Hinagkan ko siya. Yeah. Sa pisngi nga lang pero mukhang nagulat ito at maging ako sa ginawa ko kaya dagli akong lumayo dito pagkatapos itong halikan. "Ah— Eh— Ingat ka, ah." Paalam ko dito at hindi na ito pinasagot at dali-dali na akong pumasok sa loob. Napapikit at hinihingal na napasandig nalang ako sa gate matapos kong maisara 'yon. Ginagawa mo? Bakit mo naman ginawa 'yon, self? Para akong sinapian nang ibang tao ngayon. Hindi naman ako lasing pero ewan ko kung anong nag-urge sa akin gawin 'yon. Nakakahiya. Pagpasok ko ng loob ay nakanganga na 'yong iba habang natutulog sa sofa. Hindi bale at may carpet naman sa baba. Napailing-iling nalang ako sa bestfriend kong si Chloe na nakanganga sa pwesto niya at nakaupo pa rin sa upuan. Tibay, ah. Hindi man lang nalaglag? Inalalayan ko

