"Oh, bakit parang stress ka d'yan?" tanong ko kay Chloe na mukhang bangag habang naglalakad kami papunta ng canteen.
"May mga new officemates tayo, 'di ba?"
Tumango naman ako dito. Madami kasi kaming hiring this year at 'yong iba ay katatapos lang ng training.
Nandito na kami sa canteen.
"Tapos karamihan mga fresh graduates sa akin in-assign para turuan pa sila at i-guide. Nakakapagod lang lalo na 'yong ibang maaarte."
"Arte mo, Chloweta. Mabuti nga hindi ka CR in-assign." Si Cedric na naman ang unang nag-react.
"Ikaw nalang sa CR, Cedric. Tutal bagay naman mukha mo doon. Mukhang inidoro." Kahit kailan talaga. Nasa harap kami ng pagkain. Mga pasmado bibig.
"Ikaw naman mukhang t—"
"Sshhh." Saway ko sa kanilang dalawa. Mukhang alam ko na kung saan papunta ang usapan nila.
Pareho ko silang binantaan ng tingin at nanahimik naman.
Abala na kami sa food namin nang may nga babaeng dumaan sa amin na hindi pamilyar sa akin. Magaganda ang mga ito at mukhang mga bata pa.
"'Yon 'yong mga tinutukoy kong tinuturuan ko, guys." Tukoy ni Chloe doon sa mga babaeng dumaan. Kaya pala, mga bata pa.
"Magaganda, ah. Lalo na 'yong isa." Komento ni Cedric habang nakatingin pa rin doon sa mga new.
Um-order na rin ito ng mga pagkain nito. Marahil ay magkakasama ito sa training o sa pag-aapply kaya magkakakilala ang mga ito.
Naalala ko tuloy no'ng bago pa kami ni Chloe. Mabuti nalang at pareho kaming natanggap kaya hindi na ako nahirapang mag-adjust dahil may kasama ako.
"Ano? May hugot na naman ba kayo? Wala pala si Aira today. Absent ang bruha. Masama daw pakiramdam." Si Chloe.
"Kayo kasi, eh. Pinasagot niyo pa no'ng nakaraang discussion natin. Nilagnat tuloy," natatawag saad ni Cedric.
"Baka may tanong ka Sir Grey?" Nabaling naman ang tingin ni Sir Grey sa amin.
"Ahm. Question, guys? Ahm. Wait. Isip ako." Dinamay pa nila si Sir Grey.
"Ako, guys, may question ako," ani Dexter. Natuwa naman ako dahil kahit papaano ay nakikitaan ko na ito ng improvement sa pagmo-move on. Unti-unti na siyang nakakabalik sa dati.
"Ito nalang, mag-move on kahit mahal na mahal mo pa or mag-stay kahit sobrang sakit na?" Nice. Kaya niya nang magtanong about sa ganiyan.
Napaisip naman ang mga kasama ko.
"Ako, Dex, move on na. Bakit pa ako mag-stay kung masakit na, 'di ba?" ani Chloe na nagtaas pa ng isang kamay bago sumagot. Mukhang bet ng bruha ang topic.
"Nice. Tumama yata ng sagot si Chloe ngayon," natatawang wika ni Dexter dito kaya natawa na rin kami.
Ganyan kasi 'yan. Kung hindi short 'yong sagot, copy paste.
"Ako muna, guys." Si Cedric. Takot na takot maubusan ng answer, oh.
"For me, mag-stay kahit sobrang sakit na. I mean, oo, sobrang sakit pero kung kaya ko pa, why not, 'di ba? Lalo na't sobrang mahal na mahal ko 'yong tao."
Woah.
Martir naman pala. Martir naman kasi talaga 'yan in real life.
"Nice, brad, sad boy 'yan?" biro ni Dexter kay Cedric.
"Guys, pwedeng pass muna? Gusto ko lang munang marinig 'yong mga sagot niyo." Si Dexter.
Tatango-tango naman kami kay Dexter.
"Syempre naman, brad. Kahit sino pwedeng pag-pass kapag hindi alam ang sagot," natatawang biro ni Cedric dito.
Alam naman namin 'yong situation niya and tingin ko handa na talaga siyang makinig sa amin at mag move-on.
"Sinong mauuna sa inyo?" tanong nila sa aming dalawa ni Sir Grey.
"S-sige, siya muna." Turo ko kay Sir Grey.
Iisip pa ako.
"Ah, sige. Ahmmm. Tingin ko, guys. Depende sa situation. Magmo-move on nalang kahit mahal ko pa kung ayaw na talaga n'ong isa or one-sided love nalang and mag-stay siguro kahit sobrang sakit na kung nakikitaan ko pa nang pag-asa 'yong relationship namin. Why not, 'di ba?"
Bakit ang galing niya talaga sa question and answer? Asar.
Nakatingin naman silang lahat sa akin for final answer.
Syempre hindi pa rin mawawala sa akin 'yong pagiging one-sided.
"Ahmmm. Siguro sa akin? Mag move on nalang kahit mahal pa. I mean, bakit ka pa magsi-stay kung nasasaktan ka na ng sobra? If that person really loves you makikita niya 'yong worth mo, 'di ba? Stop chasing for someone na hindi makita ang halaga mo dahil kung talagang mahal ka ng taong 'yon, hindi mo kailangang mamalimos ng pagmamahal at maghabol dahil kusa niyang ibibigay sa'yo 'yon." Ang haba ng paliwanag ko pero ayon nga one-sided pa rin.
Pasens'ya by Moira.
"Lalim niyo talagang dalawa." Si Cedric na natatawang tinignan kaming dalawa.
"Guys, pwede na akong mag-ask ng another question?" Gulat naman kami sa winika na 'yon ni Sir Grey.
"Broken hearted, Sir?" tanong ni Chloe dito.
Umiling naman ito.
"Hindi naman. Wala naman dapat ika-broken kasi wala naman akong girlfriend." Naka-half smiled pa na wika nito.
Weh?
Bakit feeling ko sa akin pa siya nakatingin habang sinasabi niyang wala siyang dyowa? Eh, ano naman?
"Really, Sir? Wala kang girlfriend?" ulit na tanong ni Dexter dito.
Umiling ulit ito.
"Wala talaga." Eh 'di, wow. Akala mo naman maniniwala ako. Baka walang girlfriend dito sa loob ng company, sa labas mayroon.
"Ano na 'yong question mo, Sir? Akala ko about na sa lovelife mo, eh." Si Chloe.
"No. Wala akong gano'n." I don't know pero parang nakatingin pa siya sa akin habang sinasabi 'yon.
Or am i just assuming? Tse. By the way, wala rin naman akong pakialam.
"Ehem. Ang question ko pala, kung papipiliin ka, past na mahal mo pa pero hindi ka mahal or present na mahal ka pero hindi mo mahal. Ayan. Sorry sa question, biglang pumasok sa isip ko, eh."
Pwede bang mauna na akong sumagot. Obvious naman kung anong pipiliin ko, eh.
"Ako muna, guys," singit ko na kaagad sa kanila dahil may sagot naman na ako.
"Sige. Mauuna ang ating hugot queen." Hugot Queen talaga. Inirapan ko naman ang bruhang 'yon na si Chloe.
"My answer is wala. Kasi bakit ko pa pipiliin si past kahit na mahal ko pa kung hindi naman na ako 'yong mahal niya, 'di ba? And past is past, h'wag na nating balikan 'yong mga taong sinaktan lang tayo lalo na at the first place, alam naman nating hindi tayo ang mahal niyan. Sa present naman hindi rin pwede kasi ang unfair naman n'on para sa kanya na pipiliin mo siya kahit na may iba ka namang mahal, mabuti pang masaktan siya nang maaga kaysa paasahin mo siya ng matagal at pakitaan siya ng pagmamahal na alam mong hindi naman totoo." So ayon. Masyado nang mahaba 'yong sagot ko.
"Naks ka nang, bessy, hugot na hugot. Lalim n'on." Si Chloe na alam kong palaging nauunang nagre-react sa mga sagot ko.
Ako pa ba?
"Bilisan na natin baka matapos na 'yong lunch break. Ako na muna sasagot," ani Cedric.
Grabe 'no? Nakakakain kami habang nagdadaldalan. Siguro talent na namin 'yon or sadyang nasanay nalang kami.
"Ako siguro sa present kasi bukod sa may girlfriend ako ngayon, kasi for me kapag ex or past na hanggang doon nalang 'yon. Piliin naman natin 'yong tao na tayo ang pinili."
Truth din. H'wag maghabol sa past or ex kung may present namang handa kang piliin.
"Ako na." Si Chloe na nagtaas pa talaga ng kamay.
"Akin? Doon nalang din ako sa present. Selfish bang ituturing kung mas gusto mong mahalin ka at alagaan kahit na wala kang nararamdaman doon sa tao? Tama si Cedric, piliin naman natin 'yong taong tayo ang pinili." Copy paste na naman ang bruha. Tinamad na mag-isip ng sagot pero ang ganda ng una. Pwede na.
"Dex?" Baling ko naman kay Dexter dahil siya nalang ang sasagot.
Mukhang nag-iisip pa naman ito.
"Ahm.. Present nalang kasi naniniwala naman akong maaaring matutunan ang pagmamahal sa isang tao, so kahit sabihin nating mahal ko siya ngayon, anytime naman ay pwedeng mabago 'yon."
Nice answer. Napatango nalang ako. Pwede rin naman 'yon.
"Ikaw, Sir?" tanong ni Chloe kay Sir Grey. Napalingon naman ako dito maging ang ibang kasama ko.
"For me, kung sino sa dalawa 'yong mahal ko kasi naniniwala ako na piliin natin kung saan tayo masaya, at the end of the day naman, may pagsisihan man ako atleast alam ko sa sarili kong pinili ko kung ano 'yong nasa puso ko. Atleast alam ko sa sarili kong kahit sa huli, sinubukan ko pa rin siyang piliin kahit na nasaktan ako or hindi naman talaga 'yong nasa puso niya. Atleast alam ko na ginawa ko pa rin 'yong best ko at pinaglaban ko siya bago ko siya ipaubaya. Ayon lang."
'Yong totoo? Broken hearted din kaya siya??
Pagkatapos ng lunch namin ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming work.
Medyo stressed naman ako. Daming paper works pinapagawa. May mga new project kasi kami.
Napadaan naman ako sa desk ng iba kong ka-workmates nang may makita ang mata ko na iba.
May itinuturo si Sir Grey doon sa isa sa bago naming ka-workmate. At doon pa sa maganda. Nagtatawanan pa ang mga ito habang may itinuturo si Sir Grey sa desktop nito.
Hindi ba 'yan itinuro sa training?
"Ehm—" tawag atensyon ko sa mga ito at napatingin naman sila sa akin.
"Ahm. Is there a problem, Sir?" Baka kasi sakaling may maitulong ako. Nakakahiya naman. Sa BM pa sila nang-iistorbo.
"Nope." Ngiting iling na sagot ni Grey.
"Kaya ko naman nang i-handle pero salamat," sagot nito at bumalik ulit sa ginagawa nito para turuan 'yong new namin.
Kayang i-handle kasi maganda? Sinasabi ko na nga ba.
Parang biglang nag-init ang ulo ko sa reaksyon nito. Ako na nga 'tong nag-aalok ng tulong, ako pa 'tong tinanggihan! Eh 'di wag, magsama sila! Inalisan ko naman ang mga ito at hindi na nagpaalam.
Bakit pa ako magpapaalam, eh, busy naman siya, 'di ba?
"Okay ka lang, bessy?" tanong ni Chloe nang makasalubong ko ito.
Tamang-tama, itatanong ko lang kung bakit si Sir Grey 'yong nag-aasikaso sa mga bago. Kahit mainit ang ulo ko naalala ko pa rin pala itanong.
"Saan punta mo, bakit si Sir pala nagtuturo doon sa mga bago?" tanong ko rito kasi mukhang may pupuntahan ito.
"Bibili ng kape. Nautusan ako, eh. Tsaka nagpresenta rin si Sir na siya na bahala doon sa mga newbie, kaya ayon."
Ah. Talaga ba. Ang bait yata niya.
"Saan ka pala bibili ng kape. Bili mo na rin ako." Kakatapos lang mag-lunch pero ang sarap pa rin talaga mag-kape.
"Wag na. Kasali ka naman dito sa inuutos sa akin."
Huh?
"Sino ba nag-utos sa'yo?" tanong ko rito kahit may kutob na ako kung kanino na naman.
"Si Sir Grey. Bilhan ko daw 'yong mga new officemates natin kasama tayong dalawa."
At manglelebre pa talaga siya? Ibang klase rin.
"H'wag kang mag-alala, kasama naman tayong dalawa dito, eh."
Tuwang-tuwa na naman ang bruha sa lebre, ako naman parang lalong uminit 'yong ulo ko sa nalaman.
Nagbago na isip ko. Ayoko na palang magkape lalo na kung galing lang sa kaniya.
"H'wag na. Pakisabi nalang ayokong mag-kape ngayon." wika ko rito at tinalikuran na ito.
Naalala ko na naman 'yong pagtatanong ko kanina na parang napahiya pa ako dahil sa pagtanggi nito sa pagprisinta ko. Nakakainit pala ng ulo magkape.
Inumin niya lahat ng kape niya kasama ng mga bagong officemates namin at mabilaukan sana siya! Amppp.
Habang nasa harap naman nang desktop ay hindi ako makapag-focus. Ano ba 'to. Naiirita pa rin ako na ewan.
Napakamot nalang ng ulo ko sa inis.
"Ayos ka lang, bessy? Mukha kang may toyo at tahimik kang nakasimangot d'yan," tanong ni Chloe. Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala ito at nakabalik na.
"Wag ka nang toyoin diyan. Ito na kape mo." Lapag nito n'ong iced coffee na paborito ko pa.
Sinabi ko nang h'wag akong bilihan, eh. Tigas ng ulo.
"Wag nang mainit ang ulo, ah. Palamigin mo na ulo ko at inumin mo 'yan. Wag kang mag-alala, tingin ko naman kahit madaming binilhan si Sir Grey ng kape. Eh, ikaw pa rin 'yong pinaka-special. Tignan mo. Pinakamalaki size ng sa'yo at pinakamahal."
Ano daw?
"Hoy!" Sasagot palang sana ako rito nang dali-dali na itong umalis. Hindi pa ito nasiyahan at nag-wink pa ito.
Asar. Lagi nalang akong inaasar ng bruhang 'yon.
Napatitig naman ako doon sa kape at inalala ang sinabi kanina ng bruha kong kaibigan.
Totoo kaya 'yon?