Chapter Eight
The Hard Way
Kung hindi ko inasahan ang pagdating ng kanyang anak ay mas lalo na si Nanay Salve. Pare-parehas kaming hindi na nakatulog kaya naman pagdating sa trabaho ay halos minu-minuto akong naghihikab.
"Ano ba kasing pinagpuyatan mo kagabi ha? May boyfriend ka na bang kinauululan at nagpuyat ka?" Nanlalaki ang mga mata ni Ate Des at mukhang handa akong sampalin ano mang oras kapag sinagot ko iyon ng oo.
"Ate hindi!" umatras kaagad ako palayo sa kanya. "Napuyat ako at dahil sa lalaki pero hindi ko boyfriend 'yon."
Naghalukipkip siya't tinitigan ako ng matalim. Katatapos lang naming mag-ayos ng mga lamesa at maghanda para sa trabaho ngayong gabi.
"Dumating kagabi ang bunsong anak ni Nanay Salve kaya wala nang nakatulog sa bahay."
"Oh," ibinaba niya ang mga kamay at sinenyasan akong sumunod hanggang sa likurang bahagi ng bar. Agad siyang nagsindi ng yosi.
"Bakit daw umuwi? Kasama ba ang pamilya niya?"
"Hindi. Siya lang mag-isa. Hindi ko rin alam. Ang sabi ay ngayon lang sila mag-uusap."
"Gano'n ba. Mabuti kung gano'n. Basta sinasabi ko sa 'yo huwag na huwag kang pauuto sa mga lalaking walang maipapakain sa 'yo. Mag-isip kang maigi bago ka makipag-relasyon at matuto kang pumili ng tamang tao."
Kusang lumabas ang tawa ko dahil sa mga payo niyang ilang beses ko nang narinig.
"Si Ate talaga. Oo na. Ikaw na ang walang sakit ng ulo pagdating sa lalaki," naupo ako sa kanyang tabi kahit pa inirapan niya ako.
Sa lahat ng mga katrabaho ko ay sa kanya ako pinaka naging malapit. Bukod kasi sa diretsahan siya kung magsabi ng opinyon, ang lahat rin ng mga iyon ay tama at totoo.
"Wala ka po ba talagang balak na mag-asawa?" Tanong ko dahil ilang ulit na iyong sinabi nila ate Jessa.
Anila'y kaya raw malupit ito kung magbigay ng opinyon sa mga asawa nila dahil galit daw ito sa mga lalaki.
"Tasia, aanhin ko naman 'yang mga putang inang 'yan? Isa pa, gulo lang sa buhay 'yan. Bakit ko hahayaang matali sa iisang lalaki ang buhay ko? Ano 'ko gago?"
I pouted at that.
"Kung sabagay, nakakatakot ka ring maging asawa."
Hindi na niya mapigilang matawa sa magkahalong inis at kabaliwan para sa akin.
"Nagpapaniwala ka diyan kina Charie. Alam mo 'yang mga 'yan, mga kunsintidor 'yan sa mga maling gawain ng asawa nila at ano ang rason? Love? Eh deputang pagmamahal naman pala 'yan. Kung ganyan lang rin, huwag na lang! Mas gugustohin ko pang maging pokpok habang buhay kaysa baguhin ang sarili ko para sa isang tao. Hindi ko 'yon kailanman gagawin at dapat gano'n ka rin. Do not let anybody change you because that's the worst thing you can do to yourself."
Halos malaglag ang panga ko ng marinig ang diretso niyang pagsasalita sa ibang lenggwahe. I didn't know she can speak English fluently.
"Gulat na gulat? Anong akala mo naman sa 'kin hindi nag-aral?"
"Hindi naman Ate Des! Nakakagulat lang na may accent ka. Para kang call center agent."
She chuckled at that.
"I learned a lot of lessons in life in a hard way, Tasia. Sinasabi ko sa 'yo, ang lahat ng mas makatuturang leksiyon sa buhay ay hindi natututunan sa paaralan. You'll learn everything the hard way."
She's right. Gaya ng sitwasyon ko, marami na akong natutunan sa buhay at nagsimula ang lahat ng iyon pagkatapos ng aksidente.
"At hindi ako galit sa mga lalaki. Galit ako sa mga lalaking palamunin, adik at walang ginawa kung hindi pahirapan ang mga babaeng uto-uto dahil sa sinasabing pagmamahal. Hindi iyon totoo. Katangahan ang gano'n Tasia kahit huwag na huwag kang tutulad sa mga tangang 'yan na pati kaluluwa ibinibenta para pambisyo ng mga batugang asawa."
Napayuko ako. Noon pa man ay kuryoso na ako sa kanya at nirerespeto ko siya bilang totoong kapatid dahil sa mga payo niya sa akin, pero hindi ito basta-basta nagbibigay ng impormasyon tungkol sa sariling buhay.
"Oh ano? May iniisip ka na naman?"
"Kung wala kang asawa ate at pamilyang binubuhay, bakit mo 'to ginagawa?"
Doon siya nahinto. Ang kaninang tapang at iritasyon sa mukha dahil sa mga katrabaho ay bahagyang napalitan ng lungkot. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi na ako nagsalita dahil sa pagbabago ng mood niya.
"I'm not doing it for myself. Sinabi ko na sa 'yo noon na kapag pumasok ka sa ganito, mahihirapan ka nang lumabas at iyon ang nangyari sa akin. Hindi na ako pwedeng tumakas sa trabahong ito dahil sa anak ko."
Namilog ang mga mata ko't natulala sa kanya. Dahan-dahan siyang tumango ng muli akong sulyapan.
"May anak na ako at kahit ano ay gagawin ko para sa kanya. Wala na akong pakialam kung tratuhin akong basahan ng kung sino basta mabigyan ko ng tyansa ang anak ko sa mas maayos na buhay at kinabukasan. Hindi na ito para sa sarili ko na lang. I gave all that up since I had her. Isa pa, marami na akong nakilala sa larangang ito at panatag na ako sa ganitong buhay. Change is hard and I don't want to gamble. Not with my child."
Hindi ko napigilan ang sarili kong hawakan ang kanyang kamay. She speaks from the bottom of her heart at kahit na ngayon ko lang nalaman na mayroon na siyang anak ay alam kong isa siyang dakilang ina.
Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit gano'n na lang ang mga pangaral niya sa akin simula umpisa. She has a daughter. Siguro ay naiisip niya ang anak niya sa pamamagitan ko. I'm sure it was difficult for a parent to even think about that.
"Hindi lang po ako umalis ng probinsiya dahil kailangan ko ng trabaho. Umalis ako doon dahil ako ang sinisisi ng mga magulang ni Wade sa kanyang pagkamatay. Mahirap lang kami at mayaman sila. Simula no'n, dahil sa galit ay ginipit nila ang pamilya ko kaya kinailangan kong lumayo dahil alam kong doon lang sila titigil. They didn't even know where I was and I'm only seventeen. Wala pa akong alam sa buhay and here I am, working as a waitress and hiding from all the anger that I don't think I deserve."
Halos maluha ako ng matapos sa pagsasalita pero tuluyan na iyong nagsipaglaglagan ng agad akong yakapin ni Ate Des.
"I-I'm sorry ate..."
"Shh... Tasia, naiintindihan ko."
Mahigpit kong sinagot ang yakap niya at hinayaan na lang ang sariling umiyak sa kanyang dibdib. Sa unang pagkakataon pagkatapos kong lumayo sa Del Pilar ay ngayon lang ulit ako naging emosyonal. Naghalo-halo na ang aking emosyon. Mabuti na lang at naroon si Ate Des para tulungan akong kumalma.
"Nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap. Kahit maging b***t ka pang pilit na sumiksik sa buhay ko luluwagan ko ng matindi ang mga hita ko para sa 'yo."
"Ate!" Pupungas-pungas akong lumayo dahil sa sinabi niya pero natawa lang siya.
"Pasmado talaga 'yang bibig mo!" Pagbibirong singhal ko.
"Kaya nga tuwang-tuwa ang mga customer dito!" Sabi niyang tinusok-tusok pa ng dila ang loob ng kanyang pisngi!
"Kadiri ka!" Natatawa ko siyang siniko pagkatapos ay tinakpan ang magkabilang tenga bago patakbong bumalik sa loob.
Our conversation helped me get through the night. Gumaan ang pakiramdam ko sa pag-uusap naming iyon at mas lalo naming naintindihan ang isa't-isa.
"Oh! Nariyan ka na pala! Tara kain tayo!" Magiliw na anyaya ni Kuya Cyrus ng makauwi ako.
Madaling araw na pero gising pa rin siya.
"Si Nanay po?"
"Kanina pa tulog. Kumain ka na ba?"
Tumango ako at pinanuod siyang mag-ayos ng pagkain sa lamesa. Kuya Cyrus is just twenty seven years old. Labing pitong taon daw ito nang nag-asawa at simula no'n ay hindi na bumalik. He doesn't look bad. Ang totoo ay makisig ang katawan nito dahil isa itong construction worker. May hitsura rin at mestiso pero hindi pa rin ako sanay kumilos nang narito siya.
"Kumain na po ako."
"Gano'n ba. Ganito ba ang oras ng uwi mo palagi sa trabaho o sadyang late ka lang umuwi?"
"Ganito talaga po talaga kuya."
"Ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Anastasia po."
Naupo ako sa silya para tanggalin ang suot kong sapatos habang sinasagot ang mga tanong niya.
"Ilang taon ka na?"
"Seventeen po."
"Sabi ni Mama taga probinsiya ka raw? Anong ginagawa mo rito? Bakit ka napadpad rito?"
"Para po magtrabaho. Kayo po? Bakit po kayo bumalik? Kailan po kayo aalis?"
Hindi ko intensiyong magtunog sarkastiko pero hindi ko na naiwasan. Bahagya siyang natigilan dahil doon at makaraan ay tumawa na lang para itago ang pagka-pahiya.
Dinala ko ang aking mga sapatos sa shoe rack. Natigil ako nang sa pagpihit ko palapit ulit sa kanya ay titig na titig na siya sa akin habang hinahagod ang katawan ko. My heart pounded at that.
"Hindi pa ba ulit nasabi ni mama na dito na ako titira?"
"P-po?"
Lumihis ang tingin niya't tinitigan ang sofa sa kabilang gilid.
"Diyan ako matutulog ngayong gabi hangga't gusto ko. May problema ka do'n?"
Wala sa sariling napalunok na lang ako at agad na umiling.
"M-mag-aayos na po ako para makapagpahinga na."
Isang makahulugang ngisi lang ang isinagot niya sa akin na hindi nawala sa utak ko hanggang sa makapasok ako sa banyo.
Dito na siya titira? Oo nga't wala naman akong karapatan sa bahay na ito pero bakit parang ayaw ko yata ang ideyang iyon?
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :)
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA
GO TO MY w*****d ACCOUNT TO READ THE FULL STORY. w*****d: CENGCRDVA