"Kumusta naman 'yong date niyo ni Sir kahapon?" Si Chloweta na ang aga-aga mambulabog sa desk ko.
"Anong date ang sinasabi mo? Walang gano'n." Sinabi ko nang hindi date 'yon, eh.
Nagkape at nagka-usap lang naman kami ni Sir Grey at kahit papaano ay gumaan ang loob ko nang makapag-sorry ako dito.
"Hindi mo man lang ako in-update sa date niyo ni Sir?" Sinamaan ko naman ang makulit na 'yon na si Chloe.
Teka lang, may kasalanan pa pala 'tong babaeng 'to sa akin, ah.
"Oo nga pala. Hindi ba na-kwento mo sa akin kahapon 'yong nangyari no'ng nasa bar tayo, bakit sinabi mong sinampal ko Sir?" Mukhang nagulat ito sa tanong ko. Ayan. Dagdag pa.
"Ah— Eh— Bessy, kita nalang tayo sa canteen. Magbanyo lang ako, wait."
"Hoy!" Tinawag ko ito ngunit dali-dali na itong nakatakbo.
Ang galing lang talaga tumakas ng babaetang 'yon. Mamaya ka.
Nang makarating ako ng canteen ay nandoon na silang lahat pati si Sir Grey. Nandoon na rin ang magaling kong bestfriend na si Chloe.
Tinapik ko naman ang ulo ni Chloe nang mapadaan ako malapit dito. Dapat batok 'yon, eh.
Umupo na ako at ang natitirang upuan ay sa tabi ni Sir Grey. Kita ko na naman ang mapang-asar na ngiti ni Chloe. Kahit kailan talaga.
Um-order na kami ng pagkain namin at si Cedric na ang nagpresentang bumili. Ako lang talaga 'yong tamad tumayo para um-order dito.
May napansin naman ako sa mesa namin. Parang tahimik 'yong isang parrot. Kasi itong mga kasama ko o kaibigan ko, daig pa nila ang parrot sa pag-iingay. Si Dexter ay tahimik na nakasulyap sa phone nito. Pansin ko din ang panlalalim ng mata nito. Kinalabit naman ako ni Aira at binulungan nito.
"Mukhang problemado 'yang isang 'yan." Tukoy niya kay Dexter. Magkapitbahay kasi ang mga ito kaya mas close si Aira dito.
Straight si Dexter, katulad ni Cedric, ah. Sadyang close lang talaga ang mga ito sa amin.
Napabuntong-hininga pa nito ng malalim habang nakatingin sa phone nito. Tinanong ko naman si Aira kung anong problema nito pero hindi niya rin daw alam.
Napakamot nalang ako ng nuo ko. Parang awkward akong itanong kung anong problema nito dito.
Kinuha ko naman ang phone ko at nag-isip ng paraan.
I chatted him. Tinanong ko siya kung may problema ba siya.
Kapag may kaibigan at nakita mong problemado, kahit na hindi siya nag-open sa'yo dapat tatanungin mo pa rin siya.
Napatingin naman ito sa akin. Maaaring nabasa niya na 'yong message ko.
Kita ko naman ang lungkot ng mata nito. I think mayroon nga. Nakumpirma ko naman na tama ako nang mag-reply ito.
"Hindi okay pero kakayanin, Yans." Nalungkot naman ako sa reply nito.
"Share mo lang 'yan, Dex, nang 'di mabigat. Nandito lang kami."
Piniem ko naman silang lahat sa nalaman ko kay Dexter maliban kay Sir Grey. Hindi naman kami close, 'no. Bakit ba.
Sinabi ko nalang din sa kanila na bantayan si Dexter lalo na si Aira dahil kapit-bahay lang naman sila.
Lumipas ang araw at palala ng pala ang pagiging malungkutin ni Dexter. Minsan nalang din ito pumasok ng office na hindi naman nito ginagawa dati.
Isang gabi no'n nang makatanggap ako ng message kay Aira. Pinapapunta kami nito kung saan nakatira sila Dexter at dali-dali naman akong nagpunta pagkatapos magpaalam kay Mama at Papa.
Pagdating ko sa kanila ay nandoon na lahat. Pati si Sir Grey. Grabe 'yong kaba ko habang nasa byahe. Baka kasi kung ano na 'yong nangyari.
Natagpuan namin si Dexter na nasa Sofa at nakayuko. Makalat ang apartment nito at nagkalat ang mga sira at basag na gamit.
"Brad, nandito na kami. Ano bang nangyari?" tanong ni Cedric dito.
Napatingin naman ito sa amin at halata ang pamumugto ng mata nito.
Hindi ko alam pero parang bumalik 'yong ala-ala no'ng panahong wasak din ako dahil sa pang-iiwan ng ex ko. Naiiyak na rin tuloy ako.
"Brad—" naiiyak na bulalas nito.
"B-brad.. Si Iya, wala na siya, iniwan niya na ako.." Tukoy nito sa girlfriend nito. Na-meet na namin iyon at sa pagkakaalam ko ay matagal na sila no'n.
"Brad, hindi ganyan. Kung gusto mo pag-usapan nating lahat 'yan. Nandito lang kami. Mag-ayos kana. Iinom pa tayo," ani Cedric dito.
Maya-maya ay tumigil ito sa pag-iyak. "Sige na, brad, magbihis ka na. Magluluto pa si Aira ng pulutan." Mukhang nakinig naman ito kay Cedric dahil tumayo ito at naglakad papunta sa kwarto nito.
"Kayo muna d'yan, ah. Tignan ko lang 'yong isa." Paalam ni Cedric bago sundan si Dexter.
Natahimik naman ako at tinulungan nalang silang magligpit sa mga kalat sa apartment ni Dexter.
"Ako nalang ang bibili, girls, kung may ipapabili kayo." Presenta ni Sir Grey. Tamang-tama dahil kailangang magluto ni Aira.
Nagpabili na kami sa kanya ng mga kailangang bilhin. Dito na rin siguro kami matutulog kaya magpapaalam na ako kay Mama at Papa.
Sasamahan namin 'yong isa, eh. Mahirap iwan 'yong ganyan.
Naalala ko tuloy 'yong sarili ko dati. 'Yong tipong wala na akong gana sa lahat. Ni wala akong maayos na kain o tulog no'n. 'Yong tipong araw-araw mong paulit-ulit tatanungin 'yong sarili mo kung anong mali sa'yo, kung anong kulang sa'yo. Nakaka-down sobra.
Maya-maya ay lumabas na si Dexter mula sa room niya at bagong ligo ito. Mabuti naman at nakinig ito kay Cedric. Ako kasi no'ng broken hearted ako mas matigas ang ulo ko. Hindi ako basta-basta nakikinig. Kung hindi ko nga pinilit ayusin 'yong sarili ko no'n, baka baliw na ako ngayon.
Maya-maya ay dumating na rin si Sir Grey dala-dala 'yong paper bags nang mga pinamili nito. Agad naman akong lumapit kay Aira para tulungan siyang mag-ayos n'on.
"Sir Grey, hindi ba nakakahiya. Naabala ka pa namin," wika ni Aira dito.
"No. It's okay, guys. Hindi kayo abala sa akin. Mga friends ko na kaya kayo. Remember?" Friends daw. Kailan pa?
Pagkatapos magluto ni Aira ay tinawag niya muna ang lahat para kumain ng dinner. Dinner muna raw bago inom. Actually tapos na akong mag dinner pero ito sasabayan naming kumain si Dexter para naman kumain siya kahit kaunti lang.
Pagkatapos namin kumain ay naghanda na kami para uminom. Oo. Inom na naman. Utang-uta na akong uminom but we need to do this para samahan ang kaibigan namin. Hindi naman laging masamang uminom lalo na kung 'yon ang way para mailabas lahat ng nasa loob mo.
"Now, pwede ka na bang mag-kwento, Dex? Kung kaya muna" tanong ni Cedric dito.
Mahirap kasi nang hindi nalalabas 'yong nasa loob mo at walang nakikinig sa'yo. Mas masakit 'yon at aatakihin ka talaga ng anxiety.
Naiiyak na sumisinghot-singhot ito. "S-si Iya, brad. Iniwan niya na ako. W-wala na kami. H-hindi niya na raw ako mahal, eh." Pain. Sabi ko na kasi, wala talagang forever.
"Na fall out of love daw siya. Ano ba 'yon. Totoo ba 'yong gano'n? Tinanong ko siya kung may iba na ba siya. Wala daw, nagising nalang daw siya isang araw na wala na. Wala na siyang maramdaman na pagmamahal bilang partner sa akin. Napaka-imposible naman ng gano'n, 'di ba? Paano siya na fall out of love kung ganitong mahal na mahal ko naman siya?" humahagulgol na tanong nito.
Natahimik naman kami. Dama namin 'yong sakit na nararamdaman niya.
Grabe. Dama ko 'yong bigat.
Bakit nga ba napo-fall-out of love ang isang tao?
'Yong okay naman kayo tapos one day ka-boom bigla nalang niya sinabi sa'yong na fall-out of love siya.
Ang sakit n'on, although iba 'yong experienced ko pero parang ang lapit lang.
"Sa tingin mo ba may iba siya?" tanong ni Cedric dito.
Naiiyak na umiling-iling ito.
"H-hindi ko alam, eh, pero ang sabi niya sa akin wala at t'wing kasama ko siya, wala naman akong napapansin na iba," sagot nito
Gano'n din naman dati 'yong ex kong multo, wala akong napapansing kakaiba pero ayon nga, nawala nalang na parang bula.
Ang talented lang nila sa pagiging gano'n.
"Nag-usap na ba kayo?" tanong ni Sir Grey dito.
Umiling naman si Dexter. "H-hindi matino 'yong pag-uusap namin kasi hindi ko siya maintindihan. Kung bakit nagkagano'n."
"Mas better kasi kung mag-uusap kayo kung handa na kayo pareho kasi kayo lang makakasagot sa isa't-isa kung ano ba talaga 'yong problema pero kung totoo man 'yong fall-out of love, brad. I think ngayon palang wala ka nang ibang choice kung 'di tanggapin 'yon kahit mahirap." Malungkot na tapik pa nito sa balikat ni Dexter.
"Falling out of love is not a choice, tingin ko lang naman. Kasi kung may choice tayo, bakit naman natin pipilitin i-unlove 'yong taong mahal na mahal tayo, 'di ba? Except lang doon sa mga taong ginagawang dahilan 'yong fall-out of love para lang makawala sa partner nila."
Ang lalim naman ni Sir Grey pero may point siya pero ang nasa isip ko doon? What's the reason? Hindi pwedeng walang rason kung bakit siya na-fall-out of love.
"Marami kasing reason 'yong fall-out of love. Cliche reasons na 'yong hindi na masaya, wala ng spark pero sa'yo may sinabi ba siya sa'yong reason or may alam ka bang pwedeng dahilan?" tanong ni Sir Grey na gusto ko ring itanong.
"Okay naman kami. May time nga lang na madalas kaming nag-aaway pero naaayos naman namin. Ewan ko ba kung isa 'yon sa reason pero wala lang naman sa akin 'yon, eh."
May lamat naman pala.
"Madalas hindi natin napapansin na sa simpleng away lang with our partner ang laki na pala ng epekto sa kanila n'on. Kasi magkakaiba naman ng personalities 'yong tao kaya kung sa'yo wala lang 'yon, baka sa kanya malaki ang epekto n'on? Baka lang naman, ah? Kaya nga mas okay na makapag-usap kayo kapag ready na kayo pareho." Para kaming listeners sa radyo na nakikinig lang kay Sir Grey.
Wala din naman akong ma-say kasi alam ko sa ganitong issue, one sided ako.
Pasensiya naman na. Kaibigan ko 'yong nasaktan, eh.
"So sana soon maging okay ka, brad. Sa ngayon pakatatag ka muna. H'wag mo hayaang lamunan ka nang lungkot, kailangan mong magpatuloy dahil hindi lang naman sa iisang tao pwedeng umikot ang mundo natin. Kaya mo 'yan. Nandito kami. Tutulungan ka namin." Lalo naman itong napaiyak sa sinabi ni Sir Grey. Maging ako ay naiyak na rin.
Alam ko kasi kung gaano kasakit 'yon and syempre naaawa din ako kay Dexter pero tama naman si Sir Grey kailangang magpatuloy even without that person anymore.
Maya-maya nakatulog din si Dexter sa sofa. Naawa kami sa lagay nito. Ang layo nito sa Dexter na kilala namin na sobrang masayahin at joker.
Pagkatapos magligpit ay natulog na rin kami. Sa kwarto kaming mga girls, at sa sala naman 'yong mga boys. Dalawa naman 'yong kwarto dito sa apartment at magkakasama kaming girls sa iisang kwarto.
"Nakakaawa si Dexter, 'no?" Si Chloe.
"Yes pero wala naman tayong magagawa kung nangyari 'yon. Tama si Sir Grey. Kailangang tanggapin dahil wala namang ibang choice. Hindi natin pwede ipilit 'yong hindi na talaga pwede."
Inayos ko na 'yong higaan namin at nakikinig lang ako sa kanila. Unlike Dexter never naman ako nagpilit pero ang masakit doon ay araw-araw kong naaalala 'yong nangyari.
Nakaka-trauma. Sobra.
Nang magising kami kinabukasan ay nagluto ulit si Aira para makakakain na kami at makauwi sa mga bahay namin. Aga nga namin nagising, eh. May pasok din kasi sa office.
Nakapasok naman kami maliban kay Dexter na papahinga muna. Nagpasalamat ito sa amin. Naka-monitor pa rin naman kami sa kanya dahil baka kung anong gawin nito.
Sana makapag-isip siya ng maayos.
Medyo antok pa ako sa work dahil nga sa nangyari kagabi. Maaga nalang siguro akong matutulog mamaya.
Nag-message ako kay Papa nang uwian dahil nasa may shed na ako. Nagpasya akong agahan ang uwi ngayon dahil sa antok.
Parang uulan dahil sa itim ng kalangitan at tama nga ako dahil bumagsak na naman ang napakalakas na ulan.
Ang malas ko naman palagi. Lagi nalang akong sinasabayan ng ulan kapag pauwi na ako.
Nag-reply kaagad si Papa na hindi ako nito masusundo dahil may important client itong dumating.
Naman, oh.
Ngayon pa talaga, oh. Ang lakas kasi ng ulan at tumatalamsik na dito sa sinisilungan ko. Bigla namang may naramdaman akong presensya sa tabi ko kaya't lumingon ako roon at gulat nang makita kung sino 'yon.
Si Sir Grey.
Na naman.
"Ang lakas ng ulan, eh. Hatid na kita?" parang nakikiusap pa na wika nito. May bitbit din pala itong puting payong.
Hindi ako masusundo ni Papa. Hassle din sumakay dahil wala na naman akong dalang payong.
Napakamot nalang ako ng ulo. "N-nakakahiya naman po, Sir." Nahiya pa, oh.
"No. Okay lang. Tara na." Binuksan na nito ang payong nito habang hinihintay ako.
Mapilit, eh. Sige na nga.
Sumilong na ako sa payong nito at ngumiti lang ito sa akin.
Nandito na pala kami sa parking area at pumasok na sa sasakyan niya na kulay Gray. Grey may-ari, gray din car.
Nag-drive na ito at napatingin naman ako sa kamay nito. Ang haba, eh. Tapos ang kinis.
"Okay ka lang?" Agad namang nabaling ang tingin ko dito nang magtanong ito.
"O-okay lang, Sir." Bakit kasi nakatitig sa kamay Yana?
" Nga pala, kumusta araw mo? Hindi ka ba inantok?" Napatingin naman ako dito sa tanong nito.
Parang laging sinasabi ng lalaking 'to na antukin ako.
"I mean 'di ba, puyat tayo kagabi dahil nag-inom tayo kina Dexter." Hindi kasi inaayos ang tanong, eh.
"Ah, ayos lang naman, Sir. Hindi naman po ako inaantok." Antok na antok lang. Sumabay pa 'yong weather ngayon.
"Kape tayo? Okay kang ba? Ako rin kasi medyo bangag pa dahil kagabi." Kape daw? Parang nangyari na 'to no'ng nakaraang araw, ah.
Pero hindi siya ang nag-aya kung 'di ako pero ginawa ko lang 'yon para mag-sorry.
"Okay lang ba? Saglit lang sana or kung 'di pwede mag take-out lang ako." Mukhang kapeng-kape na talaga siya.
"'Di okay lang, Sir. Coffee shop muna tayo." Masyado naman akong mag-iinarte kung tatanggi pa ako.
"Anong sa'yo? Ako naman manlelebre sa'yo."
Green tea frappe lang ang in-order ko. Habang sa kanya naman ay hot brewed coffee.
Niyaya pa nga ako nito na um-order pa pero sabi ko busog pa ako and dinner na rin kasing mamaya sa bahay.
"Pasensya kana, ah. Naabala ko pa tuloy oras mo."
"No. Okay lang, Sir. Ako nga dapat mag-thank you sa lebre, eh." Marunong naman ako mag-thank you kahit inis ako sa tao.
Kahit paano ay comportable na akong kausapin siya. Hindi tulad dati na super naiilang talaga ako.
"By the way, dapat palagi kang nakangiti." Napatingin naman ako rito sa sinabi nito.
"Mas maganda ka kasi kapag nakangiti ka."
Nagulat naman akong sa sinabi nito. Alam ko namang maganda ako, nakasimangot man ako o nakangiti pero bakit gano'n? Natuwa ako sa sinabi niya.
"T-thank you, Sir." Wala na akong masabi. Speechless ako sa mas maganda.
Matagal ko nang alam na magandang ako pero ang sarap pa rin pala pakinggan galing sa iba.
Ngumiti lang ito.
"Can i ask you?" tanong nito.
"A-ano po 'yon, Sir?" Ano naman kaya?
Natawa naman ito.
"By the way, kapag nasa labas tayo, wag niyo na akong tawaging Sir. Call me Grey nalang, okay?" Ayaw niya nang patawag ng Sir.
"'Yong tanong ko nga pala." Ano kayang itatanong niya?
Naghintay naman ako ng tanong nito.
"Can we be friends?" Huh?