Habang naglalakad para puntahan ko kung sino man 'yong nasa labas na nag-doorbell ay may part din sa akin na umaasang siya 'yon. Na pumunta pa rin siya kahit hindi kami okay. I mean kahit pinaparamdam ko sa kaniya 'yong pag-iwas ko. Ano ba 'to. Wag nang umasa. May Gwen na nga, 'di ba? Pagbukas ko nang gate ay natigilan na lamang ako. Sabi na, eh. "Pizza delivery, Ma'am." Napakamot nalang ako ng ulo. Nawala pala sa isip ko na tumawag ako kanina para magpa-deliver. Sorry naman na. "Nice. May pa-pizza si Mayora!" natatawang wika ni Chloe nang makalapit ako sa kanila. "Kain lang kayo. Ito pa, oh." Lapag ko n'ong 5 box ng pizza. "'Yon, oh. Wala bang panulak d'yan. 'Yong nasa baso sana at may bula sa ibabaw," wika ni Cedric na hyper na hyper at may pasayaw-sayaw pa habang kumakain. Si S

