Chapter 8

2153 Words
Pagkatapos magkape ay hinatid na ako nito sa bahay. Mabuti nalang din at tumila na rin ang ulan. "Thank you, Sir, sa paghatid at lebre." Ngumiti naman ito at nagulat ako sa sunod na ginawa nito. Tinap nito 'yong ulo ko at hair. "No biggie," ngiting sagot nito. Bakit kailangan ngumiti? Para tuloy ako natulala sa ngiti nito kanina. Chinits, eh. Nakaalis na 'yong sasakyan ni Sir Grey pero tulala pa rin ako doon sa kinatatayuan ko. "Sino 'yong naghatid sa'yo, 'Nak?" Napahawak naman ako sa dibdib ko sa gulat dahil bigla sumulpot sa tabi ko si Mama. "Mama, naman, eh." Wala man lang kaluskos na may katabi na pala ako. "S-si Grey po, Bagong branch manager namin sa company, Ma. Nadaanan kasi ako tapos malakas 'yong ulan kaya sinakay na ako. Hindi rin kasi ako masusundo ni Papa." Nakahawak pa rin ako sa dibdib. Si Mama kasi nanggugulat. "Nakita ko na siya no'ng nakaraang kasama mo mga kaibigan mo. 'Yon 'yong kamukha n'ong siraulo mong ex." Alam ko na nasa isip ni Mama. Masama ang tingin na ipinukol nito sa akin. Napakamot nalang ako ng ulo kahit hindi makati. "'Ma! Ano naman. Kaibigan ko lang po 'yon. H'wag kayong mag-alala." Pati si Mama allergic sa ex ko, 'di ba? Napailing-iling si Mama na nauna nang pumasok sa loob ng bahay. Bakit ba feeling nilang lahat may something ako lalaking 'yon? Pagdating ng kwarto ay nagbihis na ako at sumabay sa dinner. Wala pa rin si Papa kaya kaming tatlo lang ang nasa mesa. Si Mama, Josh at ako. "Yana Mae," tawag sa akin ni Mama nang paakyat na ako ng kwarto. Kakatapos ko lang maghugas ng pinggan. Si Mama naman ay nasa sala at nanunuod ng drama. "Po." Lumapit ako kay Mama. "Iwasan mo 'yong lalaking 'yon." Hala. "'Ma!" Ano ba 'yan. "Hindi mo ba nakikita? Sasaktan ka lang din ng lalaking 'yan." Napasimangot na ako. Huh? Pinagsasabi na naman nito ni Mama?! "Mama!" Ito na naman po siya. "Joke lang. Ito naman. Sige na akyat ka na. Sinubukan ko lang naman 'yong napanuod ko TV." Alam ko namang drama na naman. Madalas kasi ako pag-praktisan ni Mama sa mga punchline ng mga dramang napapanuod niya sa TV. Minsan naman ay si Papa at Josh na iiling-iling din gaya ko sa pagiging kalog ni Mama. Oh, 'di ba? Kung ano-anong nakukuha ni Mama sa panunuod ng drama. Napakamot nalang ako ng ulo at umakyat na. Hindi na ako naloko ni Mama, natuto na ako. Nandito na ako sa kwarto at nakahiga. Inaalala ko ang pag-uusap namin kanina ni Sir Grey. "Can we be friends?" Gulat ako sa tanong nito. Mukhang nahulaan nito ang iniisip ko. "I mean kung okay na sa'yong maging part ako ng group niyo? Feeling ko kasi ayaw mo sa akin, eh." Oh. Bakit alam niya? Nag-isip muna ako ng sagot. Oo. Ayaw ko sa kanya. Pero nakikita ko namang okay siyang kaibigan, hindi lang sa akin, maging sa mga kaibigan. So, sino ba naman akong nagmamagandang tutol sa kanya, 'di ba? Ngumiti ako at ako na mismo ang nag-abot ng kamay ko dito. "Oo naman, S— I mean Grey. Friends?" Napangiti nalang ito at napangiti nalang din ako dito. Naalala ko lang 'yon at tingin ko.. Nakagawa ulit ako ng tamang desisyon sa buhay ko na tinanggap ko 'yon.. "Good morning, 'Ma, 'Pa." Kakatapos ko lang maligo at mga-ayos, dumirestyo na dito sa kusina. Papasok na ng office. "Naks, ganda ng gising ni Ate, ah. Ako, 'Te, walang morning greet?" Ang kapatid kong si Josh na natatawa. Inirapan ko lamang ito. "Morning, Joshien." "Anong Joshien? Ate talaga, oh." Joshien kasi ang asar ko sa kanya dahil no'ng nasa tummy pa siya hiniling ko kay Mama na Joshien ang name niyo kasi akala ko no'n, girl din siya, kaya ayan. "Inspired ka siguro, Ate, 'no?" asar na naman nito. "Gusto mong ma-expired ngayon?" Inspired pala, ah. "Hoy, tama na 'yan. Kumain na kayong dalawa. Para na naman kayong bata." Sita ni Papa sa amin. Siya naman kasi nangunguna. Pagdating sa office ay sinalubong naman ako ni Chloe na mukhang may pang-asar na naman na ngiti. Nakangisi kasi ito at may pataas-taas pa ng kilay. "Anong mukha 'yan?" tanong ko rito. "Kumusta second date?" Huh? "Anong sinasabi mo d'yan?" Pinagsasabi na naman nito. "Asus. Hiya ka pa. Nag-my day kasi si Sir na nasa coffee shop siya kaya piniem ko siya na ilebre ako tapos ang sagot ni Sir, gora daw kasi kasama ka naman daw niya. Ayieee." Huh? "Ikaw, ah. Lowkey 'yern?" "S-sinabi niyang magkasama kami?" "Oo. Ano ka ba? Okay lang 'yon!" Niyugyog pa nito ang braso ko na waring kinikilig. "Sira. H-hindi naman date 'yon." Kaya naman pala ang lakas mang-asar. "Wala kasi akong masakyan kahapon tapos ayon dumating siya at nag-presenta na ihatid ako. S-so bakit pa ako mag-iinarte?" Wala namang masama roon, ah. "Ayieee. Date pa rin 'yon." Ang kulit talaga, sabing hindi date 'yon. "Heh. Manahimik ka nga, Chloweta. Kaibigan na rin natin siya. H'wag kang issue diyan." Iniwan ko na ito at pumunta sa desk ko. Mag-work na nga ako. Aga-aga, eh. "Hi. Morning, Yanskie." Busy ako sa paper works nang makatanggap ako ng message sa phone ko. Si Sir Grey iyon. Oh, bakit may pa-yanskie 'to. "Yanskie?" reply ko rito. "Yes, Yanskie?" reply nito. Inulit pa nga. "I mean bakit Yanskie?" Daming alam ni Sir, oh. "Wla lang. Para maiba naman. Cute naman. Oks lang 'yan, Yanskie. Hihi." Napakamot naman ako na ulo sa reply nito. "Ok." Wala na akong ma-reply or should i say hindi ko na alam ang ire-reply ko. Ayoko nang bigyan ng meaning 'yong Yanskie na 'yan kasi 'yong mga kaibigan ko, tinatawag din naman akong Yans minsan. Lunch time na at sabay-sabay na naman kami. Pumasok na rin si Dexter. Halatang hindi pa siya okay pero pinipilit magpakatatag. That's the real fighter. Masakit man pero pinipilit mong lumaban, hindi na para sa inyong dalawa kung 'di para naman sa sarili mo. I hope soon maging okay na siya. Naka-order na kami ng food namin at nilebre kami ni Sir— Este Grey ng dessert. Sana all hindi kurips. "Guys, may tanong sana ako. Para sana sa pinsan ko. Ang tigas lang kasi ng ulo ng babaeng 'yon. Gusto ko siyang unawain pero mas gusto kong mauntog siya para hiwalayan niya na 'yong dyowa niya ngayon." Si Aira. "Ituloy mo lang, Aira." Si Sir Grey na mukhang interesado na naman sa topic. Mas tsismoso pa yata 'to sa akin, eh. "Eh, 'yon nga, 'yong pinsan ko may dyowa ngayon pero ang siste, may sabit 'yong dyowa niya. I mean may asawa at anak." Napailing-iling naman ang mga kasama ko. "Mukhang mahirap 'yan, Aira." Si Cedric kaya natawa naman kami. Ito na naman tayo sa hugots number? Pang ilan na ba 'to? Madami na pala. "Ang masasabi ko lang bakit kasi sa may sabit papatol, eh, ang daming single sa mundo. Nako naman," ani Cedric na mukhang mas problemado pa sa nagkwento. "Eh, kung kayo ba kasi 'yong tatanungin. Saan ba kayo? Tama pero hindi ka masaya o sa mali pero masaya ka?" tanong ulit ni Aira sa amin. Pinahirapan pa kami lalo ng gaga. "Doon ako sa tama kahit hindi masaya kasi 'yon naman dapat, 'di ba? " Si Dexter. Mabuti naman at nakikisabay na ito kahit papaano sa amin. "Ayaw ko mag-judge, guys pero tama naman si Dexter doon pa rin tayo sa tama kahit hindi masaya," ani Chloe naman. Sunod namang nagsalita si Sir Grey. "Siguro para maiba naman doon ako sa mali pero masaya ka. Although hindi ko sinabing ipagpatuloy ng pinsan mo 'yong ginagawa niya pero kasi kung doon siya masaya, sino ba naman ako para pigilan siya? Pero sana ma-realize niya sa sarili niyang piliin 'yong tama kasi alam naman natin na hindi lahat ng kasiyahan ay pangmatagalan. Sana ma-realize niya na mas okay pa rin maging masaya nang walang tinatapakang ibang tao." Okay naman 'yong sagot niya ngayon pero para sa akin hindi pa rin okay na piliin 'yong mali dahil lang sa doon ka masaya. "Ahm. Para sa akin, gaya nga ng sabi niyo, doon rin ako sa tama kahit hindi masaya. Anong bang definition ng pagiging masaya? 'Yon bang ramdam mo 'yong pagmamahal sa kanya? 'Yon bang parang nasa kanya 'yong hinahanap mo na wala sa iba? Pero ano bang silbi ng pagiging masaya mo at pagmamahalan niyo kung 'yong isa hindi ka naman kayang ipagmalaki? Eh, hindi nga kayang manindigan sa una, sa'yo pa kaya? Ayos lang namang magmahal pero gaya nga nang sabi ni Sir Grey dapat alam mo sa sarili mong wala kang tinatapakang ibang tao." Napatango-tango naman sila. "Aira, tagasaan ba 'yang pinsan mo? Iharap mo nga sa akin 'yan nang maiumpog ko sa pader 'yong ulo." Umiral na naman ang pagka-maldita ni Chloe. "H'wag ka nang magtangka, dzai, malaki katawan n'on sa'yo." Natawa naman kami sa sagot ni Aira. Ang payat kasi ni Chloe. Ewan ko ba diyan, ang lakas-lakas naman kumain pero hindi tumataba. "Alam mo, Yans, same kayo ni Sir Grey. Parang pareho ang pananaw niyo sa love." Napatingin naman ako sa nagsalitang 'yon na si Aira. Same ba kami? Parang hindi naman. Kung medyo one-sided ako, Si Sir Grey salawahan. Amppp. "Nahawa yata ako dito sa pagiging hugotera ni Yana," natatawang wika nito. Napatingin naman ako dahil sa sinabi nito at parang may kung anong naramdaman ako sa loob ko. Pagtingin ko naman sa mga kasama ko ay nakatitig ito sa amin. Nagtatakang tinignan ko ang mga ito. Napakagat labi pa nga si Chloe at nangingiti. Naiiling nalang ako sa mga ito. Talaga naman. "Guys, sama kayo mamaya." Kapag inom na naman, ayoko muna, please lang. "Night market. Alam niyo na. Malapit na december, madami nang nagbubukas na night market ngayon. Kung gusto niyo lang naman sumama. No need to buy naman, gala lang tapos foodtrip." Si Cedric na dinedemonyo na naman kami sa gala. Hindi ka nga bibili pero mapapagastos ka pa rin. "Hoy, Cedric, kaano-ano ka ba ni Dora at lahat ng galaan alam mo?" kantiyaw ni Chloe dito. "Nawawalang kapatid niya ako, guys. Ano? Sasama ba kayo o sasama?" Nailing-iling na lamang ako. "Sige, brad, para miss ko nang maggala-gala," sagot ni Dexter kaya um-oo na rin 'yong iba pati ako. Maaari 'tong makatulong kay Dexter para malibang siya ay tsaka parang ang sarap malanghap 'yong hangin ngayon dahil magde-december na. "Dami niyo pang sinasabi, sasama din naman kayo." "Demonyo ka, eh." Natawa naman kami sa sagot ni Chloe dito. Exactly. 'Yon ang nasa isip ko. Nagpulasan na kami isa-isa dahil nagsimula nang mag-away si Chloe at Cedric. Bahala kayo nga kayo d'yan. "Anong kulay suot mo mamaya?" tanong ni Chloe nang pauwi na kami. Finally, nagsabay din kami. Maaga ako nag-out ngayon at wala naman siyang date. May lakad din naman kasi kami mamaya. "Hindi ko pa alam. Bakit?" "Color coding sana tayo. Chat ko sila sa GC." "Color coding? Badoy mo, Chloweta. Ano ka kinder?" "Uso kaya 'yon ngayon." Daming alam, oh. Hindi naman na bagets ang gaga. "Oh, anong kulay naman naisip mo?" tanong ko dito. "Red?" sagot nito. "Bakit red?" natatawang tanong ko dito. "Eh, 'di ba, malapit na christmas?" Anong connect wala pa namang christmas. Badoy talaga ng babaeng 'to. "Nand'yan na si Papa. Sasabay ka ba sa amin?" Nakita ko kasing parating na 'yong car namin. "Oo naman, bessy. Sayang pamasahe, eh," wika nito at nauna pang sumakay. Iiling-iling nalang ako rito. Pagdating sa bahay ay namili kaagad ako ng damit. Pagbigyan ko na nga si Chloweta. Napili ko ang isang polo long sleeve dark red with black stripe tsaka jeans. Okay na 'to. "May date, 'yan?" bungad pa nga nang kapatid ko nang makababa ako. Inirapan ko naman ito. "Kasama ko mga kaibigan ko," sagot ko dito. "'Ma, may date si Ate!" Hindi pa nakuntento at sinabi 'yon kay Mama na abala manuod ng drama. "Hoy, kasama ko lang mga friends ko!" Balak ko na sana itong lapitan para batukan nang makatakbo na ito sa hagdan. "Ate, pasalubong ko, ah! Burger lang! 'Yong sa unang kagat, tinapay pa rin kaagad!" natatawang wika nito bago umakyat. Natawa naman ako. Pinagsasabi n'on. Narinig ko naman 'yong busina sa labas. Mukhang nand'yan na sila. "'Ma, alis na ako," wika ko kay Mama na mukhang abalang-abala talaga sa panonood ng drama. "Ingat. 'Yong sinabi ko sa'yo, ah." Anong sinabi? Naalala ko naman 'yong sinabi niya no'ng nakaraang araw na akala mo drama. Amppp. Mama talaga. Sinundo nalang ako nila Sir Grey kasabay ang kotse ni Cedric. Kaming dalawa ni Chloe doon sa Car ni Sir Grey habang si Aira at Dexter naman sasakyan ni Cedric. Mukhang nauto nga ang lahat ni Chloe dahil lahat naka-pula pero ang mas nakakagulat ay 'yong suot ni Sir Grey. Parang terno ng suot ko. Iba tuloy 'yong ngiti ni Chloe. Sana pala hindi nalang ako nagpauto kay Chloe. Asar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD