CHAPTER 13

2502 Words
Chapter Thirteen Odborne : Training Headquarter 1 Parang gusto kong magtatatalon dahil sa nabasang laman ng itim na envelope na magpapatuloy ako sa training at isa nang ganap na Purva. Hindi ako napigilang yakapin ni Elorae nang gano'n rin ang sa kanya samantalang si Zoara naman ay hindi pa nahahawakan ang sariling envelope dahil sa matinding kaba. "Pasok ako! Hindi ako aalis!" hiyaw ni Elorae sa tenga ko. "Ako rin." "Me too!" sali na ni Dominika habang winawagayway ang kanyang hawak. Agad kaming nahinto nang mabaling kay Zoara. Namumutla na siya dahil sa kaba. "Gusto mo bang kami na ang magbukas? I'm sure you'll be fine." Kahit na may pag-aalinlangan ay tumango siya. Kinuha iyon ni Elorae at agad nang binuksan. Pigil ang paghinga naming tatlo habang hinihintay siya pero gano'n na lang ang pagsisigawan namin ng iharap niya iyon at gaya namin ay kasali pa rin siya sa programa! Hindi na namin mapigilang magyakapan. It was chaos. Umingay sa samo't-saring reaksiyon ang silid. Wala na kaming naging pakialam sa mga umiiyak dahil may mga hindi natanggap. Sa pagsasalita ni Mr. Facou ay saka lang ulit natahimik. "To those who didn't got in, please stand up." Kahit na masaya ako para sa sarili ko at sa mga kasama ko ay hindi ko naman naiwasang malungkot rin dahil hindi lang iisa ang tumayo habang bigo sa balita. They were six of them who didn't got in. Agad na silang pinasundo ni Mr. Facou sa mga babaeng naghihintay at pagkatapos ay nilisan na ang silid. Muli kong naramdaman ang matinding kaba ng mapunta ang buong atensiyon pabalik kay Mr. Facou. "Congratulations Purva's!" "Thank you Mr. Facou!" We answered in unison. "I'll give you a minute to let that sink in first before we proceed to our last agenda." Muling umingay ang silid. Sampung minuto ang lumipas bago siya muling nagsalita. "Valados Alcatraz Organization was established in 1973. Mr. VA himself was fifteen years old back then. It was his father and their family friends who funded the organization. Gaya nating lahat, napagdaanan rin mismo ni Mr. VA ang lahat ng training simula Purva hanggang Chetvurta. In fact, isa rin siya rin sa mga taong unang naging Zavŭrshil at gumawa misyon malayo sa lugar na ito. Turn your kinjia on the third page and read everything out loud." "Kazniti i ubiti zlo prije nego što ono ubije nas." Malakas naming basa sa mga nakasulat doon kahit na nagkabuhol-buhol na ang aming mga dila. "To punish and kill the evil before it kills us," Translate ni Mr. Facou. "You will be tortured for four years straight before VAO will let you out of this walls. Sa apat na taon ay iisa lang ang patutunguhan ng inyong mga misyon. Ang parusahan ang mga taong kailangang parusahan o patayin ang mga ito bago pa kayo maunahan." "You will be trained how to survive, but most importantly, how to defeat the enemies. How to kill them." "P-papatay po kami?" Napapalunok na tanong ni Elorae na agad tinanguan ni Mr. Facou. "Sioux Georghiev, Maestre of Chetvurta is the one who will train you how to do that," pinindot niya ang remote at muling umilaw ang screen. Sunod na lumabas doon ang ilang mga mukha ng mga lalaking magagawa ang suot. Mga mukhang politiko o may ginagampanang mataas sa lipunan. "Pantaleon Sandoval, s*x trafficking, drug lord and a murderer. Do you think the society needs him?" Walang sumagot. "Do you think he deserves to live when all he could do is damage the women and those vulnerable? Do you think he should stay alive after he kidnapped those innocent girls and turned them into prostitutes? Will you let him live even if he murdered thousands of people just for power?" Agad kong naramdaman ang galit sa aking sistema lalo pa ng umulit sa utak ko ang mga ginawa ni Cyrus sa akin at ang lahat ng mga naranasan kong hirap sa mga Aleros. Though I wasn't raped or tortured by them, the trauma I've experienced was exactly the same. "He should die. They all should die." Buong tapang kong sagot. Gulat na napa-titig sa akin ang lahat. Maging si Mr. Facou ay tila hindi iyon inasahan. "Good job, Anastasia." He turned off the screen. Yumuko ako para iwasan ang tanong sa mga mata ng mga babaeng katabi ko. Marami pang ipinaliwanag si Mr. Facou pero dahil napuno na ulit ng pagkamuhi ang sistema ko ay wala na akong naintindihan. Matapos ang klase ay dumiretso kami sa grand hall para i-celebrate ang nangyari. Naroon si Viera at ang mga Maestre pero wala akong nakausap sa kanila. Bukod sa mga makakahulugang titigan namin ni Viera ay wala nang nangyari. Mabuti na lang rin at walang nagtanong sa mga kasama ko sa kwarto tungkol sa naging sagot ko kanina. I mean it though. People who take advantage of people should die. Kung iyan ang mission and vision ng VAO ay mas handa akong magpatuloy dahil alam kong nasa tamang daan ako. If you couldn't convince them to stop, why don't you kill them instead, right? Kinabukasan ay mas maaga kaming ginising ng mga servantes na nakatoka sa aming kwarto. Our day begins with a fancy breakfast. Doon na rin nagsimula ang training namin. We were taught about proper dining etiquette. Pagkatapos ng dalawang oras ay dumiretso naman kami sa aming classroom para sa lecture ni Facou. Sa tanghali ay nagpatuloy ang dinning etiquette at sa huling parte ng araw ay iginugol naman para sa ilan pang social skills training. Iyon ang naging routine namin sa loob ng anim na buwan. We were never exhausted. Mas natutuwa ako sa sarili ko dahil napakarami kong natutunan kaagad. All of us already improved after six months, but we were all eager for more. Nakangiting inabot sa akin ni Zoara ang isang itim na boots na siyang susuotin ko ngayon sa unang araw ng aming physical training. Dahil ako ang nahuling nagising ay ako rin ang nagkukumahog samantalang sila ay gayak na gayak na. "Bilisan mo, Tasia! Baka tayo na naman ang mahuli. Makakatikim na naman tayo ng pamatay na titig ni Mr. Facou!" Isinuot ko ang boots samantalang si Elorae naman ay hindi binitiwan ang buhok kong tinitirintas niya. "Kunwari ka pa Zoara! Tuwang-tuwa ka ngang natititigan ni Mr. Facou eh! Hanggang ngayon crush na crush mo pa rin 'yon!" "Hindi 'no! Matanda na 'yon!" "Sus! Age doesn't matter! Isa pa, kahit senior citizen na si Mr. Facou magiging makisig na makisig pa rin 'yon! Kaya ka pa ring ibalibag sa kama!" humahagikhik namang singit ni Dominika habang naglalagay ng make-up. "Hindi ko nga crush 'yon!" nakanguso niyang giit ulit. Natawa na lang ako. "Puro kalandian Zoara!" singhal naman ni Elorae na tapos nang tirintasin ang buhok ko. Nang matapos akong mag sapatos ay tinulungan naman nila akong malagyan ng sapat na make-up ang aking mukha. Parte na iyon ng aming buhay. We were taught how to be presentable all the time. Totoo ngang maganda si Viera twenty four seven at hindi lang noong gabing binisita niya ako dahil iyon ang turo sa kanila rito. Nagmadali na kaming lahat lalo na nang katukin na kami ng mga servantes. Our ride is here. Madilim pa sa labas pero tutulak na kami patungo sa Odborne, isa sa training headquarter na dadaanan namin para sa anim na buwang physical training. Nagkumahog na kaming lahat. We were all dressed in black shirt, camouflage pants and black boots. Pupungas-pungas pa halos ang mga nasa loob ng bus na sasakyan namin patungo doon. Hindi pa man nakaka-adjust sa upuan ay isang lalaking naka-military attire na ang pumasok sa loob. "Listen up ladies!" malakas niyang sigaw na nagpatigagal sa lahat. "The only thing I want to hear from you at this point is, yes drill maestre and no drill maestre, understood?!" His voice roared inside the bus. "Y-yes drill maestre!" kinakabahan kong sigaw kasabay ng lahat. Alam kong magiging madugo ang araw na ito pero hindi ko inasahang ganito kaagad ang simula. The transition was so rough. Sa unang anim na buwan ay itinuring kaming mga prinsesa at ngayon naman ay parang magiging alila kami hanggang sa matapos ang taon! It took us one hour before we reached Odborne. Sa isang malawak na field kami dinala ng mga sakay ng dalawa pang sasakyang convoy ng aming bus. Mabilis ang mga pangyayari. Wala akong isinagot kung hindi yes drill maestre and no drill maestre gaya ng utos ng nagpakilalang si Maestre Falcon, ang nakababatang kapatid ni Mr. Facou. He was the one who explained and established the code of conduct. "From this point forward, you will need to listen to what your trainer's have to say. You will follow each of their orders because I tell you, you will not make it far this journey if you missed just one step!" P Hindi ko mapigilang mapalunok habang matikas na nakatayo sa harapan niya, ni Mr. Facou at sampu pang mga lalaking tutulong sa amin sa gagawin. "You will treat everyone with dignity and respect, understood?!" "Yes drill maestre!" "You will not put your hands into your colleagues unless they are dying or you're instructed to do so! From this point, your life depends on you. You don't have any friends and you will work with yourself until the last day of your training!" "Yes drill maestre!" Mr. Facou let his brother lead. Para bang kung sa military, isa na siyang heneral at hindi na trabaho pa ang magturo. Gayunpaman, nanatili rin siya sa harapan para matyagan kami. Sunod na itinuro sa amin ay ang mga basic commands and standing positions. "Attention!" sigaw ni Falcon kaya agad naming sinunod ang itinuro niyang tamang posisyon. Sabay-sabay namin iyong ginawa ngunit nang may isang babaeng hindi nakasunod ay agad niya iyong sinigawan sa mukha. Kahit na gusto kong lingunin ay hindi pwede. I reminded myself about what he just said. My life only depends on me and I will do anything not to screw it up! Ilang beses pang inulit iyon hanggang sa ma-satisfy ang lahat ng drill maestre. We were then transferred into a barracks. Sa pagpasok namin ay agad kaming pinakuha ng snacks at dinala sa isang kwarto upang kainin habang pinapanuod ang ilan pang guidelines, history at experiences ng mga naunang Purva. "Your journey will not be easy, but you are not here if Valados Alcatraz doesn't believe that you can." Imbes na ganahang kumain ay hindi ko naubos ang mga pagkain ko hanggang sa matapos ang video. I felt like my world is spinning so fast and I am being so lost at it. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi pa man kami nakakapag-settle sa bago naming magiging silid ay tinawag na ulit kami para naman sa pagpapatuloy ng nakakapagod na araw. I heard people crying before I even entered the next room. Ako ang huli ng pumasok doon pero gano'n na lang ang panlulumo ko dahil bukod sa umiiyak rin si Zoara, bigla akong natakot dahil lahat kami ay pare-parehong kakalbuhin. Hindi na ako nakatanggi ng ilahad sa akin ng isang lalaki ang isang silyang nasa harapan niya at pagkatapos ay walang ano-anong pinadaanan ng razor ang aking ulo, tinamad nang tanggalin pa ang tirintas na ginawa ni Elorae kanina. Almost everyone in the room cried because of that. Ako naman ay natulala na lang dahil alam kong kahit umiyak pa ako ng dugo ay wala na akong magagawa. The hair that I took care of for eighteen long years were shaved in less than five minutes. Ni hindi na ako nakapagluksa dahil pagkatapos ko ay pinapasok na ako sa kasunod na silid. Everyone were shocked and devastated, but I just looked into the bright side. At least, we are all bald here. Mukha man akong itlog at least hindi ako nag-iisa. Pare-pareho kaming itlog sa ngayon. A new pair of uniforms were handed to us. Pagkatapos magbihis ay binigyan naman kami ng shots ng immunization at vaccines. After that, we headed for a proper photoshoot. Sa paglabas naming muli sa lugar ay maliwanag na ang paligid. Maganda ang lugar, tahimik at malinis ang buong kapaligiran pero hindi naman kami pwedeng mamasyal doon. "Five down." bulong ni Dominika matapos tumabi sa akin. "H-ha?" "Hindi nagpagupit 'yung lima at naghihisterikal kaya ngayon ay ihahatid na sila diretso sa Marcheti." Agad namilog ang mga mata ko nang lingunin siya ngunit hindi na nakapagsalita nang dumating na rin sila Elorae. We talked about what happened in the barber shop and those poor girls. "As if naman may makaka-date tayo rito at kailangang mag-inarte sa buhok!" si Dominika. "Everyone is different. Maybe they're not yet ready for this." She heave a sigh and gave up arguing with us. Natahimik ang lahat sa pagpasok ng isang lalaki pero gano'n na lang ang paghinga ko ng maluwag ng makitang si Mr. Facou lang iyon. Everyone else is scary, lalo na iyong kapatid niya. Siguro ay dahil sila ang in charge sa amin at magiging boss hindi gaya ni Mr. Facou na taga masid lang. "Unfortunately, five of you are not pushing through the program anymore. They will be sent in Marcheti immediately so if anyone of you is not yet ready for this, just tell any of your drill maestre and we'll address it right away." Walang sumagot. Nanatiling tahimik ang lahat at muli lang nakipag-usap sa isa't-isa nang muli niya kaming iwan. We will stay in Odborne for three more days before we will be transferred to another head quarter. Doon na magsisimula ang totoong pisikal na aktibidad. Ang pananatili sa Odborne ay ang aming pre-training. Tatlong araw iyong paghahanda para sa bago naming tutuluyan ay hindi kami masyadong mabigla sa bigat ng mga mangyayari. Pagod ang katawan kong humiga sa itaas ng matigas na double deck. Nasa ibaba ko si Zoara habang nasa harapan ko naman si Dominika at Elorae. Hindi na kami naghiwa-hiwalay. All of us stayed in one plain room with countless of double decks. Kinuha ko ang berdeng rucksack na laman ang mga gamit ko. Pare-parehas kaming binigyan no'n at punong-puno ng mga gamit na aming gagamitin sa anim na buwang pagsasanay rito. Tahimik kong dinukot sa bulsa ang gintong kwintas na tanging natitira sa buhay na tinakasan ko. It was Wade's gift. It was all I have left. Sapat na iyon para muli kong maalala ang mga naganap sa nakaraan pero hindi gaya nang Anastasia anim na buwan ang nakalipas, wala nang lungkot o pighating naramdaman ang Anastasia ngayon. All I could ever think about was my future. Ang kwintas na mayroong anghel na pendant ang isa sa naging palatandaan kong matatag na ako at malayo na ang narating ko. Marami pa man akong pagdaraanan pero hindi ko kailangang matakot. I am guided by an angel above, by Wade, and his great love for me. With that, I know I can. Kaya ko at kakayanin ko ang ano mang pagsubok na darating sa buhay ko. I'm always ready. ~~~~~~~~~~~~ GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD