Chapter Eleven
The Mansion
Hindi ko maiwasang mamangha simula ng makapasok kami sa malaking puting mansion na iyon.
Viera stood beside me. Sa loob ng lugar ay sumalubong kaagad sa aking mga mata ang isang engrandeng chandelier na gawa sa crystal. Everything feels new. Parang hindi pa matagal simula ng itayo ang lugar na ito dahil mukhang alagang-alaga at maging ang sahig ay pwede mong gawing salamin.
Umangat ang mga mata ko patungo sa paikot na grand staircase na gawa rin sa crystal. Hindi pa ako nakakakita ng tunay na diamante pero pakiramdam ko ang parehas lang iyon ng kung anong nakikita ng mga mata ko ngayon.
Huminto kami ni Viera sa ibaba ng chandelier at gitna ng magarang hagdan upang hintayin doon ang kaninang tinawag niyang Slavin.
Habang hinihintay ito ay muling naglibot ang mga mata ko. Bukod sa mga medieval paintings and fancy statues, agaw pansin rin ang malaking crest sa gitna ng hagdan. Sa loob nito ay may apat na bahaging iba-iba ang naka-guhit.
Sa pinaka-tuktok ay isang malaking hugis diamante na sa gitna ay mayroong mga letrang VA. Sa ibaba at unang dalawang hati ay may simbolo ng babaeng at tila mga armas naman sa kabila. Sa huling dalawang hati sa ibaba ay ilang zigzag ang nakita ko't mga simbolong hindi ko na mawari. Kumikinang ang bawat detalye ng crest na parang gawa rin sa brilyante.
Every piece in this place screams power and elegance. Parang gusto kong mahiya dahil isang simpleng t-shirt at pantalon lang ang suot ko. Halatang hindi bagay sa lugar na ito.
Ilang minuto lang ay napatuwid na ako ng tayo ng makita ang isang lalaking bumababa galing sa ikalawang palapag ng mansion. He was being followed by five uniformed men.
"Viera." masaya niyang bati na agad sinalubong ang babae nang makababa.
Napaatras naman ako dahil tingin ko'y nasa katawan ko pa rin ang amoy ng mga basura kanina.
"Slavin." she kisses him on both cheeks.
Napayuko ako dahil doon pero nang kunin ni Viera ang pansin ko ay agad iyong bumalik sa kanila. Inilahad niya ang kanyang kamay upang kunin ang akin pagkatapos ay inilapit niya ako kay Slavin.
Kahit na mukha namang walang masamang gagawin sa akin ang lalaki ay hindi naalis ang kaba ko. Hindi dahil mukha siyang nakakatakot kung hindi kabaliktaran.
He is tall and gorgeous. Maybe he's in his late 30's. His face was naturally perfect especially his chiseled jawline. Matikas rin ang katawan na tila alagang-alaga. Parang gusto ko na lang ring mapapikit ng maamoy ang bango niya.
"Well, well..." he said while guiding me spin in front of him. Sinunod ko siya.
"What do you think?" si Viera.
"I think you're right. She's incredibly beautiful, Viera."
"You're welcome, Slavin!" humagikhik si Viera na proud na proud sa pagprisinta sa akin.
"Where is everybody?" She asked.
"The girls just arrived two hours early. You'll meet them in a while. Sa ngayon," binitiwan niya ang kamay ko't muli akong sinipat. "Let this one shower and get ready."
"Alright."
Isang ngiti ang iniwan ni Slavin bago ako talikuran. Hindi pa man nakakagalaw si Viera ay nilapitan na ako ng limang unipormadong mga babae.
"They will take care of you now, Tasia," sinenyasan niya ang isa kaya agad nitong kinuha sa akin ang aking mga gamit.
Akala ko ay dadalhin niya iyon kung saan man ako dadalhin pero nanlaki ang mga mata ko ng ilagay niya ito sa isang itim na trash bag.
"A-ang gamit ko–"
Pinigilan ako ni Viera na habulin ang umalis na babae.
"You don't need what's in there, Tasia. From this point forward, we are the one's who'll provide your needs. Everything you have will be burned maging ang bakas kung saan ka nanggaling. I'll explain everything to you later. Philusa, take good care of our new recrutare."
"Yes, madam!" maagap nitong sagot at mabilis na akong hinila palayo.
Isang ngiti ang iniwan sa akin ni Viera habang iginigiya ako ng tatlong babae patungo sa isang parte ng mansion. Sa haba ng pasilyo at ilang pasikot-sikot ang nilikuan namin ay hindi ko na alam ang daan pabalik sa pinasukan namin ni Viera.
"Hindi na po! Kaya ko na po–" nakagat ko ang ibabang labi nang hindi ko na napigilan ang paghubad sa akin ng mga babae matapos naming pumasok sa isang malaking silid.
They are not even telling me why they had to do it, basta ang alam ko ay hindi ako pwedeng tumutol. Mabilis kong dinukot sa likod na bulsa ng suot ko ang gintong kwintas na tanging natitirang alaala ni Wade at agad iyong ikinulong sa aking mga palad bago pa nila mahubad ang pantalon ko. Bahagya na akong napapikit ng pati ang suot kong panty ay tinanggal na rin nila.
Ilang beses ko mang sabihing kaya ko nang maligo ng mag-isa gaya ng utos ni Slavin ay hindi ako iniwan ng tatlong babae. Pagkatapos ibasura rin ang mga suot kong damit ay ipinasa naman nila ako sa dalawang babaeng nasa malaking bath tub na naghihintay na sa akin.
"P-papaliguan niyo po talaga ako?"
Tumango lang sila at ngumiti pero bukod doon ay wala nang sinabi. Sa huli ay wala na rin akong nagawa kung hindi ang hayaan sila.
It was uncomfortable, but I did it anyway. Pagkatapos akong paliguan ay ipinasa naman nila ako sa ibang kwarto para doon bihisan at ayusan.
Gaya ng mga huling nakasalamuha, walang nagsasalita sa kanila, They all did their job without saying something. Kahit isang sagot sa tanong ko ay wala ring nasabi ang mga ito.
Ilang beses akong napakurap-kurap habang tinititigan ang sarili sa malaking salamin. I am wearing a champagne colored long gown. Nakataas ang aking buhok at mayroong sapat na make-up para mas umangat ang ganda ko.
I look elegant and so different. Kung siguro makikita ako ng mga taong nakasalamuha ko o maski ang pamilya ko ay wala nang ni isa ang makakakilala sa akin.
Marahan kong inangat ang aking baba, imagining the Aleros in front of me. Kahit na hindi ko pa alam ang mangyayari sa buhay ko rito ay alam ko nang sa pagkakataong ito ay balang araw makakaya ko rin silang haraping muli ng taas noo.
"Anastasia... wow..." Napatalon ako ng marinig ang boses ni Viera.
Hindi ko na namalayan na nakapasok na siya sa silid.
Ilang beses niyang sinipat ang kabuuan ko bago muling sumilay ang masayang ngiti sa labi.
"You look perfect."
"T-thank you po..."
Now I felt like I belong. I don't stink and I am well dressed like everyone else. Isinukbit niya ang kamay sa aking braso at inalalayan na ako palabas ng silid.
Kahit sa loob ng mansion ay may mga nakasunod sa aming bodyguards dahil sa kanya.
"How's everything so far?" tanong niya habang palapit kami sa sinasabi niyang grand hall kung saan naghihintay na ang lahat sa amin.
"Nakakailang po. Talaga po bang kailangan nilang gawin ang lahat ng 'yon? Maging sa pagligo?"
"Just this one, Tasia. Treat that as your baptism, but don't think about it too much. Sa ngayon ay mas marami pang bagay ang dapat mong matutunan at malaman kaya kailangan mong maghanda. This is only the beginning. Ito ang pinaka-madali sa lahat, but the moment you step inside that hall, everything will instantly change."
Napalunok ako't kinabahan sa kanyang sinabi.
"But you'll be okay, I promise you. Just trust me, alright?"
Tumango na lang ako. Nang matapat kami sa isang matayog na pintuan ay agad kaming pinagbuksan ng mga lalaking nakabantay doon.
Agad kong nahigit ang paghinga nang makita ang ilang babaeng gaya ko't tingin ko'y kasing edad ko lang rin na parehong nakasuot ng magagarang kasuotan.
Mayroong tatlong mahahabang lamesa sa silid. Dalawa sa ibaba at isang pahalang sa elevated area. Mga crystal na chandeliers rin gaya ng nasa b****a ng mansion ang narito. Ang mga upuan ay kulay ginto naman at ang lahat ng lamesa ay nalalapatan ng pulang makapal at mamahaling table cloth.
"V-Viera..." bumagal ang paghakbang ko dahil sa nakita.
It was a full house. Parang pagtitipon ng mga mamahalin at importanteng tao sa komunidad.
"Don't be scared. Everyone is just like you. Do not be intimidated." Aniya at saka tuluyang lumayo sa akin.
Sinalubong ako ng isang babae at iginiya patungo sa nag-iisang bakanteng upuan samantalang si Viera naman ay dumiretso sa red carpet patungo sa harapan kung saan mayroong ilang taong naka-pwesto. Una na doon si Slavin tabi ng pinakagitnang bakanteng upuan.
"Hi! Anong pangalan mo?" Agad na tanong ng katabi ko sabay lahad ng kamay kaya bahagya akong nailing imbes na matuwa.
Everything was too much for me to handle. Pakiramdam ko nga ay nananaginip lang ako.
"A-Ana... Anastasia."
"Ana Anastasia?" Lumawak ang ngiti niya at kusa nang inabot ang kamay ko nang hindi ko iyon naibigay.
"Hindi, Anastasia lang."
"Elorae! Siya naman si Zoara at Dominika! Nice to meet you!" Aniya pagkatapos ay itinuro ang dalawang babaeng siguro ay kanina niya pa kausap.
Pinilit kong ngumiti. She looks so confident and ready. Hindi gaya kong nabubuang pa rin sa mga nangyayari.
"Magkakilala na kayong lahat?"
Tumawa si Zoara at agad na umiling.
"Unang araw ko pa lang rito. Kakakilala ko pa lang sa kanila. I mean, kakakita lang ngayon."
Tumango ako. Nakipagkilala at kumaway pa sa mga ibang bumati. Bago pa ako nakapagtanong kung ano ang gagawin namin ay umalingawngaw na ang baso ni Slavin ng paingayin niya iyon gamit ang kubyertos.
"May I have all your attention ladies!"
Everyone became silent. Lahat ay agad bumaling sa harapan. Tumayo si Slavin. Sumabay si Viera at ang lima pang taong nasa hanay nila. Nagsitayuan na rin kaming lahat.
"Welcome to the mansion. I know you have a lot of questions for us, but let us hear from Mr. VA first!"
Kumunot ang noo ko nang dumilim ang paligid at napunta ang lahat ng ilaw sa pinakagitna at bakanteng upuan.
I was about to be scared dahil akala ko'y ako lang ang walang nakikita pero nalaglag na ang panga ko nang magkaroon ng holographic image ng isang lalaking prenteng nakaupo doon. He was wearing a proper attire just like everybody, but his face was dark. Hindi maaaninag.
Tumayo ang imahe at tinapunan kaming lahat ng tingin na parang nakikita niya kaming lahat kung nasaang lupalop man siya naroon.
"I'm so glad to see you all glammed up tonight," he started. "I am Valados Alcatraz, but everyone calls me Mr.VA. I am the owner and the president of this organization. You are probably wondering why I'm not joining you physically, but let's just say that this is how I do things. You will never see me, but I'm always around you, with you and soon enough, I'll be within you. I am now part of you and I consider you all as my children. From this day forward, I will dedicate myself protecting each and everyone of you. I will raise you from the bottom of society and together, we will make our way to the top. No one will be left behind in Valados Alcatraz and all we need from you is your trust."
Mas lalong walang nagtangkang magsalita dahil do'n. Everyone listened carefully to him.
"Tomorrow, some of you will be the purva godina of this organization. The first years, the clueless, the lost and the nobody. This is where your journey begins."
I felt chills in my skin when I heard him say that. Narinig ko rin ang pagsinghap ng iba.
"There are four levels in Valados Alcatraz's training. Purva, Vtora, Treata and Chetvŭrta. Starting tomorrow, you'll go through different kinds of trainings. If you are lucky enough to pass all that, you'll be considered and called Zavŭrshil. These are the people who can finally leave La Spieza to perform whatever task they will be assigned to. If they succeed the first time, they will be given a chance to choose the life that they wanted to live away from Valados Alcatraz, but if they failed their mission, they have no choice but to take another one. Successful first mission is equal to liberty. Seems easy, right?"
Walang sumagot o nagtangkang magtanong man lang kaya muling nagpatuloy si Mr.VA.
"You will learn a lot from the people I trust to hone you. Your Maestre's will explain everything you needed to know, so I won't get a hold of the party now. Slavin, you can take it from here. Again, have fun and let the crystals guide your future!"
Sa pagtatapos ng kanyang salita ay agad nawala ang kanyang imahe at bumalik ang liwanag sa kabuuan ng bulwagan.
Muling umingay ang silid samantalang ako ay natulala na lang ulit. Bumalik kaming lahat sa pagkakaupo.
Marami pang sinabi at ipinaliwanag si Slavin at ang ilang naroon maging si Viera pero wala na akong naintindihan.
Bukod kasi sa gutom ay parang gusto ko na lang rin munang matulog. My mind can't take any added information. Hindi na kaya ng utak ko.
Isang oras pa ang itinagal namin sa pakikinig bago kami tuluyang makakain.
Habang kumakain ay wala akong maisip kung hindi ang antok. Maraming usapan sa lamesa namin. There are fifteen ladies including me in the table where I was seated. Gano'n rin sa kabila.
Sa harapan ay si Viera, si Dilimond, Sioux, Rave, Milev, Facou at Slavin. Viera is the head of the recruitment samantalang ang iba ay ang head ng bawat level ng organisasyon.
Hindi ko inintindi ang usapan ng mga kasama ko. Wala akong ginawa kung hindi ang busugin ang tiyan ko dahil hindi ko alam kung kailan ako makakakain ulit ng ganito kasarap at karaming pagkain.
From now on, I will abide so many rules kaya habang hindi pa nagsisimula ang sinasabi nilang training ay aabusuhin ko muna ang lahat ng kabaitan nila. I may have give them my trust, but it will take some time for me to finally give them all that.
Sa mga oras na ito ay wala akong pwedeng pagkatiwalaan kung hindi ang sarili ko. I'm not here to make friends, but to change my life.
Naniniwala ako sa mga pangako ni Viera at ni Mr. VA at sa ngayon, sapat na iyon para magpatuloy ako.
~~~~~~~~~~~~
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA