CHAPTER 4

1877 Words
Chapter Four Bukas "What the hell are you doing here?!" Mabilis na nanlamig ang buong katawan ko dahil sa boses ng ina ni Wade! "T-Tash, tara na. Alis na tayo please!" Sa pagbaling ko sa pinanggalingan ng kumosyon ay naramdaman ko ang takot nang makitang pasugod sa amin ni Glacer ang babae. Summer was behind her, pero hindi nito alam kung paano ito pigilan. "Anong karapatan mong magpakita rito ay dalawin pa ang anak ko!" Parehas kaming nasimento ni Glacer sa aming mga kinatatayuan kaya hindi ko na naiwasan ang isang malakas na sampal na agad yumanig sa buo kong pagkatao. "Tita!" "Hayop ka!" she screamed loudly as she slapped me again, and again ang again until I couldn't find my knees. Nanghihina akong nalaglag sa sahig habang naka-sangga ang mga kamay at hindi na alam kung paano pa dedepensahan ang sarili. It was pointless. Hindi man kasi niya maabot ang mukha ko ay pinagsisipa niya naman ako. "Tama na po. Tama na po..." pagmamakaawa ko pero wala itong naririnig at patuloy lang sa pagsigaw. "Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko! Ikaw ang salot sa pamilya ko at kung hindi ka dumating ay buhay pa sana ang anak ko! Sinira mo ang lahat! Sinira mo ang pamilya ko! Hayop ka! Malas ka!" Mas lalong nanakit ang katawan ko pero wala iyon kumpara sa sakit na agad umukit sa puso ko. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak kahit na naramdaman ko nang natapos na ang pagsipa niya. I see judgemental glances from all of their visitors when I tried looking up. Na para bang totoo ang lahat ng sinabi ng ina ni Wade sa akin. Ni wala akong nakuhang simpatya sa kahit isa sa kanila. Hawak man ng ama ni Wade ang kanyang asawa, pero gaya nito ay galit na galit rin. Kung siguro kaming tatlo lang ang narito ay baka nasampal niya na rin ako or worst, baka mapatay pa. They despise me. If their eyes could only kill, baka sa mga pagkakataong iyon ay sumalangit na rin ako kasama si Wade. "Lumayas ka rito! Walang lugar rito ang mga hampaslupang katulad mo! Salot ka! Salot!" Ininda ko ang mga salita at ang sakit na dulot nito sa puso ko, pero sa bawat pagbukas ng kanyang bibig ay dinudurog talaga ang lahat maging ang natitirang awa ko sa aking sarili. "Pinatay mo ang anak ko! Pinatay mo ang anak ko! Hayop ka! Isinusumpa kita! Pagbabayaran mo ang lahat ng ito! Hampaslupa!" "Tash! Tara na, Tash..." nanginginig at takot na takot na ring boses ni Glacer pero nang subukan niya akong tulungan ay agad siyang hinila ng nanay ni Wade. "Huwag mong tulungan 'yang mamamatay taong 'yan! Huwag ka nang dumagdag Glacer!" "P-Pero, Tita–" "Pinatay niya ang anak ko! She deserves to rot in hell!" Sa kabila ng paghihinagpis ko, kahihiyan at kawalan ng pag-asa ay nagawa kong tumayo at bumalik sa aking wheelchair, pero mas lalo pa yata akong nasaktan nang makitang walang magawa ang mga kaibigan ko kung hindi ang panuorin akong alipustahin ni Meriam Aleros. Their parents scolded them, gaya ng ina ni Wade ay pinigilan ng mga itong lumapit ang mga anak sa akin. Ang tanging naging lakas ko na lang ay si Wade. Habang ipinagtatabuyan ako ng lahat at kinasusuklaman ay tanging siya ang inisip ko. Alam kong kung narito siya ngayon ay hahawakan niya ang kamay ko't tutulungan akong bumangon pagkatapos ay ilalayo sa lahat ng gulo, sa lahat ng sakit. He would whsiper sweet nothings to me. Gagawin niya ang lahat mapasaya lang akong muli. He will be with me no matter what. Si Wade ang naging lakas kong makaalis sa mata ng mga taong naroon. Kung hindi dahil sa mga gwardiya ay hindi ako makakaalis ng ako lang sa lugar. Kahit na nakalabas na ako doon at hindi na muli pang nasaktan ng mag-asawa, naging hirap ko naman ang pagbalik sa hospital dahil hindi na nagawang lumabas pa ng mga kaibigan ko para ihatid ako't tulungan pabalik. Kahit na masakit ang buong katawan at mga kamay ay hindi ko hininto ang wheelchair ko. Kahit na wala akong makita at walang mga ilaw ang ilang poste sa kalsadang tinatahak ko ay nagpatuloy ako. Kahit na para na rin akong namatay sa tagpong iyon dahil sa lahat ng mga ibinibintang nila sa akin ay nagawa ko pa ring lumaban. I texted Ate Juna when my body couldn't take it anymore. Mabuti na lang at naawa siya sa akin at sinundo ako kaya nakabalik ako ng maayos sa hospital. "Ano bang nangyari? Nasaan ang mga kaibigan mo?!" tanong niya matapos akong tulungang bumalik sa kama. Malungkot akong umiling, pinipigilan ang muling paglaglag ng mga luha ko. Ayaw ko naman kasing maging kaawa-awa sa kanya at mas lalong ayaw ko na siyang mag-alala pa. Ang importante ay nakabalik na ako. Wala na akong problema at nakapagpaalam na ako kay Wade. "Hindi na sila nakaalis." Kumunot ang noo niya at rumehistro sa mga mata ang marami pang tanong. Maya-maya ay hinawakan na ang kamay ko. Mukhang naramdaman ang lungkot at hirap na napagdaan ko sa ilang oras na pagkawala. Hindi ko na namalayang tumulo na ulit ang aking mga luha. "Tasia, you can share everything to me, alright? Anong nangyari? May ginawa ba silang masama sa'yo?" Napayuko ako. I don't really want to be a burden to anyone, pero nang matalo na ulit ako ng mga emosyon ay agad na niya akong niyakap. I told her everything. Simula sa ginawa naming plano hanggang sa mga sinabi ng nanay ni Wade sa akin. "That was so unfair," malungkot niyang sabi pagkatapos marinig ang lahat. Pinisil niya ang kamay ko. "Wade didn't even make it to the hospital alive, but that wasn't your fault. Alam nang lahat na kasalanan iyon ng driver ng SUV na bumangga sa inyo. The guy was drunk kaya nangyari ang aksidente. Hindi ikaw ang dapat nilang sisihin. They should be lucky you survived that crash." "You don't know them, Ate. They hate me so much." Wala nang nagawa si Ate Juna kung hindi ang yakapin ako at aluin. Her hug gave me strength. Sa pag-alis niya ay saka naman nagsidatingan ang mga kaibigan ko. Wala silang ginawa kung hindi ang magpaumanhin sa akin dahil hindi nila ako natulungan. Ang sabi pa nila ay hindi na raw naging maayos ang Mommy ni Wade pagkatapos kong umalis. Wala akong naisagot at kahit naman anong sabihin ko ay hindi na mawawala ang galit niya sa akin lalo na ngayong ako ang kanyang sinisisi sa pagkawala ng kanilang anak. Kinabukasan ay nakalabas na ako ng hospital at sa bahay na lang ipagpapatuloy ang pagpapagaling. Hindi ko alam kung saan kumuha ng pambayad sa hospital sila Mama pero naayos ang lahat ng medical bills. Akala ko ay magiging tahimik na ang lahat pero nang gabi ring iyon ay dumating ang isa na namang dagok sa aming pamilya. Ang negosyo ni Papa at dalawang bangkang pinaghirapan ay sinadyang sirain maging ang kanyang mga palaisdaan. I received a death threat the next day at hindi iyon natigil hanggang sa mga sumunod na linggo. Nakita ko kung paano mamroblema ang mga magulang ko. Hindi lang sa negosyo kung hindi sa lahat ng mga nangyari simula sa araw ng aksidente. "Amir, anong gagawin natin? Paano ang pag-aaral ng mga bata kung ilalayo natin si Anastasia rito? Wala tayong pagkukunan ng pera kung. Paano ang natitirang negosyo natin? Hindi kaya ng pananahi ko ang gastos natin sa pang araw-araw kung magsisimula tayo ulit sa ibang lugar." "Hindi nila tayo pwedeng gipitin! Hindi kasalanan ng anak ko ang nangyari sa anak nila at hindi nila iyon pwedeng isisi kay Anastasia!" matigas at may bahid nang galit na sabi ni Papa. Mas lalo akong hindi nakaalis sa kinatatayuan ko. Nanatili ako roon at nakinig sa usapan nila habang pinipigilan ang mga hikbi. I never expected everything to get worst. Akala ko ayos na dahil nasaktan na nila ako at napagsabihan ng mga masasakit na salita sa harapan ng maraming tao pero hindi pa pala tapos dahil mukhang nagsisimula pa lang ang  ganti ng mga Aleros sa akin. "Anong gagawin mo? Kahit pagbintangan mo ang pamilyang iyon sa pagsira ng kabuhayan natin at sabihing walang kasalanan si Tasia ay walang mangyayari. Makapangyarihan ang pamilyang kakalabanin mo Amir! Baka patayin ka nila kapag sumugod ka doon!" "Magpatayan na kaming lahat!" Natutop ko ang aking bibig dahil aa paghampas ni Papa sa kahoy naming lamesa dahil sa matinding galit. "Naririnig mo ba ang sarili mo?! Amir mag-isip ka naman! Hindi maganda ang naiisip mo at hindi iyan ang tama!" "Anong gagawin natin Helene?!Hahayaan na lang nating apihin tayo ng mga mayayamang iyon? Ang anak ko?" Hindi nakapagsalita si Mama. Natutop ko na ang aking bibig ng maiyak na ako. "Helene, anong gusto mong gawin ko? Paalisin si Anastasia sa bayang ito para lang manahimik ang pamilyang iyon?" "Kung iyon ang dapat at para sa lahat bakit hindi?" "Hindi mo alam ang sinasabi mo! Kaya mong mawalay sa anak mo dahil sa pagbabanta ng mga matapobreng Aleros?!" "Kung iyon ang paraan para hindi siya masaktan rito ay iyon ang pipiliin ko! Amir, wala na tayong negosyo. Wala na ang palaisdaan mo at ang mga bangka, paano kung hindi pa sila titigil do'n, ha?! Anong isusunod nilang sirain para gipitin tayo?" Nakagat ko ang labi ko nang makitang nanghihinang mapabalik sa pagkakaupo si Papa sa silya. Hawak niya ang dibdib. Si Mama ay agad siyang tinabihan habang pinupunasan ang mga luha. "Ipakikiusap ko siya sa kapatid ko sa Manila, kay Herly. Sasabihin kong doon niya muna patirahin ang anak natin. Doon ipagpapatuloy ni Anastasia ang pag-aaral dahil hindi siya titigilan ng pamilyang iyon rito." Hindi ko na nagawang makinig sa usapan nila. Nagmamadali akong bumalik sa kwarto namin ng mga kapatid ko at pinalabas sila hindi para maglinis gaya ng plano ko ngayong araw kung hindi ang mag-empake ng mga gamit. Masakit at mabigat man sa kalooban ko ang naisip na desisyon ay iyon lang ang dapat kong gawin. Gaya ni Mama, ayaw kong madamay pa ang mga kapatid ko maski sila sa panggigipit ng mga magulang ni Wade at mas lalong ayaw kong makita silang ganito dahil lang sa akin. Nang matapos ayusin ang ilang dadalhing gamit ay itinabi ko iyon sa isang sulok. Hindi na kailangan pang tumuloy ako kay Tita Herly dahil hindi imposibleng matunton pa rin ako ng mga Aleros doon at pati sila ay madamay. I need to be away from here. Sa pamilya ni Wade at lalong-lalo na sa gulo at gagawin ko iyon ng sarili ko lang. Bukas na bukas ay aalis ako sa lugar 'to. Bukas ay kakalimutan ko muna sandali ang pamilya ko at sisikaping mabuhay ng mag-isa at tumayo sa sarili kong mga paa. Bukas, hindi ko man alam kung ano na ang mangyayari sa buhay ko ay pipilitin kong maging matatag. Para sa pamilya ko, sa sarili ko at lalong-lalo na para kay Wade. ~~~~~~~~~~~~ What do you think about this story so far? Let me know in the comment section below. :) ~~ Follow all my social media accounts if you want to be updated. Facebook Page : Ceng Crdva Facebook Group : CengCrdva Wp Instagram : CengCrdva/Cengseries Twitter : CengCrdva
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD