Chapter Twelve
Purva's: The Nobody
Maraming mga batas sa mansion na kailangang sundin ng magsimula na ang panibagong araw. Una na doon ay ang hindi namin pakikipag-usap sa mga taong nagseserbisyo at nagbibigay ng aming mga pangangailangan. The servantes.
We are only allowed to talk to one another or the heads of the schools, but we can't talk to the servants.
Naintindihan ko na kung bakit hindi ako sinasagot ng mga ito noong unang dating ko kasama si Viera dahil bawal iyon at tanging ang pwede lang nilang sagutin ay ang katulad ng huli. Ang mga Maestre's o nakakataas.
Sa isang malaking kwarto kung saan ako na-assigned ay may apat na kama. Hindi ko na inintindi ang mga nakasama ko kagabi dahil sa pagod, pero ngayong araw ay sila Elorae pa rin pala iyon at ang dalawa naming nakausap sa lamesa kahapon. Si Dominika at Zoara.
Sila ang magiging roommate ko simula sa araw na ito hanggang umangat sa pang-apat na taon bilang Chetvŭrta. Kung sino ang hindi makakapasa sa mga hamon ay tanging siyang mapag-iiwanan.
Ang mansion na ito ay may apat na bahagi. Ang North side ang lugar kung saan naroon kaming mga Purva. Sa East side naman ay ang mga Vtora, West ay inuukopa ng Treata at South naman para sa mga Chetvŭrta.
There were borders for each place so that everyone could stay in their places. Kahit na sa North lang ang lugar namin, hindi na sapat ang kalahating araw para libutin iyon. Everything was in here. Simula sa pool, gym, movie room, courts, you name it.
Bumaba ang mga mata ko sa librong inilapag ng babaeng walang emosyon ang mukha.
Nasa iisang silid na ang lahat ng Purva ngayong araw. There were thirty of us here. Parehas lang naman ang disenyo ng mga silid na puno ng crystal saan mang sulok. Napapaligiran rin ng mga libro ang kabuuan ng silid. Ito ang magiging classroom namin.
Nang matapos sa pamimigay ang mga babae sa bawat isa ay muli na silang humilera sa likuran, naghihintay sa lahat ng magiging utos ni Facou Pentalis', ang maestre ng Purva.
Siniko ako ni Elorae nang binuklat ko ang itim na libro. Hindi ko napansing ako lang pala ang gumalaw no'n dahilan para mapunta ang atensiyon ng lahat sa akin.
Wala sa sariling napalunok na lang ako ng bumalik sa harapan ang aking mga mata. Facou's hawked eyed darted into mine. Nahihiya kong binitiwan ang libro kaya ibinaling niya iyon sa iba.
"There are only two rules you need to abide in my class. To do things I asked and to not do things I didn't asked. Simple, are we clear?"
"Yes, Mr. Facou." Nakisabay ako sa sagot ng lahat.
"In front of you is the Kinjia, your syllabus. It contains all the things you needed to survive this year. Your training schedules, your check lists, the mansion rules, your holy grail. That book will define your journey here. Once you lose it, it'll be over for you."
Hindi ko maiwasang mapalunok dahil sa narinig. Parang mas lalo akong na-intimidate kay Mr. Facou at sa nagmumura niyang mga braso.
I must admit that he's really good looking like Slavin. Batak rin ang kanyang katawan gaya ng huli. Wala naman nga yatang walang hitsura sa lugar na ito. Hindi ko man nalapitan ang ibang mga maestre kahapon, alam kong pare-parehas lang silang magaganda't-gwapong lalaki. Hindi na rin nakapagtatakang excited ang mga kasama ko sa kwarto hindi lang sa matututunan ngayong araw kung hindi kay Mr. Facou mismo.
I think physical appearance is a must when you entered Valados Alcatraz. Naalala kong iyon rin ang unang napuna sa akin ni Viera noong una kaming magkita.
Sinundan ko ang lahat ng pabuksan ni Mr. Facou ang unang pahina. Dinama ko ang kulay gintong calligraphy letters ng Valados Alcatraz at ang crest na nakaukit dito. Sa pangalawang pahina ay naroon ang table of contents ng mga sinabi niya.
"Purva's are the one's who endure the most difficult tasks. Sa unang taon pa lang ay dito na kayo susubukin kung hanggang saan ang kaya ninyo," pinindot niya ang hawak na maliit na remote at agad na umilaw ang malaking screen sa harapan.
"Your trainings will be divided into two this year. Sa unang anim na buwan ng taon ay pagtutuonan natin ang inyong social skills. Proper etiquette, your personality and character development," Muli niyang pinindot ang remote at lumabas naman doon ang ilang mga larawan ng mas matinding training.
"The last six months will focus on your physical skills. Your endurance, stamina, strength, flexibility, power, speed, coordination, agility, balance and accuracy. That being said, after this class you'll have your physical exam. This is very important for VAO to determine if you really have what it takes to be one of the Zavŭrshil."
Natigil siya ng magtaas ng kamay ang isang babae sa aming likuran. Pinagbigyan naman itong magtanong.
"Paano po kung may sakit sa puso, hika o hindi lang fit sa mgs physical activity? Ano pong mangyayari?"
Umalis si Facou sa screen at humilig pabalik sa harapan ng kanyang lamesa. Mas lalong namutok ang mga muscles sa kanyang braso ng maghalukipkip siya.
"What do you think will happen?" Tanong niya pabalik imbes na bigyan iyon ng linaw.
"Hindi na magpapatuloy sa training. Tanggal na sa mansion." Panghuhula ng katabi ng babae pero sabay-sabay nalaglag ang mga panga namin sa agarang pagtango at pagsang-ayon ni Mr. Facou rito.
"That's exactly what will happen. After this day, some of you will not be part of the program. The lucky ones will push through, but those who will not be able to pass the VAO standard will automatically be kicked out of the program."
Everyone gasped at that.
"Huwag kayong mag-alala. Just like what Mr. VA said, you are his children now and no one will be left behind. Valados are your family and you will never be abandoned."
"Paano po 'yon? Parte pa rin ng Valados Alcatraz Organization pero hindi na kasali sa training?"
"Yes. Those who will not pass the physical examination will be transferred to a place called Marcheti. You will live there along with the people who were labeled as Derventa. The lost souls, the uncategorized. Ang lugar na iyon ang makakatulong sa inyo kung saang parte kayo nararapat at magiging kapaki-pakinabang. Some may find joy in living a simple and normal life in Marcheti, but those lucky ones may still find their way back here."
Hindi na sumara ang bibig ko dahil sa mga naririnig. Nang utusan niya kaming ilipat ang libro sa gitnang pahina ay agad namin siyang sinunod.
"A map?"
"That's right," sagot niya sa babaeng nasa harapan. "Iyan ang mapa ng La Spieza."
Namilog ang mga mata ko nang makitang hindi lang pala ito simpleng baryo sa probinsiya, but it was as big as a town!
Sa mapa ay hindi lang rin iisa ang nakaukit na mansion. Bukod rin sa Marcheti ay marami pang mga ibang lugar na nakasulat at tiyak na iba't-ibang grupo pang galing rin rito. Now my curiosity went over the roof!
"I know you're all curious about the map, but we don't have time for that yet."
"Pero may dalawa pa pong mansion bukod sa lugar na 'to? Is it as big as this mansion, too?" Hindi ko mapigilang tanong dahil parang nagkakabuhol-buhol na talaga ang utak ko.
Sa unang pagkakataon ay ngumiti siya. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Elorae dahil sa matamis na tinuran ng lalaki.
"Yes, Anastasia," aniya kaya nahihiya kaagad akong napayuko.
Hindi naman lingid sa kaalaman kong memorize na nila ang mga pangalan namin dahil bago pa lang naman kami mapunta rito ay napag-aralan na nila kami, pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha.
Muli siyang bumalik sa screen para ipaskil doon ang mapa ng La Spieza. Itinuro niya ang kinaroroonan namin.
"This place is literally called the mansion, the place where we are," umangat ang kamay niya sa hilagang bahagi at huminto sa isa pang mansion. "Pardiño Perdim, this is the home of Valados leaders, Maestre's and Mr. VA himself."
"Iyong nasa kabilang dulo po?" Atat na tanong na babaeng nasa kabilang sulok.
Mr. Facou zoomed in and tapped the image.
"This is Herzegovinia, home of the future Zavŭrshil just like you all are."
"Po? Dalawa po ang grupo at magkaibang mansion pa?"
Marahan siyang tumango.
"The only difference is the s*x," He answered.
Umugong ang mga bulungan dahil sa kanyang sagot. Hindi ko na alam ang dapat pang maramdaman. Kung noon ay gusto kong matulog para managinip ng maganda, ngayon ay gusto ko na lang manatiling gising dahil sa mga nangyayari. This is like living a fantasy!
"That was once my home. I was trained there and make my way up until I got to where I am today."
"Mga lalaking gaya namin ang nagti-training rin ngayon doon?" nababaliwang ulit ni Zoara.
"Exactly," aniya sabay sulyap na sa hilera ng mga babaeng naka-unipormeng itim na lahat ay wala ni isang ipinapakitang emosyon.
Nagkukumahog ang mga itong pumila sa bawat hilera ng lamesa namin.
"They will now take you to another room for your physical examination. Pagkatapos no'n ay pwede na kayong magpahinga sandali. We'll see each other again before dawn." Sa pagtatapos niya ay agad na kaming pinatayo at iginiya patungo sa panibagong silid ng mga babaeng parang mga robot.
It wasn't that bad. Mabilis lang ang lahat ng ginawa nilang exam dahil marami ang tauhan sa silid.
Pagkatapos namin ay bumalik na kami sa aming mga kwarto. Ngayon ko lang lubusang nasipat ang kabuuan ng lugar. Parang apat na beses itong mas malaki sa bar na pinagtrabahuan ko. Kompleto rin sa gamit at mayroong dalawang banyong kompleto sa lahat. Ang dalawang magkasing-laking walk in closet ay puno rin ng mga magagara't bagong damit.
"Grabe para akong nananaginip! Hindi pa rin ako makapaniwalang ito na ang buhay ko!" si Elorae na ibinagsak ang katawan sa kama.
Naupo ako sa akin habang si Zoara at Dominika naman ay sumunod sa kani-kanilang higaan.
"Hindi ba kayo natatakot sa resulta ng test? Paano kung doon pa lang hindi na tayo makapasa? Saan tayo pupulutin."
"Sa Marcheti," sagot kaagad ni Zoara. "Basta ako, kahit saan ako mapunta ayos lang basta malayo sa pinanggalingan ko."
Tumango ako bilang pagsang-ayon. I couldn't agree with her more.
"Saan ba kayo nanggaling?" umahon na si Elorae para makisali sa usapan.
"Pwede ba nating pag-usapan 'yon?"
Binuklat ko ang aking Kinjia at tinignan kung kasama iyon sa rules ng mga bawal pero wala namang nakalagay.
"Wala naman yatang bawal pag-usapan. Ang bawal lang naman ay ang makipag-usap sa mga servantes."
"Bakit nga kaya, 'no?"
Nagkibit ako ng balikat pagkatapos ay tumayo para lumapit sa malaking bintana sa aming kwarto. Nagpatuloy sila sa kwentuhan. Hinawi ko ang makapal na kurtina. Bumungad sa akin ang malawak at kulay berdeng kalupaan. Kahit saan mapunta ang mga mata ko ay walang pumasok doon kundi ang pagpuri sa perpektong lugar.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang isang araw pa lang ay marami nang nagbago sa buhay ko.
Mayroon akong magarang tinutuluyan, masasarap na pagkain at magagarbong damit, mga bagong potential na kaibigan at pamilyang alam kong hindi ako pababayaan. Nababaliwan pa rin ako sa lahat ng nangyayari, pero naniniwala akong ang lahat ng ito ay may dahilan.
I believe in God and His ways. If this is one of them, then so be it. I will put all my trust in Him. Kung ano man ang mangyayari mamaya, manatili man ako sa mansion o itapon sa Marcheti ay handa ako.
Nagpahinga kami ng ilang oras at tinawag ulit nang pababa na ang araw. We were handed out a black envelope. Naroon ang resulta ng aming tests at ang aming kapalaran.
"Open when you're ready." si Mr. Facou na dahilan ng mas pagbilis ng kalampag ng puso ko.
Dahan-dahan kong inangat ang dikit ng itim na papel at agad napasinghap ng mabasa ang mga nakasulat doon.
~~~~~~~~~~~~
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA