Chapter Seven
Valados Alcatraz
Naging maayos ang trabaho at buhay ko sa Manila. Madali akong naka-adjust at kahit na minsan ay naho-homesick pa rin, nakakayanan ko namang labanan ang lahat ng mga emosyon.
Nanatili ako sa bahay ni Nanay Salve kahit na nakaipon na ako at pwede nang gawin ang balak na bumukod. Ang totoo, okay na rin sa aking may kasama at nakakausap sa tuwing kinakailangan.
Mabait si Nanay Salve at kahit na mahirap paniwalaan, itinuring niya akong totoong pamilya o apo. Sa anim na buwan kong pananatili sa kanya ay wala namang naging problema. Maging sa bar ay maayos rin ang lahat. Hindi man ako nakaligtas sa ilang mga manyakis doon pero wala namang nangyaring dahilan para bitiwan ko ang trabaho. Masaya rin ako dahil nagkakapera ako at nagagawa ang mga plano. Bukod sa sahod, may nakukuha pa akong parte sa tip ng mga customers at minsan ay binibigyan pa kami ng allowance ni Hapon.
"Welcome po sa Bamboo Jam, maam!" masigla kong bati sa babaeng kakaupo lang sa pinaka-sulok na lamesa ng lugar pagkatapos ay ibinigay ko sa kanya ang aming menu.
It's the first time I saw her here. Bukod kasi sa puro lalaki ang normal na mga bisita rito, hindi rin siya mukhang madalas sa mga ganitong klaseng lugar. She tall, sexy, sophisticated and very beautiful.
Ngumiti lang ang babae sa akin.
"Anong pangalan mo?" Tanong niyang binalewala ang menu na nanatili sa lamesa.
"Tasia po. Ready to order na po ba kayo?" Mas nilawakan ko ang ngiti ko.
Isa sa mga itinuro sa akin ni Ate Des na maging mabait at sweet sa mga customer lalo na doon sa mga mukhang malaki kung magbigay ng tip. Base sa damit na suot ng kaharap, mukhang kahit ang panyo niya ay libo na ang halaga.
Jackpot!
"How old are you?"
"P-po?" Nalito ako sa muli niyang pagtatanong.
"Tinatanong ko kung ilang taon ka na."
"Pulis po ba kayo? Nasa legal na edad na po ako." Kinakabahang hinanap ng mga mata ko sila Ate Des pero dahil dumadagsa na ang customer ay hindi ko sila makita.
Hinanda ko ang sarili upang umatras o lumayo kung sakaling bubunot siya ng posas para hulihin ako, pero imbes na iyon ang mangyari ay kumawala ang isang matamis na ngiti sa labi niya.
"I'm not a police. You just don't look like eighteen. Tell me the truth. Seventeen? Sixteen?"
Hindi ako sumagot. Bumaba ang mga mata niya sa kabuuan ko at umakyat ng ilan pang beses upang sipatin iyon.
"Do you serve red wine here?"
"P-po?"
"Never mind. Get me some beer, stat."
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon sa harapan niya dahil kinakabahan talaga ako. Matuwid at malinis ang pagsasalita niya ng ingles. Gaya ng mga palabas, pwede siyang spy o 'di kaya naman ay private investigator.
Nang lumalim ang pag-iisip ko tungkol sa babae ay ipinasa ko na lang ang kanyang order kay Ate Charie. Natatakot akong baka ipinadala siya ng mga magulang ni Wade para ipagpatuloy ang pagpaparusa sa akin!
Nang gabing iyon ay hindi na ako nagtagal sa trabaho. Nagkunwari akong may sakit para makaalis at makalayo sa babaeng iyon. Hindi ko siya kilala at natatakot ako sa kung anong pwede niyang gawin kung sakaling tama ang mga hinala ko.
I can't be found by those people. Sa ngayon ay gusto ko na lang ang matahimik at ayaw ko nang balikan ang lahat. I've sacrifice a lot already and I think all I deserve now is peace.
"Sayang Tasia! Alam mo 'yung customer mong magandang babae kagabi? Binigyan lang naman ako ng limang daan! Tiba-tiba na naman 'yung asawa ko at may naiuwi akong pang tsongke niya."
Hindi ko napigilang matawa ng batukan siya ng malakas ni Ate Des na saktong napakinggan ang lahat ng kanyang mga pinagsasasabi.
"Napaka-bobo mo talagang hindot ka! Pati bisyo niyang walang kwenta mong asawa sa 'yo ikaw pa ang sumusuporta? Ano nagpapalaki na lang 'yan ng kulubot at itim niyang bayag?!"
"Ate Des naman!" Muli siyang nakatanggap ng batok kaya umalis na ako dahil baka pati ako ay madamay. "Pokpok ka na nga bobo ka pa!"
Lahat kami ay lumayo na sa dalawa. Mukha kasing bad trip rin si Ate Des ngayon at kapag hindi kami umiwas ay talagang madadamay kami.
Naging normal ang araw ko. Wala naman silang sinabing dapat kong ikabahala pero muling bumisita ang babaeng iyon sa sumunod na gabi. Kahit na gusto kong umuwi ulit ay hindi ko na magawa dahil naroon si Hapon buong magdamag kasama ang mga kaibigan.
Naging matapang na lang ako at hindi lumayo sa mga katrabaho para kung sakaling may gawin siyang masama sa akin ay hindi siya magtatagumpay.
"Tasia, pakibigay nga ito sa table eight. Doon sa galanteng babae." inginuso ni Ate Jessa ang lamesang iyon at bago pa ako makatanggi ay nawala na siya sa harapan ko.
Ilang minuto kong pinag-isipan ang gagawin pero sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Balak ko sanang bilisan lang ang lahat, pero natigil ako ng ilagay niya sa leather bill ang bayad sa order at ibinigay naman sa akin ang isang libo.
"Hindi na po. Salamat na lang po–"
"Don't be silly, take it. It's for you." aniya at pagkatapos ay wala nang sabing umalis.
Nasimento ako sa aking kinatatayuan hanggang sa mawala siya sa aking paningin. What just happened?
Ilang gabi pang naulit ang tagpong iyon. Kahit na wala naman akong nakitang kasama niya at iisang beer lang rin ang kanyang palaging iniinom ay hindi siya natigil sa pagbisita at minsa'y panunuod sa akin.
"Ate Des." ilang beses kong kinalabit ang tagiliran niya kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang bigyan ako ng pansin.
"Dedede ka, Tasia? Ano na naman?" iritado niyang tanong.
Imbes na ma-offend ay inginuso ko ang pwesto ng babae.
"Oh? Kunin mo na ang order! Ano pang hinihintay mo?"
"Hindi ka po ba nagtataka kung bakit siya palaging narito at parang palaging may hinahanap?"
Nalukot ang noo niya at umiling. Kahit na mukhang walang siyang gana sa usapan ay hindi ko siya tinigilan.
"Sa dami ng trabaho ko aabalahin ko pa ba ang sarili ko kung anong agenda ng babaeng 'yan? Basta bayaran niya ang order niya ayos na 'yon!"
Hindi ko siya tinantanan.
"Eh pero ate–"
"Para ka namang titeng sunod ng sunod, Anastasia!" hindi ko na napigilang matawa dahil parang gusto na niya akong sakalin.
Kung noon ay ilag ako sa kanya dahil sa pagiging pranka niya, ngayon ay sanay na ako sa pagiging pasmado ng kanyang bibig. Hindi na ako natatakot. Sa katunayan ay natutuwa na ako.
"Ate kasi, malay mo may balak siyang masama. Tignan mo nga, mukha siyang spy gaya ng sa mga pelikula. Sobrang mysterious! Isipin mo, hindi siya bagay sa lugar na 'to at wala siyang secret mission, hindi siya magta-tyaga rito. Paano kung private investigator pala siya?"
Siya naman ang humalakhak dahil sa sinabi ko.
"Private investigator para saan? Para sa mga puking pakang? Praning ka, Tasia?" napanguso ako at bagsak ang balikat na lang siyang iniwan.
She wouldn't understand and I won't tell her the reason I'm really bothered. Dahil abala ang lahat ay ako na lang rin ang kumuha sa order nito.
"Isang beer lang po ba ulit, maam?"
Ibinaba niya ang kanyang hawak na telepono at muling napangiti ng makita ako.
"Viera. Tawagin mo na lang akong Viera."
Pinilit kong ngumiti at tumango pero dahil muli na naman akong naging ilag ay natawa na siya, nakuha kaagad ang sagot sa reaksiyon ko.
"Relax. Alam kong minor de edad ka lang at hindi pa pwedeng magtrabaho sa ganitong klase ng lugar pero wala akong pakialam doon. Mas lalong hindi ako pulis at wala akong pakialam sa mga awtoridad. Hindi kita sasaktan kung 'yan ang ikinakatakot mo."
Nanatili ang hindi siguradong tingin ko sa kanya. Inabot niya ang bag at may kinuha sa bulsa no'n pagkatapos ay inilahad sa akin ang isang itim na card na ang mga nakasulat ay kulay ginto.
"Don't let anyone see that," she said and then shoves it in my hand. "Tignan mo kapag wala nang tao sa paligid mo. You probably wondering why I'm here and that's just one of the many answers. Hindi ka bagay sa lugar na ito Tasia and if you can only trust me, I can help you change your life."
Tumayo siya at agad na isinukbit ang bag sa kamay. Matamis siyang ngumiti at tinapik ang balikat ko.
"I'm not going to be here tomorrow, but you can always contact me now. Tawagan mo lang ako kung may mga katanungan ka. You're better off this place and you have a lot of potential to turn your life around. I can help you with everything with just one call."
Tuluyan ko nang hindi nahanap ang aking boses. Tinapik niya ulit ang balikat ko.
"Cancel my order. I already got what I wanted." she said before walking away from me.
Wala akong nagawa kung hindi ang matulala na lang.
Lutang ako buong gabi sa trabaho at hanggang sa pag-uwi ay ang misteryong dala ni Viera ang nasa utak ko. Nang makapag-pahinga na ay saka lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tignan ang ibinigay niyang card kanina.
Valados Alcatraz Organization.
Iyon ang nakalagay sa unahan ng card pero maliban sa pangalan ni Viera at numero ay wala nang detalyeng nakapaloob rito.
Imbes na masagot ang dala niyang misteryo ay mas lalo lang iyong nadagdagan. Tulala ako buong magdamag. Ang utak ay nasabik sa mga huling sinabi nito sa akin kanina bago umalis.
Kahit na alam ko namang kuntento na ako ngayon sa buhay ko ay hindi ko rin maiwasang mag-isip tungkol sa bukas. Yes, I may have a job and a roof over my head, but was that really enough?
Kung magiging ganito lang ako habang buhay, paano ako magiging handa kung sakaling isang araw ay muling magtagpo ang mga landas namin ng mga Aleros? Kakayanin ba ulit ng puso kong makita ang sariling inaalipusta nila dahil lang sa nangyaring hindi ko naman kasalanan?
Kung totoo ang mga sinabi ni Viera na matutulungan niya ako at tyansa ko na itong magkaroon ng mas maayos na buhay, hindi ba dapat ay subukan ko? Dapat sumugal ako? Pero paano kung hindi?
Isang malalakas na katok sa pintuan ang pumutol sa lahat ng aking mga pag-iisip. Nagmamadali akong tumayo para tignan kung sino iyon ngunit hindi pa man ako nakakalapit ay kumabog na ang puso ko sa narinig.
"Nay? Nanay Savel? Si Cyrus 'to. Buksan niyo po ang pinto." paulit-ulit niyang pakiusap sa labas.
Nang marinig ang pagbukas ng pinto sa kwarto ni Nanay Savel ay agad kaming nagkatitigan.
Cyrus?! Narito ang bunsong anak ni Nanay Savel?!
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :)
~~
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva