CHAPTER 9

1823 Words
Chapter Nine Her Only Choice Simula nang doon na tumira si Kuya Cyrus sa bahay ay hindi na natahimik ang buhay ko. Hindi lang dahil naiilang ako sa kanya at mas gusto ko iyong bahay na kaming dalawa lang ni Nanay Salve, pero dahil madalas ay nahuhuli ko rin siyang tumititig sa akin ng may malisya. "Si mama?" Tanong niya isang araw habang nasa lababo ako at naghuhugas ng mga pinagkainan. Sandali ko siyang nilingon. Nakatapis ng tuwalya sa kanyang bewang at walang damit pang-itaas. Agad kong binawi ang tingin. "Kaaalis lang po. Maglilinis daw po sa bahay ni doc." "Ikaw wala kang pasok?" "Mamaya pa po." "Gano'n ba." Hindi na ako umimik dahil kung tutuusin ay ayaw ko naman talaga siyang kausapin, pero agad akong napapitlag ng maramdaman ang pagdikit ng hubad niyang katawan sa aking likuran! Malakas na nagwala ang dibdib ko matapos mapahigpit ang kapit sa babasaging basong hinuhugasan. "Ang tangkad mo pala, Tasia." nanindig ang lahat ng balahibo ko sa katawan lalo na ng maramdaman ang matigas na bagay sa aking puwetang pilit niyang ipinaparamdam. Sinubukan kong gumalaw o kahit man lang pagsabihan siya pero nanatiling tikom ang aking mga labi. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. "Naligo ka na ba? Ang bango bango mo..." "K-kuya..." agad kong nakagat ang aking labi ng ilapit niya ang mukha sa aking leeg at inamoy iyon. "At kinis ng balat mo." "Kuya masyado po kayong malapit." "Malapit ba?" nabitiwan ko na ang baso at agad napakapit sa lababo ng tuluyan na niyang idiin ang sarili sa aking likuran. "Ayan, nararamdaman mo na ba? Pinapatigas mo ako, Tasia..." "A-ano pong gagawin ninyo?" "Relax ka lang. Siguro naman sanay ka na sa ganito dahil sa trabaho mo, 'di ba? Magkano ang ibinabayad sa 'yo gabi-gabi ng mga customer mo?" "W-wag po..." pigil ko ng umangat ang kamay niya't gumapang patungo sa aking tiyan. "Magkano ba? May pambayad naman ako." "Nagkakamali po kayo. Hindi ko po 'yon ginagawa... Tama na po!" Sinubukan ko siyang itulak pero dahil masyado siyang malakas ay muli niyang naikulong ang katawan ko at agad na pinihit paharap sa kanya. "Hindi mo ginagawa?" "Hindi po talaga!" sagot kong nanginginig na ang boses at nanlalabo na ang mga mata. Imbes na maawa ay isang ngisi ang isinagot niya sa akin at agad na sinibasib ng halik ang mga labi ko! Ang lahat ng sigaw ko ay nalunod sa kanyang bibig. His hands were everywhere. Mabilis niyang naangat ang damit ko't agad napaglaruan ang aking mga dibdib ko. Pakiramdam ko'y umikot ng mabilis ang mundo ko dahil sa mga nangyayari. Malakas akong napasigaw nang bumaba ang mga labi niya't agad natunton ang tuktok ng aking dibdib! "Ayaw ko po! Tama na po!" Pagmamakaawa ko. Mabilis niyang tinakpan ang aking bibig habang patuloy na dinidilaan ang tuktok ng aking dibdib na parang batang uhaw na uhaw! "Parang awa niyo na po! Tama na po! Ayaw ko po! Please!" ilang beses akong nagmakaawa pero hindi siya tumigil. Mas lalo lang siyang ginanahan sa ginagawa kong pagpiglas. Ilang beses akong napangiwi ng kagatin niya pa ang tuktok ng aking kaliwang dibdib dahil sa gigil. "Kuya! Ayaw ko! Tigilan niyo po ako!" "Tumahimik ka!" tinantanan niya ang mga dibdib ko para lang isigaw iyon sa mukha ko. Mas idiniin niya ang mga kamay sa aking bibig. "Huwag na huwag kang magsusumbong kung hindi ay papatayin kita! Naiintindihan mo?!" Umiling ako pero agad niyang isinakal ang kamay sa aking leeg kaya hindi ko na nagawang makasigaw! "Huwag na huwag kang magsusumbong!" Umiiyak akong tumango na lang dahil hindi ko kaya ang sakit ng ginagawa niya. "Huwag kang sisigaw putang ina ka!" aniya saka binitiwan ang leeg ko. Nanlilisik ang kanyang mga mata kaya wala na akong nagawa kung hindi ang matakot at hayaan siya sa gustong gawin. "Kaya kong pumatay ng tao Anastasia at hindi ako magdadalawang-isip na gawin 'yon kapag nagsumbong ka sa kahit na sino." Mala-demonyong ngisi ang lumutang sa kanyang bibig ng tumango na lang ulit ako. Ibinalik niya kaagad ang mukha sa aking dibdib matapos ibaba pa ang suot kong bra. Ilang beses nanginig ang katawan ko habang nilalamutak niya ang mura kong katawan. Hindi tumigil ang pagtulo ng mga luha ko nang pilit na niyang ipasok ang kamay sa loob ng aking shorts, pero bago pa niya tuluyang magawa ang balak ay agad na siyang natigil ng marinig ang pagbukas ng pinto! Nagmamadali naman akong tumalikod para agad na ayusin ang sarili. "Tasia, naiwan ko ang telepono ko... Cyrus? Bakit narito ka? Akala ko ba ay pupuntahan mo iyong kumpare mo para sa trabaho? Aba't kung dito ka na ulit titira ay kailangan mong magtrabaho dahil wala akong balak pang buhayin ka." diretsahang sabi ng matanda na hindi napansin ang kung anong nangyari sa pagitan namin ng kanyang anak. Pinilit kong kalmahin ang sarili kahit na parang gusto ko na lang umiyak ng umiyak. Nanghihina ang katawan ko at gusto kong magsisisigaw! Agad akong napatalon ng muling maramdaman ang paghawak ng lalaki sa aking braso nang pumasok si nanay sa kwarto niya. "Subukan mong magsumbong at alam mo na ang mangyayari sa 'yo," bamta nito saka ako tinalikuran. Nanghihina kong niyakap ang sarili at kahit na maaga pa ay nagpumilit na akong sumabay sa pag-alis ni Nanay Salve. "Umiiyak ka ba? Anong nangyari?" "W-wala po nay... Na-miss ko lang po ang pamilya ko." Pinigilan ko ang sariling maiyak ng malalim ng maramdaman ang marahan niyang paghaplos sa aking mukha. "Bakit hindi mo sila tawagan? Siguradong miss na miss ka na rin ng mga iyon, Tasia. Kung gusto mong umuwi ng ilang araw ay kakausapin ko si Hapon para payagan ka. Magsabi ka lang, okay?" Tumango na lang ako. Dahil sa pagmamadali ay nakalimutan ko ang wallet ko at tanging nadala lang ay ang aking telepono. Gustohin ko mang bumalik pero hindi ko na yata pa kayang umuwi sa bahay na 'yon pagkatapos ng lahat ng nangyari. "Ayos ka lang ba?" siniko ako ni Ate Des kaya napabalik ako sa kasalukuyan. "P-po?" "Kanina ka pa tulala. Anong nangyari sa 'yo? Puyat ka na naman ba?" Umiling lang ako at imbes na magsabi sa kanya ay dumiretso na lang ako sa banyo upang doon ipagpatuloy ang pag-iyak. I'm scared. Kung ano ang naramdaman kong takot noong araw na maaksidente kami ni Wade ay doble ang nararamdaman ko ngayon. Ang tanging gusto ko na lang ay umalis at lumayo, pero saan naman ako pupunta? Buong durasyon ng trabaho ay iyon ang nasa utak ko hanggang sa makapag-desisyon akong lalayo na lang at magsisimulang muli. Labag man sa kalooban kong iwan si Nanay Salve at ang buhay na nasimulan ko, pero ayaw ko nang malagay ulit sa gano'ng sitwasyon. Maswerte akong binigyan pa ako ng pagkakataong makatakas, pero paano kung sa susunod ay hindi na? Siniguro kong nasa bahay na si Nanay Salve nang umuwi ako kinagabihan. Wala pa si Kuya Cyrus nang sabay kaming kumain at kahit na mas nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niyang hindi ito uuwi ay buo na ang loob ko. "Pera ang dahilan ng batang 'yan kaya lang bumalik dito, Tasia. Alam niyang hindi ko siya matitiis kung sakaling maisipan niyang umuwi kaya narito na naman. Malas niya lang at wala na siyang mahihita pa sa akin. Ang lahat ng pensiong natatanggap ko sa namayapa niyang ama ay nasa bangko na at walang may kahit sinong alam no'n. Matalino na ako ngayon at malaki na siya para suportahan ko pa. Magbanat na siya ng buto kung kailangan niya ng pera." Marami pang sinabi si nanay tungkol sa anak pero wala na akong pakialam doon dahil kahit na ano pang sabihin niya ay hindi pa rin magbabago ang isip kong ngayong gabi rin ay aalis at hindi na babalik sa lugar na ito. Hindi ko man alam kung paano magsisimula ulit pero buo na ang loob ko. Nang magpahinga na ito ay inayos ko na ang lahat ng mga gamit ko. Gaya ng ginawa ko sa pamilya ko, gumawa rin ako ng sulat para kay Nanay Salve na naglalaman ng pasasalamat at dahilan kung bakit kailangan ko siyang iwan. Sinabi ko rin ang lahat ng ginawa ng kanyang anak sa akin. Pagkatapos isara ang sulat ay pumasok na ako sa kwarto niya at hinalikan siya ng mabilis sa pisngi bago inilagay iyon sa ibabaw ng kanyang telepono. Handa na sana ang lahat pero nang hinanap ko na ang aking wallet ay gano'n na lang ang panlulumo ko ng hindi ko ito makita. Maging ang ATM na naglalaman ng mga naipon ko ay nawala na rin! Pakiramdam ko'y sinakluban ako ng langit at lupa ng maalala ang mga sinabi ni Nanay na dahilan ng pag-uwi ng anak. Kaya ba siya hindi umuwi kanina dahil ninakaw niya na ang pera ko? Muling tumulo ang mga luha ko. Ang tanging pera na lang na natitira sa akin ay ang nakuha kong parte ng tip sa buong gabing trabaho kanina. Kahit na hindi ko alam ang susunod na gagawin ay umalis pa rin ako. Ilang oras ang nakalipas ng paglalakad simula sa bahay na iyon ay naging lutang lang ang isip ko. Hindi ko naman pwedeng tawagan sila Ate Des dahil unang-una ay gusto kong sa muling paglayo ko ay wala nang makakaalam pa kung saan ulit ako pupunta. I just need to restart and just forget everything once and for all. Nanlulumo akong napatitig sa tatlong daang tig-bebenteng hawak ko. Saan ako dadalhin nito? Huminto ako sa paglalakad at pagod na naupo sa gilid ng may kadilimang kalsada. Malalim pa ang gabi at hindi ko na alam kung gaano na kalayo ang nalakad ko, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maisip na solusyon. Pinunasan kong muli ang mga tumulong luha sa aking mga mata. Sa loob lang ng isang araw ay muling nabago ang buhay ko. Muling nasadlak, mag-isa at wala na namang matatakbuhan... Dinukot ko ang aking bulsa at kinuha ang aking telepono. Nang may maalala ay tinanggal ko ang aking bag sa aking balikat at hinalungkat kung nasaan ang papel na siyang pwede kong maging pag-asa o swerte sa pagkakataong ito. Valados Alcatraz Organization... muling basa ng utak ko sa itim na card na ilang minuto lang ay tinatawagan ko na. "Hello?" isang malamyos na boses ng babae ang sumagot sa akin sa kabilang linya. "H-hello..." "Who's this?" Humigpit ang kapit ko sa aking telepono, nagdadalawang-isip pa rin kung tama ba ang ginagawa ko pero dahil wala na akong makakapitan ay nagpatuloy ako. "S-si Tasia po ito... Iyong pong babae sa–" "Anastasia... I knew you'd call." she said cutting me off in a confident tone that made my heart pounded again. ~~~~~~~~~~~~ What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :) ~~ Follow all my social media accounts if you want to be updated. Facebook Page : Ceng Crdva Facebook Group : CengCrdva Wp Instagram : CengCrdva/Cengseries Twitter : CengCrdva
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD