Chapter 6

2297 Words
Kahit masakit ang ulo at katawan ay pinilit kong bumangon para pumasok nang araw na 'yon. Isang araw ang nakalipas no'ng uminom kami pero ito pa rin epekto sa akin. Palaisipan pa rin ang nangyari sa akin no'n lalo na't kinukulit ako ni Chloe sa phone kung naalala ko daw ba nangyari no'n pagkatapos ay tatawa. Ano kaya 'yon? May ginawa ba ako? Awit. Hindi ko kasi maalala. Mamaya sa akin 'yong babaeng 'yon, ayaw pa kasing sabihin, eh. Sa office nalang daw niya sasabihin. Pa-thrill effect pa ang gaga. Napahawak sa ulo ko at napapapikit nang nasa sasakyan na at nasa byahe. Ano 'yong ginawa ko? Bakit parang pumipitik-pitik sa ala-ala ko na kasayaw ko si Sir Grey no'n? Parang gusto ko tuloy yugyugin 'yong sarili ko para maalala ko lahat ng nangyari. Kung totoo man 'yon. Lintek. Hindi na yata ako iinom. Ano ba kasing ginawa mo no'n, Yana?! Masasagot lang 'to mamaya. Masasakal ko talaga 'yong babaeng 'yon kapag hindi sinabi sa akin lahat. Parang nahihiya pa nga ako pumasok pero sige lang. Kung nakakahiya man 'yong ginawa ko no'n. Eh 'di, pasensya by moira. Medyo kabado na ako nang makapasok ako ng building namin at titingin-tingin din sa mga taong nakakasalubong o nakakatabi ko. Ewan ko ba. Parang bigla akong nahiya kay Sir Grey. Nakahinga naman ako ng maayos nang makarating sa office. Imbes dumiresyo sa desk ko ay una kong pinuntahan si Chloe. Kailangan ko na talagang malaman ang lahat. Naabutan ko na naman itong prenteng nakaupo at abala na naman sa phone nito pero agad naman ako nitong napansin nito. Kakaibang ngiti ang ibinigay nito sa akin nang makita ako. 'Yong ngiting parang nang-aasar at may maitim na balak. "Sige. Ngiti pa. Ano ba kasi 'yon?" Hindi ko napigilang itanong kaagad. "Hindi mo talaga matandaan?" natatawang tanong pa nito. Hala siya. Paulit-ulit. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" Naiirita na ako, ah. Ayaw pa sabihin. "Hindi mo nga talaga matandaan?!" natatawa ulit na tanong nito. Ang kulit, huh? Sinamaan ko na ito ng tingin at natawa naman ito. Parang ang sarap manakal. "Oo na. Oo na." Mukhang tuwang-tuwa pa ito sa pagkaasar ko. "Hindi mo matandaang hinila mo si Sir Grey no'n sa babaeng kasayaw niya sa dance floor para isayaw. Ang wild, dzai! Nakipagtalo ka pa nga sa doon sa babae, eh." Nakipagtalo? Ako? Para lang sa lalaking 'yon? Isang malaking kahibangan. Pero what? Tama pala talaga 'yong nagpa-flashback sa utak ko? Parang biglang gusto kong magtago kung saan basta ba malayo sa kanila at sa lalaking 'yon. Bakit mo kasi ginawa mo 'yon, self? Maoy pa. "S-sure ka ba d'yan?" Baka sakaling niloloko lang ako ng babaetang 'to at hindi naman pala totoo ang lahat. Tumango naman ito. "Yep at sinukahan mo rin pala siya no'ng pauwi na tayo." W-what?! Napakamot naman ako sa nuo ko at napakagat ng labi. Ano nang gagawin ko? Saan ako dadaan nito palabas ng office? Eh, kung tumalon nalang kaya ako sa bintana? "Hoy! Sira. H'wag kang mag-over think d'yan. Kabadong-kabado ka naman. Okay lang naman daw kay Sir Grey 'yong ginawa mo. Normal lang daw 'yon sa lasing." Alin ang normal doon? Ang abnormal ko kaya no'ng oras na 'yon. "Hoy. Okay ka pa ba? Ganito nalang, girl. May payo ako para sa nakakahiyang ginawa mo." Oh, 'di ba. Nakakahiya talaga. "A-ano?" Bakit ba kasi napadami ang inom ko no'n? "Kung yayain mo kaya si Sir mag-kape, mag-lunch or dinner nalang tapos hingi ka ng sorry? What do you think?" Parang gusto kong sunggaban ang ang payo nito pero bakit ko naman yayayain 'yong lalaking 'yon? Baka mamaya isipin niya type ko siya! "Parang ayoko." Ayoko talaga. "Hala. Pabebe. Magso-sorry kalang naman, ah. Eh 'di, kung ayaw mo harapin mo 'yong tao at mag-sorry ka." Ayoko rin. "H'wag na siguro." Okay lang naman siguro 'yon. Gaya nga ng sabi niya ay lasing lang ako no'n. Kung alam ko lang ang ginagawa ko no'ng time na 'yon ay never kong gagawin 'yon. "Ikaw bahala pero ang sakit n'ong sampal mo kay Sir no'n, ah?" A-anong sampal? Akala ko ba— Napatingin naman kaagad ako dito sa sinabi nito. "Oo nga pala. Nakalimutan ko ring sabihin na sinampal mo Sir Grey no'n. Ang lakas nga, eh. Rinig na rinig namin kahit may music." Napakamot nalang ako nang nuo sa pagkadismaya ko sa sarili ko. "Ano pang ginawa ko?" Hindi pa kasi sabihin lahat para isang hiyaan nalang. "Wala naman na. 'Yon lang." Mabuti naman. Akala ko mayroon pa siyang gustong idagdag, eh. Nang working time nga ay talagang nakatutok lang ako sa work pero sa totoo lang ay lutang ako no'n at iniisip ko pa rin 'yong mga pinagagagawa ko na hindi ko matandaan. "Tara na?" Si Chloe na mismo ang nag-aya sa akin at dumaan sa desk ko no'ng lunch time na 'yon dahil sa totoo lang ay parang ayoko ng tumayo sa upuan ko. "Kain na tayo at pag-usapan natin 'yan problema mo. Lebre kita! Arat!" Kung kanina ay para akong down na down sa hiya ngayon ay medyo okay na ako. The best talagang kaibigan 'tong babaeng 'to kahit madalas marupok. Alam na alam kung paano pagaanin ang loob ko. "Hindi naman big deal kay Sir 'yong ginawa mo pero kung gusto mo lang naman pwede mong sundin 'yong payo ko para naman makabawi ka sa kabaitan ni Sir." Paano naging mabait 'yon, eh, lasing lang naman ako no'n? "H'wag kang magmaldita d'yan. Si Sir din ang bumuhat sa'yo sa car no'ng nag-passed out ka." Napatingin naman ako kay Chloe. Nagpapa-konsensya ang gaga. "Alam namin kung gaano ka kabigat kaya walang gustong magbuhat sa'yo kaya si Sir na ang nagpresenta tapos susukahan mo lang 'yong tao." Inirapan ko nalang ito sa mga pinagsasabi nito pero parang may naramdaman akong kung ano sa dibdib ko. "Tapos sorry lang hindi mo magawa?" Parang ito pa ang galit. "Oo na. Oo na." Ang kulit. "Anong oo na?" takang tanong nito. Ano bang topic namin? "Oo na. Magso-sorry na ako at ite-treat ko siya mamaya ng coffee. Okay na?" Nagtaka naman ako dahil parang ang saya nito sa sagot ko at nakangiti pa. Mang-asar pa nga. "Hindi 'yon date, ah?" Maigi nang malinaw. "Wala naman akong sinasabi, ah, at tsaka bakit sa akin mo sinasabi 'yan?" natatawang tanong nito. "Wala lang. Para lang alam niyo. Magso-sorry lang ako at hindi 'yon date." Para maliwanag. Tatango-tango naman ito pero mukhang natatawa pa rin. Amppp. Nakarating naman sa canteen pero ayon nahihiya pa rin talaga ako. Ini-imagine ko palang 'yong pinagagawa ko noon, parang gusto ko nang isuka 'yong sarili ko. "Nice, Yana." Kantiyaw ni Aira hanggang sa sumunod na rin ang iba. Inirapan ko nalang ang mga ito at kumain nalang. Mamaya kayo sa akin. "Ano ba kayo, guys. Okay lang 'yon. H'wag niyo ng tuksuhin 'tong si Yana." Hindi ko alam pero mas nahiya ako sa kanya dahil sa pagtatanggol niya sa akin ngayon. Hindi ko tuloy siya matarayan sa utak ngayong araw. Hindi ko pa pala siya naaaya? Siguro after nalang ng work? But how can i ask on him kung nahihiya ako? Alam ko na. Si Chloe. Nang makabalik kami sa oras ng work namin ay chinat ko si Chloe. I chatted her and asked her kung may mayroon ba siyang number ni Sir Grey. "Ikaw, ah?" Reply nito with a happy emoji pa. Nang-asar na naman ang bruha. "Remember? Kailangan kong mag-sorry sa kanya." Kung ano-anong iniisip. Binigay naman nito 'yong number ni Sir Grey na kaagad kong sinave. Minessage ko na ito at hindi na nagpatumpik-tumpik pa. "Sir? Can we talk? Sa coffee shop lang po sana sa labas. After nalang po office." Binasa ko pa maigi 'yong message ko bago i-send dito. Mini-make sure ko lang na hindi niya mami-misinterpret ang message ko. "Nakakagulat naman pero sure. Sige." Reply nito sa message ko. "Mauna kana." Napadaan kasi sa may desk ko si Chloe kaya sinabihan ko na ito kaagad dahil may lakad ako mamaya. "Hindi naman ako nandito para sunduin ka, eh. Nandito ako para i-cheer ka sa date mo mamaya. Goodluck, ah. Galingan mo." What? Anong date? "Anong date pinagsasabi mo? Lalabas lang kami pero hindi 'yon date." Hindi na nito pinakinggan ang sagot ko at sa halip ay kakaway-kaway na ito at naglakad na ito paalis. Ang kulit lang talaga ng babaeng 'yon. "Hi." Nandito na pala si Sir Grey. Inantay ko kasi siya dito sa may elevator no'ng sinabi niyang patapos na siya sa ginagawa niya. Kasabay ko na siya ngayon at— Kaming dalawa lang ang nasa elevator. Nasaan na kaya 'yong ibang empleyado? Tinignan ko naman 'yong orasan ko sa braso. Medyo late na rin kasi. Dalawa lang kami dito at may CCTV dito kaya kung sakaling may gagawin siya sa akin dito ay mag-isip na siya. 'Yon talaga ang naisip 'no? "'Ay. Sh—!" Napamura ako dahil bigla ba namang namatay 'yong ilaw ng elevator. Napapikit kaagad ako no'n. Ayoko sa madilim, hindi ko pa pala nasasabi. Kahit no'ng bata pa ako, everytime na magba-brown out ay naiiyak na ako although kaya ko namang maglakad sa dilim pero takot talaga ako. "Yana? Okay kalang? Lapit ka sa akin." Tinig iyon ni Sir Grey. Alam ko naman kung saan banda 'yong pwesto kaya dahan-dahang lumapit ako sa kanya. Ayoko munang paganahin ang pag-iinarte ko dahil mas nangingibabaw ang takot ko nang mga oras na 'yon. Paano kung ma-stock na kami dito? Hindi na kami makahinga at tuluyang mamatay? Itong lalaki pa 'to ang kasama ko? Ebarg naman n'on. Iniwan na nga ako, mamatay pa ako sa loob ng elevator kasama ng lalaking kamukha ng ex ko. Grabe talaga 'yon. "Okay kalang ba? Kapit kalang sa sa akin." Si Sir Grey na mismo ang humawak ng kamay ko. Para namang may naramdaman akong kakaiba nang hawakan nito ang kamay ko. Huminga ako ng malalim at kahit paano ay naging okay ang pakiramdam ko. "Upo tayo?" wika nito at maya-maya ay may liwanag na tumama sa mukha ko. Phone pala ni Sir Grey. Oo nga pala. Ang shonga. Nakalimutan ko 'yong phone ko dahil sa takot. Kinapa ko rin 'yong phone ko at tinignan iyon. "Upo muna tayo?" tatawag ako sa pwedeng matawagan para makalabas tayo kaagad." Yaya nito sa akin at umupo na ito sa may tabi sa lapag. Maya-maya ay rinig kong may kausap ito at maya-maya rin ay nagka-ilaw na 'yong elevator at umandar na ulit. "Alam pala nila kaya inayos nila kaagad." Tumayo na ito sa pagkaka-upo at tumayo na rin ako. "Okay ka lang ba?" tanong nito nang makalabas kami nang elevator. Tumango naman ako bilang sagot dito. "Sure? Pwede naman kitang ihatid sa inyo if you're not." Kita ko talaga sa mukha nito ang pag-aalala. Natakot lang naman ako but that's not mean na traumatic na sa akin 'yon. Mas trauma pa rin 'yong maiwan. "Hindi, Sir. Okay lang talaga ako. Punta na tayo ng coffee shop." Ayos lang naman ako. Kulang lang 'to sa kape. Awit. Pagdating ng coffee shop ay ako na ang nagpresentang um-order at tinanong ko nalang kung anong gusto ni Sir. Nag-abot pa ito ng pera ngunit kaagad ko itong tinanggihan. "Ako na, Sir. Treat ko po." "Oh, thank you. Ano nga palang mayroon?" tanong nito. Napahinga ako ng malalim bago into sagutin. "Actually, Sir, gusto ko lang po sanang mag-sorry. 'Yong nangyari sa bar. W-wala akong matandaan. Sinabi lang sa akin ni Chloe lahat ng ginawa ko no'n at sobrang nahihiya po ako. Pasensiya na." Napalunok nalang ako nang masabi ko na 'yon. Nagulat naman ako nang ngumiti lang ito. "Ano ka ba, okay lang 'yon. Hindi naman big deal para sa akin 'yon and your friends told me na hindi ka naman daw gano'n kapag nakainom. Baka lang talaga naparami ka nang inom no'ng araw na 'yon." Hindi na talaga iinom ng sobra simula ngayon na tipong kapag nakaramdam na ako ng hilo, stop na. Nakakahiya, eh. "Pasensiya na talaga, Sir, lalo na kung nasampal din kita no'n—" "Nasampal?" takang tanong nito. "Oo, Sir. H-hindi ba kita nasampal no'n?" Hindi ba? Natawa naman ito. "No. Hindi mo naman ako sinampal no'n. Ang nangyari lang naman no'n, nagsayaw tayo sa dancefloor tapos nakasagutan mo 'yong girl na sumama sa atin." Natatawa pa ito habang ikine-kwento 'yon. May nakaaway pala talaga ako? Sure akong na 'yong girl na may malaking pakwan 'yon. "Then no'ng pauwi na tayo, nasukahan mo ako. 'Yon lang naman." So saan nanggaling 'yong sinabi ni Chloe na sinampal ko si Sir Grey? Nako naman. 'Yong babaeng 'yon, oh. Naloko ako, ah. Dumating na 'yong order namin at pinanuod ko lang ito kung paano nito amuyin 'yong kape nito at inumin. Bakit may class sa kanyang tignan? Sa akin kasi pareng nakiki-kape lang sa lamay. Pinagmasdan ko naman ang mukha nito. May hawig sa ex ko pero parang habang tumatagal ay nag-iiba ang tingin ko dito. Sobrang layo ng personality nila. "Okay ka lang ba? May dumi ba ako sa mukha?" Ay, letse! Nakatitig na pala ako sa kanya. Umiling ako dito. "W-wala naman, Sir." Ayan. Titig pa, Yana! Pagkatapos naming mag-kape ni Sir Grey ay nagyaya na ako kung pwedeng umuwi. Message ko muna si Papa na sunduin ako. "Hatid na kita." Napalingon naman ako rito sa sinabi nito. Nandito na kasi kami sa labas at pabalik na nang building namin. "N-nako, h'wag na, Sir." Mahirap na. Baka kung anong sabihin sa bahay. "No. I insist. Gabi na rin, eh, at tsaka aabalahin mo pa ba 'yong susundo sa'yo, I mean pwede naman kitang ihatid." Para pa itong nakikiusap. Pinag-isipan ko kung ime-message ko pa si Papa. Baka kasi nagpapahinga na 'yon. Sige na nga. "S-sige, Sir. Kung mapilit kayo." Napairap nalang ako patalikod dito. Ngayon lang talaga 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD