Chapter Six
Booking
Sa isang bar ako dinala ni Nanay Savel. Unang beses kong nakapasok sa gano'ng klaseng lugar kaya naman natulala na lang ako simula nang kausapin niya ang may ari at makauwi kami.
"Oh ayan! Bukas na bukas ay pwede ka na raw magsimula sa pagiging waitress sa Bamboo Jam. Kahit training ka pa lang ay pantay na ang sahod mo sa mga magiging katrabaho mo doon! Maswerte ka at kailangan rin nila ng waitress dahil kung hindi ay baka kay ulikbang Melba ka na lang talaga mapunta."
Napapangiwi kong nilunok ang pagkaing hinanda niya para sa amin ngayon gabi. Ginataang gulay iyon at mayroon pang tinapa. Kahit na paborito ko ang mga nakahain ay hindi ko makuha ang gana ko. Bukod kasi sa wala akong experience sa trabahong papasukin ay kinakabahan rin ako lalo na sa lugar na iyon.
"Hindi po ba delikado ro'n?"
"Tasia, sa panahon ngayon ay wala ng lugar na ligtas. Kahit saan ka pumunta ay maraming masasama at halang ang loob. Huwag ka nang magdalawang-isip pa. Hindi ka pababayaan ni Hapon do'n. Mababait rin ang mga taong makakasama mo at kilala ko na kaya wala kang dapat ipag-alala. Isa pa, 'di hamak na mas malaki ang kikitain mo sa pagwi-waitress kaysa sa pagsunod sa mga utos ni Melba! Kuripot ang dambuhalang 'yon at lugi ka sa trabaho."
"Pero Nay, paano po kung hindi ko kayanin doon? Paano kung magkamali ako?"
"Kaya ka nga may training. Isa pa, natural lang na magkamali ka sa bagay na hindi mo pa kalkulado. Ang mahalaga, matuto ka at kumita. Hindi ba't iyon naman ang ipinunta mo rito sa Maynila?"
Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. Maswerte pa rin ako dahil nakilala ko siya. Tama si Nanay, kailangan ko talagang matuto sa buhay dahil wala naman na akong babalikan. I'm on my own now and I will do everything to survive.
"Siya ng pala, may pera ka bang pambili natin ng pagkain bukas? Ipagluluto kita. Ano bang paborito mong ulam?"
Dumukot kaagad ako ng pera sa wallet ko at ibinigay sa kanya ang isang libo.
"Pambili po natin ng pagkain at pasasalamat ko na rin po sa pagtulong ninyo sa akin. Hindi bale, kapag nagkapera na po ako ay bubukod rin po ako kaagad at—"
"Naku Tasia! Tumira ka dito sa bahay ko hangga't kailan mo gusto. Wala naman akong kasama rito at minsan ay malungkot rin ang mag-isa. Masaya akong narito ka. Huwag mo na munang isipin ang bagay na 'yan. Kumain na muna tayo at baka lumamig na ito!"
Ngumiti ako at sumang-ayon na lang sa sinabi niya. Balo na si Nanay. May dalawa siyang anak na lalaki pero wala na siyang balita kung nasaan ang mga ito. Simula nang magsipag-asawa ay mag-isa na lang niyang itinaguyod ang sarili. Nagbebenta siya ng mga gulay sa palengke pero dahil may kahati sa pwesto ay apat na beses lang iyon sa isang linggo. Kapag naman walang trabaho ay suma-sideline siya sa pamamalantsa at paglilinis ng bahay sa kakilalang doctor.
Nang matapos kaming kumain ay hindi niya ako hinayaang maglinis. Aniya'y kailangan kong paghandaan ang trabaho bukas kaya kailangan kong magpahinga at siya na ang bahala sa lahat ng natirang gawain.
"Ano pala ang numero mo? Baka maligaw ka bukas papunta sa trabaho. Natandaan mo ba ang daan? Isang jeep lang naman ang sasakyan mo." Tanong niya matapos maghugas ng mga pinggan.
"Opo."
Lumapit siya sa akin at inabot ang kanyang telepono.
"Ilagay mo diyan ang numero mo para matawagan kita bukas. Baka kung saan ka mapunta alam mo na, para sigurado lang na makakauwi ka ng maayos."
Sa pag-iling ko ay nalukot ang noo niya.
"Naiwan ko po sa probinsiya ang telepono ko. Wala po akong gamit ngayon."
"Paano iyan?" Wala sa sariling napakamot siya sa ulo.
"Kaya ko naman po sigurong umuwi. Magtatanong na lang po ako sa daan kapag naligaw ako."
"Dios mio! Huwag naman! Hindi ganito na lang, kunin mo itong telepono ko at dalhin bukas. Ako nang bahalang tumawag diyan sa oras ng uwi mo. Hangga't wala kang telepono ay iyan na muna ang gamitin mo, pero kapag nakaipon ka ay bumili ka kaagad. Kailangan mo 'yon sa trabaho. Hindi ko naman kailangan 'yan dahil may mga kasama naman ako sa palengke. Wala rin namang nanliligaw sa akin ngayon at gustong makipag-text mate kaya sa 'yo na muna."
Hindi ko na mapigilang mapangiti dahil sa mga huling sinabi niya. Hindi ko na alam kung paano pa siya pasasalamatan sa lahat ng mga naitulong niya sa akin. Sa kabila ng mga kamalasan at hirap na dinaranas ko ay marami pa rin talagang kabutihan sa mundo at sapat na iyon para maging matatag ako sa mga sumunod na bukas.
Mababait ang mga tao sa Bamboo Jam. Ako ang pinaka-bata sa kanila kaya naman naging mabait silang lahat sa akin lalo na ang may-ari na ang tawag ng lahat ay Hapon. Maliit na bar lang iyon pero kapag sumapit na ang gabi ay napupuno ng mga parokyano.
"Bakit wala na si Ate Charie?" Tanong ko kay Ate Jessa habang nililinis ang table two.
"Huwag mo nang hanapin 'yon! May booking 'yon ngayon sa mga oras na 'to at matagal na niyang customer ang dumating kaya baka hindi na bumalik ngayong gabi."
"Booking po?" Sinundan ko siya sa kusina dala ang mga baso at bote ng alak.
Natatawa siyang napailing.
"Marami ka pa nga talagang kailangang malaman, Tasia. Hindi bale, apat na araw ka pa lang naman. Malalaman mo rin ang lahat ng kalakaran sa lugar na ito."
Dahil wala akong nakuha sa kanya ay kay Ate Des ko naman iyon naitanong nang mawala rin ang isa pang waiter na kasama namin kanina.
"May kakantutan ang mga 'yon, Tasia. Booking ang tawag doon. Minsan isang tao sa isang gabi pero minsan hindi lang dalawa. Depende na sa pangangailangan."
Parang nanuyo ang lalamunan ko sa narinig. Nakailang lunok ako bago muling nakapagtanong sa kanya. Maaga pa at wala pa gaanong customers kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makausap siya tungkol sa iba pang bagay maliban sa trabaho ko.
"Nakikipag-s*x po? Parang prostitute?"
Tamad siyang tumango.
"Pokpok lahat ng mga tao rito simula sa gwardiya hanggang sa mga kusinero. Maging si Hapon parating may booking 'yan! Lahat ng babaeng bago rito natira na niya bago pa matikman ng iba."
"P-po?!" Kabado at nabibigla kong tanong dahilan para maudlot ang pagsindi niya sa hawak na yosi.
"Putang ina..." she exclaimed. Inayos niya ang sarili sa harapan ko bago nagpatuloy. "nakalimutan kong bata ka pa nga pala at bagong salta lang dito sa Maynila. Wala bang pokpok sa lugar niyo? Mga nagbebenta ng laman?"
Nahihibang akong umiling. Natawa naman siya.
"So virgin ka pa? Fresh na fresh?"
Kahit na hindi ako palagay sa usapan ay tumango ako. Ate Desiree is beautiful. Tahimik lang at hindi masyadong nakikihalubilo sa mga katrabaho pero prangka kung magsalita at iniilagan ng lahat.
"Eighteen ka na, 'di ba? Hindi ka pa ba nagka-boyfriend? Hindi pa nabasag 'yang bataan mo?"
"N-nagka boyfriend na po."
Walang pakialam na niyang sinindihan at hinithit-buga ang hawak na sigarilyo. Pumipilantik ang mga mahahaba niyang pulang kuko sa ere.
"Oh, hindi ka ginalaw? Gano'n ba talaga sa probinsiya? Kasal muna?" nababaliwan niyang tanong na nagpayuko at iling sa akin.
"Namatay sa aksidente ang boyfriend ko ilang linggo lang ang nakalipas."
Bahagya siyang natigilan. Dahil halata ang biglaang pagbabago ng emosyon ko ay bumagal ang pagyoyosi niya.
"Condolence. Gano'n talaga ang buhay, pero hindi bale at bata ka pa naman. Makakahanap ka pa ng ibang lalaki diyan," napapitlag ako ng agad siyang umurong palapit sa akin. "Pero kung gusto mong umunlad sa mundong ito, ang payo ko ay humanap ka ng lalaking matino, mayaman at hindi mauubusan ng pera kahit kailan. Huwag na huwag mong ibebenta ang sarili mo gaya ng lahat ng mga taong nakapaligid sa 'yo, gaya ko."
Muli akong napalunok at wala nang naisagot. Pinatay na niya ang sigarilyo kahit na hindi pa iyon ubos pagkatapos ay hinarap ako't nagpatuloy sa masinsinang mga payo.
"Maganda kang bata at may potential kang makalayo sa impyernong ito. Huwag kang padadala sa mga udyok ng tao. Pera lang 'yan. Wala ka pa namang binubuhay na pamilya kaya huwag na huwag mong papasukin ang prostitusyon kahit gaano ka pa kagipit dahil kapag pinasok mo 'yon ay hinding-hindi ka na makakalabas. Huwag kang maging pokpok, Tasia." aniyang tinanguan ko at inintindi dahil kahit na alam kong hindi ko naman talaga balak gawin iyon ay kailangan ko pa rin ng paalala't mga gabay lalo na't ako na lang mag-isa sa bagong mundong ito.
Nagpasalamat ako sa kanya at sakto naman ang pagdating ng ilang grupo ng kalalakihan kaya naging abala na kami sa trabaho.
~~~~~~~~~~~~
What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :)
~~
Follow all my social media accounts if you want to be updated.
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva