ko sa naging reaksiyon niya.
"You are going to be what Mr. VA wanted you to be. Some mission are not as fancy as being a spy. Mayroon ring mga madadali na hindi mo kailangang pumatay, pero kung ano man ang magiging misyon mo ay magiging kasing bigat lang iyon gaya ng lahat ng mga naunang misyon ng mga Zavŭrshil. Sa ngayon ay gusto kong maging matatag ka. I am rooting for you, so please don't make me regret it."
Buong-puso akong tumango. Hindi na bago ang mga pasimpleng pagdalaw sa akin ni Viera. Simula pa noong mga unang buwan ng training sa mansion ay dinadalaw niya rin ako sa tuwing tulog na ang mga kasama ko. She would always check up on me and I appreciate her for doing that. Siya kasi ang una kong pinagkatiwalaan at hanggang ngayon ay hindi iyon nagbabago. I trust her more than anyone else here.
Naisip ko ring ma-swerte ako dahil bukod tanging ako lang ang kinuha ni Viera sa taong ito. She is the head of the recrutare's. Hindi na niya trabaho ang kumuha ng mga gaya ko pero nang makita niya raw ako ay hindi niya ako nagawa pang bitiwan.
Some of the girls or the people who were recruited were mostly orphans. Sinabi niya ring minsan ay sila mismo kumukuha ng mga batang galing sa hospital na inabandona na ng pamilya dahil mga walang pambayad sa bill. Ang iba naman ay sa bahay ampunan nila kinukuha at pinapalaki sa Vacharti, isa sa lugar sa La Spieza na gaya nang Marcheti. Ang kaibahan lang ay pinapalaki doon ang mga bata sa normal na pamumuhay at kapag nasa tamang edad na sila ay ipapasa na sila sa Mansion o sa Herzegovinia. Minsan, ang mga batang nagiging sakitin naman ay diretso na sa Marcheti hanggang sa lumaki ang mga ito at magkaisip.
I have still so much to learn in La Spieza itself, but I won't bother that much since I currently had a lot on my plate right now.
"I will not disappoint you, Viera."
Tinapik niya ang aking balikat at saka tumayong muli. Sumunod ako pabalik sa barracks at isang yakap na lang ulit ang iginawad bago siya tuluyang umalis.
Kahit na ilang minuto na lang ay kailangan na naming maghanda, pinilit ko pa ring magpahinga dahil mamaya ay madugo na naman ang mangyayari. Kapag oras ng pahinga ay magpapahinga ka talaga dahil kapag hindi mo ginawa ay ikaw lang rin ang magiging kawawa sa oras ng training.
It was a tiring day, pero nakatulong ang pagkikita namin ni Viera para hindi ko iyon maisip.
Sa huling linggo ng aming pagiging Purva ay labing anim na lang kaming natira. Sa linggong iyon ay sumabak kami sa field. We endure realistic combat scenarios. Sa battlefield ay mayroong mga speakers para sa tunog ng totoong baril. We were asked to work as a team this time. Hindi lang pisikal ang aming huling training kundi kasama na rin ang problem solving at strategy. Sa loob ng mga huling araw ay sa gano'ng scenario kami nag-survive. Walang barracks, wala masyadong pahinga, tulog at pagkain. We trained and tried to survived as if we were in a real battlefield.
All of us were exhausted, but I always remind myself the journey that I've already gone through and the possible outcome of a better future. If I give up now, I am refraining myself to be someone I am meant to be and that thought was enough for me to keep fighting... I don't want to missed that. Gusto kong makilala ang taong magiging ako sa hinaharap. I'm certain that she will be strong and capable of anything, kaya ngayon ay isa lang ang dapat kong gawin...
To keep going and just continue moving forward.
~~~~~~~~~~~~
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA