Chapter Ten
La Spieza
Isang itim na SUV ang huminto sa harapan ko pagkatapos ng isang oras dahilan para mapatayo ako kaagad.
Kahit na hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman ay nagawa kong manatili sa aking kinatatayuan ng makita ang pagbaba ni Viera matapos pagbuksan ng isang naka-unipormeng lalaki.
She was wearing a black tight dress, pumps and a furry coat. Kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan at kahit na wala pang araw ay posturang-postura na.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin na ganito talaga ang gumayak ang mga mayayaman ano mang oras.
Isang malawak na ngiti ang agad namutawi sa kanyang mga labi ng makita ako.
"You waited here?" pinasadahan niya ng tingin ang paligid.
Agad niyang natakpan ang ilong ng maamoy ang mga basura sa isang gilid na hindi ko na inintindi kanina.
"Opo."
"Why don't we get in the car?"
Hinawakan niya ang kamay ko ngunit ang mga paa ko ay tila ayaw gumalaw.
"Tasia," marahan niyang hinaplos ang aking mukha kaya napapikit ako't maluha na naman. "I'm here to save you from whatever troubles you're having right now. Tutulungan kita, pero kailangan mo aking pagkatiwalaan. It's a two way street. Let's help one another, alright?"
Nanlalabong paningin ko ang pumukol sa kanya. She looks sincere and she seems like she really meant what she said. Ni hindi ko akalaing totoo siya at pupuntahan niya ako ngayon.
Hindi ko na siya napigilang yakapin. Ang lahat ng takot, antok at pagod ay iniluha ko sa kanyang balikat. Kahit na siguro kasing amoy ko na ang mga basura ay hindi niya ako inilayo bagkus ay niyakap pa pabalik.
Masaya akong mayroong taong handa pa ring tumulong sa akin pero natatakot pa rin ako.
Marahan niyang tinapik ang aking likod at agad na inilayo para naman hawiin ang aking mga luha.
"I'm not going to hurt you, I promise..."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nahila na niya ako papunta sa loob ng kanyang sasakyan. Akala ko ay aalis na kami pero nanatili iyong nakahinto.
"Are you sure you're going to let me help you?"
"Natatakot po ako."
"Normal ang matakot at naiintindihan ko. I was exactly your age when VA found me..."
Nangunot ang aking noo pero nawalan na ng pagkakataong makapagtanong ng muli siyang magsalita.
"Are you really willing to trust me?"
Hindi ako nakasagot. I wanted to, but it's too hard for me to say that. Lalo na ngayon pagkatapos ng mga nangyari.
Will I even be capable of trusting someone after all what I've been through?
"I want to know your answer dahil sa na oras na umalis tayo sa lugar na ito ay magbabago na ang buhay mo. There's no looking back from this point on, kapag hinayaan mo akong tulungan ka ay wala ka nang babalikan. You'll always find yourself moving forward," tumalim ang titig niya't muling hinuli ang aking kamay.
"Sisiguraduhin kong makukuha mo ang lahat ng gusto mo sa buhay na ito at kahit kailan ay hinding-hindi mo na kakailanganin pa ng ibang tao para gawin 'yon. We will help you become the person that you are meant to be... the question is, are you brave enough to let us help you with it?"
A part of me wanted to get out of her car pero para saan? I am exactly where I needed to be. Wala na rin naman akong babalikan at ang tanging dapat ko lang gawin ay umabante palayo sa masalimuot na buhay na pinanggalingan ko, makalayo sa mga taong gusto akong saktan gaya ng sinabi niya.
"I-I am ready. I trust you." buong puso kong sambit dahilan para mapangiti si Viera.
"You never fail to amaze me," pinatunog niya ang mga daliri para kunin ang atensiyon ng driver. "To the mansion Rafael." aniyang agad na sinunod ng lalaki.
Dahil sa sobrang pagod ay nakatulog ako. Hinayaan naman ako ni Viera na gawin iyon. Kahit na may mga pag-aalinlangan pa rin ako't mga katanungan ay ipinagpaliban ko muna ang lahat.
Sa ngayon ay panatag na ako dahil alam kong ligtas na ako kay Cyrus at maski sa mga Aleros. Hindi na mahalaga kung saan ako muling magsisimula. Ang mahalaga ngayon ay nabigyan ulit ako ng pagkakataon.
Ilang sandali pa ay nagising na ako sa marahang pagyugyog ni Viera sa aking balikat.
"We're here." nakangiti niyang sabi kaya pupungas-pungas akong umayos sa pagkakaupo.
Maliwanag na sa labas at tirik na ang araw. Isang mahabang daan ang kasalukuyang binabaybay ng aming sasakyan.
Sinubukan kong kilalanin ang lugar pero bukod sa malawak na luntiang paligid, mga malalayang hayop ay wala na akong iba pang nakita.
Lumakas ang kalampag ng puso ko ng maisip na nasa probinsiya kami pero nang hindi pa rin makilala ang lugar ay natiyak kong hindi ito sa Del Pilar. It's way different. Ngayon ko lang nakita ang lugar na ito.
"We're in La Spieza," napalingon ako sa kanya. "Anim na oras ang layo nito sa Maynila at malayo rin sa kabihasnan."
"A-anim na oras po? G-Gaano po ito kalayo sa Del Pilar? Malapit po ba?" nauutal kong tanong ng maisip na probinsiya pa rin ito at hindi malabong malapit lang sa unang lugar na nilisan ko.
"We're on a different side of the map, Anastasia," sagot niyang nagpaluwag sa paghinga ko. "Wala kang dapat intindihin. Kahit na malapit iyon sa pinanggalingan mo dahil walang makakapanakit sa 'yo sa lugar na ito. This place will be your sanctuary now."
Wait... she knew where I came from? Hindi naman lingid sa kaalaman kong matagal niya akong minatyagan sa bar pero hindi ko lubos maisip na bukod doon ay marami pa siyang alam sa buhay at mga pinagdaanan ko.
"I know," aniyang tila narinig ang mga katanungan sa akin. "And you don't have to tell me."
Napalunok na lang ako at hindi na nagawa pang magsalita. Sinundan ko na lang ang mga mata niya pabalik sa labas ng sasakyan.
"Malapit na tayo sa mansion. This place is guarded twenty four seven. Simula sa pagpasok natin sa border ay may mga bantay na iyon at mas mahigpit ngayong malapit na tayo sa mansion. No civilian can cross the borders. Only those who work and invited can enter La Spieza."
Nahugot ko ang aking paghinga ng matanaw ang malaking puting mansion sa dulo ng tinatahak naming daan. It was exactly like a castle in the movies. Harapan pa lamang ang nakikita ko pero tiyak na mas malawak at engrande ang loob nito.
"D-diyan po tayo pupunta?" Usisa sa kanya.
"The mansion is your new house, Anastasia... And La Spieza is your new home." nakangiti niyang sabi pagkatapos ay muling itinuon ang tingin sa daan.
Hindi ko na siya natanong pa nang may tawagan siya sa kanyang telepono.
Nanatili sa labas ng sasakyan ang mga mata ko. Sa ilang buwang paninirahan ko sa Manila ay mas lalo kong na-miss ang ganitong klaseng lugar.
Ibinaba ko ang bintana at agad na napapikit ng madama ang malamig at sariwang simoy ng hangin. Ang init ng araw ay dumadampi rin sa aking balat sa pamamagitan ng mga sinag nitong nakakatakas sa dahom ng malalaking puno sa magkabilang gilid ng daan.
I really feel like this is where I belong. Hindi ko man alam kung ano na ang mangyayari o dapat kong gawin, pero nakuha kong magtiwala pa rin kay Viera. Hindi lang dahil siya ang alam kong makakatulong sa akin pero dahil wala na rin akong iba pang pagpipilian.
Sa paglingon ko sa kanya at muli niya akong nginitian pagkatapos ay sinagot ang nasa kabilang linya.
"We're here Slavin... Yup, I have her..." aniyang muling dahilan ng pagwawala ng puso ko.
~~~~~~~~~~~~
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA