bc

THE OBSESSION OF MR. GEORGE DE GUZMAN

book_age18+
4.7K
FOLLOW
41.1K
READ
billionaire
one-night stand
HE
badboy
brave
drama
bxb
campus
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

WARNING; R-18 MATURE READERS ONLY.

George became an alcoholic after his wife died. He got drunk and slept with Jenny, her daughter's Nanny. He got her pregnant causing him to marry her.

Jenny never thought that his cold-hearted boss would be her husband.

Mabait at maalaga si George bilang asawa sa kanya. Kaya naman hindi niya na pigilan ang sarili na mahalin ito. But her husband was still obsessed sa namatay nitong asawa.

And George wants her to look like his ex-wife, simula sa kanyang pagsasalita, pagkilos at maging sa kanyang pananamit ay pinupuna ng asawa niya.

How long would she bear his husband's obsession sa ex-wife nito?

At kahit alam niya na mali ang ginagawa ng asawa niya ay tinitiis pa rin niya ito sa ngalan ng pagmamahal niya rito.

Ngunit paano kung isang araw ay muling bumalik ang asawa nito? May puwang pa ba siya sa puso ni George ngayon nakabalik na ang tunay babae na mahal nito?

May karapatan ba siya na ipaglaban ang asawa niya? Handa ba siyang palayain na lang si George sa piling ng unang pag-ibig nito at tanggapin na lang ang katotohanan na isa lamang siyang panakip butas sa buhay ng asawa niya sa mga gabi na uhaw ito sa kalinga at haplos ng isang asawa...

****

Kahit ilang beses kong pilitin ang aking sarili na ipikit na ang mga mata para makatulog ay hindi ko talaga magawa. Namimiss ko siya at gusto ko siyang makita pero hindi naman maari. Kasama niya si mam Clara... doon sa kwarto na minsang naging akin... Nagsimulang bumigat ang dibdib ko. Kahit masakit. Magbabakasali akong makita ko siya... lumabas ako ng kwarto at lumakad patungo sa kwarto nila. Hinahanap talaga ng sistema ko ang init ng yakap ng asawa ko na ngayon ay hindi ko pala asawa… Nang nasa pinto na ako ay napatigil ako sa akma kong pagkatok. Dapat ko ba silang abalahin dalawa? Alanganing oras na. Sure na tulog na sila sa loob. Lumunok ako at pumihit na lamang patalikod sa nakasarado na pinto. Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko palayo sa pinto pero narinig kong bumukas iyon. Hanggang sa tumigil ang pagtibok ng puso ko ng marinig ko ang boses na kanina ko pa gustong marinig. "Sweetheart..." tawa niya sa akin. "Sweetheart, may kailangan ka ba?" Muli niyang pagsasalita ng hindi ako kumibo sa kanya. Mariing kong ipinikit ang aking mga mata. Gustong gusto kong isagot sa kanya na "oo". May kailangan ako. Ikaw... kasi miss na miss na kita... Pigil ang aking paghinga pati na ang aking paghikbi na sumagot sa kanya pero hindi ako pumihit paharap. Ayokong makita niya ang namumugto kong mga mata. "W-wa...wala... napadaan lang ako..." garalgal ang boses na pagsisinungaling ko. Pumayag ako sa kondisyon ni mam Clara… kaya kahit masakit ay dapat kong tiisin. Isang buwan lang, Jenny. Isang buwan lang… Akama ko na sanang ihahakbang ang aking mga paa palayo sa kanya ngunit mabilis siya na pumunta sa harapan ko saka ako niyakap ng mahigpit. "Sorry, sweetheart, sorry..." sa puntong iyon ay tuluyan ng bumuhos ang luha ko. Sorry? Sorry lang ba sapat na? Sorry lang ba magiging ayos na ang lahat? Sana nga sa simpleng sorry lang ay okay na ako. Wala na yung sakit eh... kaso hindi...

“Ihahatid na kita sa kwarto nyo ni Kyline…” sabi niya at inakay ako patungo sa kwarto ni Kyline at hiniga ako sa kama. “Alam kong hindi ka makatulog dahil nasanay ka ng kayakap ako, kaya sige, matulog ka na dahil tatabihan kita..” humiga siya sa tabi ko at niyakap ako.

“Konting tiis na lang, sweetheart, matatapos din ‘to, promise babawi ako sa ‘yo matapos lang ang problema natin sa kanya…” pigil ang aking luha at nilunok ko ang aking hikbi. Gustong gusto kong maniwala sa kanya… Nasa nga ay matapos na ang lahat ng ito.

“Good night, sweetheart, sige na, matulog ka na.” hinalikan niya ako at niyakap pa ng mahigpit. Parang ang init ng yakap lang talaga niya ang hinahanap ng sistema ko, or pati ng baby sa loob ng tiyan ko kaya naman habang yakap niya ako ay mabilis akong nakatulog.

Naalimpungatan ako ng gising dahil masakit ang aking pantog. Naiihi na ako. Napangiti ako dahil hindi na pala siya lumipat sa kabilang kwarto. Hinaplos ko ang problemado at tulog na tulog na mukha ni sir George.

Magtitiis ako dahil mahal kita… sir George… At hanggang pinaparamdam mo sa akin na ako ang pinili mo kaysa kay mam Clara. Dito lang ako sa ‘yo…

chap-preview
Free preview
Prologue
Kung kailan naman patulog na sana si Jenny ay saka pa siya nakaramdam ng uhaw. Naiinis siya na lumakad palabas ng silid at mabilis na kumuha ng malamig na tubig na maiinom. Pagkatapos niya sa kusina ay muli siyang naglakad pabalik ng silid. Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad ng may marinig siya na nalaglag sa gawi ng opisina ng amo. Mabilis siya na nilukob ng takot sa pag-aakala na pinasok sila ng magnanakaw dahil nakita niya na nakabukas ang malaking glass window. Natatakot siya pero natagpuan niya ang sarili na tumapat sa pinto ng opisina ng amo at pinihit pa bukas ang seradura ng pinto. Hindi humihinga na sinipat niya ang madilim na loob niyon. Napabuga siya ng hangin ng wala naman siyang makita na tao doon. Muli na sana niyang kakabigin pa sara ang pinto nang makarinig siya ng tinig. Malungkot na tinig na nagmumula sa mahigpit na amo. "Ser George?" Sambit niya sa sarili at kinapa ang switch ng ilaw. "Hala!" Aniya sa pagkabigla nang makita ito na nakahiga sa lapag at hawak ang bote ng whisky. "Hay naku, ikaw kasi eh, nang-aangkin ka ng asawa ng iba, 'yan tuloy broken hearted ka! Tsk. Tsk. Hanap ka na lang ng single at pwede sa 'yo tutal mapera at gwapo ka naman eh," sermon niya sa lalaki na hindi makagulapay sa kalasingan. Maingat niya na hinawakan ito upang itayo at ilipat sa visitor's couch na naroon. Pero dahil sa bigat nito ay nasubsob ang mukha niya sa malapad na dibdib nito ng sinubukan niya na itayo ito. Mukha ka palang anghel Ser pag natutulog ka, hays! Ang swerte din talaga ni mam sa 'yo eh, mmm...Pareho kayo ni Attorney na walang tapon! Ang gwapo n'yo kainis! Aniya sa sarili habang inilalayo ang sumubsob na mukha sa dibdib ng amo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natitigan niya ng malapitan ito. Paano naman kasi siya lalapit dito kung laging mainit ang ulo nito sa kanya dala ng kapalpalan niya. Sa unang tapak pa lang niya sa bahay nito bilang babysitter sana ng bata ay nahulog siya sa pool sa kakahabol sa bola ng alaga niya. Eh hindi naman kasi siya marunong lumangoy kaya sa sobrang takot niyang mamatay sa pagkalunod ay nagsisigaw siya para humingi ng tulong. At ang kawawa niyang alaga ay nag-iiyak sa takot dahil sa kanya. Sinagip nga siya ng amo pero muntikan na rin siyang mawalan ng trabaho ng wala sa oras. Mabuti na lang talaga at pinagtanggol siya ni mam Clara kaya hindi siya napaalis. Pero binungangaan pa rin siya ng katakot-takot ng amo niya kaya simula noon ay naging mailap na siya rito. Iyong tipong nanginginig na ang katawan niya sa takot sa tuwing nasa paligid ang amo dala ng labis na kaba na mawalan ng trabaho. Inis na tinaas niya ang isang kilay ng bumalik sa alaala ang ginawang paninermon sa kanya ng lalaki. At pagkuwan ay pinitik niya ito sa tungki ng ilong. Ginalaw naman ni George ang ulo sa ginawa niya na pag pitik dito. "Dapat lang 'yan sa 'yo, ang sungit mo kasi!" Humahagiggig sa tawa na sabi niya sa lalaki at isang beses pa na pinitik ito sa tungki ng ilong, pero hindi naman kalakasan. "Ito last na talaga 'to, panigurado naman ako na bukas masungit ka na namang damuho ka—!" Nanlalaki ang mga mata sa gulat na napatigil siya sa pagsasalita ng hawakan ng amo ang kamay niya saka iyon dinala sa labi at hinalikhalikan! "Miss na miss na kita, asawa ko...Please magpakita ka naman sa akin... miss na miss na kita..." nakapikit na sambit nito sa pagitan ng paulit-ulit na paghalik sa kamay niya. Nanigas ang katawan niya nang maramdaman ang mainit na labi ng amo sa palad niya. Napalunok siya at mas lumaki pa ang mga mata pati na ang butas ng ilong at nagtayuan ang balahibo sa katawan sa sumunod na ginawa nito sa kanya. Nakapikit ang mga mata na kinabig siya ng amo palapit sa katawan nito at pagkatapos ay hinawakan siya sa magkabilang pisngi gamit ang dalawang palad nito saka siya siniil ng mapusok na halik sa labi! OMG! SHOOOOCKS! HINALIKAN NIYA ANG LABI KO! ANG BERGEN KONG LABI PINAGSAMANTALAHAN NIYA! MY GULAY! Lumabas si Jenny mula sa pinto na iika-ika sa paglalakad. LANGHIYA! ANG SAKIT NG ANO KO! Reklamo niya sa sarili habang binabaybay ang daan papunta sa maid's room. Nang makarating siya sa kwarto nila ni Pauline ay kaagad niya na binaksak ang katawan sa kama. ANO BA 'TONG PINASOK MO? JENNY?! ESTE, BAKIT MO HINAYAAN NA PASUKIN KA NG MASUNGIT NA SER MO NA 'YON?! IKAW TALAGA ANG GAGA MO EH 'NO! Patuloy na paninermon niya sa sarili habang paulit-ulit na tinatampal ang noon. Shocks! Sa dami ng lalaki na makakauna sa kanya ay ang napaka sungit at hate na hate pa niya na amo! Langhiya ka talaga Jenny! Patay ka sa lola mo nito! EH PINILIT KO NAMAN TALAGA NA LUMAYO AT KUMAWALA SA KANYA EH. ANG KASO ANG LAKAS NI SER. SAKA...SAKA EWAN! HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG NANGYARI SA AKIN AT NAGAWA KO NA ISUKO ANG BATAAN SA KANYA. HUHUHU! ANG SAKIT TULOY. PAKIRAMDAM KO EH MAGKAKASAKIT AKO SA GINAWA SA AKIN NI SER SUNGIT! NAKAKAINIS, NAPAKA MAPANAKIT TALAGA NG LALAKING 'YON! FIRST TIME KO PA NAMAN, TAPOS KUNG MAKA ANO AKALA MO NAMAN ASAWA NIYA AKO! ANG LAYO KAYA NG ITSURA KO KAY MAM CLARA PARA MAPAGKAMALAN NIYA NA AKO ANG ASAWA NIYA NOH— "Kanina pa kita hinahanap, saan ka ba galing?" Putol na tanong ng kasamahan niya sa pakikipag-usap sa sarili. "Oy, bakit hindi ka sumasagot sa tanong ko? Saan ka ba nagpunta at iniwan mo na bukas ang pinto pati na ang ilaw," "A-ano... Uhm... uminom lang ako ng tubig," pagsisinungaling na sagot niya. Well, half way lang naman ang pagsisinungaling niya dahil totoo naman na uminom lang siya ng tubig at pagkatapos eh ano nakipag ano siya sa ser niya. Kaloka! "Ah, okay, akala ko naman may ginawa ka pa na iba ang tagal mo kasi," Nakagat niya ang ibabang labi sa narinig at tila umurong ang dila kaya hindi siya nakapagsalita. "Sige na patayin mo na 'yung ilaw para makatulog na tayo ulit dahil maaga pa tayo bukas," utos ng kasamahan sa kanya. "Pwede bang ikaw na lang ang magpatay ng ilaw?" "Ngek! Ikaw ang nagbukas niyan 'di ba? Tapos ako pa ang u-utusan mo eh ikaw na ang nandyan sa baba," reklamo ng nito sa kanya dahil tinatamad na rin bumangon. Double-deck bed kasi ang tulugan ng dalawa at nasa itaas na bahagi si Pauline, while Jenny is in the lower part because she's afraid of heights. "Please, Pauline, ikaw na ang mag-off ng ilaw, masakit kasi ang katawan ko." Pakiusap na sabi niya rito. Nakanguso na bumaba si Pauline at ini-off ang ilaw. "Kaloka ka talangang babae ka," reklamo nito habang pumapanig sa taas ng double-deck. "Thank you, Pauline. Ako na lang bukas ang gagawa ng trabaho mo na magpakain ng aso," paglalambing na lang niya kay Pauline. Ayaw kasi nito na nagpapakain ng mga alagang aso dahil takot ito sa dogs. "Hmm! Sinabi mo 'yan ah, sige na matulog na tayo," "Salamat ulit," sagot niya at pinikit na ang mga mata para matulog. Pero kahit anong gawin niya na utos sa sarili na matulog na ay hindi siya dapuan ng antok. Kinapa niya ang makipot na labi na halos higupin na ng boss niya na masungit sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Sumunod naman ay kinapa niya ang dalawang dibdib na pinagsawaan na haplosin at sambahin ng boss niya kanina. At ang pinaka mahalaga sa lahat ay ang bataan niya na sobrang sakit dahil sa ginawa nitong mapusok na pagpasok sa kanya. Napapailing siya sa mga naisip. Ganoon pala ang piling ng first time na makipagtalik. Lutang siya at hindi makalimutan ang tagpo ng buhay niya na iyon. Sobrang sakit sa una pero habang patagal ng patagal ay kakaibang ligaya ang hatid ng bawat labas-masok ng malaki at mataba na ano ng amo niya sa kanya. First time niya na pinagpawisan ng ganun ka grabe sa talambuhay niya. Pawis na hindi naman siya napagod sa gawaing bahay pero pawis na pawis at pagod na pagod ang katawan lupa niya dahil sa ginawa na iyon ng amo niya sa kanya. Now she knows the feeling ng makipagtalik sa isang lalaki na may extravagant sa laki ng ano. At wala siyang masabi kung 'di OMG! LANGHIYA ANG SAKIT! "Oy, Jenny, bumangon ka na diyan dali at 5:00 AM na," narinig niya na gising sa kanya ni Pauline. "Masama ang pakiramdam ko, Pauline. May sakit ata ako," sagot niya rito. Kaagad naman na hinipo siya nito sa noo upang i-check ang body temperature kung mainit ba siya. "Mainit ka nga," sabi nito sa kanya. "Teka, ikukuha kita ng gamot," saglit na iniwan nito si Jenny at pumunta sa kusina upang humingi ng gamot kay Aling Norma. "Ano? May sakit ang batang 'yon? Abay ano na naman ba ang pinaggagawa niya at may sakit na naman siya? Daig niya pa ang amo kung magkasakit ah," reklamo ng matanda. Saglit nitong binilin ang niluluto kay Pauline at kumuha ng gamot. "Bantayan mo 'yang niluluto ko at pupuntahan ko lang ang magaling na batang 'yon," sabi nito saka lumakad papunta sa silid ng dalawa. "May sakit ka nga," usal niya matapos salatin mainit na noo ni Jenny. "Wala ka pang isang buwan dito dalawang beses ka ng nagkakasakit, naku, eneng, pag ganyan ng ganyan ka eh mag resign ka na lang at umuwi sa inyo dahil mukhang hindi ka pang katulong." Wika nito sa nakahiga na si Jenny. Gustong mainis ni Jenny sa matanda. Para kasi itong walang puso dahil nagdedeliryo na nga siya sa taas ng lagnat ay maririnig niya pa ang mga salita na iyon mula sa bibig nito. Kasalanan ba niya na magkasakit siya? Hindi naman eh. "Oh, ito ang paracetamol, inomin mo para mabilis kang gumaling," utos nito sa kanya at nagpaalam na babalik na sa kusina para ipagpatuloy ang pagluluto. "Hay, naku! Ano ba kasing klaseng mga magulang ang mayroon ang batang 'to, bente-tres anyos lang hinayaan nila na pumasok magkatulong ang anak nila? Mga walang awa at i-responsableng mga magulang!" Naiiling na wika ng matanda sa sarili habang lumalakad pabalik ng kusina. Madalas man siyang naiinis dahil sa kapalpakan ni Jenny sa trabaho pero naaawa pa rin siya dito lalo na pag pinapagalitan ito ni George. Kaya naman naging mahigpit siya at masungit siya sa bata para laging isipin na maging maayos sa lahat ng ginagawa sa paninilbihan sa bahay na iyon. *** Nagising si George na masakit ang ulo dala ng sobrang kalasingan kagabi. Sinapo niya ang ulo at napa mura nang mapagtanto na wala siyang saplot sa katawan! "f**k! s**t!" Mura niya sa sarili. So hindi panaginip ang lahat! May sinipingan siyang babae kagabi dala ng kalasingan niya. At isang bagay lang ang sigurado siya na hindi iyon si Clara dahil iniwan niya ito na tulog na tulog kagabi. Naiinis na hinilamus niya ang mukha ng mga palad. Dalawa lang ang kasama nilang kasambahay sa bahay na dalaga. Kaya iyon ang dapat niyang alamin kung sa mga ito ang babae na sinipinagan niya kagabi. Si Jenny ba o si Pauline? f**k! "Kung hindi ka ba naman kasi isa't kalahating tanga! laklakin mo ba naman ang isang bote ng whisky mag-isa? Hay naku, George, nasaan na ba talaga ng utak mo? Nalusaw na dahil sa pag-aasam mo na makuha ang asawa ng Attorney na 'yon?" Tumayo siya at sinamsam ang saplot sa katawan. When he was putting his underwear back, he noticed the red stain left on his manhood. s**t! Means he was the first man sa kung sino man ang sinipingan niya kagabi!. Mas lalo tuloy niyang dapat alamin kung sino ang babae na iyon...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook