Chapter 11

2269 Words
"Gwen pala name n'ong maganda." Pauwi na pala kami at dinaldal ako ni Chloe about doon sa mga bagong ka-opisina namin. Gwen pala name n'ong tinuturuan kanina ni Sir Grey. Eh 'di, sila na letter G. Ano naman? "Sa lahat n'ong mga bago ay 'yong Gwen ang pinaka-gusto ko. Mabait na bata, eh. Hindi pa maarte katulad nang ibang kasama niya." Ah, talaga ba? "Eh, ano naman?" Hindi ko naman kasi tinatanong. "Huh?" takang tanong ni Chloe sa sagot ko. "Sabi ko, eh, anong oras na ba?" Pag-iiba ko nang usapan. Bakit ba kasi 'yon ang topic namin. Naiirita na naman tuloy ako. "Oras na para mag move on." Humirit na naman ang marupok. Tinignan ko naman ito. "Haha? Sino bang hindi pa naka-move on sa ating dalawa?" "Kailangan ko pa bang sagutin 'yan?" natatawang tanong pa nito. "Eh 'di—" Naputol ang sasabihin niya nang makita kong paparating ang sasakyan namin. Nand'yan na si Papa. "Nand'yan na pala si Papa." Turo ko sa sasakyan ni Papa na parating na. Sumakay na kami. Napahiga nalang ako at napasandig sa inuupuan ko. Masakit ulo ko ngayong araw sa dami nang inasikaso. Busy na busy kami ngayong month. Pero sa tanong ulit ni Chloe. Nakamove-on na ako. Legit. Bitter lang ako pero alam ko sa sarili kong naka-move on na ako sa taong 'yon. Sadyang may mga bagay lang na hindi ko naalis since nangyari 'yon. Sa paglipas nang linggo ay naging close na nang tuluyan ang mga kaibigan ko sa new BM namin na si Sir Grey at sa paglipas naman nang araw ay 'yong Gwen na bagong pasok dito ang isa sa nagiging ka-close naman nito. I don't mind. Naiinis lang ako. Dapat inuuna ang trabaho sa paglalandian, 'di ba? Madalas kong makitang nag-uusap ito at tinuturuan pa rin siya ni Sir Grey. Parang hindi na yata turo 'yon. Landi na. Hays. Katulad ngayon kahit nandito ako sa desk ko ay pasilip-silip ako sa desk ni Gwen dahil medyo malapit lang 'yon sa akin. Mabuti nalang din at wala si Sir Grey doon habang si Gwen naman ay abala sa computer. Pagdating naman ng lunch break ay nagpunta na ako ng canteen mag-isa. Hindi ko makita kung nasaan si Chloe, eh. Naabutan ko naman silang lahat sa canteen maliban kay Sir Grey na wala pa doon. Nandoon na rin si Chloe. "Saan ka galing, bessy? Hinahanap kita," ani Chloe. Siya kaya 'yong hinanap ko. "Huh? Sa desk ko lang. Ikaw nga d'yan ang wala, eh." Siya nga 'yong biglang nawala d'yan, eh. "Ah, baka nagkasalisi lang tayo." Baka nga. "Nand'yan na pala si Sir and he's with—" Napatingin naman ako sa tinutukoy ni Cedric. Kaya naman pala wala pa. Busy kasi, 'di ba? "Hello, guys.. Pwede bang sumama sa atin 'tong friend ko." Tukoy niya kay Gwen na kilala naman namin. Friend ba talaga? Amppp. "Hello, Gwen?" bati ni Chloe. Close na rin sila, eh. "Hi, Ate Chloe. Hello po, mga Ates and Kuyas." Maka-ate naman, mas baby face naman akong tignan sa kaniya kung tutuusin. Umupo na ito at sa tabi ko pa talaga si Sir Grey habang si Gwen ay sa tabi nito. Napapagitnaan namin si Sir Grey. "Ano ulam mo, bessy?" tanong ni Chloe na nakatayo para bumili ng food namin kasama si Aira. Mahirap naman kasi kung lahat kami pipila. Mawawalan kami ng magandang pwesto. "Ampalaya nalang." Parang trip ko kumain ng ginisang ampalaya ngayon. "Sure ka?" natatawang tanong pa nito Sinamaan ko naman ito ng tingin. Anong nakakatawa? I love ampalaya, may times lang talaga na nananawa ako kakakain. "Eh, 'yan gusto ng dila ko ngayon, eh. May angal ka?" Natawa pa ito lalo. "Highblood ka naman, bessy. Ito na ampalaya na," wika nito sabay wink at naglakad na kasama si Aira para um-order. Ano 'yon? Mukhang nang-aasar na naman ang bruhang 'yon. Napailing-iling nalang ako. "Gwen, kilala mo na 'yong mga friends ko, 'di ba?" tanong ni Sir Grey kay Gwen. "Ito si Dexter." Turo niya kay Dexter. "Si Cedric, tapos 'yong dalawang bumili si Chloe at Aira." "Tapos si— "Yana." Baling nito sa akin. Ngumiti naman sa akin si Gwen. Nginitian ko rin ito kahit parang mas gusto ko itong irapan. "Ito na ang mga order niyo." Lapag ni Chloe at Aira n'ong tray ng mga food namin. Bigla akong nag-crave sa ampalaya, eh. Bakit ba? "Gusto mo. Kuha kalang?" Abot sa akin n'ong plato na may kare-kare ni Sir Grey. Ayoko sana kumuha dahil sa inis ko rito pero bukod sa natakam ako and nahihiya akong i-reject offer niya sa harap ng mga kasama ko kaya naglagay na rin ako sa plato ko. "Thank you." Marunong naman kasi talaga ako mag thank you kahit inis ako. "Alam mo ba, Gwen, palaging topic namin dito t'wing lunch break, about hugot." Kwento ni Sir Grey dito. Baka hindi niya napansing may mga kasama siya dito at 'yong isa lang ang kinakausap niya? "Really? Ang nice naman pala," wika nito na parang namamangha. "Yep, bebe girl, madalas puro hugots kami dito lalo na't puro sawi 'yong mga tao dito." Si Chloe. Daldal ng bruha. "Nadamay pa ako?" ani Cedric. Nagreklamo 'yan, palibhasa siya lang may dyowa sa amin. May dyowa nga, ginawa naman siyang sugar daddy. Sa amin kasing magkakaibigan ay ito ang pinaka mas angat sa buhay. Naikwento nito sa amin before na madalas siyang hiraman nang girlfriend niya ng pera na hindi naman pinapalitan, bukod roon ay ang lakas pa raw makapagpabili ng mga gusto nito ito. Okay lang naman daw kay Cedric kasi boyfriend nga siya. Naiiling nalang ako. Sobrang kawawa siya kapag iniwan siya nang babaeng 'yon. "May reklamo talaga, Ced? Akala mo naman ang ganda ng status nang love life mo." Real talk ni Chloe dito. Ilang beses na ba namin siyang pinayuhan pero wala talaga, eh. Walang kadala-dala. "So, pwedeng magtanong dito?" tanong ulit ni Gwen. Pwede naman basta't h'wag lang siya 'yong magtanong. "Sure, pwede naman, bebe girl. H'wag lang math," biro ni Chloe dito. "Ahm. Sige, isip ako question," wika nito bago tili nag-isip ng itatanong. Parang bigla na namang sumama mood ko. "Ay ito. My question is.. Would you rather have a lazy but trusting partner or have a jealous but hard working partner? Ayan." "Jusko. Hirap naman n'yan, bebe girl," ani Chloe na nagkakamot na nang ulo. "Sinong gustong unang sumagot?" Chloe asked. Para pa ngang walang gustong sumagot dahil nag-iisip pa silang lahat. "Ako na nga lang," ani Chloe na siya ring sumagot nang tanong niya. "Siguro sa akin jealous but hard working partner. 'Di ba normal lang naman ang pagseselos sa relasyon. Sabi nga nila hindi magseselos 'yan kung hindi ka mahal n'yan kaya 'yon ang answer ko jealous but hard working partner." "Sige, ako na sunod. Tutal ako naman sunod kay Chloe," ani Dexter. "Gano'n din kay Chloe. Aanhin mo pa 'yong pagiging loyal kung tamad at batugan naman? Eh, sa panahon ngayon, hindi ka naman mapapakain ng pagiging loyal. So, doon tayo sa isa." Tama. Si Cedric naman dahil ito ang kasunod nito. "Ako na ba?" tanong nito habang hawak at abala sa phone. "Madaya. Nagse-search ng sagot 'yan," ani Chloe dito kaya natawa kami. "Hindi, ah. Ka-chat ko girlfriend ko." Oh, eh 'di, sana all. "Oh, sagot mo pala?" ani Chloe dito. "Oo na. Ito na—" He paused. "For me siguro, tamad basta loyal na partner? Mahirap din kasi 'yong puro selos. Baka puro away lang ang mangyari. Siguro 'yon nalang. Sorry na, guys. Hindi maka-relate sa tanong," natatawang sagot nito. "Aira?" tawag ni Chloe dito ngunit abala na itong kumain at ngumuya. "Pass. Char." "Ako. I would choose jealous but hardworking partner. kasi ako yung tipo ng babae na gusto kong patay na patay sakin 'yong partner ko tapos gusto ko rin seloso kasi doon mo malalaman pag mahal ka ng isang lalake, kapag masyadong seloso gano'n and hardworking naman kasi para sa future niyo rin naman 'yon." Nagmamadali nitong sagot. Mas focus siya sa food niya, eh. Natapatango-tango naman ako sa mga sagot nila. Napatingin naman sila sa akin dahil ako ang kasunod ni Aira. Napag-isipan ko naman na ang sagot ko. "Ako. Siguro.. Wala. I mean sa part ko lang syempre, babae ako, eh. Loyal nga pero tamad naman, anong magiging future namin, 'di ba? Tapos 'yong isa seloso pero masipag. Okay lang namang magselos pero ayokong dumating sa point na masakal lalo na kung sobrang possessive ng taong 'yon or manipulator. So, depende kaya kung sakali, wala muna. Hindi rin maganda 'yong pagiging seloso o selosa, eh." "Sir Grey?" tawag ni Gwen sa kay Sir Grey. Eh 'di, wow. "Pwede bang wag nang sumagot?" natatawang wika nito. "Pwede naman, Sir. Kung wala na talagang maisip na sagot," sagot ni Gwen dito. Sila na sobrang close. "'Di joke. Siguro for me, both? I mean piliin ko 'yong both. Kasi kapag mahal ko 'yong tao. Hindi naman problema sa akin kung tamad siya kasi kaya ko naman siya i-provide and kung selosa naman, okay lang din. Mas gusto ko nga nang pinaghihigpitan ako. Kahit ano pang ugali niya, tatanggapin ko siya nang buong-buo. "Naks. The best ka talaga, Sir." natatawang komento ni Cedric dito. "Hindi naman, ang panget nga ng answer ko, eh." "Ikaw, bebe girl, gusto mo rin bang sumagot?" tanong ni Chloe dito. "Siguro next time na lang na kapag may another question. Wala na akong maisip na sagot, eh." Mukhang makakasama na talaga namin palagi 'tong Gwen na 'to. Patapos na pala akong kumain. "Una na muna ako, guys. May important pa kasi akong gagawin." Tumayo na ako pagkatapos kong kumain. "Sige, bessy." Si Chloe na ang sumagot. "Sige." Wala naman talaga akong important na gagawin. Naiirita lang talaga 'yong pakiramdam ko doon sa table. "Bakit parang masama araw mo ngayon?" tanong ni Chloe nang naglalakad na kami dahil kaka-out lang namin sa office. "Masakit lang ulo ko. Alam mo na. Mas madami tayong ginagawa ngayon." Madami kaming new project ngayon. "Inuman mo nalang 'yan nang isang boteng pulang kabayo tapos tulog. Okay na 'yan." Loko. "Lebre mo 'ko." Akala mo naman talaga. "Huh? H'wag na. Itulog mo nalang 'yan, bessy, wala na 'yan bukas." Sabi ko na nga ba, eh. Napatigil naman kami sa paglalakad ni Chloe nang marinig namin sa likurin namin dahilan kung bakit kanina pa ako naiinis. "Chloe? Yanskie? Uwi na ba kayo?" tanong pa nito. Na naman. Lalo yatang sasakit ulo ko. Tumango naman si Chloe "Oo, Sir." "Ah, baka gusto niya nang sumabay sa akin? Pauwi na rin kasi ako." "Ah— Eh—" Sasabihin ko sana na susunduin kami ni Papa nang magsalita si Chloe. "Kung tawagan mo kaya Papa mo, bessy. Baka sakaling hindi pa nakaalis. Sabay na tayo kay Sir." Bakit kailangan pa sumabay? "H-h'wag na. Okay lang. Nakakahiya naman kay Sir. Baka nakaalis na 'yon si Papa." Bakit hindi si Bebe Gwen niya ang ihatid niya?? "Tawagan mo muna kaya, bessy." Si Chloe. Ang kulit ng bruha. Hindi marunong makiramdam. Parang ang sarap kurutin sa singit. Wala akong nagawa kung 'di tawagan nalang si Papa dahil inaantay din talaga kami ni Sir Grey. Sana nakaalis na si Papa. "I-loud speaker mo, ah." Bakit ko pa ila-loud speaker? Tinawagan ko si Papa at sumagot naman kaagad ito. "H-hello, 'Pa." "Oh? Nandito pa ako bahay. Papunta palang." Tagal niyo naman, 'Pa! Awit. Nagulat naman ako nang agawin ni Chloe 'yong phone ko. "Hello po, Tito. H'wag na po kayong tumuloy. Ako na pong bahalang maghatid dito sa magandang anak niyo. Sige po." Napailing-iling nalang ako. Pala-desisyon na rin 'tong Chloweta na 'to. "Oh, okay na." Abot nito nang phone ko idinikit ulit sa tainga ko ngunit mukhang naka-off na sa kabilang line. Magaling talaga 'tong babaetang 'to na utuin si Mama at Papa. Kaya nga kapag ito ang nagpapaalam, okay na kaagad. Ang laki ng tiwala ng parents ko sa kaniya, eh, hindi naman katiwa-tiwala ang mukha. "Okay na ba? Tara na?" ani Sir. Oo nga pala, nandito pa pala siya. Mukhang wala naman akong choice kung 'di um-oo nalang. Sabay-sabay na kaming naglakad papunta ng parking area. Nasa hulihan pa nga ako kaya malaya kong napagmamasdan ang likod nila lalo na siya. Sa tindig at porma nito, kahit nakatalikod ay gwapo at malinis itong tignan. Nauna pang pumasok ang kupal kong bessy na si Chloe sa akin sa car ni Sir Grey. Napatanga tuloy ako saglit. Kainis talaga 'tong babaeng 'to. Walang nagawang umupo nalang ako sa tabi ni Sir Grey. Inunang binaba si Chloe kaya nang maihatid ito ay parang naging awkward 'yong pakiramdam ko. "Ahmmm. Yana.." Napalingon naman ako kaagad dito nang magsalita ito. "Okay ka lang ba?" tanong pa nito. Oh, bakit niya natanong 'yan? "O-okay lang naman," sagot ko. Awkward talaga, eh. Bakit kaya 'to? "Gusto ko lang sanang mag-thank you.. Kasi tinanggap mo 'ko bilang kaibigan niyo." Napalingon naman ako dito. Nakangiti ito habang focus pa rin naman sa pagda-drive. "Wala 'yon. G-gusto ka rin naman n'ong mga kaibigan ko." Kahit ayoko pa kung sakali, eh. Wala rin naman akong choice. Kahit ayawan ko pa siya, hindi ko naman hawak kung sino 'yong ayaw at gusto ng mga kaibigan ko. "A-ako ba.. Gusto mo?" Huh? Napalingon naman kaagad rito dahil sa gulat ko sa tanong nito. Ano raw?? "I-I mean gusto mo rin ba akong maging kaibigan?" Akala ko kung ano, eh. Hindi kasi nililinaw kaagad. Napabuntong hininga naman ako sa tanong nito. Una palang ay ayoko talaga sa kanya pero— Alam ko sa sarili ko, eh. Alam ko sa sarili ko na unti-unti nang nababago ang tingin kong 'yon sa kaniya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD