Chapter 9

2189 Words
"Napag-usapan, 'no?" natatawang bulong sa akin ni Chloe nang makakababa na kami ng sasakyan. Kinurot ko naman ito sa tagiliran. "Awts, huh? Nagtatanong lang," naka-pout na wika nito. Inirapan ko naman ito. Kanina pa ako inaasar, eh. "Sarap ng hangin." Si Aira. "Anong lasa, Aira?" natatawang tanong ni Cedric dito. "Lasang hindi ka na mahal." Pasmado talaga 'tong bibig ni Aira. Alam niyang fresh pa 'yong sa isa. "Char lang. Seryoso niyo naman. Tara na nga." Humawak pa ito sa braso ko at braso ni Chloe at naglakad na kami at nauna. Mukhang na-realized ng gaga sinasabi niya lalo na't napatingin kami sa kaniya. "Kung kanina ang sarap ng hangin, ngayon ang sarap na talagang kumain." Si Aira na napapatingin sa mga food stalls na nadadaanan namin. Ang bango nga, eh. Nakakagutom. "Saan niyo gustong unang pumunta, guys?" tanong ni Sir Grey. Lahat ng food stalls gusto kong puntahan gusto ko sanang isagot. "Ukay-ukay muna, guys, please, wala akong pera. Baka sakaling makapulot ako ng dollars." Si Chloe na sa mga ukay-ukay naman nakatingin. Kaliwa't kanan, eh. "Asa, Chloe." Asar ni Cedric dito. "Oo kaya. May kilala akong nakakuha na ng dollars sa pinamili niyang ukay-ukay kaya nga mamimili na ako at unang-una kong iche-check ang bulsa kapag may nakapa akong papel, bilhin ko na," wika nito at nauna nang pumunta sa bilihan ng ukay-ukay para mamili. "Bill sana nang kuryente makapa mo," ani Cedric dito na tatawa-tawa pero namili na rin ng kaniya. Iiling-iling nalang ako sa kanila. Namili na rin ako ng akin sa may bilihin ng jacket. Ang cute ng mga hoodies nila, eh. "Ang cute nito, parang bagay sa'yo," wika nang taong nasa likod ko habang turo-turo 'yong black na jacket na may design ng butterfly. Si Sir Grey na nakatingin din doon sa mga jacket. Tama naman siya dahil kahit ako na-cute-tan doon pero lahat naman cute. 'Yong jacket lang, ah. Namili na rin si Sir Grey ng kanya dahil sa tabing side lang n'on ay may malalaking size na hoodies din. "Tingin mo, anong bagay sa akin. Itong black or white." Pakita niya sa akin n'ong dalawang hoodies na bitbit niya. Parehong cute pero mas bagay sa kanya ang white color. "Both pero mas okay sa'yo 'yong white S— I mean Grey." Kapag nasa labas nga pala kami Grey nalang dapat ang itawag namin sa kanya ng mga kasama ko dahil total daw ay magkakaibigan naman kami. Hirap pa akong mag-adjust. Sorry na. "Sige, itong white nalang." At kinuha nito 'yong white. Ako naman ay napili ko 'yong may butterfy na design na itinuro nito kanina. Ang cute talaga, eh. Pagkatapos doon sa ukay-ukay ay nagpalit-lipat na kami ng store. "Bakit gano'n? Hinalughog ko na yata lahat ng damit sa mga ukay-ukay dito pero wala talaga akong makitang dolyar." Si Chloe na mukhang napagod na kakapili. "Ayaw sa'yo ng dolyar, Chloe, takot sa mukha mo. Kuripot ka daw kasi." Tatawa-tawang asar ni Cedric dito. "Hiya naman po ako sa mukha mo." Irap pa n'ong isa. "Kain na nga lang tayo." Aya ni Chloe na mukhang nagsawa na sa ukay-ukay kakapili. Nakakahiya nga maghalukay 'yan, eh, tapos wala namang binili. Una kaming napadpad sa barbeque stall. Kung ano-ano nang pinagkukuha namin pero syempre mas madami ang isaw sa akin. Sarap nito tapos madaming suka. Habang iniihaw 'yong mga order namin ay naglolokohan na naman 'tong kasama ko. "Chloe, lebre ka naman. Kahit ngayon lang," ani Cedric dito na alam naming never mangyayari dahil kuripot ito. "Wow, ah. Ikaw ang manlenbre. Ikaw ang rich dito, eh." Tawang-tawa naman kami sa bangayan nila. "Ikaw naman, kahit isang isaw lang. Palibhasa, kurips ka, eh." "Anong kuripot? Hindi kuripot ang nag-iipon. Alam niyo namang bread winner ako." "Tinapay ba, Chloe? Anong klaseng tinapay?" tawang-tawang balik na tanong ni Cedric dito. "Hoy, kayong dalawang letter C. Tumigil na kayo. Mamaya n'yan kayo magkatuluyan." Sita ni Dexter sa mga ito. Kami naman 'yong tawang-tawa sa mukha nila dahil hindi maipinta. Pero syempre joke lang. Bukod sa taken na si Cedric ay tropa lang talaga kami dito. Pagkatapos sa barbecue stall ay lipat naman kami sa ibang food stall. Foodtrip lang pala talaga pinunta namin dito. Pagkatapos mag foodtrip ay nag ikot-ikot ulit kami para mamili bago umuwi. "Pwede kayang maglaro ng takbuhan dito?" biglang out of nowhere na tanong ni Chloe habang naglalakad-lakad kami at namimili. "Pwede naman, pero pati pulis hahabulin ka. Malay ba nila kung snatcher ka." Tawang-tawa naman kami kay Aira. "Mukha ba akong snatcher?" tanong pa Chloe na akala mo sad girl na naman. "Ikaw may sabi n'yan." Dinagdagan pa ni Cedric. "Ouch. Ang mean niyo talaga sa akin. Grabe kayo." Drama nito habang nakahawak pa sa dibdib nito na waring akala mo'y aping-api. "Asus. Oh, sa'yo na 'to. Abot sa kanya ng isang hoodie jacket ni Cedric na pinili nito." Oh, 'di ba? Mag-aasaran lang 'yan pero tropa pa din. "Sa akin na 'to?" Sinisigurado pa ng bruha. "Ayaw mo? Madali naman akong kausap. Balik nalang natin—" "'Oy, hindi, ah. Gustong-gusto ko 'to. Wala ng bawian." Akala mo talaga hindi sad girl kanina, eh. Nang pauwi kami ay gano'n pa rin ang ayos namin. Kaming dalawa ni Chloe sa car ni Sir Grey. 'Yong dalawa naman ay sa kabila. Car ni Cedric. "Kabag lang nakuha ko dito, guys, walang hiya. Malas na nga sa ukay-ukay, malas pa sa boys." Sad girl na naman si Chloweta. May lalaking pogi kasi siyang nakita kanina tapos nagpa-cute siya. Kinawayan pa nga ng gaga at kumaway din pabalik pero akala niya sa kaniya. Sa likod pala niya at lalaki din. Nag-beso pa ang mga ito. Baklush pala 'yong pogi. "Damit kasi hinahanap sa ukay-ukay, beshie, hindi dolyar. Pagkain din ang hinahanap sa food stalls, hindi boys. Masyado ka kasing nagfo-focus na hindi madaling makuha. Dapat unahin mong mag-enjoy." Mukha tuloy siyang nalugi. Basta ako. Nag-enjoy naman kahit papaano. "Humirit na naman ang hugotera. Sino nga ulit 'yong nalasing last week?" Tinignan ko naman ito at inirapan. Wow, naman. Palaban na. "Grey, pa-music ka naman d'yan," ani Chloe kay Sir Grey na nagda-drive na. Wala talagang hiya 'tong babaeng 'to. Nakikisakay na nga lang kami. "Ay, sorry. Sige," wika nito at binuksan 'yong radyo ng sasakyan niya. "Ayan, para hindi ko naririnig na may bubuyog na humuhugot d'yan sa tabi." Luh. Akala mo naman siya. F.O na ba 'to? Char. Masasanay kana lang sa amin ni Chloe. Mag-aaway lang pero hindi mag fi-friendship over. "Dito na ako Sir. Thank you po sa free rides, sa uulitin!" Kapal talaga mukha, oh. Nakababa na kasi ito. "Ingat kayo d'yan sa katabi niyo, Sir!" sigaw pa nito nang makababa ito. Kakaway-kaway naman itong umalis at nakangisi pa nga. Natawa nalang si Sir Grey. Ako nga ang huling ihahatid ni Sir Grey. Wala naman akong maramdamang kaba kahit na dalawa lang kami ngayon. Ewan ko ba. "Inaantok ka na ba?" tanong pa nito nang maghikab ako. Parang natanong niya na 'to noon, ah. Sa office nga lang. "Medyo, Sir." Anong oras na rin kaya, malamang aantukin talaga ako. "Malapit na rin naman." Napatingin naman ako bintana. Oo. Malapit na nga. Actually, nandito na. "Thank you sa paghatid, S— Grey." Nasanay talaga sa Sir. Sorry na. "Thank you rin sa time mo, I mean niyo. Thank you sa bonding." Napatango-tango naman ako. Hindi ko alam kung sa antok lang ba pero bigla ako napatid. Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil alam kong babagsak na ang katawan ko sa lapag pero pagdilat ko nang mata ay hindi nangyari 'yon. Mga bisig ang namulatan ko pagdilat ko ng aking mga mata. S-si Sir Grey. Nakahawak ito sa likod na waring sinalo talaga ako kung babagsak man ako sa lapag. Napatitig naman ako sa mga mata nito na makikitaan mo na puno nang pag-aalala. Ako ang agad na nakapagbawi sa pagkabigla. Binitawan naman kaagad nito. "O-okay kalang ba?" tanong nito ngunit gaya ko ay hindi rin kaagad ito makatingin sa akin. Wari'y nabigla rin kami sa mga nangyari. Bukod sa panginginig ng tuhod ay ramdam ko rin ang malakas na kabog ng dibdib ko. "O-okay lang, Grey. S-salamat sa pagsalo sa akin." Ngumiti naman ito. "Oo naman. Shshsh—" Huh? "A-ano?" Hindi ko kasi narinig 'yong huling sinabi niya dahil parang pabulong. "Wala. Ang sabi ko, always take care of yourself and goodnight?" Oo nga pala. "Sige, Grey." tawag ko rito nang tumalikod na ito para maglakad pabalik sa car nito. Kaagad naman itong lumingon. "Thank you ulit." Kaway ko dito bago ako pumasok sa loob. Pagpasok sa gate ay napahawak ako sa dibdib ko. Bakit parang ang lakas yata ng kabog mo ngayon? Kinabukasan kahit mukhang bangag man ay pumasok pa rin naman ako. Masakit nga lang paa at balakang ko. Kakalakad siguro namin kagabi. "Sakit ng likod ko." Reklamo ni Chloe sa amin nang lunch namin. "Sana all." Si Aira na trip na trip yatang inisin si Chloe katulad ni Cedric. "Gusto mo lipat ko sa'yo 'to, Aira?" sagot naman ni Chloe dito. "No, thanks. Okay na ako sa likod kong straight." Pasmado by Aira. "Oh, baka may gustong magtanong ng hugot d'yan? Ilabas niyo na para may pag-tsismisan ulit tayo." Si Cedric. Tsismis talaga. "Sige. Sige," wika ni Aira na game na game talaga sa mga ganito. "Ito, guys. When can you say.. It's time to stop?" Si Aira girl na naman na mukhang araw-araw may pinagdadaanan sa buhay hindi lang dahil sa pormahan pati sa mga tanungan. "Oh, saan mo na naman nakuha 'yan, Aira?" tanong ni Cedric dito. Daming baong tanong, eh. "Sa baol. Madami akong tanong doon, eh. Wala pa tayo sa kalahati, guys. H'wag kayong magreklamo." Wala pa ba? Eh, simula no'ng pumasok ako sa company na 'to, puro hugots na tanong niyo. "Dapat mauna kang sumagot, Aira. Dapat may answer ka rin," wika ni Chloe dito. Oo nga naman. In general naman, eh. Hindi naman para sa sarili niya. "Sige. Siguro sa akin kapag sobrang ubos ka na. Tigil na kasi sobrang sakit naman na kung wala ka nang ititirang pagmamahal kahit man lang sa sarili mo." Napatango-tango naman ako. May point si Aira. Napatingin naman kami kay Dexter. "Okay lang kung hindi kayang sagutin, mag-pass nalang." Pauna ko. Baka kasi hindi pa niya kaya sumagot. "Siguro kapag wala na 'yong pagmamahal niya sa'yo. Sino ba namang gugustuhing mag-stay kung one-sided nalang 'yong love na mayroon sa relationship niyo." Nakaya namang sumagot ni Dexter pero mababanaad pa rin sa boses niya 'yong lungkot. May point din siya. Bakit ako magsi-stay kung ako nalang 'yong nagmamahal, 'di ba? "Ikaw, Chloe?" ani Aira dito. "Siguro kapag mas matimbang na 'yong sakit kaysa sa pagmamahal? Kasi paano mo pa ipagpapatuloy 'yong pagmamahal mo sa kaniya kung puro pain nalang 'yong natatanggap mo. So mas better kung stop na." "Ced, ano na? Wish ko may masagot ka pa," natatawang wika ni Aira dito. "Mayroon pa, 'no. Wait?" Mag-isip ito nang ilang minuto bago sumagot. "Siguro kapag 'yong taong 'yon hindi kana kayang pahalagahan gaya ng dati, hindi kana kayang i-respeto katulad ng dati at hindi kana kayang mahalin katulad ng dati. Bakit ka pa magsi-stay sa taong hindi ka kayang piliin hanggang dulo, 'di ba? Kaya bitaw na kung gano'n." Okay. May nanalo na. Naka-weh naman 'yong bibig at facial expression ni Aira. Mukhang natuwa naman si Sir Grey sa sagot at nag-iisip pa ito nang isasagot nito. "Ang hirap, guys, ah. Anggagaling niyong sumagot," natatawang wika nito. "Kaya mo 'yan, Sir. Pambato pa naman kita," ani Aira dito. Napakamot nalang ito ng ulo at sumagot pa rin naman. "Depende pa rin naman 'yan, guys. Siguro kapag sobrang mahal mo 'yong tao kahit maubos ka na hindi mo pa rin masasabi sa sarili mong titigil ka na but at the end of the day gaya nga nang sabi ni Dexter, kung ikaw nalang 'yong nagmamahal mas maiging paunti-unti mo na siyang bitawan." Ako nalang lagi 'yong huling pinapasagot. Pakiramdam ko tuloy ubos na 'yong answer. Awit. "Ako? Ahmmm. Siguro kapag wala na 'yong love both side. I mean hindi naman masama bumitaw kung one sided 'yong love sa isa't-isa gaya ng sabi niyo pero syempre paano naman 'yong mag-partner na puro away nalang? 'Yong hindi na masaya at puro sakitan sa isa't-isa nalang ang nangyayari. Tingin ko kapag gano'n na, para na kayong naglolokohan dapat itigil na. I mean hindi para lang wakasan 'yong relasyon niyo, kung 'di para may ma-save pa kayo sa isa't-isa na respect kasi mahirap naman na ipilit niyo 'yong isa't-isa kung 'di na kayo masaya pareho. Sobrang toxic ng gano'n. So, ayon. Wala na akong ma-say, eh." Ang lulungkot ng mukha nila after namin lahat sumagot. Hugots pa. "Ang sakit naman. Sige, Aira, araw-araw mo kaming saktan sa tanong mo, baka sakaling mag-glow-up kami." Natawa naman kami kay Chloe. "Hindi ka mag-go-glow-up, Chloe. Hanggat hindi mo tinitigil 'yong kahihithit mo ng katol." Pare-pareho naman kaming natawa ulit sa sagot ni Cedric kay Chloe. Mga siraulo talaga. "Kapal. Atleast hindi mukhang lamok." Ouch. Pain. So ayon, after nang hugotan puro tawa nalang kami. Napailing-iling nalang ako sa mga kasama ko habang natatawa na rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD